Chapter 40 Aira's POV Sa ospital ako dumiretso ng makarating ako ng Manila. Buti na lang rin at may naimbentong GPS na tumulong sa'akin para bumalik dito. Pagod na pagod ang pakiramdam ko pero kailangan kong asikasuhin ang mga dapat kong gawin dito. Nakita ko naman si Mia sa waiting area sa labas ng ospital kaya agad akong nagpark at bumaba ng sasakyan. "Ate." Salubong niya at hinawakan ang kamay ko. "Si dad? Kamusta siya? Nasaan ang magaling mong ina at kapatid?" Sunod-sunod na tanong ko. Malungkot niya akong tinignan at umiling. "Hindi ko alam kung nasaan sila ate pero si dad ay nasa isang kwarto. Nagtatampo pa siya at ang tigas ng ulo niya. Ayaw pa niyang kumain kanina." Pagsusumbong nito sa'akin. I nodded then walk forward. Mia lead our way until I saw myself standing in front of

