MSME11

1444 Words
Pwede mo naman siyang tabihan dahil mag-asawa kayo. Iyon ang sigaw ng isang tinig kay Anna. Tumikwas ang nguso niya sa pumasok na ideya sa kanyang isipan. Kasalukuyan niyang binabaybay ang daan patungo sa bakanteng silid. Baka isumpa ka ni Derrick paggising niya kinabukasan, udyok naman ng isa pang tinig sa kanyang isipan. "Pwede ba, tigilan n'yo na ako," bulalas ni Anna habang pinipihit ang seradura ng pinto. "Matutulog ako dito nang matiwasay. Hindi ako desperada para gapangin ang masungit na lalaking 'yon sa kabilang silid," sabi na lang niya sa sarili. Kung may makakakita lang siya ay malamang mapagkamalan siyang baliw dahil panay kausap niya sa sarili. Nagtatalo ang kanyang isipan kung gagawa siya ng kalokohan o hahayaan na lang ang amo na payapang matulog sa silid na inookupa. Parang tukso naman na lumilitaw ang imahe ni Derrick sa isipan ni Anna. Nakahiga na siya sa kama at dinig pa ang bawat tunog ng orasan.Biling-baliktad siya sa higaan. Tiningnan pa niya ang orasan na nakapatong sa side table. Alas tres na ng madaling araw and yet at gising pa siya! Parang kung may anong umuudyok sa kanya na tingnan ang nasa kabilang silid. Bumangon siya at pumunta ng banyo para umihi. Pagkatapos ay kampante siyang pumasok sa silid kung saan natutulog si Derrick. Napaawang ang kanyang labi sa nadatnang eksena. Nahawi ang kumot at sumilip doon ang tulog ngunit may kahabaang kargada ng amo. Maugat pa iyon at infairness hindi masagwa tingnan lalo pa at hindi naman makapal ang pubic hair nito. Atleast, hindi siya supot. Nanunuyo bigla ang kanyang lalamunan pero may pumasok na isang ideya at natawa siya ngayon pa lang sa kahihinatnan. Nagpipigil lang siyang huwag matawa. Biglang kumislap ang isang pilyang ngiti sa labi niya. Kinuha ang sketch pad at lapis na nasa sidetable lang. Umupo siya sa stool na naroon at dahan-dahan na iginuhit ang dinatnan na eksena. Hindi ka na pwedeng maging masungit sa akin dahil may pang blackmail na ako sa iyo, iyon ang mga tumatakbo sa isipan ni Anna. Supil ang mga ngiti sa labi at nagpatuloy siya sa ginagawa. Mahirap na at baka mabuking siya ni Derrick pihadong lagot siya 'pag nagkataon. Muling gumalaw si Derrick at tama naman na natapos ni Anna ang kanyang ginagawa. Dali-dali niyang niligpit ang sketchbook at lapis sa drawer na naroon. Tumikhim pa si Derrick at tila naalimpungatan ito. Namilog ang mata ng binata nang mabistahan ang sarili. Kaagad na kinapa ang sarili at pinakiramdaman kung may masakit ba sa kanya. Nang wala naman siyang nararamdaman ay tinakpan ang kahubdan na kanina pa nakahantad. Bumalikwas siya nang bangon at doon nalaman na may nagmamasid sa kanya. Halos lumuwa ang mata nang makita si Anna na nasa kanyang paanan at matiim siyang pinagmamasdan na para siyang specimen sa ilalim ng magnifying lens. "Anong ginawa mo sa akin?" Puno ng akusasyon ang boses ni Derrick habang mas pinag-iigihan ang pagbalot sa sarili. "Ni-rape mo ako habang lasing ano?" Pinilig ni Derrick ang ulo at pilit na kinakalkal sa alaala kung may nangyari ba sa kanila ni Anna. Ang huli niyang natatandaan, umiinom siya sa isang bar na pagmamay-ari ng college classmate niya. "Excuse me! Hindi ako manyakis at ayoko sa lahat ang lasenggo. Oh my gulay! Ikaw pa talaga ang may gana na akusahan ako na ni-rape kita? Naririnig mo ba ang sarili mo, Sir?" Puno ng sarkasmo ang boses ni Anna habang paroon at parito sa paanan ng kama. "Dapat magpasalamat ka pa sa akin because kinuha kita sa kung saan na bar mo gustong magpakalasing!" Mataas na rin ang tinig ni Anna at sambakol na rin ang mukha. Hindi niya maiwasan na mainis lalo at siya na nga nagmalasakit, siya pa ang lumabas na masama. Kung minamalas nga naman talaga. "Then, why do I don't have clothes on?" Hindi na nag-atubili pa si Derrick na itanong bakit naging ganun ang kanyang kalagayan. "You harassed me!" akusa ulit sa kaharap. "Ang kulit! Kung makikipagyugyugan din lang ako sa lalaki gusto ko 'yong hindi lasing." Sa inis naibulalas na lang din ni Anna sa kaharap. "You better not lie or else you will pay for this!" Dinuro ni Derrick si Anna habang tinatago pa rin kahubdan sa ilalim ng kumot. Sa inis ni Anna, walang babala niyang hinila nang malakas ang kumot ni Derrick. Naestatwa sandali ang binata at namilog ang mata. Hinila ulit ang kumot at tinakip sa sa sarili. "Ayan, tutal naman inakusahan mo na ako at lahat. Bobosohan na lang kita!" Sumigaw na si Anna at nakapaywang na pinagmamasdan si Derrick. Nag-iinit ang sarili na tila natatawa si Anna sa ginawa pero pinipigil niyang bumunghalit ng tawa. Mas dinaig ng katatawanan ang init ng katawan niya. "Ano at kulang yata sa vitamins ang pototoy mo? Ayaw man lang magpakitang gilas sa akin oh?" Paghamon ng dalaga. Sumiklab ang galit sa dibdib ni Derrick. Kahit ramdam pa rin ang hilo, tumayo siya at nilapitan ang dalaga. Bahagyang yumuko at pinagduldulan ang mukha kay Anna. Sumilay ang isang ngiti sa labi. "Hindi na rin siguro ako lugi kung papatusin kita. Tsk, tsk, tsk," palatak niya habang pinapasadahan ng tingin ang nakapaymang na si Anna. Hindi naman natinag si Anna kahit ang totoo pinagpapawisan na siya nang malapot. Sigurado siya na hindi siya papatulan ni Derrick. Kampante siyang hindi siya type ng amo. Kahit na ba halos gapulgada na lang ang distansya ng mukha ni Derrick sa kanya hindi siya gumalaw sa kinatatayuan. Ni hindi gumalaw si Anna nang pumikit si Derrick at tinawid ang nalalabing distansya ng kanilang mukha. Lumapat ang kanyang labi sa nakatikom na labi ni Anna. Hindi man lang natinag ang huli sa ginawa ni Derrick. "What are you doing?" Napalundag sa gulat si Derrick sa narinig. Boses ng kanyang abuelo na si Vicente. He really thought that his grandfather headed abroad for his medication. Napakamot na lang siya sa kanyang ulo. "Derrick Valderama, make yourself decent!" Suminghal ang matanda habang humahakbang nang mahina papasok sa kanilang silid. "Why are you even here, Lolo Vicente? Dapat nasa abroad ka na at nagpapagamot." Kaswal lang na naglakad pabalik si Derrick sa kama . Inisa-isa niyang kinuha ang mga damit naroon at nagbihis. Binalingan si Anna. "Bumalik ka na sa kwarto mo, Anna. Mag-uusap lang kami ng lolo." "I will talk to you later, hija. May sadya lang ako dito sa asawa mo," wika ng matanda kay Anna. Doon lang gumalaw si Anna para magmano dito at umalis na ng silid. "You really thought I wouldn't know what you did in Bataan, Derrick? Hanggang ngayon na may asawa ka na nakikipagkita ka pa rin sa babaeng 'yon?" Hindi akusasyon ang pinupukol ng matanda sa apo kundi ang mga nakalap na mga impormasyon mula sa isang taong inatasan na bantayan ang bawat galaw ng apo. "I have my reason why I don't like your ex-girlfriend." "Well, at least tell me. Don't make me guess the things you don't like about her," sagot naman ni Derrick. Sinara na niya ang huling butones ng kanyang polo shirt at hinarap ang abuelo. "If you only told me what you don't like about Chelsea, I will make a way for her so that you will like her eventually." "Sa tingin mo ang babaeng galing sa maruming ina ay tatanggapin ko?" Umismid si Don Vicente nang sabihin ang mga katagang iyon. Ang ina ni Chelsea ay kilalang dating kerida ng isang makapangyarihang politiko. Naging masalimuot ang buhay ng ginang nang mabisto ito ng asawa ng isang governor sa karatig probinsya nila. Naging tahimik na lang ang buhay nito nang makabingwit ang ginang ng isang matandang Briton at iyon nga ang ama ni Chelsea. "For a very charitable and benevolent man, you are very judgmental, Lolo Vicente," naibulalas na lang ni Derrick. Hindi siya sanay na nang-uuri ang abuelo lalo at kilalang mapagkawanggawa ito at hindi matapobe. "It differs when the woman you want for a wife comes from a family with a scandalous past. Hindi lang ang nanay niya ang ganoon, pati na rin ang iba pa niyang pinsan na babae." "People change. We can't judge someone just because they made a terrible mistake." Frustrated na si Derrick lalo at ayaw niyang may pupula sa reputasyon ni Chelsea, lalo pa at galing iyon sa abuelo. "Enough!" sigaw ng matanda. "Bigyan mo ako ng apo. At apo na mula sa asawa mo, Derrick. Kung galing sa ibang babae, kalimutan mo na isa kang Valderama." Dahan-dahan na lumabas ng silid ang matanda at hindi man lang nito nilingon ang apo na hindi nakaimik. Gustong magmura ni Derrick pero alam niyang walang pwedeng bumali sa sasabihin ng abuelo. Vicente Valderama is a benevolent yet a proud man.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD