Chapter Forty-three - Saved By His Grandma
"Pasok ka."
Nilahad ni Jan ang kanyang kamay para pumasok ako ng kanilang bahay. Kinakabahan man ay sinunod ko parin siya. Isinuyod ko ang aking mga mata sa loob ng kanilang bahay. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok ako dito. It's a large cabin house and it is so cozy.
"Baka pagagalitan tayo ng lola mo?" Kinakabahan kong sabi.
"Hindi," sabi nito sabay iling upang mapanatag ang aking loob.
"Nandito pala si Phenice la," dinig kong tinig ni Patrick galing kusina kaya napatingin kami dito.
Parang nalagutan ako ng hininga nung nakita ko ang lola nila na papunta sa banda kung saan man ako nakatayo. Hindi ko alam kung ano ang naging hitsura ko basta ay sinubukan kong ngumiti sa harap nito. I can feel my knees are shaking in fear.
"Hali ka hija. Hindi ko alam na namasyal pala kayo ng mga apo ko. Kumusta ang lola mo? Hali ka sa kusina. Kainin natin ang dala niyo," ani nito sabay naunang naglakad.
Napatingin ako sa magpinsan at tango lamang ang aking nakuhang sagot. "Okay naman po si Lola, Senyora." Sinabayan ko ito sa paglalakad. "At tungkol sa pamamasyal po namin, wala po talaga kaming pinaplanong mamasyal. Siguro narin sa maaga kaming pinauwi kaya naisipan naming gumala, Senyora." Explain ko sa kanya habang panakaw-nakaw na bumabaling dito.
"Huwag mo na akong tawaging Senyora, Lola na lang. At saka, mabuti naman iyon para naman mas makilala niyo ang isat-isa," sabi nito sabay hila sa upoan. Bumaling ito sa isang katulong, "please." At nilagyan ako ng pinggan at kutsara't tinidor na aking ipinagpapasalamat.
Pansin kong mag-isa lamang ang kanilang katulong dito. At mabait naman pala ang lola ni Patrick na aking ikinabigla kaya hindi na ako nahiya pang umupo sa upoan ngunit naging maingat parin ako sa aking mga galaw. Tumabi sa akin si Jan na ikinakunot ng aking noo pero hindi ko pinahalata. Sa harapan namkn umupo si Patrick at ang lola nito sa gitna.
"Saan niyo pala nabili ito hija? I hope you didn't have hard time hanging with my apos? Matitigas pa naman ang ulo niyan," sabi nito sa akin na natatawang tinitingnan ang kanyang mga apo.
"Hindi naman po," nakangiti kong sabi sabay tingin sa dalawa. Napailing nalang din sila at tumatawa. Narinig ko na nasasarapan ito sa dala naming pagkain kaya napabaling ako dito.
"Ang sarap nitong dala niyong pagkain. Saan pala niyo ito nabili?" Tanong nito na kaagad namang sinagot ni Patrick.
"Sa hideout po! Malapit po sa paaralan ni Jan. Maganda po doon la tapos may live band pa. Kumanta nga po si Phenice doon," sabi nito na aking ikinahiya.
"Magaling ka palang kumanta hija?" Tanong nito na ikinahiya ko ulit.
Napakagat ako sa aking labi. "Hindi naman po masyado. Nasanay lang siguro," sabi ko dito.
"Anong nasanay?" Tanong ng lola nila na curious ata sa akin.
"She worked there before la. She sings every night," sabat naman ni Jan. I didn't know how to react baka ano pa ang sabihin nito.
"Ahh oo nga pala, nasabi nga ng lola mo hija. Life must be hard on you hija. Nagawa mo pang magtrabaho para matustusan ang pangangailangan niyo tapos nag-aaral ka pa," sabi nito na ikinatikom ng aking bibig.
Napatango na lamang ako ng bibig habang sinasang-ayonan ng kanyang sinasabi para hindi na hahaba pa ang usapang ito at baka saan pa mapunta. I chose to eat my food ensuring that I left a smile on my face for them to see that I am okay.
"Kung hindi lang sana-" sabi ni Patrick na ikinatigil nito dahil sa pagsabat ng lola nila. Napabaling kami dito.
"Hijo," tawag sa kanya ng lola. "Let's just leave the past behind. Let them be. If it is there happiness and we can do nothing about it then let it be hijo. It's best if we will all move on so that we can live our life right now at best," sabi nito upang panatagin ang loob ng apo.
Natahimik ang hapag pagkatapos pag-usapan iyon. Nakakabingi nga kaya hindi ko nalang ako nag-abala pang magsalita o mag-angay lamang ng tingin. Nagiguilty ako dahil sa ginawa ng mama ko. I feel that I am to be blame kasi wala silang mapagbununtungan ng kanilang mga sama ng loob.
"Kumain ka na hija. Huwag mo ng isipan ang sinasabi ni Jan," sabi nito sabay hawak sa aking kamay.
Napangiti ako dito. I didn't expect that she will reach me para mapanatag ang aking loob. "Maraming salamat po." Sabay tingin kay Jan na hindi magawang tumingin sa akin.
"Ihahatid na kita sa bahay niyo hija," sabi nito nung nakaupo na kami sa sala. Nakapagbihis narin ito at nakasuot na ng bandana ang kanyang balikat para sa lamig.
"Naku! Okay lang po ako la. Huwag na po kayong mag-abala kasi gabi narin," nahiya kong tugon.
"Naku! Sige na para naman mabati ko ang lola mo," sabi nitong ikinatango ko. Wala na akong magawa kaya nginitian ko nalang ito. Naunang lumabas ito kasama si Patrick leaving me and Jan.
"Mauuna na ako," sabi ko dito na hindi ito tinitingnan. Agad ko itong tinalikuran upang lumabas na ngunit natigil ako sa aking paglalakad. Inabot niya ang aking braso kaya napatigil ako. Binalingan ko ito ng nakakunot ang noo. "Bakit?" Walang emosyon kong sabi.
I am not feeling well nung natapos kaming kumain kanina. Hindi niya kasi ako inimikan pagkatapos hanggang sa naupo kami sa sala. Kinuha ko ang aking kamay sabay turo sa labas para umalis.
"Pasensya na," sabi nitong ikinatigil ko sa paghakbang palabas ng bahay. "Na misunderstood mo siguro. Ang ibig ko lang sabihin kung hindi nila iyon nagawa sana walang nagdudusa. Hindi mo kailangang magtrabaho at magpakahirap para mabuhay," sabi nito sabay titig sa aking mga mata.
Iyan ba ang kanyang naiisip kaya galit siya sa usaping ito? Napatango ako. "Okay lang. I understand naman. Pero despite of what happened, I learned a lot about in life. Sabi nga ng lola mo, 'Let's leave the past behind.' Kahit ano mang mangyari, what matters the most is we remain steadfast in every problem, in every situation that we face we can conquer it and learn from every mistake and lesson that we can take." Mahaba kong litanya sa kanya na ikinatango niya lamang.
He's biting his lips while his hands are on it. "Are you okay?" Napakurap ang aking mga mata dahil sa kanyang ginagawa.
Umayos ito ng tayo. "Oo," ikling sabi nito saka naunang naglakad. Nakatayo lamang ako doon dahil sa aking pagkabigla. Ang bilis naman ng kanyang mood.
"Hali ka na? O baka gusto mong tumira dito kasama ko?" Sabi nitong ikinalabas ko kaagad. Nauna na akong naglakad papunta ng sasakyan at takot na mahuli niya baka ano na namang sasabihin nito.