Chapter Thirty-nine - Visit
"Pakitabi po manong," sigaw ko sa drayber ng jeep at saka ipinukpok ang piso sa metal nitong hawakan. Tumigil ako sa harap ng dati kong eskwelahan. Napangiti ako. At last, nakabalik ako ulit dito. It was sunday kaya walang pasok ngunit may iilang estudyante ang pumasok sa loob.
"Hindi na muna kita pupuntahan. Babalikan lang kita," sabi ko sa harap ng dati kong paaralan. Binaybay ko ang daan patungo sa kung saan ako nagtatrabaho noon. Sa hideout. I want to surprise them kaya hindi na ako nagsabi kay Claire na pupunta ako ngayon.
Napadaan ako sa isang pizza parlor kaya minabuti ko nalang na bumili. Habang umoorder ako ay nagulat nalang ako nung may sumundot bigla sa aking tagiliran kaya napahiyaw ako. Napatingin ako dito and to my surprise it was Jan, smiling from ear to ear.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya sabay hakbang sa harap.
"Ikaw! Anong ginagawa mo dito? Bawal ka na kayang pumunta sa lugar na ito," biro nitong sabi.
"Sinong may sabi? At saka, bibisita lang naman ako. Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Nakita pa kita kanina sa bahay ng lola mo tapos ngayon nandito ka na?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
His eyes were looking everywhere. Tuliro ito at hindi man lang makasagot. Napakamot ito sa kanyang likuran. Naningkit ag aking mga matang tinitingnan ang bawat galaw niyang nagpapahinala sa akin.
"Seryoso, are you following me?" I may sound assuming pero baka wala talaga itong magawa dahil bored narin kaya gusto sigurong sumama. We don't know.
"Kapal," bulong nito na narinig ko naman.
"Alam ko. Nagtatanong lang naman," sabay ikot ng aking mga mata at saka tumingin nalang sa harap.
Napahugot ako ng malalim na hininga sabay pikit ng aking mga mata. Nakakahiya! Marami pa namang tao ang nakapila tapos narinig nila ang sinasabi ko sa kanya kanina. Napahilot nalang ako sa aking sintido. Trying to calm myself at saka tumikhim.
"Nakakahiya nuh?" Sabi nito kaya kinurot ko kaagad ng pasimple ang kanyag tagiliran.
Napadaing naman siya ngunit tumatawa naman ito. I stopped when I saw again that smile. Napalunok ako. Everything played in slow motion. I think the world stopped when he flashes his smiles on mine. It's different from others. Nakakabighani is the right term to describe the things that he does to capture someone's attention.
I was taken a back when I heard the cashier asked for the second time. I gave out my order and payed as soon as possible even if the cashier was not done yet. He was laughing while watching that's why I kept my mouth shut before I will embarass myself again.
"Umalis ka na nga dito," pagtataboy ko sa lanya sabay upo para antayin ang aking inoorder.
"Nakakahiya ba kanina?" Tanong nito. Obvious naman kaya imbes na magsalita ay tumahimik nalang ako. I rolled my eyes.
"Hindi ba sabi mo, ano," hindi ko matuloy ang aking sasabihin dahil nahiya ako. "Umalis ka na kasi. Ano pa ang ginagawa mo dito baka may sadya kang iba? Nakakahiya naman sa iyo kung magpapasama pa ako," sabi ko sabay plastik na ngumiti dito.
"Ito naman hindi mabiro. Nakita kitang umalis kaya sinundan kita. Wala din naman akong ginagawa sa bahay ni lola," sabi nito.
"Sabi ko na nga ba! Stalker mo," bulong ko sa panghuli. "How come na nakita mo ako? Nung dumaan kami kanina nakatalikod ka sa kalsada?"
"That was Rick, Nice. I was already in the car para umuwi na sana pero nakita kita kaya sinundan ko nalang kayo ng papa mo."
"Dumiritso ka nalang kaya sa bahay niyo para may mapag-abalahan ka kaysa pinapahiya mo ako dito."
"Hindi naman kita pinapahiya," sabi nito sabay sundot sa aking tagiliran.
"Tseh!" Agad akong tumayo at nagtungo sa counter kung saan nakalapag na ang aking order. "Thank you," sabi ko sa crew at kaaagd na kinuha ito.
Lumabas ako na hindi pinansin si Jan kaya hinabol niya ako. Mabilis akong naglakad para hindi niya maabutan ngunit malakas na bumusina ang kanyang sasakyan kaya nagulat ako. Agad na pumarada ang kanyang sasakyan sa aking harapan.
Nakataas ang kanyang kanang kilay habang inaantay akong buksan ito. Napatingin ako sa daan sa harap. Malapit lang naman ang hideout pero nakakatamad ding maglakad kaya binuksan ko nalang ito at pumasok. I sighed for I was defeated.
"Akala ko pa naman hindi ka sasakay," ani nito at saka tumulak ang sasakyan.
"Bakit mo nasabi? Aayaw pa ba ako kung libre sakay na?" Inayos ko ang paglagay ng tatlong box ng twelve inches pizza sa aking kandungan.
"Coz you are hardheaded," halakhak nito sabay tabi ng kanyang sasakyan sa tapat ng hideout.
"Hindi kaya." Ikot ng aking mga mata at saka bumaba ng kanyang sasakyan.
Dinig ko ang pagsarado ng kanyang sasakyan nung papasok na ako. Ngunit, hinawakan niya ang aking kamay kaya napatigil ako . Napatingin naman ako dito. "Bakit?"
"Ako na ang magdadala," ani nito sabay kuha.
"Ikaw ang bahala. Malapit lang naman, nag-abala ka pa," sagot ko sabay pasok sa loob. "Surprise!" Sigaw ko ngunit ako ang nasurpresa. "Asan sila?" Sinuyod ko bawat tindahan ngunit walang ni isa ang nagbukas. Tumingin ako kay Patrick na nasa aking likuran.
Nagkibit lamang ito ng balikat at inilapag ang dinadalang pizza. "Tatawagan ko na muna si Claire," ani ko at saka tinawagan ang numero nito.
Narinig ko ang tunog ng cellphone ni Claire sa kung saan kaya napalinga-linga ako. Wala akong nakita ngunit napatingin ako sa stage nung napagtanto ko kung saan nanggaling ang tunog. "Surprise!" At biglang umilaw doon. Nanlaki ang aking mga mata sapagkat paano nila nalaman na pupunta ako at saka may pa surprise pa sila.
"Bakit nganga Nice?" Dinig kong sabi ni Claire kaya napasugod ako dito.
Malakas na yakapan ang aming ginawa. "Kumusta oo kayong kahat?" Tanong ko sa kanila habang nagyayakapan kami. Agad akong kumalas at nakipagkwentuhan sa lahat. Ilang araw pa ang nagdaan ngunit madaming kwento na ang aming nagpag-usapan.
"Bati na kayo?" Tanong ni Claire nung kami nakang dalawa ang nag-uusap. Nginusuan niya ang aking katabi kaya napatingin ako ditong kinakausap ang mama ni Claire.
"Medyo?" Ani ko at humalakhak.
"Anong medyo ka diyan? Magkwento ka nga sa akin. Siya kaya ang nagsabi sa akin na pupunta ka ngayon," ani ko na aking ikinagulat.
" Ano? Kaya pala," sabi ko sabay baling kay Patrick na nakatingin na sa akin ngayon.