Chapter 28 Aira's POV Nagii-sketch lang ako ng makarinig ako ng doorbell. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman inaasahan si Gelo ngayong araw dahil may inaasikaso pa rin siya. Tumayo na lang ako at binuksan ang pinto. "Hi ate." Masiglang bati ni Jenny at nginitian ako. Ngumiti na lang rin ako pabalik kahit nasorpresa ako sa biglaang dalaw niya. Hindi kasi siya nag-iisa. May kasama itong babae. Ito na din siguro ang ina niya dahil magkamukha naman sila. Linuwagan ko ang pintuan at pinapasok sila. "Pasok po kayo. Pasensya na po at medyo magulo." Paumahin ko pero ngumiti lamang sila sa akin. Napansin ko ding may bitbit silang paper bags. Siguro ay kakagaling lang nila sa mall. Inayos ko ang sofa at hinayaang maupo sila dito. "Juice po?" I offered them. The old lady just smiled at me t

