Chapter 15 Aira's POV Hindi ko alam kung paano ko kinayang maligo sa loob ng banyo kanina dahil puro pang-honeymoon ang nandoon. Si Gelo na ang nasa banyo ngayon at pinapalitan ko naman si Apollo. Nakakahiya ding tumingin sa paligid. Swear, mapo-pollute utak mo kapag tinitigan mo ang isang bagay na nandito. Pang-honeymoon talaga lahat. Matapos kong palitan si Apollo ay nahiga na ako sa kama. May maliit kasing kama na kasya ang mga bata dito. Oo, sinadya. Pumikit ako at sakto namang nakarinig ako ng pagbukas ng pinto ng banyo. "Okay ka lang?" I heard him asked. Huminga ako ng malalim at tumango. "Okay na lang. Tiisin na lang natin dito. Pareho tayong pagod sa araw na ito." Sagot ko. Dumilat ako ng hindi ko marinig ang boses niya pero agad kong pinagsisihan dahil nakaboxers lang pala i

