CHAPTER 4

2096 Words
"Bakit mo pinabayaang malasing 'yan?" rinig kong bulong ni Andrei. "Hoy! Hindi ako lasing, no!" apila ko kaagad Umiling lang siya at inakbayan si Eunil kaya napangisi ako. "Ikaw Andrei ah! Akala ko torpe ka, 'yun pala speed din! Wah! Bet!" I teased. Hindi sila sumagot kaya natawa lang ako. "Siguro ginamitan ka ng harot skills nitong kaibigan ko 'no? Ihh! Marupok ka boi!" tawang-tawa ako habang kinakausap sila pero nakatingin lang sila sa akin na parang hindi alam ang gagawin. "Kayo na ba?" nilapit ko ang mukha ko sa harap nila at nagpa-cute. Dahan-dahang tumango si Eunil kaya napasigaw ako sabay palakpak. "Omg! Ang speed talaga! I'm so proud of you!" lumapit ako kay Eunil at niyakap siya sa leeg sabay halik sa pisngi niya. Omg! I'm so proud of my best friend. Nakabingwit na siya ng Engineer! Ang bilis! Ako kaya? Kailan makakabingwit ng abogado? "Dun ka nga, lasing ka na. Tignan mo nga 'yang pinaggagawa mo" marahan akong tinulak ni Eunil kaya napanguso akong bumalik sa upuan ko. Sumandal ako sa couch at pinikit ang mga mata ko. Nineteen years! Sa loob ng labing siyam na taon hindi pa ako nagkakajowa! Pangit ba ako? Oo. Minsan naiisip ko rin kung anong feeling na magkajowa, e. May kasama kang manuod ng sine, kumain, tutulungan ka sa mga project mo, may kasama kang umuwi. Nakakainggit naman! May kasama naman akong umuwi pero, nevermind. "Eunil..." "Oh? Hindi mo na kaya? Sinabi kaninang last bottle na 'yun nagpadagdag ka pa!" Napatakip ako sa tenga ko, nakakarindi! Wala pa nga akong sinasabi! "Paturo naman kung paano humarot" wala sa sariling sabi ko. "Lasing ka na talaga!" iritang sabi niya. Lumapit siya at kinuha ang blazer ko sa couch at ginamit ito para takpan ang dibdib ko. "Ako? Lasing? No, no, no, no check! Mag whisper! Cottony dry and clean!" Sabi ko habang ginagaya ang tono ng isang commercial "Boba! Sa rexona 'yun, hindi napkin!" komento ni Eunil. Napakamot ako kahit na parang pipikit na ang mata ko "Mali-mali ka naman, e!" "Bahala ka, uuwi na tayo" Tumango ako kahit na hindi ko alam kung paano ako uuwi, nahihilo ako. Sinuotan ako ni Eunil ng blazer bago ako alalayang tumayo. "Bitaw! Bitaw" hinampas hampas ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Problema mo? Uuwi na tayo" halatang nagpipigil siya ng inis. "Bitawan mo ako, pati ako hinaharot mo ah? yiiie" I giggled while teasing her. "Pucha naman! Ganyan ka ba talaga malasing?" iritang tanong niya. Natawa ako, "I don't know, it's my first time dude!" I raised my hand and make a rock 'n roll sign. "Andrei patulong" rinig kong sabi ni Eunil. Inalalayan nila ako hanggang sa makalabas kami ng bar, hilong-hilo ako at naramdaman ko ang pagbaliktad ng sikmura ko. Lumapit ako sa gilid ng kalsada at doon sumuka. Nilapitan ako ni Eunil at tinapik-tapik ang likuran ko. Narinig ko pa ang mahaba niyang sermon pero wala akong maintindihan. Nang matapos akong sumuka inabutan niya ako ng bottled water na sa tingin ko ay kinuha ni Andrei sa kotse niya. Naupo ako sa kalsada at tinungga ang tubig. Pagkatapos ay tumingala ako sa langit "Wala bang umiigting na panga ang susundo sa akin d'yan?! Utang na loob" sigaw ko sabay hilamos sa mukha. "Gaga ka! Sa w*****d lang 'yun, tayo na bilis!" "Alam mo ba bahay niyan?" tanong ni Andrei kay Eunil. "Hindi, hindi pa ako nakakapunta dun. Isang oras ang byahe" "s**t naman! Ang layo, paano natin ihahatid 'yan, gabi na." reklamo ni Andrei. Pinaningkitan ko sila ng mata, "Kung ayaw niyo akong ihatid, 'edi don't! Magco-commute ako" I confidently said. "Sa condo ko nalang siguro, wala naman kaming pasok bukas" rinig kong sabi ni Eunil. Bigla akong makaramdam ng kaba at agad na umiling. Baka mapagalitan ako ni tita, never pa akong natulog sa bahay ng kung sino. Tsaka hindi ako nakapagpaalam! Tanginang buhay 'to! "Tawagan ko na kaya si Drake?" nag-aalangang tanong ni Andrei "Subukan mo! Tatadyakan kita!" banta ko. Tulog na 'yun, panigurado. Tapos isang oras na byahe, lasing pa ako. Hindi pa ako nakapagpaalam sa kanya at paniguradong magagalit 'yun! Kaya ayaw ko! "Saan ka naman niyan tutuloy?" Napapikit ako at nag-isip, si Vient! Tama si Vient! Ang alam ko may condo siya malapit dito, e. Kinalikot ko ang cellphone ko at tinawagan si Vient, agad niya namang sinagot. "Hello..bro!" bungad ko. [Bro?] takang tanong niya. Natawa ako, "Bro, diba baby sister mo ako? Hey there my big brother! Your little sister is kinda dizzy, you know. Uhmm...I go---" [What the f**k happened to you? Are you drunk?] galit na tanong niya. I giggled, nai-imagine kong umiigting ang panga niya. Ang cute siguro nun! Kaso exclusive lang daw para sa future girlfriend niya. "No, I'm just...wait! Did you notice something about the way I speak?" pag-iiba ko nang usapan. Nakapameywang lang si Eunil habang bored akong tinignan. [Yes, you're drunk! Nasaan ka?] "No, no.." I laughed "English speakering na ako bro, yeah! Ohmayghad! I'm---" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang agawin ni Eunil ang cellphone sa akin. "Ako na ang kakausap, ang dami mong dada!" Bahagya siyang lumayo sa akin dala ang cellphone ko. Saglit silang nag-usap ni Vient bago niya ulit ako lapitan para hilahin patayo. Pagkatapos ay sumakay kami ng kotse ni Andrei. "Hoy! Saan niyo ako dadalhin? Susunduin ako ng kuya ko!" Hindi nila ako pinansin. May sinabing address si Eunil kay Andrei pero hindi ko maintindihan. Ang saya ko ngayong gabi, walang iniisip na problema. Lahat ng stress umalis sa utak ko, hindi ko na nga maalala kung may problema ba ako. I feel that, I'm free enjoying and living my life...even just tonight. Pinupunasan ni Eunil ng basang towel ang mukha ko habang nasa sasakyan kami, kasabay noon ang sandamakmak niyang sermon. Napangisi ako nang marealized kung gaano ka-sweet ang kaibigan ko. Kaya may jowa, e! "Kung hindi niyo sana ako pina-uwi kaagad, 'edi nakahanap na ako ng abogado sa loob" I whispered before closing my eyes. Napahawak ako sa ulo ko pagkagising ko. Ang sakit, ang bigat. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at agad na pinasada ang tingin sa paligid. Hala! Gago, nasaan ako? Agad na bumilis ang t***k ng puso ko, gago anong nangyari sa akin? Uminom ba ako? Naglasing? Lumandi? Nakahanap ng boyfriend? Nasaan ako?! Pinilit kong bumangon kahit masakit ang ulo ko. Kinakabahan ako kung nasaan ako at kung ano ang magiging reaksyon ni tita mamayang pag-uwi ko. Umupo ako sa kama at hinawakan ang ulo ko, inaalala kung ano ang nangyari kagabi. Kinuha ko ang cellphone ko, nagbabakasakaling makakuha ng hint kung ano ba talaga ang mga pinaggagawa ko kagabi. Shit ang daming missed calls at text! From: Drake Nasaan ka? From: Drake Ang sabi ni Kien hindi ka sumabay sa kanya. Nasaan ka? Nakauwi ka na? Sinong kasama mo? From: Drake Aki magreply ka. Magga-gabi na ang sabi ni tita hindi ka pa nakakauwi. From: Drake YOU'RE MAKING ME WORRIED AKIZHIA! NASAAN KA? Ang dami niya pang-text pero hindi ko na binasa. Walang saysay na din naman iyon. Alam kong puro sermon lang, at malinaw na sa akin na hindi ako nakauwi kagabi. From Tita: Saan ka? From Tita: Aki nasaan ka? Gabi na From Tita: Pinag aalala mo ako From Tita: Pumunta dito si Drake hinahanap ka From Tita: Gabi na Aki, nasaan ka? From Tita: Ok alam ko na, mag-ingat ka jan. Nag txt na sa akin si Vient. Agad na nangunot ang noo ko pero nakahinga rin ng maluwag sa huling message niya. Wala akong naalala na sinundo ako ni Vient kagabi, paano ako papunta dito sa condo niya? Agad akong nagtipa at nireplyan si Drake na nasa condo ako ni Vient at 'wag siyang mag-alala. Dahan-dahan akong tumayo at binuksan ang pinto ng kwarto. Sumilip pa ako bago tuluyang lumabas. Nakita kong nakaupo si Vient sa breakfast table at may hawak na newspaper. Tumaas ang kilay niya nang makita akong papalapit. "Goodmorning" bati ko at awkward na ngumiti. "Kumain ka na, umuwi ka din agad dahil kagabi pa tawag nang tawag sina tita" Tumango ako at umupo sa tapat niya, gusto ko siyang tanungin kung ano ang nangyari kagabi at kung paano ako nakapunta dito pero nahihiya ako. "Saang club kayo nanggaling kagabi at bakit lasing na lasing ka?" tanong niya sa gitna ng pag-aalmusal namin. Napaubo ako at dali-daling nagsalin ng tubig sa baso para inumin. Club? Oo alam kong nagpunta kami sa club, pero 'yung naglasing...hindi ako makapaniwala. "H-hindi ko alam. Black Market 'ata" napakagat ako sa ibabang labi at hindi sinagot ang panghuling tanong niya. Narinig ko siyang bumuntong hininga "Ano naman ang rason mo para maglasing, ha?" nagtutunog sermon na siya. Gusto ko lang naman mag chill pagkatapos kong lunurin ang sarili ko sa pagre-review. Hindi ko naman inexpect na malalasing ako. Si Eunil ang may kasalanan ne'to, e! "Pampatanggal stress lang sana" mahinang sabi ko. "Sa susunod na maglalasing ka, magsama ka ng taong kaya kang ihatid at safe ka." he seriously said. Marahan akong tumango "Sorry" "'Yun ay kung makapalasing ka pa sa susunod" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya, bakit? Kapag nalasing ka ng isang beses, bawal kana maglasing ulit? "Pinagtakpan na kita kay tita, Aki...pero kay Drake..." umiling siya "Hindi ko 'yun maiisahan, hindi mo 'yun maiisahan" Napalunok ako sa sinabi niya, kinakabahan kaagad ako. Pagkatapos naming mag-almusal, inayos ko ang sarili ko para umuwi. Magco-commute nalang ako, ayaw kong istorbohin si Vient dahil lagi siyang busy. Only child siya at siya lang ang inaasahan ng mga magulang niya na manahin ang kompanya nila. Siya ang laging pinaka-busy sa aming apat kaya naiintindihan ko 'yun, tsaka isang oras pa ang byahe pauwi. Nagpaalam ako sa kanya at dali-daling umalis. Nagmadali akong sumakay ng bus dahil naiirita na ako sa suot ko. Kahapon ko pa 'to suot kaya pakiramdam ko ang dumi-dumi ko na. Nakatulog pa ako sa byahe dahil sa hilo at bigat ng ulo ko. Pagdating ko sa bahay nagpanggap akong walang nangyari para hindi na mag-alala si Nay Cora. Good thing dahil nasa opisina si Tita at may trabaho kaya dumiretso na ako sa kwarto para maligo. Binabad ko ang sarili ko sa tubig para mabawasan ang bigat ng ulo ko. Pagkatapos kong magbihis, tinuyo ko ang buhok ko at dumiretso ng higa sa kama. Feeling ko pagod na pagod ako! Bumalikwas ako ng higa dahan-dahang imunulat ang mga mata ko. Halos mapaiktad ako nang bumungad sa akin si Drake na nakaupo sa kama ko at titig na titig sa mukha ko ngayon. "Drake..." "Hang over?" Hindi ako sumagot. Tinitigan ko lang ang mukha niya para basahin kung anong nararamdaman niya. Pero wala, wala akong nakikitang kahit anong ekspresyon. Hindi ko masasabing galit ba siya o nag-aalala. Nung hindi ako nakasagot kinuha niya ang tubig sa side table ng kama ko at iniabot sa akin. Tinitigan ko pa siya bago kunin ang baso sa kamay niya. Ang weird, blangko ang ekspresyon ng mukha niya. "Sorry..." nahihiyang sabi ko "Sinong kasama mong uminom?" Napanguso ako at pinaglaruan ang mga daliri ko, "Si Eunil" "Ano pa 'yung ginawa niyo sa club maliban sa paglalasing?" Hindi ko talaga masasabing galit siya dahil kaswal lang ang pananalita niya. Pero para siyang imbistigador kung magtanong. "Wala na, uminom lang" pagsasabi ko ng totoo. Narinig ko siyang bumuntong hininga "'Wag kanang bumalik doon" Awtimatiko akong nag-angat ng tingin "Bakit? Wala naman akong masamang ginagawa" "'Yung mag party, normal 'yun Aki...pero 'yung maglasing ka at hindi alam 'yung mga pinaggagawa mo, hindi na 'yun normal" nagpipigil sa inis na sabi niya. "Alam ko naman 'yung ginagawa ko" "Alam mong sumayaw-sayaw ka sa gitna at nagsisigaw ng mali-maling lyrics ng kanta habang maraming nakatingin sayo? Alam mong halos sumigaw kana doon sa loob para maghanap ng abogado'ng pwedeng jowain? Alam mong halos kaladkarin kana nila Eunil para lang makalabas kayo ng club?" mahabang lintana niya, naiinis na. Inis na inis na siya habang ako ay nanatiling tulala, iniisip kung ginawa ko ba talaga ang mga 'yun. Deep inside hiyang-hiya ako. First time ko 'ata 'yun. "H-hindi ko alam. Sinong nagsabi sayo niyan? Si Eunil ba?" tanong ko. Bahagyang umangat ang gilid ng labi niya bago mag-iwas ng tingin "Si Andrei, sila ni Eunil ang naghatid sayo sa condo ni Vient. Paano nalang kapag wala si Vient doon? Baka kung saan kana napadpad! You know how dangerous to stay outside" sermon niya. "Sorry na, sa susunod ano..." napanguso ako. "Ano?" lumingon siya. "Isasama na kita" napangiwi ako na parang natatae. Hindi ko alam kung tama ba na 'yun ang sinabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD