CHAPTER 6

2277 Words
"Umm...sharap naman!" sambit ni Eunil habang nilalantakan ang cookies na binaked ko. Ginawa niyang dessert ang cookies dahil kakatapos lang naming maglunch. Sinabihan ko siyang pagtirhan niya si Drake, baka ubusin e! Matakaw pa naman 'tong maharot na'to. Mamayang hapon ko na bibigyan si Drake, hindi kasi kami sabay nagla-lunch. Iba ang class schedules niya kesa sa akin. Kapag lunch time niya, nagka-klase na kami nun. "Arat inom tayo mamaya" Napatakip ako sa tenga ko, nag-aaya ang demonyo! Ayaw ko nang malasing ulit, dalawang araw akong na hang-over. Tsaka magagalit sa akin si Drake...kapag hindi siya kasama. "Kunwari ka pa! Eh, kapag nalasing ka, ang saya-saya mo!" Inismiran ko siya "Magkaiba 'yun!" Napailing siya bago bumalik sa pagkain ng cookies, after lunch break bumalik na din kami sa room. Puno 'yung schedule namin sa afternoon class kaya hindi nakapagdaldal sa akin si Eunil. After ng class namin lumabas kaagad ako nang room dahil nakita ko si Kien na mukhang may hinihintay. "Hoy! Nagawa mo?" Napakamot siya bago ako harapin "Ang tagal naman ng dismissal niyo" reklamo niya. At ano naman kung matagal? Wala naman kaming usapan na pupunta siya dito. Magrereklamo pa, sarap batukan! "Oh" nakangisi niyang inabot sa akin ang maliit na sobre. "Ano 'yan?" takang tanong ko, nagpalipat-lipat ng tingin sa kanya at sa sobre. "Abuloy" walang kwentang sagot niya. "Tadyakan kaya kita?" banta ko. Kaya hindi nagkaka-jowa 'tong isa 'to dahil walang kwentang kausap. Maraming nagkaka-crush sa kanya pero kapag naka-close niya na nauuwi lang din sa pagiging friends. Ang sabi niya ayaw niya daw mag girlfriend kaya pini-friendzone niya 'yung mga babae. 'Yung hula ko naman, natu-turn off 'yung mga babae sa ugali niyang tarantadong kausap. "Biro lang, punta ka raw sa covered court sabi ni Drake" Nangunot ang noo ko "'Yung sobre ang tinatanong ko" "Ay" napakamot siya sa ulo "Buksan mo 'yan kapag nandun kana" Tumango ako, "Pwede kanang umalis...alipin" tumawa ako ng malakas. Mabilis niya akong binatukan at agad na tumalikod pero hinabol ko siya at sinipa ang pwet niya. Ayan, napala niya! "Wala kang jowa pwee!" sabi niya nang makalayo na siya ng ilang dangkal sa akin. "Wala ka din! Bobo!" "Meron ulol!" Nagbangayan pa kami bago siya tuluyang umalis. Pumasok ako sa room at kinuha ang bag ko para pumunta sa covered court. Dumaan muna ako sa cafeteria para bumili ng milkshake, nauuhaw kasi ako tapos walang tao nung mapadaan ako...hindi na kailangang pumila. "Tim! Si Drake?" tanong ko nang makasalubong ko Tim sa hallway ng school. "Ha? Umalis na, wala kaming training ngayon" sagot niya bago nagpaalam sa akin para umalis. Tumango ako at naupo sa bleachers, kinuha ko ang phone ko para ichat siya. To Drake: San ka? Ilang segundo pa baka siya makapagreply, siguro ay may ginagawa. From Drake: Starb. I'm currently reviewing. Agad na nangunot ang noo ko, wala naman siyang sinasabi sa akin. I mean, hindi naman dapat na lagi akong ina-update sa mga lakad niya pero sana nagsabi siya dahil magkasama kami lagi sa pag-uwi. To Drake: Nandito ako sa school. Akala ko may training ka. From Drake: Hindi sinabi ni Kien? Pinapunta ko siya para sabay na kayo ah? Mabilis akong nagtipa ng reply. To Drake: Walang sinabi. Walang sinabi sa akin 'yung tarantadong 'yun! Humanda talaga sa akin ang bwisit na lalaking 'yun! Teka, right! 'Yung sobre! Nagmadali akong kunin 'yung sobre na binigay niya sa akin kanina. Nasa putting sobre ito at ang laman ay pink square board na may floral design. Kinuha ko ang nakadikit para maayos na matignan ang nakasulat. -Wala kang jowa- Agad na nag-init ang ulo ko. Ang ganda-ganda ng design tapos 'yun lang ang laman? Tokneneng! From Drake: Stay there, I'm on my way. Habang hinihintay si Drake iniisip ko kung paano makakabawi kay Kien, laging mapang-asar mode 'yun, e! Kapag ako talaga nagkajowa, gagawin ko siyang third wheel, magandang pangbawi siguro iyon. "Aki...maggagabi na ah?" napalingon ako kay Cedric na naupo sa tabi ko. "Iniwan ako ng sundo ko" kaswal na saad ko "Ikaw ba?" "Nagpapalipas ng oras, boring sa condo, e." Nag-angat ako ng tingin "Mag-isa ka lang sa condo?" "Oo, gigising sa umaga para mag prepared ng sariling breakfast, uuwi sa hapon para mag prepared ng dinner. Minsan nga bibili nalang sa labas kasi tinatamad magluto. Mag-isang kakain, mag-isang manood ng Netflix, mag-isang matulog. Ang boring kapag mag-isa" he chukled. "Sus, okay lang 'yan! Sana all may condo nalang. Gusto ko rin sana kaso ayaw ni Tita, e" napanguso ako "Pwede ka naman sa condo ko" he joked. "Sira!" pareho kaming natawa habang nakatingin sa palubog na araw. Sisikat, lulubog. Gigising, matutulog. Sasaya nang panandalian, papalitan ng matinding lungkot. Ganoon ang naging takbo ng buhay namin nang sumunod na mga buwan. Pahirap nang pahirap 'yung acads pero kinakaya. Eunil and Andrei are still together, nakakaproud lang kasi ang bilis maging sila pero ang tagal na nila ngayon. "Aki!" sigaw ni Nay Cora sa baba Dali-dali kong binunot ang cellphone kong nakacharge kahit hindi pa napupuno para bumaba. Naabutan kong nagluluto si Vient sa kusina at nasa sala naman ang dalawang kumag. "Naks! The nerdy keneme meet Mr. umiigting ang panga!" sigaw ni Kien nang dampian ako ng halik ni Drake sa noo. "Gago! Nerd mo mukha mo!" napairap ako at hinubad ang radiation glass na suot ko. Gumagawa ako ng PowerPoint sa taas kanina at sumakit ang mata ko. Nakalimutan kong tanggalin dahil nagmadali akong bumaba. "Hoy! Tinanggal, hindi manlang gumanda" pang-aasar niya Dali-dali kong dinampot ang maliit na unan at binato sa kanya. "She's the most beautiful girl for me" singit ni Drake. "Edi sana all" komento ko, nambola pa, e. "Sana all may bebe, diba Vient?" nakangising tanong ni Kien kay Vient na kakalapag lang ng niluto niya sa mesa. D'yan siya magaling, sa pang-aasar! Hindi ko nga akalain na natiis ko ugali niyan, e. Siguro dahil nandyan siya lagi sa tuwing kailangan ko ng makakausap at maiiyakan. Mabait naman si Kien at gwapo, jowa nalang kulang. Tinaasan siya ng kilay ni Vient "Baka gusto mong malagyan ng lason 'tong shanghai mo? Sige ka, hindi mo na makikita 'yung taga Education Council" ganti ni Vient. Napansin kong namula ang tenga ni Kien, "Baka gusto mong dun ako tumambay araw-araw sa condo mo para hindi makapunta 'yung chix mo?" ngumisi si Kien. Nagpasalin-salin ako ng tingin sa kanila. Bakit parang andami kong hindi alam? Bakit parang pumapag-ibig natong mga 'to? Punyawa naman, mauunahan pa 'ata ako! "Hoy! Ano 'yan?! May mga jowa na kayo?" tanong ko. Nagkibit balikat si Kien at binato ng unan si Vient na kakalapit lang "'Yan 'yung may bebe!" "Stop it Kien!" iritang sabi ni Vient. Natawa si Drake "Awts, umiiwas. Ilagay sa hotseat 'yan!" "Hoy Vient! Kaya pala nagmadali kang umalis ako sa condo mo noon, mag tinatago ka pala?" mapang-asar ko siyang tinignan. Wala naman sa akin kung magka-girlfriend siya, maganda nga iyon, e! Gurang na siya, dapat lang na mauna siyang magkajowa kesa sa akin! Lahat kami, walang jowa! Feeling ko tuloy isinumpa kami na magkaroon ng asawang fictional character. Masyado kaming babad sa pagbabasa at pag-aaral kaya walang panahon sa pakikipagharutan. "I don't have girlfriend" seryosong sabi niya bago ako senyasan na pumunta sa dining para kumain. "Ang sama! Favoritism!" reklamo ni Kien. Ako lang kasi 'yung inaya ni Vient para kumain. Tinuturing niya akong little sister kasi wala siyang kapatid. Dati palang napaka-protective at maalaga na siya pagdating sa akin. Si Kien naman 'yung mapang-asar pero laging nandyan kapag may problema ako. At si Drake...siya 'yung pinaka-sweet. @Cedricjimxx Tapos kana sa major sub? @Akirybaby Hindi pa, bakit? Tuturuan mo ako? @Cedricjimxx Depende sa trip mo, free akong puntahan dito sa condo. hahaha @Akirybaby Ulol "Hmm.." tumikhim si Drake "Sino ba 'yang kausap mo at nagce-cellphone ka sa harap ng pagkain?" Nilingon ko siya "Si Cedric, may tinanong lang" ngumiti ako at ibinaba ang phone ko. "Sus, ipagpapalit kana 'ata Drake" pang-aasar ni Kien bago sumandok ng ulam. "Vient, kilala mo si Cedric?" "Huh?" tumaas ang kilay niya. "Ang sabi niya kasi sa akin last time magkalapit lang daw condo niyo" Ibinaba niya ang utensils na hawak niya at hinarap ako "I don't know him. Paano niya nalaman ang condo ko?" Ay s**t! Napatakip ako sa bibig ko, pinagsabi ko kasi 'yung condo niya. Sinamaan niya ako ng tingin nang mabasa ang ibig kong sabihin. "You're giving me headache" he shook his head. Oa naman! Parang 'yun lang! Pero hindi na ako nagsalita, baka madagdagan 'yung galit niya at hindi na ako patuluyin sa condo sa susunod kong punta. "At bakit napunta sa condo 'yung usapan niyo ng Cedric na 'yan?" tanong ni Drake habang nilalagyan ng tubig ang baso ko. "Gagawa kami ng project" Gulat niya akong tinignan at agad na binaba ang pitcher muli akong harapin "Sa condo niya?" "Joke lang, dito nalang sa bahay" ngumiwi ako. Alam ko naman kasing hindi siya papayag, tsaka wala naman talaga akong balak na magpunta sa condo ni Cedric. "No. Hindi siya pupunta dito, ako na tutulong sayo. Basic lang naman 'yan, tss" After nilang manggulo sa bahay umuwi na din sila. Ganoon din si Drake, kailangan niyang magreview dahil malapit na ang exam nila. It's just a normal week for me, not too stressful...moderate mode lang. Napapabilis lagi na matapos ang requirements ko dahil tinutulungan ako ni Cedric, ang bait niya talaga! Such a blessing! Hindi naman kasi ako ganoon ka talino at mabilis maka-catched up sa mga topics, pero nandyan si Cedric para i-explain sa akin. Naiisip ko tuloy minsan kung undisguised angel ba siya. From Drake: I can't go there, I need to review. Mabilis kong binaba ang suklay at nagtipa para replyan siya, kakatapos ko lang kasing maligo. To Drake: Okay lang. May gagawin rin naman ako. Sasamahan ko si Ate Emma mag groceries. Bumaba ako at hinanap si Ate Emma, sunday ngayon at schedule para mag grocery. Nakita kong nagpupunas ng coffee table sa sala si Nay Cora kaya nilapitan ko siya at inagaw ang ginagawa niya. "Aki..." pagtutol niya sa ginawa ko. "Sige na Nay, maupo ka at magpahinga" sabi ko. Ayaw ko siyang nakikitang napapagod. Nasa mid-60's na siya pero ayaw niyang tumigil sa trabaho at umalis dito sa bahay. Siguro ay napamahal na sa kanya itong bahay at ang mga tao dito, matagal-tagal din kasi siyang naninilbihan sa pamilya. "Siya nga pala Nay, nasaan si Ate Emma?" tanong ko. "Nandoon sa labas, nagdidilig" Tumango ako. Si Nay Cora ang naka-toka sa groceries dati pero ngayong may katandaan na siya si Ate Emma na, bagong kasambahay namin. As much as possible ayaw kong nakikitang nagtatrabaho pa si Nay Cora dito sa bahay, nakikita ko sa kanya ang Lola ko sa probinsya. 'Yung babaeng nagpalaki at nag-alaga sa akin, sa ngayon malakas parin naman si Lola kahit nasa early 80's na siya. Gusto ko tuloy umuwi ng probinsya para makita at maalagaan siya. "Ma'am Aki, groceries na po tayo?" tanong ni Ate Emma na kakapasok lang. Ilang beses ko na siyang pinagsabihan na 'Aki' nalang pero hindi raw siya sanay. "Sige Ate, magbibihis lang ako" Tumango siya at chineck kung anong wala sa stucks namin na kailangang bilhin. Umakyat naman ako at nagbihis ng simpleng white shirt at maong shorts. "Ate, ready na po ba 'yung sasakyan? Nasabihan niya na si manong?" tanong ko pagkababa. Isang driver lang kasi ang meron kami kaya kapag may pinupuntahan si Tita nagco-commute kami. Inaasar nga ako ni Tita na dapat mag-practice na akong mag-drive dahil bibilhan niya ako ng kotse, kaso ako naman 'yung may ayaw. Gastos lang din, marunong naman ako magcommute. "Ay pucha!" napaiktad ako sa gulat at muntik ko nang maapakan ang isang blue box sa labas ng pinto. Bakit may box dito? Saan galing? Impossible namang shopee, e orange 'yun. Kinuha ko ang box at dahan-dahang tinanggal 'yung takip, mahirap na at baka ahas 'yung laman. Ang dami pa namang pranksters ngayon. "Hayok! Libro...!" naiiyak kong sigaw sabay yakap ng one set bundle na librong matagal ko ng gustong bilhin. "Omg! Omg!" pinakalma ko ang sarili ko. "Ate Emma!" naiiyak na ako dahil sa sobrang tuwa. "Yes ma'am?" "Alam niyo po ba kung sinong naglagay ng box na'to dito?" Umiling siya. Tumango lang ako at muling pinagmasdan ang libro. Ang ganda! Dagdag collection. Wala namang special occasion para makatanggap ako ng gift. Kinuha ko ulit ang box at tinignan kung may iba pang nakasulat. 'You like the smell of a book, and I know that. I'm also addicted to it.' 'Yun lang ang nakalagay, wala manlang pangalan! Napaka-kontrobesyal naman nito! Agad kong pinasok sa loob ang box at sinenyasan si Ate Emma na aalis na kami. Pagkasakay ko ng kotse si Drake agad ang tinawagan ko dahil wala naman akong ibang inaasahan na gagawa ne'to. [Natanggap mo?] bungad niya. Wala pa nga akong sinasabi! "Yun alin?" pagkukunwari ko, masyado siyang halata, e! Sarap pagtripan sandali. [Nasaan ka ba?] "Nasa kotse, papuntang groceries" [So lumabas kana? Hindi mo nakita?] "'Yung alin nga?" sabi ko habang nginangatngat ang kuko para pigilang matawa. ['Yung box] he sounded confuse ['Wag mo akong paglaruan, aki...kilala kita, kahit gaano ka pa kahirap magpigil ng tawa mo, rinig ko parin ang bungisngis mo] he said, napipikon na. "Anong box?" nagpipigil ng tawang saad ko. [Box na may lamang books] bigla nalang tumamlay 'yung boses niya, moody din 'to, e. "Wala akong books na natanggap, pero may box" [Anong laman ng box?] he confusedly asked. "Wedding ring" I giggled. Nangunot ang noo ko nang bigla nalang tumahimik ang kabilang linya. Ano 'yun? Nahimatay? After few seconds of silence I heard the door slum and a sound of foot stumps. [Okay...will you marry me then?]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD