CHAPTER 40

1381 Words
Chapter Forty - Chatmate Mas maaga pa akong nagising kaysa sa aking alarm dahil sa isang text message. Napaunat muna ako bago ko tinignan kung sino ang nagtext sa akin. It was an unknown number. Nag-good morning lang naman ito kaya hindi ko nalang ito pinansin. Since ten minutes lang din naman ang natira para tumunog ang aking alarm, hindi na ako bumalik sa pagtulog. Binuksan ko ang aking bintana at pumasok ang malamig na hangin. Binalot pa ang buong kalangitan ng kadiliman. Nadidinig ko pa ang mga kulisap na nag-uusap sa paligid. Ang mga tandang na nakipagsagutan sa isa't-isa. Napapikit ako habang dinadama ang simoy ng hangin at ang mga buhay sa buong paligid. Biglang tumunog na naman ang aking cellphone kaya kinuha ko ito sa aking bulsa. Parehong numero parin ang nagtext sa akin ngunit iba na ang mensahe nito sa akin. 'Natutulog ka pa ba?' ang nakasulat dito. 'Sino ito?' tipa ko naman sa aking cellphone at saka ipinasa ang mensahe. Nakapagtataka sapagkat wala namang ibang nakakaalam sa number ko bukod kay Claire at kay papa. Napatingin ako ulit sa aking cellphone nung tumunog ito ulit. Wala pa ngang minuto ngunit kay bilis nitong sumagot. 'You already forgot me?' saad nito. Nanlaki naman ang aking mga mata sa gulat. Napakunot ang aking noo sapagkat hindi ko mahulaan kung sino ito. 'Maybe, you got the wrong number' I typed and sent it. Napasinghap ako at dahan-dahan ito ibinuga gamit ang ilong. Mahirap na ma scam, naaksaya ang oras mo sa pakikipag-usap sa taong alam mong walang patutunguhan at ginamit ka lamang. Napaikot ang aking mga mata Matagal itong sumagot kaya nilagay ko nalang ito sa ibabaw ng aking kama upang maghilamos. Kaagad naman akong nagtungo sa cr at ginawa ang mga ritwal. Agad akong bumaba nung natapos ako habang dala-dala ko ang aking cellphone. Nadatnan kong wala pang tao sa kusina kaya kaagad na akong nagsaing. Hindi naman bago sa akin ito sapagkat nasanay na akong magising ng maaga at tumutulong sa kusina bago ako maligo. Hindi naman ako napagalitan ni lola at hinahayaan nalang ako. Nakakapanibago nga kasi hindi na ako masyadong hinihiritan ni lola o tinataasan ng kilay ng aking tito at tita. Mababait naman ang mga asawa ng aking tito at tita sa akin kaya all in all hindi na masyadong ganoon ka pressure ako sa bahay. Tumunog ulit ang aking cellphone habang ako ay naghuhugas ng bigas. Pinatay ko na muna ang faucet at saka ipinahid ang kamay sa isang basahan. Kinuha ko ito at tiningnan ang mensahe na galing sa isang unknown number. Napaikot lamang ang aking mga mata. Bakit ko pa kailangang tingnan kung alam kong scam naman? Ewan ko sayo Nice! Nagbabakasali ka na namang hindi iyan scam tapos makilala niyo ang isat-isa tapos magkakahulugan? Ganoon? Napailing na lamang ako dahil sa nagtatalo kong isipan. 'I am not. I am sure this is you, Phenice Earth Parnells' I read its message. I see! Kilala jiya pala ako. I pressed the reply button, 'This will be my last message to a stranger,' sned it at napalingong inilagay ang cellphone sa aking bulsa. Ipinagpatuloy ko ang paghuhugas ng bigas. Measured the level of the water through my fingers kung sapat ba ito para maluto ang bigas. At saka, isinaing ko ito. Hindi naman kahoy ang gamit nila dito kina lola hindi katulad sa ming bahay noon kaya pwede na itong iwan. Maybe magluluto nalang siguro ako habang inaantay sila manang. Bago ko mabuksan ang refrigerator ay tumunog ulit ang aking cellphone. Matagal ang reply kaya minabuti ko nalang na hindi ito tingnan. Kinuha ko ang mga kailangang sangkap para sa aking lulutuin. Sakto namang nailagay ko na ito sa ibabaw ng lamesa ay tumunog ulit ang aking cellphone. Mabilis ko itong dinukot dahil ikalawang mensahe na ito baka kasi kilala ko ito dahil kilala niya ako. 'This is your beloved childhood friend' mensahe nito para sa akin. Napatipa ako kaagad. 'Beloved ka diyan! Ikaw to Rick?' at ipinasa ito. Akala ko naman scam si Rick lang pala. Sinimulan ko ng hiwain ang mga dapat hiwain. Ang mga rekados, karne, gulay, at saka hinanda narin ang mga pampalasa. Isinaing ko na ang kawali at nung mainit na ay nilagyan ko na ito ng mantika. Bilang tumunog ang telepono ko kaya dinukot ko ito kaagad. 'Hmm anong gawa mo?' tanong nito na hindi man lang sinasagot ang aking tanong. 'Nagluluto ng pagkain. Ikaw?' tipa ko at kaagad itong ipinasa. Ngunit, nung ibaba ko na sana ang aking cellphone ay dumating kaagad ang mensahe niya. Kaya binuksan ko ito ulit. 'Wala ka text ka lamang' basa ko nito. It's weird. I mean, why me? Baka wala lang itong magawa kaya ako ang ginawang pagtripan. Agad kong nagreply. 'Where are your girlfriends? Why not greet them a good morning?' hamon ko sa kanya at saka ipinasa ang mensahe. Tiningnan ko ang mantika kung mainit na ba ngunit hindi pa kaya tiningnan ko ulit ang screen ng aking cellphone. Hindi naman ako nabigo at nagreply kaagad si Patrick. Excited akong buksan ito sapagkat matagal narin akong may katext sa cellphone na ito. Si Papa lang din at Claire kaya nakakaexcite kapag iba naman ngayon ang katext ko. 'I already did' tanging sagot lamang nito. Napaikot ang aking mata. 'Ikli naman ng sagot. Nagreply naman sila?' sent it. "Hija! Umuusok na ang kawali mo baka lumipad iyan," gulat kong narinig ang sinabi ni manang habang nilalagyan ulit ito ng mantika. Muntikan na ngang lumipad ito kung sakaling hindi ito kaagad nakita ni manang. "Pasensya na po," hingi ko dito ng paumanhin. Nialgay ko nalang sa aking bulsa ang cellphone at saka inabala nalang ang aking sarili sa pagluluto. Nilagay ko ang mga rekados at saka ipinaghalo ito. Nilagay ko ang karne at saka dinagdagan ng dalawang baso ng tubig. Tinakpan ko ito at aantayin munang lumambot ang karne bago ko ilagay ang mga gulay. Napapahid naman ako sa aking noong may maliit na butil ng pawis. Umupo muna ako habang inaantay ang niluluto. Abala din naman si manang sa kanyang niluluto at ang iba naman ay nagsimula ng maglinis. Naidukot ko ang kamay sa aking cellphone ko at naalala si Rick. Kaagad ko itong kinuha at nakitang may limang mensahe na dito. Hindi ko din ito napansin kanina dahil narin siguro sa abala ako at itinuon ang pansin sa niluluto baka mapano pa. 'Oo katext ko nga ngayon' 'Anong gusto mo? Kung ano-ano nalang ang ita-type ko para mahaba?' 'Nice? Nagalit ka ba?' 'Uy! Pasensya na. Nagbibiro lang naman ako.' 'Nice?' huli niyang mensahe sa akin. Ilang segundo pa ang lumipas ng ikahuling mensahe. Kaagad akong nagtipa ng mensahe para sa aknya. 'Pasensya ka na Rick nagluluto kasi ako ng pagkain. Muntikan na ngang lumipad ang kawali kasi hindi ko napansin kanina. Pasensya na,' at saka pinindut ang send button. 'Katext mo pala? Bakit ako pinagtitripan mo?' 'Hindi naman. Naiiklian lang naman, magtanong ka din para namang one sided conversation ito,' tipa ko habang natatawa. 'Hindi ako galit. Haha! Pasensya na natagalan ang reply,' huli kong tipa. Tiningnan ko ulit ang mga mensahe kong sagot sa mga mensahe niya kanina. Napailing nalang ako nung makitang mas mahaba pa talaga ang mensahe ko kaysa sa kanya. Kung iba ang makakakita nito baka sabihin pang in love ako kay Patrick. Naamoy ko ang karneng niluto ko kaya kaagad kong inilapag ang cellphone sa lamesa at tiningnan ang niluto. Malambot na ang karne kaya nilagay ko na gulay at saka tinakpan ulit. Ilang minuto pa para lutuin ang gulay kaya bumalik ako sa kung saan ang cellphone ko na tumutunog. Binuksan ko kaagad ang mensahe ni Rick. 'Kasi ikaw nga lang ang katext ko,' sagot nito. Hindi man lang nito pinansin ang mga mensahe ko kanina. 'Ano? Hindi mo ako girlfriends Rick!' tipa ko dito habang umiiling. 'Kaibigan naman kita na babae. Girlfriend hindi ba? Edi girlfriend na kita,' sagot nito. Nanlaki talaga ang mata ko habang binabasa ang mensahe niya. I was a bit flustered sa kanyang mensahe. Maybe he was just joking or I misinterpreted the word girlfriend or I don't know. Pero kinilig ako ng kaunti. But I only see him as a friend or kapatid na lalaki. 'Tange ka Rick! Anong girlfriend ka diyan?' sagot ko habang natatawang umiling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD