Chapter 28 Dalawang araw na ang nakalipas ng kasal at imbes na mag-honeymoon sa ibang bansa o kung saan man magandang distenasyon ay nandito lang kami sa bahay—simula two days ago ay dito na ako titira by the way. Wala naman akong problema doon dahil hindi naman ako mahilig pumunta sa kung saan-saan 'no. Dahil honeymoon daw namin ngayon ay hindi nagtrabaho ngayon si Felix. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Sinabi ko naman sa kanya na pwede siyang magtrabaho na lang at iwan ako dito sa bahay pero ayaw. Inalis ko ang nakatakip na kumot sa mukha ko, tinitigan ang kisame. Even if I want to get back to sleep ay hindi naman pwede dahil madaling araw na. Napapitlag ako sa pagmuni-muni ng naramdaman ko na may tumanday sa binti ko. Nilingon ko si Felix na mahimbing na natutulog. Sarap kurutin n

