Chapter 1
"Congratulations hija, why don't you come with us to celebrate? It should be a double celebration for you and Scarlett." Napangiti sya sa pahayag ng ina ng bestfriend.
"Thank you Tita pero may kaunting salo salo din po sa bahay eh."
Sa narinig ay napasimangot ang kaibigan.
"Cheska naman eh. It's our special day, we should celebrate it together. Wala ka namang dadatnan sa bahay nyo bukod sa plastic mong pinsan at tiyahin. Tingnan mo nga kahit isa mong kaanak walang dumating para lang man suportahan ka, si Daddy pa ang umakyat sayo sa itaas."
Unti-unting nawala ang ngiti niya.
"Scarlett!" Nanlaki ang mata mga mata ng ina nito. "You're so tactless!"
Binalingan sya ni Tita Dianne."Pagpasensyahan mo na sya Cheska," saka muli nitong binalingan ang anak. “You’re not supposed to say that young lady!”
Alanganing napangiti sya. Sanay na sya kay Scarlett.
"It's okay Tita, totoo naman po eh nakakahiya sa inyo kasi naabala ko pa kayo." Nakatungong wika niya. Kahit pa sabihing matagal na niyang kakilala ang mga ito hindi pa rin niya maiwasang mahiya. Tama si Scarlett sa aamininan man niya o hindi talagang malayo ang loob sa kanya ng tiyahin at mga pinsan. Sampung taon siya ng naulila sa magulang. Ang Tita Corrine nya ay siyang kapatid ng ina at ito na rin ang umako sa pagpapalaki sa kanya. She was so thankful to her, nang dahil dito muling nabuo ang pamilya niya kahit minsan iba ang trato nito sa kanya. Kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, ito pa rin ang tiyahin niya-ang kumupkop at umaruga sa kanya ng napakaraming taon.
Pinilit nyang ngumiti kahit may nararamdamang disappointment, she can't help it. In any way she saw it coming too. Nasabihan na niya ang tiyahin tungkol sa pagtatapos niya ngayong araw ngunit ni hindi ito nagpakita kahit kaunting interes man lang.
Huwag ka na kasing umasa.
"Nah, it's nothing hija, para na rin kitang anak. You can always rely on us. Kung hindi lang mamasamain ng tiyahin mo doon na kita papatirahin sa bahay."
Awkward siyang ngumiti. Ilang beses na rin siyang sinabihan nito na doon na lang siya tumira sa bahay ng mga ito ngunit nagkatanggi-tanggi siya. Hindi pwede. Bestfriend niya si Scarlett at ayaw niyang magtake-advantage dito at sa pamilya nito.
"Hon, tinatakot mo si Cheska." Natatawang saway ni Tito Zander. Napansin ata nito ang discomfort na nararamdaman niya.
Napahagikhik naman si Scarlett kaya kinurot nya ito na nginisihan lang ng huli.
"Oo nga Mommy matagal na naming inuungot ni Damon na sa bahay na tumira si Cheska. Ewan ko ba sa kanya."
Siya ang nahihiya sa pinagsasabi ng kaibigan. Speaking of Damon hindi niya ito nakita kanina pa.
"Heh! Tumigil ka Scarlett nakakahiya na sa magulang mo-"
"Mom, Dad let's go kung ayaw sumama ni ate Cheska hayaan nyo na lang. It's her choice."
Someone cut her words from behind.
Napalingon siya. Nakita niya ang seryosong pagmumukha ni Damon, ang tinamaang magaling na kapatid ni Scarlett. Saan ito galing at ngayon lang sumulpot? Hindi niya ito nakita kanina. Napakunot-noo siya ng may naalala.
Damon never calls her ate!
Imbes na matuwa dahil sa wakas ay tinawag siya nitong ate ay kabaliktaran ang naramdaman niya. Kilala niya si Damon. Tinatawag lang siya nitong ate kapag galit o masama ang loob sa kanya. Kadalasang tawag nito sa ngalan niya ay Cheska o tumataginting na Francheska na siyang ikinakainis niya dito lagi.
Ngayong tinawag siyang ate ay nakaramdam siya ng kaunting pagkainis . Sa tono kasi nito tila may nagawa siyang napakalaking kasalanan. Kung makatrato sa kanya akala mo naman ang tanda-tanda.
Sa edad nitong kinse hindi mo aakalaing binatilyo pa lang ito. Sa itsura at pangangatawan papasa na itong binata palibhasa’y may dugong banyaga.
Ang ama nito ay isang German-Filipino, Alezander Eiswercht Montefalco, isang sikat na manufacturer at distributor ng mga gamot hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo. Si Tita Diane naman ay may lahing Espanyol. Elèna Diane Pèrez- an heiress from the old rich family in North. Kung siya lang ay nakakalula ang makasalamuha ang mag-asawa. They are too far...too high from her, but eventually she was already used to their presence. Halos araw-araw ba naman siyang nasa pamamahay ng mga ito, hindi pa ba siya masasanay.
Sa gandang lalaki at babae ng mag-asawa ay di nakapagtatakang dito nagmana ang dalawang anak.
And Damon surely got it all. Lethal looks, wealth, fame and intelligence. Napatitig siya sa perpektong mukha nito. Kulang ang salitang guwapo kung siya ang tatanungin.
Ang kilay nitong malalago at tila kay perpekto, parang kaysarap paraanan ng mga daliri. Ang luntian nitong mga mata, it's dark and penetrating. Hindi iilang beses na halos mahulog siya matitiim nitong titig. Kung titingnan mas mahahaba at malalantik pa ata ang pilik-mata nito sa kanya which she founds really unfair.
He also got himself a perfect prominent nose that gives him the aura of arrogance, which was sometimes too scary for her. Her eyes trailed down to his lips. Hindi niya maiwasang mapalunok. It's naturally red and sensual like it's promising great thousand kisses.
Hindi niya maiwasang mamula sa naisip. Oh shoot! Ipinilig niya ang ulo upang di na dumako sa kung saan-saan ang imahinasyon.
He's your bestfriend's younger brother for goodness’ sake Francheska!
Kung noon ay kinukutos-kutusan nya lang ito ngayon tingnan mo nga naman. Sa tangkad at laki ng katawan nito sa isang hampas lang ata ay titilapon sya. He has a well-built body and he seems so strong. Hindi niya alam kung ano ang kinakain o ginagawa nito para lumaki ito ng husto. Hanggang baba lang siya nito kaya minsan kailangan niya pang tumingala kapag kinakausap ito. Who would have thought that this kid was only freaking fifteen years old?
"Damon nandiyan ka na pala. Don't be so rude to your ate Cheska. C'mon little boy why don't you congratulate her and give her a warm big hug?"
Wala itong kangiti-ngiting tumingin sa kanya. Mukhang napakalaki ang issue nito sa kanya.
"Mom, I'm not your little boy anymore, besides she’s not my sister."
Lihim na nagsalubong ang kilay niya. He doesn't need to rub it on her face. Kahit kailan naman ay di siya nitong trinatong parang ate. Napakayabang na bata hindi porke't gwapo. Tse!
Nilapitan nya ito at mariing pinisil sa pisngi.
"Aww, si baby Damon masungit. Nabasted ka ba ng nililigawan mo?" Tudyo nya kahit ngali-ngaling sakalin ito dahil sa sama ng ugaling pinapakita nito sa kanya.
Naging blangko ang tingin nito at tinalikuran na lang sya ng basta.
She gaped because of what he did. What a rude boy!
"Damon! Kinakausap ka ng ate mo!" Sigaw ni Tita Dianne.
"She's not my ate and will never be," sagot nito ng hindi lumilingon at nagtuloy-tuloy lang sa loob ng sasakyan.
"My God, ang batang iyon oo. Lumaki lang at nawalan na ng respeto sa nakakatanda. Zander iyang anak mo disiplinahin mo naman. Aba manang-mana sa pagiging suplado mo ah! Naku!"
Tumikhim lang ito ngunit naroon ang amusement sa mga mata nito.
"He’s fine honey, just let him be. Mukhang may pinagdadaanan ang binata natin."
Kinalabit nya si Scarlett na pailing-iling lang sa nangyayari.
"Hey Scarr, pigilan mo ako ha? Namumuro na talaga sa akin yang kapatid mo. Naku!" Nanggigil na sya sa inis kay Damon.
"Nevermind him Chesk, hindi ka pa nasanay. Alam mo namang psycho yun."
Sumimangot siya. Sinong masasanay doon?
"So ano sasama ka na sa bahay? Oh, c'mon please, will you reject your amazing bestfriend's invitation? Dun ka na rin matulog, we will celebrate our milestone together. Sige na Chesk please?" Then as usual Scarlett gave her signature pout and puppy eyes.
Dahan-dahan namang humuhulas ang inis niya para sa kapatid nito. Di niya mapigilang matawa sa ekspresyon nito.
"Oo sige na,mukhang di mo ako titigilan diyan eh. Isa pa tigil-tigilan mo ang ginagawa mo, hindi ka cute, nagmumukha ka ng itik."
Mas lalo itong napanguso.
"Tse! Okay forgiven ka muna ngayon dahil special day natin. I'll let this thing pass basta walang bawian ha? Doon ka matutulog sa bahay okay?"
Tumango sya.
"Deal pero bago nyan uuwi muna ako sa amin. Magpapaalam lang kina Tita." Ito naman ang tumango.
Binalingan nya ang dalawang mag-asawa.
"Tito, Tita I'll go ahead. Uuwi muna ako at magpapaalam lang ako sa bahay. Doon din ako magsi-stay sa inyo, okay lang ho ba? Si Scarlett kasi ho eh, mapilit." Ngumisi lang ang kaibigan nya.
Mahigpit syang niyakap ni Tita Dianne.
"Sure darling. You're always welcome sa bahay. Pwede ka ring tumira doon kung gusto mo."
Alanganing napangiti sya.
"O-okay lang po Tita. Salamat na lang." Binalingan nya rin si Tito Zander at niyakap.
"Tito thank you so much. I'll go ahead na po. Scarr, bye. See you later!"