Chapter 30 “Ahh!” Hinampasan uli siya. “Ano sa tingin mo? Hindi naman ako manghahalik sa isang lalaki at hindi rin naman ako magpapakasal sa isang kagaya mo kung hindi kita mahal!” Darn it. I’d finally said it! Nag-iwas ako ng tingin sa kanya, takot kung anong magiging reaksyon niya pero dahil wala akong marinig mula sa kanya ay sinulyapan ko siya. Imbes na kabahan ay bigla akong natawa sa hitsura niya. Dahil sadyang maputi siya ay pulang-pula ang hitsura niya, parang umuusok na ang mukha sa pula. Pangalawang beses ko na siya nakita na namula, ang una ay 'yong nasa bahay kami ng magulang ko at ngayon naman ang pangalawa. Pero ang cute niyang tingnan! “I was right…?” Since, nandito na ito kaya sasagarin ko na. “Tama iyong pangatlong hula mo. I’d been in love since high school hindi ko

