Chapter Forty-four - Friendly Date
Mabuti nalang at hindi ako masyadong pinagalitan kagabi. Pinagsabihan lang naman ako ni papa na magpapaalam kung matatagalan ako. Speaking of matatagalan, we're stucked because of the traffic. Exactly seven pa naman kaya kampante akong hindi malelate pero sa tingin ko baka malelate ako ngayon. Ganito talaga kadalas kapag seven kaming dadating dito pero iba ngayon, ang daming sasakyan.
"Phenice, remember what I told you last night," sabi nito sa akin kaya napabaling ako dito.
He is wearing a light blue long sleeve with matching neck tie. He even have his watch on his left hand. It seems like yesterday noong lumipat kami kina lola at wala pang trabaho si papa noon pero ngayon, he look good wearing this corporate attire. Kung hindi lang talaga nagpabaya si papa noon baka nasanay na akong makita si papa na nakasuot palagi ng ganyang attire.
"Are you listening Nice?" Napabalik ako sa aking ulirat. "Okay ka lang ba anak?" Sabi nito sabay tingin sa akin.
"Oo pa," ngiti ko at tumingin sa harap. "That suit fits you well, pa," dagdag ko ng nakangiti ang labi.
"Binola mo pa ako. Ang sabihin mo iniiwasan mong pag-usapan ang tungkol sa pag-uwi mo ng matagal kahapon," ani nito at saka sinundot ang aking tagiliran.
"Pa!" Awat ko sa kanya. "Umusog na po ang sasakyan," natatawa ko pang sabi kasi patuloy niya akong kinukurot.
Mabuti nalang at natigil ito. Napailing pa ito habang natatawang nagmamaneho ng sasakyan. Matagal narin noong nagkulitan kami ni papa. I missed those times and I wish we will create more memories like this.
"Thanks pa!" Hinalikan ko ito sa pisngi at bumaba ng sasakyan. Kinawayan ko ito sa bintana.
"Huwag mong kalimutang magpaalam kapag may ibang lakad," sabi nito sabay naningkit ang mga mata.
"Noted po!" Sabi ko sabay alis baka matagalan pa ako sa seremonya ni papa. "Rick! " Tawag ko nung nakita ko siyang papasok na ng eskwelahan.
"Uy Nice! Good morning," bati nito sa akin. Nakisabay ako sa kanya. Pinakita namin ang aming mga ID at tiningnan naman ito ng guard. Pinapasok kami pagkatapos nitong tumingin.
"Good morning Nice!" Biglang bati sa aking likuran kaya napabaling ako dito.
"Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong sabi. Hindi ko aakalaing pupunta si Jan dito sapagkat may pasok ngayon. Nakakunot akong bumaling sa pinsan nito.
"Nag-absent," sabi ni Rick. Nanlaking bumaling ang aking mga mata kay Jan at saka tinampal ng mahina ang balikat nito.
"Bakit ka nag-absent?" Gulat kong sabi dito. Anong gagawin niya dito kung mayroon kaming pasok ngayon? Gagala-gala lang tapos mabobored lang din naman siya kasi wala siyang kasama. "Anong pumasok diyan sa kokote mo? May pasok kami. Tange ka," sabi ko sabay iling.
"Naniwala ka naman diyan?" Sabi nito sabay kami inakbayan ni Rick. Dahan-dahan kaming naglakad kung saan man siya pupunta. "Walang pasok buong araw kaya anong gagawin ko doon. At saka, wala din naman kayong pasok kasi may meeting lahat ng instructor," sabi nitong nakangiti sa akin.
Ang lapit ng mukha nito sa akin kaya iniwas ko ito. Pinamulahan nga ata ako ng mukha. Kaagad kong hinawi ang kanyang mga kamay na nakaakbay sa aking mga balikat.
"Hindi ako naniniwala," sabi ko sabay harap sa pinsan nito. "Totoo Rick?" Tanong ko dito.
Tumango lamang ito. "Sabi ko sa iyo," ani pa ng pinsan nito tapos kinunutan ko ito ng noo.
"Tapos ano?" Sabi ko naman na ikinahaba ng kanyang nguso. Natawa ako sa kanyang reaksyon.
"Anong ano ka diyan? Gala tayo," sabi nito sabay abot sa aking kamay ngunit lumayo ako rito. Napatingin naman ako kay Rick na pasimpleng ngumiti sa amin.
"Anong ningiti-ngiti mo diyan Rick? At saka, clingy mo ngayon Jan. Anong meron?" Tanong ko habang naningkit ang aking mga mata.
"Mauuna na ako sa inyo," sabi ni Rick na ikinatigil ko. Agad itong humakbang ngunit pinigilan ko ito.
"Teka Rick! Seryoso? Walang pasok ngayon?"
"Oo, pupunta ako ng office kasi may gagawin ako. Sige ingat sa date niyo," paalam nito at saka natatawang tumakbo habang nakabaling pa sa akin.
"Paalam Mr. Pres," tawag pa ni Jan sa kanyang pinsan.
"Ano? Anong date ang sinasabi niya. At saka, iniwan pa talaga ako," pagmamaktol ko sa harapan ni Jan. Napatingin ako dito na natatawang tumingin sa akin.
"Tara na nga?" Sabi nito at saka ako kinaladkad.
"Saan tayo pupunta?" Sabi ko sabay pigil sa kanya.
Mabuti at napigilan ko ito. May ibang napatingin sa amin sapagkat kamukha ito ni Rick pero iba ang uniporme.
"That will be a surprise," ani nito at saka pinagbuksan ako ng sasakyan. Wala akong nagawa kaya pumasok na ako sa loob.
Kaagad niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan nung nakapasok ito. Tinahak namin ang daan kung saan papunta ito ng mall.
It's 8 in the morning nung tingnan ko ang aking relo. Kaagad niyang itinabi ang sasakyan para makapagpark. Kaagad kong inalis ang seatbelt para makababa na ako.
"Saan ba talaga tayo papunta? Magpapatulong ka?" Inilibot ko ang aking mukha at sinuyod ang bawat nakikita.
Nauna itong naglakad ng hindi man lang nagpapaalam sa akin. Kaagad akong napasunod dito kasi iiwan ba naman ako. Pumasok ako kaagad nung agad niyang pinindut ang button ng elevator.
"May plano ka pa talagang iwan ako? Ano? Magpapatulong ka?" Tanong ko sabay baling.
Bigla nitong nilagay ang kamay sa pintuan ng elevator na ikinagitla ko. Bigla itong lumapit habang nilandas ng kamay ang pintuan palapit sa akin.
"Anong ginagawa mo? Tabi ka nga," sabi ko sabay tulak sa kanya. Natawa lamang ito kaya sinimangutan ko ito ng mukha. "Susuntukin talaga kita kapag nagbiro ka pa," banta ko sa kanya.
"Sige nga? Santukin mo ako kung saan mo gusto." At saka kinuha nito ang aking mga kamay at nilagay sa kanyang dibdib. Kinuha ko naman ang aking kamay doon.
"Saan ba talaga tayo? Kasi uuwi nalang ako kung ganito ka palagi Jan," sabi ko sabay seryoso ng aking mukha.
"Ito naman hindi mabiro," sabay akbay nito sa akin. "Gusto ko manood ng movie. Kaya sasamahan mo ba ako?" At bumaling ito sa akin. Kay lapit ulit ng mukha nito kaya gusto kong umalis ngunit malakas ang kapit niya sa aking balikat. Para naman akong napipi sapagkat hindi ko magawang mmagsalita man lang. Agad niyang hinawakan ang aking kamay para pigilan. "Hindi ba?" Ulit nito.
Wala akong nagawa. "Oo na pero hindi namna siguro kailangang ganito para pilitin mo ako."
"But I like this," bulong nito.
Nanindig ang aking balahibo. "Like this ka dyan," sabi ko. Bumukas ang pintuan kaya napaalis siya sa pag-aakbay sa akin. Mabuti nalang at may mga tao para mapigil siya sa mga ginagawa sa akin. Kaagad kaming umalis doon at ngayon pa lang ako nakahinga ng maluwag.