CHAPTER THIRTY ONE “Kapag may mangyaring masama sa apo ko, hinding-hindi kita mapapatawad.” Naningkit na sabi ni Lolo Sebastian sa akin, marahas na binitiwan ang kwelyo ko. Kung hindi pa siya inawat ng ama ni Ice ay baka sinuntok niya ako. Pero sa mga oras na iyon ay wala akong pakialam, kumikirot na din ang sintido ko sa mga nangyayari. He was blaming me sa nangyari na hindi ko naman pinagtanggol ang sarili ko. Tama naman siya, it was my fault. Hindi ko siya na-protektahan. Hindi sana mabagok iyon ulo ni Ice…no, hindi lang iyon. Kung sana ay hindi na lang kami lumabas ng araw na ito. Dammit! Nawala ang buong attention niya nang lumabas ang doctor. Agad na nilapitan ko siya. “Kamusta po ang asawa ko, doc?” Inalis ng doctor ang white mask bago niya ako sinagot na hindi pa siya makakasi

