MSME10: Drunk

1591 Words
MSME10 Samantala, katatapos lang ni Anna sa kanyang mga sketches para sa paunang kabanata ng kanyang erotic comic. Lapis lang at sketch paper ang ginamit niya lalo at unang subok pa lang naman niya na magpasa ng manuskrito bukas. Pinasadahan niyang muli ang kanyang mga likha sa gabing iyon. Natuwa naman siya nang mabistahan ang mga nagawa niyang eksena. Ang ibang eksena ay binase ayon sa mga napansin niyang mga eksena sa opisina. Office romance ang tema ng kanyang ipapasang storya sa isang online comic platform. Lingid sa kaalaman ng kanyang Tiyang Maria, pinagpatuloy ni Anna ang kanyang pangarap na maging isang manunulat sa komiks. Wala siyang pakialam kung ang tingin ng iba sa kanya ay werdu lalo at mahilig siya sa temang erotiko. Mabenta nga naman kasi ang ganoon kahit sa mga lalaki at babaeng mga mambabasa. Bata pa lang siya, mahilig na siya sa komiks. Noon ay pawang mga comedy at horror stories sa komiks ang kinahiligan niya pero nang lumaon, nadiskubre niya ang erotikong mga komiks na mabenta sa mga lalaking mambabasa. Madalas kapag pumupunta siya sa palengke noon ay nagbabayad pa siya para lang magbasa. Katakot-takot na sermon ang inaabot niya sa kanyang Tiyang Maria kapag nalalaman nito ang mga kinahihiligan niyang basahin. “Naku! Umayos ka Anna! Naturingan kang babae pero mas matindi ka pa sa mga kapatid mong lalaki!” Parang umaalingangaw pa sa kanyang pandinig ang mga pangaral ng kanyang Tiyang Maria sa tuwing umuuwi ito sa San Joaquin mula sa Maynila. Bukas nga habang lunch break niya ay isisingit na niyang ipasa ang kanyang manuskrito lalo at wala pa siyang scanner para ma-attach ang mga sketches niya sa kanyang e-mail. Wala pa siyang pambili ng drawing tablet kaya nagtityaga pa rin siya sa mano-manong pagguhit. Naghahanap na siya ng modelo ng tablet sa internet na pwede niyang bilhin kapag sumahod na siya. Kinukwenta niya ang kanyang kaunting ipon at kulang pa ng tatlong libo ang pera niya para sa model na gusto niyang bilhin. Isusuot na sana niya ang kanyang eyemask para matulog nang tumunog ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya iyon, si Derrick ang tumatawag. “At ano naman kaya ang kinain ng kurimaw na ito at nangbubulahaw?” himutok niya. Pinindot muna niya ang answer button at saka sinagot iyon. “Anong sadya mo?” iritang saad ni Anna. “Ma’am, kayo po ba ang asawa ng customer namin? Delikado po kung siya lang ang uuwi mag-isa na lasing na lasing lalo at may dalang sasakyan. Baka pwede po na sunduin ninyo siya rito sa bar?” mahinahong saad ng nasa kabilang linya. “Hindi ko po siya asawa ano? Amo ko po siya at saan ba ang address ng bar ninyo para masundo ko na siya. Paki-text na lang ang address para maibigay ko sa taxi driver,” dismayadong saad ni Anna. Tiningnan ni Anna ang wall clock matapos ibaba ang tawag. Ala una na ng madaling araw! At ano ang ginagawa ng kanyang amo sa bar? Dapat ay nasa Bataan ito at may dalawang araw na reservation pa ito kasama ang kanyang nobya! Akala pa naman niya ay makakapag pahinga siya sa pagiging bossy nito at may panahon siyang pumuslit na magpasa ng manuskrito niya. Nagbihis na si Anna ng jogger at hoody na grey. Nagdala na rin siya ng ekstrang pera para naman sigurado siyang may pamasahe sila pauwi. Nang tingnan niya ang cellphone, may natanggap siyang text message mula sa numero ni Derrick. Kaya, bumaba na siya ng penthouse at naghanap ng taxi masasakyan. Mabuti na lang at may dumaan kaagad at nakasakay siya. Pinakita niya ang address sa driver at ilang sandali pa humarurot na ang taxi papunta sa bar kung saan naroon ang amo. “Manong, pahintay lang saglit ha? May susunduin kasi ako sa bar,” saad ni Anna. “No problem po, Ma’am,” sagot ng driver na medyo may edad na. Tingin naman ni Anna na mabait ito kaya tsinika na rin niya ito. “Manong, kapag maraming drama iyong susunduin natin mamaya, hayaan mo lang ha! Baka kasi umiyak iyon lalo at broken-hearted!” “No problem, Ma’am,” natatawang saad naman nito kay Anna. Naging napabilis ng biyahe nila papunta sa bar lalo pa at nawili sila sa pagkukwentuhan. Kaagad na bumaba si Anna matapos maayos na pinarada ng driver ang taxi nito sa maluwag na parking area ng bar. Nagpasama na rin siya sa driver na bumaba lalo at hindi siya sigurado kung kakayanin niyang mag-isa na alalayan ang amo. Naroon na sila sa loob nang sinalubong sila ng isang lalaki na nakasuot pa ng coat and tie. Ngumiti ito kay Anna at inilahad ang kamay. “Mabuti at narito ka na, Anna. Kanina pa tinatawag ni Derrick ang pangalan mo.” Mahigpit na pinisil ng lalaki ang kamay ni Anna na siyang dahilan para kaagad niyang bawiin ito. “Pasensya na po kayo sa amo ko. Baka stress lang sa trabaho kaya naglalasing. Kilala n’yo pala si Sir,” magalang na saad ni Anna sa kaharap. “Ako ang may-ari ng bar at kaklase ko rin siya sa college. Ronald nga pala,” pagpapakilala nito. Sa ibang pagkakataon baka binara na ni Anna ang kaharap sa uri ng tingin nito sa kanya na tila hinuhubaran siya. Pero, dahil kahit papaano ay inalagaan nito ang kanyang among pasaway ay nginitian niya ito ng pagkatamis-tamis. “Salamat nga po pala sa pag-aalaga sa amo ko. Nasaan na po ba siya para ihatid ko na pauwi sa kanila.” Giniya naman ni Ronald si Anna patungo sa isang cubicle malapit sa bar counter. Naroon nga si Derrick at nakahiga sa couch at tulog. Dinig pa nila ang mabining hilik nito. Inalalayan na ni Anna at ng driver si Derrick. Tama nga ang hinala ni Anna mabigat si Derrick lalo at tulog pa ito Saglit na kinapa ni Anna ang bulsa ng pantalon ng amo at sinigurado na naroon ang susi ng sasakyan. Nang nakalabas na sila sa cubicle, ang bartender na ang umalalay kay Derrick. Inutusan naman ni Anna ang driver ng taxi na mauna na at ipagbukas sila ng pinto. Hinatid lang sila ng tanaw ni Ronald na tinaas pa ang kamay nang tuluyan na silang nakalabas ng bar. Buti na lang at malapit lang naman sa pinto ng bar ang taxi kaya hindi na sila masyadong nahirapan. Binilinan ni Anna ang bartender na babalikan ang sasakyan ng amo kinabukasan. Wala naman reklamo ito at natuwa pa nang binigyan niya ito ng dalawang daan bilang tip. Nang masiguro na maayos na si Derrick sa backseat, kinabitan pa ni Anna ng seatbelt ang amo bago siya umayos ng upo. “Manong, balik tayo doon sa pinanggalingan natin,” utos ni Anna sa driver. Tahimik ang kabuuan ng biyahe maliban na lang sa panaka-nakang pagkilos ni Derrick na tila naiinitan. Mas mabilis ang biyahe lalo at madalang na ang mga sasakyan sa kalsada. Nang marating na nila ang building, maayos na pinarada ng taxi driver ang kanyang sasakyan at inalalayan pa si Anna. Pero, bago pa tuluyan na ibinaba si Derrick, binayaran na kaagad ni Anna ang naging bill sa taxi at hindi na kinuha pa ang sukli sa isang libo na binigay niya rito. “Manong, pasensya na talaga ha. Kung marami lang sana akong pera malaki sana tip mo,” dispensa niya sa driver. “Okay lang Ma’am. Masaya na ako at mabait kayo,” nakangiting sagot naman nito kay Anna. Kaagad na dinukot ni Anna ang access card at tinapat iyon sa sensor ng elevator. Halos matumba pa siya sa bigat ni Derrick na sa kanya na nakasandal. Kaya, tinulak niya ito at sinandal sa dingding ng elevator. Hirap man, nailabas niya sa elevator ang amo na tulog pa rin. Halos maligo na siya sa pawis nang naroon na sila sa pinto ng penthouse. Muntik pa siyang mapasubsub sa sahig nang tumumba si Derrick sa pagkakasandal sa kanya. Muntik ng batukan ni Anna ang amo sa inis niya rito. Magmaktol man siya at saktan ito ay wala siyang mapapala kaya pinilit niyang isampa na lang ito sa sofa. Tinanggal kaagad niya ang sneakers nito at medyas bago inayos ang pagkakahiga nito sa sofa. Sa tangkad nito, namaluktot ito doon kaya wala siyang choice kundi akayin ito para sa bakanteng kwarto. Mabuti na lang at malinis iyon at bagong palit niya ang mga kobre kama. Inayos niya ang pagkakahiga ni Derrick sa kama matapos niyang maisampa ito doon. Hinubad niya ang pantalon nito lalo at nadama niyang pawis ang buong katawan nito. Pumunta siya sa banyo niya at kumuha ng palanggana at bimpo pati na tubig para linisin ang katawan nito. Pagbalik sa higaan ni Derrick, hinubad na rin niya ang polo shirt ng amo. Inumpisahan ng linisin ni Anna ang katawan ni Derrick na tanging boxer shorts lang ang saplot. Napahanga naman ang dalaga sa katawan ng amo dahil nasa tamang lugar ang mga muscles nito. Hindi gaanong malaki ang katawan ni Derrick lalo at matangkad nga ito. Minadali na ni Anna ang paglilinis sa katawan ng amo at babalutin na sana ito ng kumot nang kumislot ito. Napapikit si Anna nang hubarin nito ang boxer shorts kahit nakapikit. Halos murahin niya ang tulog na amo sa ginawa nito. Ano at natutulog pala na hubot hubad ang amo? Kaya, binalot na niya ng kumot si Derrick at bumalik na sa kanyang kwarto. Kung ibang babae siguro ay malamang na samantalahin na ang pagkakataon at tinabihan na ang amo o ang mas malala ay baka gapangin na lang ito at.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD