CHAPTER 7

2349 Words
"Wowaw...kinakabahan ako" sambit ni Eunil habang pinapaypayan ang sarili. "Okay lang 'yan, pasado o hindi...maharot ka parin" "Ang bantot ng ugali mo! Kaya wala kayong label ni Drake, e!" sinamaan niya ako ng tingin. Ang totoo niyan ay kinakabahan rin ako. Nung last subject namin sinabi ni prof na ngayon lalabas ang results sa battery exam. Halos lahat kami tahimik, nagpapakiramdaman, kinakabahan at excited. Ang sabi ay ise-send nalang daw sa email 'yung results. Huminga ako ng malalim, this result will define our future, my future. Napatingin ako kay Cedric na lumapit sa gawi namin ni Eunil. He's with his usual face, good mood and smiling. "'Wag kang kabahan! Pasado 'yan" kinindatan niya ako. "Sana nga" kinakabahan kong sabi. Napatigil kaming lahat nang sumigaw ang isa naming kaklase, todo ngiti siya habang nakatingin sa screen ng cellphone niya. Sumunod na napa- 'yes' si Cedric at halos masira na niya ang cellphone niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak. Napayuko ako at nangangatal nang ma-receive ko ang email. Ayaw ko pang tignan dahil gusto kong sabay kami ni Eunil. Kinalabit ko siya dahil mukha siyang stress, hindi daw niya ma-access ang email niya kaya kailangan niyang iretry. Nanginginig na hinawakan ni Eunil ang braso ko at ipinakita sa akin na dumating na ang email. Tumango ako sa kanya para sabihing tignan na namin ang results. Nanlaki 'yung mata ko. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa saya ng makita ang results. I passed the exam! I will moved up! Omg! Napasigaw din si Eunil dahil nakapasa siya, naiiyak siyang yakapin ako kaya niyakap ko din siya pabalik. Thanks God! Worth it ang lahat ng oras na ginugol ko sa pagre-review at 'yung eyebugs ko nabigyan ko rin ng hustisya! 'Yung ilang pack ng kape, worth it! Kitang-kita ko 'yung epekto dahil ninerbyos ako kanina habang naghihintay. "Paano ba 'yan? Party and chill!" sigaw ni Eunil "Uy, BM kayo mamaya? Sama!" lumapit si Mitch, kaklase namin. "Oo! Pero itong si Aki, s*******n na naman" sumimangot si Eunil. Lumapit pa ng konti si Mitch sa harap ko at tinapik ang balikat ko, "Minsan lang tayo mag party Aki, sus! Kailangan din nating magsaya after magpakalunod sa stress" makapanghalukipkip sa sabi niya. "A-ano kasi, magpapaalam ako" hindi talaga ako sigurado. "Kanino?" tsismosang tanong ni Mitch. "Kay Drake..." tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Kilala na niya si Drake kahit hindi ko na ikwento, lagi kasi nilang nakikita kapag hinahatid at sinusundo ako ni Drake. "Jowa?" tanong ni Mitch Mabilis akong umiling. "Asawa?" Umiling ulit ako. "Guardian?" Pangatlong iling. Napapalakpak siya "Ayun naman pala! Hindi na kailangan magpaalam" "Gaga! Kailangan parin, may something sa kanila pero you know...walang label" nag-aasar na parinig ni Eunil At dahil paulit-ulit talaga na bumubulong ang mga demonyo sa tenga ko, napapayag nila ako. Naglalakad na kami ngayon papunta sa engineering department para makapagpaalam ako kay Drake. Sumilip kami sa room nila at nakitang nakaupo silang lahat habang tahimik na nakayuko, may sinasagutan! "Gago, ngayon 'ata 'yung exam nila...bad timing!" sabi ni Mitch "Hala...hindi ko masasama si baby Andrei ko!" pagdadrama ni Eunil. Habang ako ay tahimik lang, nag-iisip kung itutuloy ko ba ang pagsama sa kanila. May exam si Drake at hindi ako makapagpaalam, pero um-oo na ako kila Eunil. Tsaka tama sila kailangan ko ding mag-enjoy. "Ano na? Alam ko kung anong ikinababahala mo" sabi ni Eunil habang naglalakad kami palabas ng school. Sumama ako. Geez. Hindi naman siguro siya magagalit kapag sumama ako diba? Hindi ako maglalasing, hindi talaga. Parang timang ako dahil pina-practice ko sa sarili ko ang mga dapat kong sabihin kapag nagalit si Drake, kung sakali. Gusto kong umatras sa tuwing naiisip ko ang galit na mukha ni Drake, pero nandito na ako, e. Napapayag na nila ako, hindi naman ako maglalasing. "Don't worry, may hinire akong maghahatid sayo pauwi kapag nalasing ka" ngumisi si Eunil "Gaga, hindi na ako maglalasing!" sabi ko. Umuwi sina Mitch at Eunil sa condo nila para magbihis, magkita-kita nalang daw mamaya. Ako naman ay nagcomute pa pauwi, kailangan daw muna naming magbihis. Pagdating ko sa bahay hinalungkat ko ang kabinet, gusto kong makahanap ng magandang maisusuot. Nangako ako sa sarili ko na sa susunod na beses akong pupunta sa bar, bobonggahan ko na ang suot ko. Hindi ko mahanap ang skirt ko kaya nagsuot nalang ako ng crop top at cargo pants, nagsuot din ako ng blazer kung sakaling lamigin. Pagkababa ko hindi ko nakita si Nay Cora, wala din 'yung kambal dahil paniguradong nasa school 'yun. Si Tita naman may work, ite-text ko nalang siya na may pupuntahan lang ako. Maaga naman akong uuwi dahil wala naman akong balak maglasing. After an hour nakarating ako sa Starbucks kung saan ang pinag-usapan naming meeting place nina Eunil at Mitch. Natanaw ko si Eunil na nakasuot ng mini-skirt at fitted top sa kabilang side ng highway. Kinawayan ko siya para makita niya ako, nakangiti naman siyang tumawid para lumapit. "Wow! Level up! Baka makahanap kana ng jowa niyan ah?" pang-aasar niya. "Nakapagpaalam ka ba kay Andrei?" Umiling siya "Kita mo nang nag-e-exam sila kanina" Kabado akong napatango. Hindi talaga ako sigurado sa mga pinaggagawa ko. Hindi nalang ako maglalasing para kapag nagalit siya, moderate lang. "Ayan na sundo natin!" Napatingin ako sa kotseng huminto sa harap namin, bumukas ang bintana at sumilip mula sa loob si Cedric. Tinignan ko si Eunil na walang pasabing binuksan ang pinto ng kotse at excited na pumasok. Ako naman ay nanatiling tulala, iniisip kung bakit namin kasama itong si Cedric. "Aki sakay na, susunduin pa natin si Mitch" Tumango ako at humakbang para buksan ang pinto sa backseat pero umalma si Cedric na sa harap daw ako. Nang makarating kami sa tapat ng condo si Mitch, nakaalis din kami kaagad dahil saktong nakaabang na siya. "Cedric! hatid mo din kami pauwi mamaya ah" walang hiyang sabi ni Eunil Natawa si Cedric "Magagalit boyfriend mo" Humalukipkip naman si Eunil at panay ang tingin sa cellphone niya, naghihintay siguro ng message ni Andrei. Tinext ko rin kanina si Drake na may pupuntahan ako at 'wag niya na akong hintayin, pero hanggang ngayon hindi parin siya nagrereply. "Ako Ced, wala akong boyfriend...pwedeng-pwede mo akong ihatid" singit naman ni Mitch mula sa backseat. Napailing lang ako at kinalikot ang cellphone ko. Ang weird lang kasi nagset ako ng alarm kung sakaling hindi ko mamalayan ang oras at kailangan ko nang umuwi, ako lang 'ata ang gumagawa ng ganoong strategy. Umiling ako at palihim na natawa sa sarili ko, kung may jowa lang sana ako 'edi may susundo sa akin kahit anong oras ko gustuhing umuwi. Nang makarating kami sa Black Market kumuha kaagad sila ng table, sagot daw ni Cedric. Napakagalante naman. Hindi na masyadong awkward sa akin ang atmosphere unlike noong unang punta ko dito. "Pre!" may lalaking tumapik sa balikat ni Cedric. "Uy, small world" natawa si Cedric nang harapin ang lalaki. Tahimik lang akong nakaupo at pinagmasdan ang dalawang babaeng nagsisimula nang uminom. Inabutan ako ni Mitch ng shot glass pero tinanggihan ko, ang sabi ko mamaya nalang. Kailangan kong i-control ang sarili ko sa pag-inom lalo na't uuwi pa ako mamaya. "Ganda ng girlfriend mo ah" lasing na sabi ng lalaki kay Cedric. "No, ka-blockmates ko lang" Rinig na rinig ko ang usapan nila dahil nasa tabi ko si Cedric. Matagal pa silang nag-usap bago tuluyang umalis 'yung lalaki. Pinanood kong magsalin ng black label si Cedric sa shot glass at agad itong ininom. Napatingin siya sa akin nang mapansing nakatitig ako sa kanya. "Ano? Hindi ka maglalasing kapag tititigan mo lang ako" natatawang sabi niya bago ibaba ang shot glass "...unless nakakalasing 'yung kagwapuhan ko" Napasinghal ako dahil sa kayabangan niya. May itsura naman si Cedric, matangos ang ilong, kissable lips at ang ganda ng jawline. Pero wala pa siya sa kalahati ng kagwapuhan ni Drake. "Sige na, shot kana" inabutan niya ako ng ladies drink. Napangiwi ako bago iyon kunin sa kamay niya. Habang nag-iinuman napag-usapan namin ni Cedric kung anong plano namin after graduation, noong nakaraan napag-usapan din namin kaso naudlot nung dumating si Eunil. "Hoy! Sayaw tayo!" hinila ni Mitch si Eunil, hindi ko alam na sanay pala si Mitch sa ganitong lugar. "Mamaya na! Hindi pa ako tipsy, e! Nahihiya pa akong sumayaw" reklamo ni Eunil Napailing lang ako bago lumagok ulit ng alak. Ingat na ingat ako sa bilang ng shot na naiinom ko. Siguro maximize ko nalang sa fightteen shots bago ako umuwi, hindi naman ako mabilis malasing. "Teka, stay there! Maghahanap lang ako ng guy" tumawa si Mitch habang pilit na binabawi ang braso niya sa pagkakahawak ni Eunil. Napanguso si Eunil na binatawan ang braso ni Mitch. Dumapo ang matalim niyang tingin sa akin bago tignan ang shot glass. "Hindi ka naman umiinom" Bumuntong hininga ako, nagpipigil. Gusto kong uminom, sa totoo lang. Gusto kong sabayan si Eunil pero natatakot akong hindi makauwi. Ayaw ko namang istorbohin ulit si Vient sa condo niya, tsaka kapag na lasing ako baka gumawa na naman ako ng kahihiyan like what happened last time. Nagpaalam si Eunil na magbabanyo pero nung bumalik may dala-dala na siyang bote. Umupo siya sa tabi ko at kumindat bago lagyan ng alak ang baso ko. "Here, mukhang hindi mo 'ata gusto 'yung iniinom namin, e." iniabot niya sa akin ang baso. Naamoy ko tuloy ang alak. Vodka. "'Wag mo siyang pilitin Eunil, baka wala sa mood" suway ni Cedric. Eunil chuckled "Nag-aalala lang 'yan, walang hahatid sa kanya kapag nalasing siya" Inirapan ko si Eunil bago kunin ang shot glass at tinungga, gusto kong patunayan na hindi ako malalasing. "Woah, easy...don't worry, ako na ang maghahatid sayo" Cedric offered. Tumaas ang kilay kong hinarap siya, "Alam mo 'yung bahay ko? Isang oras at kalahati ang byahe mula dito" "It's fine. Just to make you safe" he winked at me. Hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari dahil sa ilang bote na ng vodka ang nasa table namin. Paulit-ulit akong tinatagayan ni Eunil kaya hindi ako makatanggi, s**t! Gustong-gusto talaga akong nalalasing! "Ey! Aki! Samahan mo ako sa cr!" siya naman ay may tama ngayon. Tumayo ako at nakaramdam ng konting hilo, but I can still managed to walk. Inalalayan kong tumayo si Eunil kahit pareho kaming nahihilo, mas malala ngalang siya. Nakarating kami sa cr at hinintay ko siyang makalabas. Napanguso ako at nag-iwas ng tingin nang may makita akong naghahalikan. Oh my God! Nineteen na ako pero feeling ko ang bata ko pa para makakita ng ganitong scene! Umuungol pa 'yung babae. Nang makalabas si Eunil dali-dali ko siyang hinila palayo doon, ang intense naman nung nakita ko! "Hoy dali kayo! May nakita akong abogado!" excited na sabi ni Mitch nang makabalik kami Mapang-asar nila akong tinignan kaya napangiwi ako. This is it, pancit! Lumagok ako ng alak bago sumama kila Mitch sa dance floor, iniwan namin si Ced. "Saan?" tanong ko Hinila ni Mitch ang braso ko papalapit sa kanya "Ayun oh!" may tinuro siya sa taas, tumingkayad pa ako ng tayo dahil hindi ko makita. "Ayan oh! Nakasandal sa railings" iginalaw niya ang ulo ko para itutok sa ibang direksyon. Nang makita ko ang tinutukoy niya agad ko siyang binatukan "Alam mo, ang bantot ng ugali mo!" inis na sabi ko. Paano ba kasi, 'yung abogadong tinutukoy niya, matanda! Partida bundat pa! "Pwede na 'yan! Sugar daddy! Ugh attorney!" she teased. Inis ko silang iniwan doon, patawa-tawa pa sila nang umalis ako. Umupo ako sa couch namin at halatang nagulat pa si Cedric nang bumalik ako. Nakailang shot pa ako bago nakaramdam ng matinding pagkahilo, pvta lasing na 'ata ako ah! Wala nang saysay kung may magagalit pa sa akin, nandito na 'to, e! I should enjoy! Ilang alak pa ang nilagok ko bago naglakad papunta sa dance floor pero hindi ko na makita sina Eunil. Nasaan na 'yung mga mahaharot na 'yun?! Argh! Nakakainis naman! "Hi miss" binalingan ko ng tingin ang lalaking lumapit sa akin. "Kailangan mo?" bored kong tanong. Ngumisi siya "Ikaw" Ay, corny. Nabasa ko na 'yan, e. "May boyfriend ka?" Naks. Bilis ah? "Wala, sana ikaw din" I chuckled. "Na? Girlfriend?" "Hindi, boyfriend" pambabara ko. Ang light naman kausap nito...boring. He laughed "Nakakatawa ka, pwede na kitang happy pill" he smirked looking at me. I made a face before chuckling "College student?" He nodded. "May pangarap sa buhay?" He nodded again. "Kaya akong buhayin, pakasalan at mahalin hanggang mamatay?" He chuckled "Yes mi amor" he confidently said. "Nice" I commented. I suddenly felt his hand on my shoulder. I raise a brow and face him "Future attorney?" "No" he said while smiling, trying hard to get me with his sweet smile. I shook my head and remove his hand on my shoulder "We're not meant to be, dear" I awkwardly smiled before turning my back and walk towards the railings. Ang badtrip naman humarot kapag nahihilo! Napahawak ako sa railings para suportahan ang katawan ko, pakiramdam ko ano mang oras ay babagsak na ako. I massage my head and manage to walk as fast as I can, matutumba na 'ata ako! Malapit na ako sa couch namin pero wala akong makitang nakaupo doon, nasaan si Cedric? Baka maling table ang napuntahan ko? Babalik na sana ako pero biglang nawala ang balanse ko. Oh my god! "s**t you're wasted" napamura si Cedric nang saluhin ako. Napahawak ako sa kamay niya nang maramdamang nasusuka ako, tangina! Last na. Dinala ako ni Cedric sa cr at doon ako hinayaang magsuka. Hinawakan niya ang likod ko habang nakayuko ako sa bowl, ang sama ng pakiramdam ko! "Lasing ka na, umuwi na kaya tayo?" He asked in concern tone. "Susuka lang, pero hindi susuko!" I shouted before laughing hard. Napailing siya habang pinagmamasdan akong mag-flush ng toilet bowl. Pagkatapos ay inalalayan niya akong tumayo at dinala sa harap ng gripo para maghugas. Naghilamos ako para naman lumamig ang pakiramdam ko. Wala akong dalang panyo kaya hinubad ko ang blazer ko para gamiting pamunas. "Aki..." "Oh?" isinuot ko ulit ang blazer ko pero hanggang siko lang at hindi ko na itinaas dahil basa. "I like you"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD