MSME7: Married

1317 Words
Napangiwi si Anna nang masilayan ang seryosong mukha ni Don Vicente. Kung nagbibiro man ito sa sinabi na kailangan nilang magpakasal ni Derrick ay hindi niya alam. Wala naman siyang namataan na kasama nito. Napahawak si Anna sa kanyang dibdib at hinamig ang sarili nakasunod siya sa mga Valderama at dinadalangin na sana ay bugso lang ng damdamin ang kagustuhan ng Don. Ngunit, napaawang ang kanyang labi nang pagbukas ng conference ay may tao na roon. Isang lalaking kasing edad na ang nakaupo sa conference room. Pero, ang higit na nagpamangha kay Anna ay ang presensya ng kanyang Tiya Maria. Seryoso itong nakikipag-usap sa lalaking naroon sa conference room. Tumikhim si Don Vicente at dahil doon napalingon ang dalawa sa kanila. Naningkit kaagad ang mata ni Maria nang masilayan ang pamangkin pero saglit lang iyon dahil kaagad nitong sinalubong ang dating pinagsisilbihan na si Don Vicente. “Magandang umaga po, Don Vicente. Pasensya na at naabala pa kayo nitong aking pasaway na pamangkin,” ani Maria. Nalukot pa ang mukha nito at lalapitan sana si Anna ngunit pinigil iyon ni Don Vicente. Bilang paggalang, nagpatianod na lang si Maria sa kagustuhan ng matanda. Samantala, nakabusangot si Derrick. Naroon na ang kanyang Ninong Romualdo na isang hukom. At alam niyang wala na siyang kawala sa mga kagustuhan ng abuelo. Kumaripas man siya ng takbo ay matutuloy at matutuloy ang kasal niya na labag sa kanyang kalooban. Sa ikalawang pagkakataon siya sa babaeng hindi niya gusto. Kung kaya lang niyang suwayin ang kanyang abuelo ay ginawa na niya. Pero, nanghihinayang sa kanyang mamanahin at malaki na ang kanyang kontribusyon sa Valderama Furnitures. Hindi naman niya maatim na ang pinaghirapan niyang sampung taon sa kumpanya ay mabalewala. Kaya, heto siya ngayon haharap sa panibagong pagsubok sa pag-iibigan nila ni Chelsea. Ni hindi nga nito alam na ikakasal siya ngayong araw. Mas mabuti na ang ganoon kaysa sa magwala pa ito sa kanyang kasal. Ayaw ng kanyang abuelo kay Chelsea at hindi niya alam ang rason. “Kumpadre, umpisahan na natin ang seremonyas at may hearing pa ako mamayang alas diyes,” natatawang saad ng hukom. At sa loob lang ng kinse minutos ay kasal na sina Anna at Derrick. Si Anna ay hindi malaman kung matutuwa o maiinis. Pero nang makita niya si Derrick ay gusto niyang bumunghalit ng tawa. Para kasing namatayan si Derrick at lubos na ipinagdiwang ni Anna ang pagiging miserable ng amo. Hindi naman siya nalulungkot na ikasal kay Derrick. May kasunduan naman sila at wala naman siyang iniwan na kasintahan na nasaktan. Hindi katulad ng amo niya na may nobyang nasaktan. Alas nueve ng umaga ay ganap ng naging isang Valderama si Anna. Si Don Vicente ay masayang nakipagkamay sa hukom na nagmamadaling umalis. Tanging si Mang Lito at Maria ang naging saksi sa pag-iisang dibdib ni Anna at Derrick. Si Maria ay kaagad na pinahatid na ni Don Vicente pabalik sa San Joaquin, ang kanilang bayan kung saan nakatira ang mga Suarez. “Iha, ikaw na ang bahala sa asawa mo. Kapag lumapit pa iyong dati niyang nobya ay huwag kang mag-atubiling magsumbong sa akin,” anai Don Vicente. “Opo, Don Vicente-- “Aba, Anna masanay ka na na tawagin akong Lolo Vicente. Hindi ka na lang basta na sekretarya ng asawa mo kundi isa ka ng legal na Valderama. Siya, dahil may out of the country trip ako, dapat pagbalik ko ay may laman na iyang tiyan mo. Siguro mawawala ang sakit ko kapag nasilayan ko na ang aking unang apo sa tuhod.” Tumikhim pa si Don Vicente kaya napatingin si Derrick sa abuelo. “Ayokong mababalitaan na pasikreto kang nakikipagkita sa dati mong nobya Derrick. Kahit anim na buwan akong mawawala, may mga mata akong nakamasid sa iyo. At saka may pakain mamaya sa buong opisina para sa selebrasyon ng inyong kasal.” Tumalikod na si Don Vicente at nilisan ang conference room. Napabuntong hininga si Derrick. Wala siyang planong magtagal sa opisina ngayong araw at para siyang sinakal. Wala rin siyang balak na tumira sa iisang bubong kasama si Anna. Nang masiogurado na niyang nakasakay na ng elevator, hinarap niya si Anna. “Cancel all my appointments for today and tomorrow. May out of town trip kami ni Chelsea.” “Okay, noted po Sir Derrick,” pormal na saad ni Anna. Naningkit ang mata ni Derrick sa narinig mula sa sekretarya. Sarkastiko ang dating sa kanya na wala man lang pakialam si Anna kung saan siya pupunta. Nagtataka naman si Anna sa naging reaksyon ng amo. May saltik ang isang ito ah! “May iuutos pa po kayo Sir? Kung wala na po ay marami pa akong aasikasuhin na mga papeles at kailangan ko po i-reschedule ang mga appointments ninyo,” ani Anna. Tinalikuran na niya si Derrick na naiwan na nakaawang ang mga labi, Dumeritso siya sa kanyang pwesto at nag-umpisa na kaagad ng trabaho. Binuksan niya ang kanyang desktop computer at kaagad nag-draft ng mga email. Una niyang pinadalhan ng mga email ang mga kliyente na nakatakdang i-meet ng amo niya bukas. Nang magawa niya iyon, hinalungkat naman niya ang directory kung saan naroon ang mga contact information ng mga kliyente para mapabatid ang re-schedule ng meeting. Samantala, nasa door frame lang si Derrick at pinagmamasdan niya si Anna. Naiinis siya dahil hindi man lang apektado ito nang sinabi niyang may out of town trip sila ni Chelsea. Manhid ba si Anna na hindi man lang marunong makaramdam ng paninibugho? Oo naroon na siya na wala itong nararamdaman para sa kanya, pero sobra naman yata sa pagiging walang pakialam ang asawa niya! Asawa! Maghunos dili ka Derrick! Alalahanin mo si Chelsea! Kaya, imbes na komprontahin niya si Anna, hinayaan na lang niya ito na gawin nito ang trabaho niya. Umupo siya sa kanyang swivel chair at ni-review ang mga tambak na papeles na kailangan ng approval at pirma niya. Tuluyan nang nawala sa isip ni Derrick ang planong puntahan si Chelsea. At bago pa niya namalayan ang oras, bumukas ang pinto ng kanyang opisina at sumungaw si Anna. Naglakad ito palapit sa kanyang table. “May kailangan pa po kayong pirmahan Sir.” Nilapag ni Anna ang isang folder ng mga papeles. Kaagad naman iyong pinasadahan ni Derrick ng tingin at pinirmahan na. Tumalikod na si Anna at bumalik na sa kanyang cubicle. Alas onse y medya na at sa sobra niyang busy asikasuhin ang schedule ng amo niya, hindi na niya namalayan ang oras. Mayamaya pa, tumunog ang intercom. Naroon na raw ang delivery ng mga pagkain na inorder ni Don Vicente sa isang sikat na restaurant. Inutusan na ni Anna ang gwardiya sa baba na papasukin ang mga ito. Ilang saglit pa ay naroon si Corrine at bitbit ang isang bunton ng papeles. Kaagad na inilapag nito sa lamesa ni Anna ang mga hawak na papeles at pabulong nagsalita. “Anna, ano ba ang okasyon at nagpakain ang amo natin?” Inisog nito ang mga papeles at alam na kaagad ni Anna ang pabatid ni Corrine. “Ewan ko. Narito kanina si Don Vicente eh pero wala naman nabanggit.” Minuwestra ni Anna ang mga papeles pataas at naglakad palapit sa pinto ng amo. Tatlong beses na kumatok sa pinto atsaka siya pumasok. Nag-angat ng paningin si Derrick at ang papalapit na si Anna na may hawak na folder sa kamay ang kanyang nakita. Inabot ng dalaga sa kanya ang hawak nito. Dagli niyang sinuri iyon at kaagad na nilagdaan. Inabot niya pabalik ang papeles kay Anna at lumabas na ito ng kanyang opisina pero natigil ito at nagsalita. “Dumating na po pala ang pagkain na inorder ni Don Vicente. inutusan ko na po ang guard na i-assist ang mga nag-deliver. Anytime ay may maghahatid na rin ng pagkain natin,” ani Anna at saka sinara na ang pinto. And once again, Derrick was reminded that she married Anna; his secretary and enemy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD