FELIX’s POV One word, seven letters. JEALOUS. Iyon ata ang naramdaman ko ngayon kahit ayaw kong aminin. Buong oras ay panay flirt ng kapatid ko na si Caleb sa asawa ko. Kung sa paningin ng iba ay tila simpleng pag-uusap lang ang gustong gawin ni Caleb kay Ice ay parang casual lang. Pero dahil kilalang-kilala ko na siya ay sigurado ako na pinupormahan niya ang asawa ko. Si Ice naman ay parang walang paki, nakatuon lang ang attention sa palabas na nasa stage. Sa tuwing magkakataon na magagawi ang tingin ni Caleb sa akin ay binibigyan ko siya ng masamang tingin pero parang bale wala lang sa kanya. Kaya hindi ko maiwasan na isipin na may hindi siya magandang plano eh. Hindi ko nga rin alam kung ba’t niya ginagawa ito, hindi naman siya ganito. N’ong nagpaalam muna sandal si Ice na pupunta lan

