MSME6- Sign

1419 Words
Sa bar counter dinala si Derrick ng kanyang mga paa. Kumuha siya ng basong naroon at nagsalin ng alak. Kaagad niyang tinungga ang laman ng kanyang baso. Ang init na dala ng alak ay gumuhit sa kanyang lalamunan. Mapait iyon. Katulad na lang ng sitwasyong kinasadlakan niya. Sa ikalawang pagkakataon ay ikakasal siya sa babaeng hindi niya mahal. Ang kaibahan nga lang ngayon ay mas hamak na maganda si Anna kaysa kay Callista. Napailing si Derrick. Hindi niya alam kung bakit niya pinaghahambing ang dating asawa at ang magiging asawa niya bukas. Napalatak siya at pabagsak na umupo sa sofa na naroon. Pumikit siya saglit at inaalala ang magandang mukha ni Chelsea. Tama. Si Chelsea dapat ang kanyang isipin. Ang kanyang nobya na limang taon na naghintay sa kanya. Plano na niyang mag-propose dito lalo na ngayon na handa na nitong bitawan ang pagiging modelo para maging asawa niya. Muli siyang lumapit sa bar counter at kinuha na ang bote ng alak. Sunod-sunod ang naging pagtungga niya sa whisky na iyon. Tila tubig na lang ang turing niya rito. Gusto niyang lunurin ang sarili sa alak para sandaling takasan ang muli niyang pagkabigo sa pag-ibig. Not once, but twice. Gustuhin man niyang magalit sa abuelo pero ngayon sa ikalawang pagkakataon ay alam niyang may kasalanan siya. Nag-iisip na siya kung paano niya malulusutan ang sitwasyong nasuungan. Sa ganoong kaisipan ay hindi na niya namalayan na nilamon na siya ng antok. ******* Samantala, kung si Derrick ay hirap matulog at kailangan pa maglasing, si Anna naman ay kampanteng. Hindi naman siya nag-aalala dahil alam niyang katulad ng unang asawa ni Derrick ay walang gusto sa kanya ang kanyang amo na masungit. Hindi naman lingisa kanyang kaalaman ang pagkakaroon nito ng kasintahang modelo na habang asawa pa niya si Callista noon ay naging kabit pa nito. Napailing na lang si Anna at saglit na bumangon. Hindi pa siya inaantok kaya nagpasya siyang ilabas na muna ang kanyang sketchbook. Kailangan niyang libangin ang sarili na gumawa ng mga ipapasa niyang manuskrito sa isang publishing house. Dati pa lang ay pangarap na niyang magsulat ng mga kwento at gumuhit ng komiks. Patago niyang ginagawa ang kanyang hilig lalo at erotika ang gusto niyang isulat at iguhit. Tutol ang kanyang Tiyang Maria lalo at wala daw kinabukasan ang mga manunulat ng komiks at puro kahalayan lang ang naidudulot nito sa lipunan. Hawak ang kanyang lapis ay nag-umpisa na niyang iguhit ang eksena kanina sa conference room. Tila may sariling isip ang kanyang mga kamay at trenta minutos lang ay nabuo na niya ang eksena kung saan kinuwelyuhan niya ang bastos na kaibigan ng kanyang amo. Napangiti si Anna at humikab. Inaantok na siya kaya binalik na niya ang kanyang sketchbook sa taguan nito. Mahirap na at baka bigla na naman ang pumasok sa penthouse ang kung sino at makita pa ang kanyang pinakatagong sikreto. Maaga siyang nagising. At kahit nag-iisa siya sa penthouse ay nagluto pa rin siya ng kanyang almusal. Mabuti na lang nang pumunta siya roon ay maraming laman ang refrigerator na naroon. Ang amoy ng bawang na sinasangag niya para sa garlic rice na niluluto niya ay kumalat sa kusina. Nagutom na tuloy si Anna na kasalukuyang nakasuot lang ng bathrobe habang nagluluto. Sumod niyang niluto ang isang itlog at ginawa itong sunny side up at ang daing na bangus na naroon. Matapos na niyang iluto iyon ay nagtimpla na siya ng kape. Black coffee ang nakasanayan niyang inumin kahit sa probinsya. Ang amoy ng kanyang almusal ay naghatid ng saya sa kanya kaya magana siyang kumain. Hindi na muna niya iniisip ang kasalang magaganap. Malamang sa malamang ay may offer sa kanya si Derrick: ‘yon talaga ang iniisip niya. May nobya ito ng limang taon na ayaw ng abuelo. Nabusog si Anna sa kanyang almusal at tumayo na para hugasan ang kanyang pinagkainan nang tumunog ang pinto. Naka electronic lock ang penthouse at tanging may access ay si Don Vicente at si Derrick. Kampante niyang inayos ang pagkakabuhol ng kanyang bathrobe at hinarap ang kung sinuman na pumasok. Thinking about the devil, and the devil is here! sigaw ng utak ni Anna. “Maaga yata kayo, Sir Derrick. May sadya po kayo?” Sumilay ang tusong ngiti ni Anna sa gilid ng kanyang mga labi. Tinapos na niya ang hinuhugasan na mga pinagkainan at hinarap ang bagong dating. Binagsak ni Derrick ang dalawang transparent folder sa lamesa. “You can sign these documents here, Anna. It’s for our own good,” kaswal na saad ng binata sa kanyang sekretarya. Humalukipkip niyang pinagmasdan si Anna nang pulutin nito ang folder na binagsak niya sa lamesa. Binuklat ni Anna ang folder at kaagad bumungad sa kanya ang heading ‘Pre-nuptial Agreement’ ang nakalagay. Binasa niya ng makailang beses at humalakhak siya nang tiniklop niya iyon. “The nerve Valderama to even mention na bawal ako ma-inlove sa iyo. It is like stating the obvious. Wala ka namang quality para ma-inlove ang isang babae sa iyo except for your surname,” saad ni Anna. Namula si Derrick sa sinabing iyon ni Anna. Ngayon lang siya nakaharap ng babae na hindi yata apektado sa kanyang pisikal na kaanyuan. Maraming empleyado na ang nagtangka siyang akitin. Pero si Anna ay tila bulag sa kanyang karisma. Minuwestra ni Anna ang kanyang kamay ky Derrick at nagtaka naman ang huli sa ginawa ni Anna. “Ballpen, please may idagdag lang ako sa mga kondisyon mo.” Tumirik ang mata ni Anna sa hina umintindi ng kausap niya. Bumuntong hininga si Derrick at kinuha ang kanyang sign pen sa kanyang coat at inabot sa kanyang sekretarya. May isinulat ito sa baba na dalawa pang bagay at pagkatapos ay tinaas nito ang papel. “Dagdag ko lang pala. Una, bawal pakialaman ang personal agenda ko at bawal akong tanungin. Pangalawa, bawal akong gapangin, not unless willing ako magpa gapang.” Pinirmahan na ni Anna ang dokumento at inabot iyon kay Derrick. Diretso ang tingin ni Anna nang sinabi niya ang mga bagay na iyon na siyang dahilan para humagalpak ng tawa si Derrick. “Are you joking? Sa tingin mo ay papasa ka sa standards ko? Anna Romero, you are not even my type!” “Hindi naman pala eh! So, pirmahan mo na iyan kung ayaw mo naman ay madali akong kausap.” Tumalikod na si Anna para bumalik na sa kanyang kwarto para magbihis. “Hey, wait! Ito na at pipirmahan ko na.” Kaya walang pag-aalinlangan na nilagdaan na ni Derrick ang kasunduan nila ni Anna. “Hintayin mo ako sa sala at magbibihis lang ako.” Sinara na niya ang pinto ng kanyang kwarto at nagbihis na. Nagsuot si Anna ng itim na stocking na nabili niya sa kalapit na boutique. Ayaw na niyang maulit ang eksena sa conference room kung saan hayagan siyang binastos ng kaibigan ng amo dahil nasilaw sa kanyang long legs. Limang minuto lang at nakagayak na si Anna. Tanging face powder lang at burgundy lipstick ang nagsilbi niyang kolorote sa mukha. Sinukbit niya ang kanyang shoulder bag at lumabas na si Anna sa kanyang kwarto. Gustong mamalikmata ni Derrick nang masilayan ang bagong bihis na si Anna. Aaminin niya sa sarili na na-attract talaga siya sa kanyang sekretarya. Ang mahahabang legs pa lang nito ay sadyang nakakaakit na. Hindi kaya itago iyon ng suot nito na itim na stockings. Tama din naman ang sukat at kurbada ng katawan nito dangan nga lang at boyish ito gumalaw. Maganda rin ito kahit minimal lang ang makeup nito. Tumaas ang kilay ni Anna sa uri ng titig ni Derrick sa kanya. Pakiramdam niya ay para siyang isang specimen sa microscope kung titigan ni Derrick. Nilapitan niya ang binata at maingat na hinawakan ang baba nito at bumulong. “Sir, huwag masyadong ibuka ang bibig mo baka pasukan ng langaw.” Kinindatan ni Anna ang binata na natigalgal sa kanyang sinabi. Pakendeng-kendeng na siyang lumabas sa penthouse. Narinig na lang ni Anna ang tunog ng mabigat na paghinga ng papalapit na binata na gustong umagapay sa kanya. Pinindot niya ang elevator para sa executive floor at ilang segundo lang ay bumukas na ang pinto. “Mabuti at narito na kayo. Ipapasundo ko na sana kayo kayo kay Lito e,” bungad ni Don Vicente. Doon lang kinabahan si Anna nang masilayan ang abuelo ng kanyang amo. Bagaman mabait ito ayon sa kanyang tiyahin ay alam niyang sa pagkakataong ito ay dadaan sila ni Derrick sa butas ng karayom lalo at pangarap nitong magkaapo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD