CHAPTER 42

1075 Words
Chapter Forty-two - Teasing Eksaktong alas sais kami nung dumating sa hideout. Nakasindi na ang mga ilaw, madami ng tao, nagsisimula na ang pagtugtug ng ilang mga instrumento hudyat na magsisimula na ang live band. Kaagad na itinabi ni Jan ang sasakyan habang namamangha naman si Rick. "Ang ganda. Naamoy niyo iyon?" Excited na sabi ni Rick at agad na bumaba ng sasakyan. Nauna na naman ito at iniwan na kami lang dalawa ng kanyang pinsan. "Sinabihan mo si Claire na pupunta tayo ngayon?" "Hindi naman baka magtatampo ka na naman sa akin," ani nito sabay poker face. "Susurpresahin ko sana pero sinabi mo na. Malamang sino ba ang hindi magtatampo?" Sabi ko sabay iling. "Tara na nga baka nagugutom ka na. Kanina ka pa nagdadrive," ani ko dito ngunit nakatanggap ako ng halakhak galing sa kanya na ikinakunot ng aking noo. "You care for me?" Nakangisi nitong tanong na parang kinikilig. "Anong you care ka diyan? Naawa lang ako sa iyo kasi nga kanina ka pa diyan," basag ko sa kanyang nakangiting mukha. Ako naman ngayon ang napahalakhak dahil nakasimangot na ang mukha niya. Binuksan ko kaagad ang sasakyan at iniwan siyang nakasimangot. Agad akong binati ng mga laser light galing sa stage. Nagsimula na ang pagtugtug ng banda. Hinanap ko kaagad kung nasaan naupo si Rick ngunit hindi ko ito mahanap kaagad. Habang hinahanap ko ito ay bigla nalang may umakbay sa akin kaya mapatingin ako dito. "Hindi ko mahanap ang pinsan mo," sabi ko sabay kuha sa kamay niyang naka-akbay sa aking likuran. Ngunit, kahit anong tanggal ko dito ay pinipilit talaga nitong hindi makuha. Nagmamatigas ito kaya hinayaan ko nalang ito habang hinahanap namin si Patrick. Hanggang sa mahanap namin ito na kinakausap ni Claire. Agad kong tinawag si Claire ngunit dahil sa malakas na tugtug ay hindi niya ako nadinig. Lumapit ako dito at niyakap niya ako kaagad. Napatingin siya sa aking likuran at saka sa kausap niya kanina. "Sino si?" Naguguluhan niyang tanong sabay palipat-lipat ang turo sa dalawang magkamukha. Nagtawanan kami. "Pinsan niya ang kinakausap mo," imporma ko sa kanya na kanyang ikinabigla. "Akala ko. Naku! Pasensya na, hindi na inform ang lola niyo," biro ni Claire. "Okay lang. Gusto din kitang biruin," ani naman ni Rick na ikinamangha ni Claire. "Sorry boy but I already have someone in my heart," proud pa nitong sabi na ikinalaki ng aking mga mata. Sinundot ko ito sa kanyang tagiliran. "Naglilihim ka na sa akin. Sino?" Tukso ko sa kanya habang patuloy itong sinusundot. "Secret," ani nito sabay pigil sa aking kamay. "Anong bibilhin niyo?" Tanong nito sa akin. "Uhh," tumingin ako kay Rick. "Ikaw nalang pumili kasi first time mo ngayon," sabi ko dito. "Sure!" Ani nito at tumayo. Sumama ito kaagad kay Claire papunta sa kanilang tindahan upang mamili ng mga pagkain. Naupo naman ako sa pang-apatang lamesa. Padarag na hinila ito ni Jan kaya napatingin ito sa akin. "What's the problem?" Nakangisi kong sambit. "Wala," ani nito sabay iwas ng tingin at saka bumaling nalang sa stage kung saan ang kumakanta. Napangisi na lamang ako sapagkat nainip ito sa akin kanina. Sinundot ko ang balikat nito ngunit deadma lamang ako. Kaya sinundot ko ngayon ang kanyang tagiliran ngunit ako itong natigilan sa pagsundot. I cam feel the strips in his body. Ang tigas nito. Agad kong kinuha ang aking kamay at napalunok ng wala sa oras nung tumingin ito sa akin. "Bakit?" Now he's smirking. Kahit na hindi gaano kaliwanag ay sapat parin na makita ko ang nakangisi nitong labi. "Wala," sabi ko sabay balik sa aking upoan. Siya naman ngayon ang nakatitig sa akin na para bang kinabisado nito ang aking mukha. Tumingin ako sa aking likuran para tingnan sina Claire ngunit hindi pa ito tapos. Sinundot niya ako ngunit hindi ako nagpatinag. Lumandas ang kanyang kamay sa aking tagiliran na para bang yayakapin ako kaya napabaling ako sa kanya sabay tulak sa kanya ngunit hindi talag ito matinag. "Anong problema?" Tumingin ito sa akin at sa kamay nitong nilagay sa likuran ng aking upoan. Napaikot ang aking mga mata. He's teasing me. I get it. "Tumigil ka nga," nakakunot ang noo kong sabi sa kanya. "Do I make you feel uncomfortable?" Sabi nito sabay halakhak. Sinapak ko kaagad ang braso nito ngunit nahawakan niya ang aking kamay. Binawi ko ito. "Maghunos-dili ka Jan. Kanina ka pa." "I didn't complain when you touched me," bulong nitong sabi. Gumaralgal pa ang boses nito nung ilapit sa aking tainga. Hindi ko kaagad nasagot ito dahil sa natigilan ako kahit na nakikiliti ang aking leeg ay hindi ako natinag. Napabalik ako sa aking ulirat. "I didn't touch you mister," kalmado kong sabi sa kanya. "Really? Then why are you stunned when you touch me there?" "Anong touched me there?" Napalakas na talaga ngayon ang aking boses. "I wasn't stunned. I just stopped kasi hindi ka nakiliti. At saka I didn't tuched you nga, sinundot lang kita. Hindi touched." "Chancing. Napapansin ko na palagi mo na akong hinahawakan. Sa aking dibdib," sabi nito sabay turo kaya napatingin ako dito. "Sa aking tagiliran," showing me his side. It's like his seducing me. I stayed my eyes there a little bit and I heard him chuckled kaya napatingin ako sa kanyang mukha. "What's with that look Nice?" "H-Huh?" Natigilan ako. "Assuming mo," sabay iwas ko ng tingin dito. Pasalamat nalang talaga ako at madilim ang lugar kung hindi kita na niya ang namumula kong mukha at saka ang leeg ko din. "Will be serve in a minute," biglang dating ni Patrick sabay upo sa aming harapan. "Ang ganda dito," sabi pa nito sabay hagud ng tingin sa paligid. Hanggang sa tumigil ang mga mata nito sa amin. "Okay lang kayo? Bakit kayo nakatingin sa akin?" Sabi nito sabay kuha sa kanyang salamin at tiningnan ang mukha. "Wala naman," tingin nito ulit. "Wala," sagot ko pampalubag-loob. "Have you noticed her touching me, Rick?" Napatingin talaga ako sa kanya. Sinapak ko ito kaagad. "Ang oa nito! Ultimo hawak lang big deal na sayo?" "Tingnan mo?" Sabay turo sa aking kamay. Tumingin ito sa kanyang pinsan. "Chansing," sabi nito sabay iling. Inikotan ko ito ng mata at saka kinuha ang kamay. Napatingin naman ako kay Rick na napatawa. Umupo nalang ako ng maayos. "What's the real sccore between the two of you?" Biglang sumulpot si Claire sa aking tagiliran. Dagdagan pa ni Claire. Napabuntong nalang ako ng hininga at saka umiling dahil pinagkakaisahan na naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD