Chapter Forty-one - With The Cousins
"Punta tayo ng hideout," suhestiyon ko. Pero natigilan ako, "huwag nalang siguro kasi malayo din."
"Maaga pa naman. At saka, gusto ko ding makapunta doon. Hindi nila ako sinama noon," ani ni Rick sabay tingin sa kanyang pinsan.
"Pero gabi pa magsisimula ang live band. Mas maeenjoy mo kasing kumain habang nanonood. Diba?" Tingin ko naman kay Jan na nakatingin na pala sa akin. Napakurap ako sapagkat hindi ko kayang tagalan ang titig nito. "Diba?" Ulit ko.
Para siyang natauhan. "A-Ano? May sinasabi ka?"
Napailing ako. "Sabi ko maganda kapag gabi kakain kasi may live band," ulit ko.
"Namiss mo?" Titig nito sa akin. His eyes were teasing. I couldn't help myself but to avoid his gaze.
"Kaunti lang. Pero baka papagalitan din ako ni papa kapag matagalan ako sa pag-uwi," palusot ko. Ano bang problema nito sa akin bakit lung makatitig. "May kung ano ba sa mukha ko Rick?" Baling ko dito.
"Wala naman," nakakunot nitkng sagot. Napatingin ako ulit sa pinsan nitong kanina ay nakatingin sa akin. Napakurap na ito at bumaling na sa ibang bagay.
"Akong bahala sa papa mo," bigla nitong sabi na ikinabigla ko.
"A-Ano? Anong ikaw bahala? Alam mo naman diba na ano," hindi ko madugtungan ang dapat kong sabihin. Hindi na inungkat ni Papa ang tungkol sa paghihiganti nito laban sa akin, ngunir hindi magandang ideya na malaman nitong sumasama ako dito.
"Galit ito dahil sa maghihiganti sana ako sa iyo?" Nakuha niya ang gusto kong sabihin. Gusto ko mang tumingin bag kos ang kanyang pinsan ang aking tiningnan. Isang pilit na ngiti lamang ang kanyang ipinakita. "Tara na," anyaya nito at saka nauna sa kanyang sasakyan.
"A-Ano?" Sigaw ko dito. Tumingin ako sa kanyang pinsan. "Rick?"
"Don't worry Nice. He has his own ways," ani nito at saka tinapik ang aking balikat. Nauna itong naglakad leaving me and my mouth open.
Nabigla ako nung may kumaladkad sa aking kamay. Nagpupumiglas ako ngunit malakas siya kaya sa huli hindi nalang ako nanlaban. Binuksan nito ang front seat at pinaupo ako dito. Pagkaupo ko nagulat ako nung yumuko ito sa aking harapan. Napapikit pa ako habang nakahawak ang aking mga kamay sa dibdib nito para pigilan sa paglapit sa akin. Dama ko pa ang pisngi nitong tumatama sa aking ilong.
"What are you doing?" Bulong nito. I can feel his breath touches my face.
"Ikaw? Anong ginagawa mo?" Balik kong tanong ngunit nakapikit ang aking mga mata.
"Buckling your seat belt," sagot nito. I slowly opened my eyes. And I was still in shocked even knowing how near our faces are. Tinulak ko ito ngunit hindi ito natinag.
"Tumabi ka na," sagot ko dito sabay iwas ng tingin nung tingnan ang seatbelt ko.
"Enjoying my chest?" Tanong nito kaya kaagad kong kinuha ang mga kamay ko sa kanyang mga dibdib. Ngayon ko lang napagtanto na kanina ko pa pala ito hawak. Ngayon pa din nagsink sa aking utak kung gaano katigas ang hinahawakan ko kanina. How broad his chest and I can also feel his t**s.
Napakagat ako sa sariling labi nung naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mukha. Umalis ito sa aking harapan kaya nabigyan ako ng pagkakataon upang umayos ng upo. Huminga ako ng malalim.
"Your neck is red," ani nito at saka isinarado ang pintuan.
"You okay Nice?" Tanong ni Rick sa likuran. I almost jump out from my seat nung naalala kong nandiyan pala siya sa likod. I faced him with a half smile.
"Oo okay lang naman," sagot ko dito sabay balik sa harapan. Napapikit ako. Napahawak ako sa aking leeg at tiningnan ito sa side mirror. Nanlaki ang aking mga mata sapagkat tama nga ito.
"You okay?" Napaikot ang aking nga mata nung pumasok na ito ng sasakyan. Bumaling ako dito at I saw a smug on his face. Naningkit ang aking mga mata sa galit at ibinuntong hininga nalang ito. I faced the road nalang. "Is it achy? Can i see?" Sabi nito sabay lapit.
"No!" Bigla kong sabi. Nakita ko pang nagulat ito dahil siguro napalakas ang aking tinig. Napatingin din ako sa banda ni Patrick nung tumingin din ito sa akin. "I mean, okay lang. I am okay there is no need to," sagot ko sabay baling ng mukha sa bintanang katabi ko.
"Sure ka? Maybe I can do something?" It's like he's teasing me. Hindi ko nalang ito binalingan.
"Stop teasing her couz," ani naman ni Rick dito.
"I am not. I am trying to help her," sabi nito and I can even heard a small smile left out at the end of his word. "I have an ointment here maybe I can."
"There's no need," agaran kong sagot ngunit mahinahon. Napapikit ako habang naiisip siyang nilalagyan ako sa leeg ng ointment. Him touching my neck. Iwinaksi ko ang aking ok iniisip. Come on Nice. Why him? Kung pwede mo naman kunin sa kanya at ikaw ang magpahid. At saka, wala ka naman talaga mng rashes.
"Hey! Are you okay?" Untag sa akin ng aking katabi kaya nagising ako sa aking iniisip. Tumango na lamang ako na hindi ito binabalingan. Habang nakapokus ang mga mata ko sa daan ay napansin ko ang pagliko ng sasakyan sa isang daanan na pamilyar ako. Napalinga-linga ako sa paligid sapagkat pamilyar kasi ito. Hindi ko din maalala na nagpunta kami dito.
"This road ia quite familiar," sabi ko basag sa katahimikang naglalaro sa loob ng sasakyan.
"Kasi papunta tayo ng hideout?" Naguguluhang sabi ni Rick sa akin.
"Hindi kasi ito ang daan papuntang hideout," sagot ko kay Rick sabay tingin sa aking katabi na nagmamaneho. "Jan? Saan tayo papunta? Bakit pamilyar ito?"
He didn't answer. All I got was his stoic face, no emotions at all. Ngayon ko lang naalala nung dumaan kami sa isang lubak-lubak na daan.
"I remember," sabi ko sabay tingin ulit kay Jan. "Aning ginagawa natin dito?"
"Nagpunta kayo dito Nice?" Tanong naman ni Rick.
Napatikhim ako. "Oo," sabay sagot.
"Kayo lang dalawa?" I wasn't able to answer his question. Napatingin lamang ako kay Jan na nagmamaneho ngunit napatingin din ito sa akin na para bang nag-aantay ng sagot.
"A-Ano," I felt pressured. Tumigil ang sasakyan sa harap ng park na hindi ko man lang nasagot ang tanong ni Patrick. Nadinig kong namangha si Patrick sa kanyang nakikita kaya kaagad itong lumabas ng sasakyan leaving us two behind.
"Bakit hindi mo masagot?" Seryosong tanong ni Rick habang nakasalampak ng upo. Tumingin ito sa akin.
"I don't know. Natatakot ako?" Hindi ako sigurado sa aking sinasabi.
"Anong kinatatakot mo?"
"Ewan? Baka it's not a good thing to bring the past?"
Tumango lamang ito na para banag naiintindihan nito ang aking sinasabi. Ako nga hindi ko naiintindihan ang pinagsasabi ko. Bakas sa mukha nito abg galit kahit na tumatango ito.