@Cedricjimxx
Nasaan kayo ni Eunil? Magsisimula na ang discussion in a few minutes.
@Akirybaby
Coming!
Mabilis kong hinila si Eunil na sumisimsim pa ng milkshake. Masyado kasi kaming natagalan dahil maraming bumibili. Mabuti nalang at minessage ako ni Cedric. May purpose din pala 'yung pagtanong niya sa akin kahapon kung ano 'yung name ko sa IG. Minadali naming ubusin ni Eunil ang milkshake bago bumalik sa room. Good thing na magkasunod lang kami ni Prof, mas nauna kami ni Eunil.
Nakinig ako ng maayos sa discussion, habang si Eunil naman ay palihim na kumakain. Hindi ko din naman siya masisisi dahil bitin talaga 'yung break time namin.
'Yung tungkol naman sa paglalasing namin last week sa black market ay kinalimutan ko na. Paulit-ulit akong inaasar ni Eunil tungkol doon dahil nagmumukha daw akong tanga kapag lasing. Nagkikibit balikat lang ako, wala akong maalala. At kung ano mang kahihiyan ang mga pinaggagawa ko noong gabing iyon, hinihiling ko na sana hindi naman ganoon ka kalala. Nakakahiya na!
Buong araw nagfocus lang ako sa pakikinig sa klase. Noong uwian inaya ako nina Andrei at Eunil na gumala pero tumanggi ako. Aba't may balak pa talaga akong gawin na third wheel? Tsaka baka sa Black Market na naman ang punta ng mga 'yun. Nakakatuwa lang kasi ang speed nila, iba talaga kapag expert humarot!
"Tim!" tawag ko sa isang teammate ni Drake nang makarating ako aa court.
"Oh? Si Drake ba? Pinatawag lang ni coach, hintayin mo nalang"
Tumango ako at nagpasalamat sa kanya bago umupo sa bleachers. Pinanood kong mag training ang ibang players habang hinihintay si Drake.
Habang naghihintay inisip ko kung kailan ulit kami makakabalik ng waga dahil masyado na kaming nagiging busy. Baka nagkaron na ng maraming alikabok doon. Busy kasi kami sa pag-aaral, mas doble'ng focus ang kailangan kapag nasa college na.
"Aki..."
Lumingon kaagad ako nang marinig ang boses ni Drake. Jersey short ang suot niya at plain white T-shirt naman sa pang-itaas. Bitbit niya din ang itim na duffel bag niya at may nakasukbit na towel sa balikat niya.
"Pwede nang umuwi, bukas na ang training" sabi niya, naghiyawan naman ang mga teammates niya at kanya-kanyang kinuha ang mga bag sabay alis.
Lumapit sa akin si Drake "Maaga pa, kain muna tayo?"
At dahil wala naman akong masyadong gagawin pag-uwi ko um-oo na ako. Minsan lang kami makapag-bonding ulit. Iniwan muna namin ang kotse niya sa carpark dahil trip kong maglakad. Ang sabi ko sa kanya streetfoods nalang ang bilhin namin, nagc-crave kasi ako sa shiomai.
Bumili kami ng shiomai, fish ball at palamig. Binayaran niya 'yun, nagpupumilit e! Pagkatapos ay umupo kami sa bench kung saan tanaw ang mapunong area ng park para kumain.
"May book signing next week ah? G?!" masiglang tanong niya.
Nanlaki 'yung mata ko, "Talaga? Saan?"
"Metro Manila, Mega mall" diretsong sagot niya bago sumubo ng shiomai
"Kung wala akong gagawin, 'edi sige."
Nakakatuwa lang kasi dati ako lagi ang nangungulit sa kanya na magpunta kami sa booksigning, ngayon hindi na ako masyadong naging updated dahil busy sa mga requirements ko sa major subject. Mabuti pa itong si Drake kahit may training updated parin.
Pagkatapos naming kumain, bumyahe kaagad kami pauwi. Kinuwento niya sa akin kung sinong mga author ang dadalo ng book signing, mas lalo tuloy akong na-excite dahil nandoon ang favorite author ko.
Noong makarating kami sa bahay binigyan siya ni Tita Therese ng paborito niyang sinigang, dinala niya pauwi.
@Cedricjimxx
Gumawa ka ng PowerPoint! Wag puro w*****d. Haha
Nangunot noo ko, kakatapos ko lang mag half bath at ito kaagad ang bumungad sa akin.
@Akirybaby
PowerPoint saan?
Habang hinihintay ang reply niya, hindi ko maiwang mag-isip kung para saan ang gagawing PowerPoint na sinasabi niya.
@Cedricjimxx
Business Policy bruh.
Mabilis akong naupo sa study table at binuksan ang laptop ko, s**t naman! Oo nga pala, kailangan kong tapusin 'yung PowerPoint ko. Nakakaloka!
@Akirybaby
Hala Ced, thankie. Muntik ko nang makalimutan.
Itong si Cedric parang assistant ni prof, lagi nalang pinapaalala sa akin 'yung about sa lessons at requirements namin na kailangang gawin. At thankful naman ako doon, may silbi din.
Gabing-gabi na at hininto ko ang paggawa ng PowerPoint ko. Ewan ko ba kung bakit sumasakit ang mata ko kapag gumagawa ng PowerPoint pero kapag nagbabasa ako ng w*****d wala naman akong maramdamang may mali sa mata ko. Siguro ay bukas ko na tatapusin, konting information nalang naman 'yung kulang. May vacant kami bukas kaya pwede ko siyang tapusin before submission.
The next morning it's just a normal day for me. Konting discussion lang at walang kung anong exam. Sana ganoon nalang araw-araw, hindi masyadong napipiga ang utak ko. Tinapos ko na din ang PowerPoint presentation ko kaninang vacant period. Tinulungan pa ako ni Cedric dahil tapos na daw siya, hindi ko alam kung bakit ang bait-bait niya. Well, blessing sa mga tulad kong hindi ganoon ka talino.
"Aki! May date kami ni Andrei mamaya baka gusto mong sumama?" si Eunil, kanina pa nangungulit
Bored ko siyang tinignan "Nag-iisip ka ba? Date niyo 'yun, isasama mo ako?" sarkastikong tanong ko
Ano siya sinuswerte? Dapat nga matuwa pa siya kung silang dalawa lang at magawa nila 'yung kahit anong gusto nila. Tapos nag-aaya pa? Gusto 'ata akong maging officially third wheel ng mga 'to. Ano ako? Titingin-tingin habang nagho-holding hands while walking sila? Tutunganga habang naghaharutan sila? Taga picture nila? Lol, 'wag ako.
"Ayaw mo? Libre pa naman sana niya. Samgyupsal"
Natigilan ako, nagdadalawang isip. Pero ayaw ko namang magmukhang tanga habang nakasunod sa kanilang dalawa. Kung yayain ko kaya si Drake? Kapag wala siyang training ngayon panigurado papayag 'yun.
Pumayag ako sa gusto ni Eunil, tuwang-tuwa naman siya dahil sabay kaming pumunta ng Engineering Department. Sakto namang pagdating namin doon nagsisilabasan na sila sa room. Nakita ko agad si Drake kaya kinawayan ko siya ng konti.
"Oh? Bakit mo ako sinundo? Miss mo na agad?" pang-aasar niya
"Luh, apaka-feeler naman!" inirapan ko siya
Hinabol niya ang tingin ko sabay pisil ng magkabilang pisngi ko "Ang sakit! Yawa!" reklamo ko
"Sorry, saan ba kasi punta niyo?" tanong niya sabay akbay.
"Maghahanap ng jowang abogado" I answered directly.
Pinaningkitan niya ako ng mata "Abogado daw hanap pero sa Engineering department nagpunta" he teased.
I look at him, eyes widened "Apaka feeler talaga!"
"Bakit? Wala naman akong sinasabing ako ah?" he teased and smile widely.
"Malamang nasa law school 'yung jowa ko, nagsisikap para sa future namin" pagbawi ko.
Nakita ko siyang ngumisi "Akala ko ba engineer 'yung gusto mo?"
Hinarap ko siya at seryosong tinignan, hinawakan ko rin ang baba niya para mas dama niya ang sasabihin ko "Nung nalaman kong engineering course mo, ayaw ko na" ngumisi ako.
Napa-nguso naman siya habang tawang-tawa ako. Inis na inis siya pero agad ring nawala nung mag-sorry ako. Sumama nga kami ni Drake kila Eunil, nagpunta kami sa samgyupsal pero hindi kami nagkasabay sa sasakyan dahil may kotse din naman si Andrei.
"Ayaw mo?" nagbaba ng tingin sa akin si Drake.
Mabilis akong umiling "Sayo na"
Hindi ako mahilig sa spinach at alam niya 'yun. Napansin niyang tinabi ko iyon sa plato ko kaya kinuha niya. Hindi talaga ako palakain ng gulay sa totoo lang, pero kapag si Vient ang kasama ko matic ubos agad...papagalitan ako nun, e. Masyado kasi siyang healthy living, ang ganda tuloy ng body building nun! Kaya nagtataka ako kung bakit wala pa siyang jowa.
"Sumakto 'yung bs sa schedule natin, Sunday" sabi ni Drake habang kumakain kami
"G na ako" sabi ko bago kumuha ng pirasong karne at ibinalot ng lettuce para kainin.
Mabuti nga 'yun at Sunday, saktong walang pasok. Dati kapag book signing at may pasok kami, nakukuha pa talaga naming um-absent. Ngayon, parang labag sa kalooban ko ang mag ditch ng class.
"Sasama daw si Kien, si Vient naman susubukan daw niya"
Tumango ako, hindi makapagsalita dahil may laman ang bibig. Inabutan naman niya ako ng tubig nang makitang hirap ako sa paglunok.
"Dungis mo" sabi niya at pinunasan ang gilid ng labi ko.
Wala lang sa akin 'yun, parang normal lang kasi dati ginagawa na din naman niya 'yun sa akin.
"Sweet niyo talaga, kelan label?" singit ni Eunil.
Plastik akong ngumiti sa kanya "Sweet niyo din, kelan breakup?"
Natawa ako nang samaan niya ako ng tingin, nagsumbong pa siya kay Andrei pero tinawanan lang siya nito.
"Kailan ngaba Aki?" bulong ni Drake sa tenga ko.
Hindi ako sumagot.
Aba, ewan ko sa kanya dahil siya 'yung lalaki.
Babae lang naman ang made-decide kapag nanliligaw na 'yung lalaki.
Pag-uwi ko sa bahay narinig ko na namang may kausap si Tita pero isinawalang bahala ko 'yun. Ayaw kong magmukhang tsismosa.
Dahil maaga akong nakauwi at walang masyadong gagawin, nag baked ako ng cookies. Hindi ako magaling sa pagbe-baked pero nagc-crave ako. Sakto namang may ingredients sa bahay kaya cinareer ko ang pag si-search sa YouTube kung paano.
Simpleng cookies lang ang ginawa ko na may chocolate chips sa taas. Masarap naman 'yung lasa niya, not bad for a first timer.
Dinamihan ko ang pagbaked dahil magdadala ako sa school bukas, ipapatikim ko kila Eunil at Drake.
"Wow, can I have one?" lumapit si Jayvee sa akin, he's only ten years old pero 'yung height niya maabutan na 'yung balikat ko!
"Sige lang, kumuha kana tapos bigyan mo si Jenny" nginitian ko siya.
Ang saya lang dahil noong kakarating ko lang dito sa bahay dati ang sungit-sungit niya pagdating sa akin, ngayon hindi na. Bata palang sila si Jenny na talaga ang mas ka-close ko, lalaki si Jayvee e...siguro na o-op. Lalo na't puro babae kami dito sa bahay, 'yung daddy nila nasa ibang bansa. Pero nung nakilala niya sina Drake doon siya bumait sa akin, may nakakausap na kasi siyang lalaki.Laging nakatambay dito 'yung tatlo kaya may nakakalaro siya at hindi na niya kailangang lumabas para maghanap ng batang makikipaglaro sa kanya. Isip bata naman 'yung tatlo kaya nakakasabayan niya, lalo na si Kien.
"Taste good!" napatango-tango siya habang ninanamnam ang lasa ng cookies.
"Thank you! Partida first timer 'yan" I proudly said.
"Can I have a request?"
"Hmm?" sagot ko habang naghuhugas ng bowl na ginamit ko.
"Can you baked cookies next Sunday?"
Tumaas ang kilay ko, aba! Ang galing ko naman 'ata at bumenta kaagad ang cookies ko.
"Of course! Pang meryenda natin" ngumiti ako.
"No, you will baked cookies on Sunday and I will give it to Kailee on Monday" seryosong sabi niya.
Pinatay ko ang gripo at nagpunas ng kamay bago siya harapin "Sino si Kailee?"
"My crush..." he said tilting his head lighty. He scratched the tip of his nose out of embarrassment.
Agad akong napatakip sa bibig ko, oh my god! Our baby boy is growing! Pero bawal pa. Crush lang muna.
"Okay! I will cook. Pero crush lang ah? Bawal manligaw" nakapameywang kong saad.
Natawa siya bago sumaludo sa akin "Yes master"
Aba dapat lang, crush muna! Nahiya naman akong nineteen years nang single.
"Get your self a boyfriend Aki!" umiling siya, parang matured mag isip!
"Wala namang nanliligaw" mahina akong natawa habang pinupunasan ang bowl na hinugasan ko kanina.
"I thought Kuya Drake's courting you? He's always asking me questions about you, kahit kayo naman ang madalas na magkasama"