Chapter Forty-five - Grounded
Napatingin ako sa nakabukas na pintuan habang inaantay ang pagpasok ng aking ama. Kanina ko pa pinipigilan ang luhang gusto ng kumawala. Kagat-labi akong napatungo habang sinesermonan ng aking lola.
"Anong nangyari dito?" Biglang dating ni papa kaya napatingin ako sa pintuan. Imbes na tumayo ay nanatili lamang aking naka-upo sa kama at inantay itong lumapit. Hindi nga ako nagkamali at lumapit ito sa akin sabay upo sa aking tabi. "Anong nangyari anak?" Masuyong sabi nito sa akin.
"I saw your daughter together with the son of your bestfriend. It seems like they had a world of their own when I saw them a while ago." Sabi ni tita kay papa sabay ikot ng kanyang mga mata. Tumingin ito sa akin na parang nandiri. Napatingin ako kay papa para itigil na ito ngunit tumingin ito kay tita.
"Anong ibig mong sabihin? Sinong bestfriend ko?" Naguguluhang tanong ni papa.
Biglang natawa si tita. "Sino pa ba Florence? Edi si Fred." Sambit ni tita.
Agad kong nakita kung paano nagbago ang mukha ni papa. Tumingin ito sa akin ngunit iniwas ko kaagad ang aking mga mata dito. Napatungo lamang ako habang nilalaro ang aking mga daliri. Gusto na talagang kumawala ng aking mga luha ngunit nagpipigil ako.
"Anong ibig sabihin nito anak? Hindi ba may pasok ka? Bakit kasama mo ang anak ng Tita Ettice mo?" Mababa ang boses na sabi nito. It was very warm, deep, and serious. I can't answer immediately and all I did was swallowed the bile in my throat.
"Pa," tawag ko sa kanya sabay baling dito ngunit hindi ko napigilan ang aking mga luha sa pag-uunahan. This is what I am scared about kung mararamdaman ko na ang galit ni papa. I have had enough from him nung sinasaktan niya ako.
"I already warned you Phenice. Hindi ba matalino ka? Bakit hindi mo gamitin iyang kokote mo? Bakit mas pinapairal mo iyang nararamdaman mo? No wonder! You are still a kid and not mature enough to take things responsibly." Sabi nitong mas ikinabuhos ng aking mga luha. "Nagpunta tayo dito para layuan mo siya para hindi ka niya gamitin but look at you now ? Nasaan ba si Patrick at hindi niyo kasama?"
His tongue was as sharp as the sword that can cut through my heart. Wala akong maisip na magandang dahilan o palusot man lang. "May ginagawa po kasi siya sa school kasi President po siya," nahintatakutan kong sabi.
"Bakit naman kayo nagkasama? Pinuntahan mo?" Nagulat ako sa kanyang sinabi. Mariin ko itong inilingan habang tinitingnan ito sa kanyang mga mata. Nakikita ko sa mga mata nitong walang kabuhay-buhay na wala na itong interes sa aking sinasabi.
"We just went out for a stroll and some street food pa," pangungumbinsi ko.
"Sa park talaga? Wala bang malapit sa inyo? What a lame excuse. Nagpunta pa kayo sa malayo? Bakit? Mas masarap ba ang pagkain nila kaysa sa school niyo?" Sabat naman ni tita.
"Ate," sabat kaagad ni papa dito. "Go upstairs and change, pagkatapos dumeretso ka sa kwarto ko. Sumasakit ang ulo ko sa iyo Phenice," nagpipigil nitong sabi at saka tumayo para magpunta sa kanyang kwarto.
"Ano?" Hindi makapaniwalang sabi ni tita. "Ganoon lang? Baka talaga nagmana iyang anak mo sa asawa mong-" hindi nito natuloy ang sinabi dahil sa pagsabat ni papa.
"Miranda! Tigilan mo na iyan! It is my problem so I will do it on my own way. Kung tapos ka na, makakaalis ka na. Ako na ang bahala sa anak ko," galit nitong sabi at saka nagpatuloy sa paghakbang.
Inip na umalis si ate habang napatingin naman ako sa mga katulong na kanina pa nagbulong-bulongan. Mabuti nalang wala si lola ngayon at may lakad. Kung hindi, panigurado akong mas worst pa ang kahihinatnan ko ngayon.
Agad akong nagtungo sa itaas at nagpalit ng damit. Kinakabahan man ngunit nagtungo ako sa kwarto ni papa. Kumatok ako bago ako pumasok sa loob ng kanyang kwarto. Isinuyod ko ang aking buong paningin sa loob. Malinis ang kwarto ni papa at iilan lamang ang nakakalat sa kanyang kama sa mga hinubaran nitong damit.
Nakatayo ito malapit sa bintana habang umiihip ng sigarilyo. Humarap ito nung narinig ako kaya napatungo ako. Kaninang umaga ay nagbibiruan pa kami ni papa ngunit ngayon ay bumaliktad na. Narinig ko ang mga yapak niyang papalapit sa akin kaya nagsisimula ng manginig ang aking mga tuhod.
Isang sampal ang dumapo sa aking pisngi. Ang mga luha ko ay nagsimulang nag-uunahan. Ewan ko ba kung bakit naluluha parin ako kahit ilang beses na ako nakatanggap ng sampal galing kay papa. Siguro matagal narin ang panahon noong huli niya akong sinampal kaya natinag ako ngayon. Kaagad kong pinunasan ang aking mga luha sapagkat ayaw na ayaw ni papa na nakikita niyang umiiyak ako dahil lalo lang iyang naiirita.
"Bakit kayo magkasama? May relasyon ba kayong dalawa? Hindi ko sinabi iyan sa iyo Phenice. Ang sinabi ko kaibiganin mo sila kasi family friend natin. I didn't told you na makipaglandian ka!" Sigaw nitong sabi sa mga huling salita.
Parang punyal na naman ang tabas ng kanyang mga labi. Pinipigilan ko ang aking sarili na masaktan sa mga sinasabi nito kaya kinagat ko nalang ang aking labi.
"Hindi po pa. Namasyal lang talaga kami." Nanginginig ang boses kong sabi sa kanya. Napapikit ako nung muntik na namang nag-angay ang kanyang mga kamay. Napadilat ako nung munting halakhak niya ang aking naririnig.
"You really are a like to your mother. Kaya mas naiirita talaga ako kapag nakikita kitang ganito," bigkas nitong batid ang pagtitimpi sa boses. Ibinuga nito ang usok na natipon sa bibig nito. "Tapos kayong dalawa lang? Hindi ako naniniwala. Ganyang-ganyan din ang nanay mo noon. Pakunwari pa siya nilalandi niya na pala ang lalaking iyon," saby halakhak nito.
Hindi ko ito narinig noon ni papa kaya nanlaki ang aking mga mata. Tumingin ito sa akin. "You're grounded Phenice. I will fetched you at five. No commute. Stay away from that boy. Kung makita ko pa kayong dalawa na nagsasama. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko," sabay higop sa sigarilyo. "Get out! You're just pissing me out," sabi nito sabay paalis sa akin.
Para akong hindi niya anak. It hurts more to hear those words after niya akong pagalitan. Mabuti nga lang ngayon ay hindi masyadong matagal ang sermon niya ngayon. Napatalikod upang itago ang mga luhang naglandas sa aking mga pisngi. Kay bigat sa dibdib na marinig mismo sa labi ng iyong ama ang mga salitang hindi magugustuhan ng mga anak na marinig.
"I will talk to that boy," sabi nito kaya kaagad akong napabaling dito.
"No Pa, please! Wala siyang kasal-anan pa. Ako iyong nagpupumilit sa kanya na samahan ako kaya napilitan siya. Nagpunta ako sa kanilang paaralan para-" isang sampal ulit ang aking natamo.
This time it is harder. I felt the numb on my face at parang may mga kampanang tumutunog sa aking tainga na nakakabingi. Para akong nawala sa aking ulirat.
"Anong sinabi mo?" Galit nitong sabi. I can see the rage in his eyes. It doubled the tension on his face than the one we had on the sala a while ago. I just reached out my face and stormed out from the room as fast as I can.