CHAPTER 38

1349 Words
Chapter Thirty-eight - Gala It's been a week na nanatili ako dito sa bahay ni lola. And I think I got used to in my life here going back in forth from here going to the school. There are a lot of major adjustments but I think I handled it well. Hindi narin gaano ako pinag-iinitan nina lola at ng aking tito't tita sapagkat madalas narin kaming nagkasama-sama tuwing nasa hapag lang dahil sa aking pag-aaral. Naiintindihan naman nila siguro kaya hindi na nila ako nagawa pang kulitin para sa mga utos nila dahil sa ako ay laging abala. Napaunat ako habang tanaw ko ang lupain sa harap ng bahay ni lola. Puno ng mga hardinero habang abala nitong inaalagaan ang mga taniman ni lola. I've been wondering kung saan napupunta ang mga bulaklak ni lola. I know na ang lupang katabi nito ay ang kanyang hacienda at ang mga tanim nito ay napupunta sa mga palengke. Maybe we have a flower shop? Hmm. Hindi ko rin natanong si papa tungkol dito. Marami pa akong gustong malaman dito baka one day, nag-aasume lang naman, mapamahalaan ko ito. Nahanap ko na lang ang aking sarili sa labas ng aking bahay. Nakapagpaalam naman ako kay papa kanina na mamamasyal ako sa labas ng bahay para naman hindi ako mabored sa loob. Ang ganda ng hangin ng ito ay sumalubong sa akin. Tinatangay ng hangin ang aking buhok kaya kaagad ko naman itong inayos at tinali. Nakatanggap naman ako ng iilang mga pagbati na kaagad ko namang sinagot rin ng pagbati. Nakalabas ako kaagad ng gate at para akong ibon na nakalabas sa hawla nito. Napakanta ako habang binabaybay ang daan patungo sa mga nagtatayugang puno na tumatakip dito. Kay lamig ng pumasok ako dito. Palagi kaming dumadaan dito ni papa araw-araw pero ang maglakad dito mag-isa ay nakakapanibago. Hindi masyadong kita ang daan sapagkat hindi sapat ang liwanag na dumadating dito. Natatakpan rin ng makakapal na dahon ng mga puno ang ilaw na galing sa araw na tumatagos sana dito. Napapikit ako habang masayang isinasayaw ang sarili at kumakantang binabaybay ang daan. Narating ko ang b****a kung saan napapikit ako dahil sa liwanag ng araw. Nabigla siguro ang aking mata dahil galing ako sa madilim na daanan. Binalingan ko ito kung gaano kaganda tingnan ang lugar kung saan mayungib ang loob nito. Ibinaling ko ulit ang aking paningin sa harapan. Agad akong pumasok sa taniman kung saan bubungad sa iyo ang mga bulaklak. Kay ganda ng tubo nila siguro dahil narin sa mataba nitong lupa. The soil os loamy and there are no drought that can be seen. Mas napamangha ako nung narating ko ang tinutukoy na taniman kanina. Ibat-ibang gulay ang aking nakikita at kay lawak nito. Hindi ako makapaniwalang napamahalaan ito mag-isa ni lola syempre sa tulong narin ng mga tao. Pero sa pagplano nito, sa pagsasaayos, sa kung paano ito palalakihin at ang mga fertilizer na ilalagay, si lola talaga ang nakapag-isip nito lahat. Both my dad and his siblings work in their company. Hindi ko rin alam kung saan ito sapagkat hindi pa ako napasyal doon pero I heard mostly ang dinideal nila ay tungkol sa pagpapagawa ng mga buildings. Well my tito is an engineer and his the one founded it, built it, hanggang sa napalago niya ito. It's too early to think but how about me? What will I achieve in the future? Iwinaksi ko ang mga tanong sa aking isipan noong narating ko na ang border sa pagitan ng lupain ni lola at ng lola nina Patrick. Walang harang dito ngunit malalaman mong taniman na nila ito ni Patrick sapagkat bubungad sa iyo ang mga bulaklak at makikita ang bahay nila galing dito. Hindi naman siguro masama kung mamasyal ako dito kaya pumasok na ako ng hindi nagpapaalam. Malawak ang bulaklak dito ngunit sa bandang kanan makikita mo ang nga puno ng mangga. Nangasim ang aking lalamunan nung naisip ko ito kaya kaagad akong nagpunta dito. Maingat ang aking mga kilos papunta dito upang hindi ako marinig ng sino man. Hindi naman ako mamimitas titingnan ko lang kung may mga manggang nahulog na pwede namang kakainin iyon na lang ang aking susubukan. Palapit na ako sa puno ng mangga nung narinig kong may tumawag sa akin kaya napalingon ako sa aking likuran. "Psst!" Dinig ko ulit kaya napabaling ako saan-saan. Nagulat nalang ako nung may nahulog at dumapo ito sa aking balikat. Laking gulat ko numg nakita kong ahas ito kaya napalundag ako palayo dito. Tatakbo na sana ako nung narinig ko ang isang halakhak. Natigil ako at hinanap ko kung saan nanggaling ito. Tumingala ako sa itaas para tingnan kung sino ito at nakita ko si Patrick na nagpipigil ng tawa. Inikutan ko ito ng mata at lumapit sa sawang nakita ko kanina. Tinutukan ko ito at ito ay isang laruan lamang. Pinulot ko ito at aking ibinato sa kanya ng aking makakaya. "Walang hiya ka Rick!" "Nakakatawa ka Nice! Ulitin mo nga itong nagulat ka," sabi pa nito na ikinasimangot ko. "Napakasama mo! Paano nalang kung nadisgrasya ako nung tumakbo ako atsaka mabunggo ang aking ulo sa kung saan tapos ikamatay ko pa?" Pahisterya kong sabi sa kanya. Humalakhak ito. "Patay agad? Hindi ba pwedeng sa hospital ka na muna?" Tanong nito habang nakataas ang sulok ng labi. "Sama mo," bulong ko dito sabay tingin sa akong nilakaran kanina. "Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Sabay baling ulit sa kanya. "Ikaw ang dapat na tinatanong ko niyan," sabi nito na ikinatigil ko. Nginitian ko na lamang ito. "Ikaw Nice? Anong ginagawa mo dito at saka mag-isa ka pa. Hindi ka ba natatakot?" "Hindi naman," confident kong sagot. "Gusto ko lang mamasyal sa hacienda ni lola tapos napadako ako dito sa inyo." Naningkit ang mga mata nitong tumitingin sa akin na para bang hindi naniniwala. "Tapos anong ginagawa mo dito sa mangahan? Paano nalang kung may sawa talaga dito?" "Ano kasi," nahihiya kong sagot. "Nakita ko kasing maraming bunga ng mangga kaya nagbakasakali akong mamulot kung mayroon mang mga nahulog na mangga. But it seems na iba ang nahulog," dagdag ko sabay biro. Natawa rin ito. "Ito saluin mo," ani nito at saka hinulog ang isang mangga. Napadaing pa ako sa sakit ng hindi ko nasalo ito ng maayos kaya tumama ito sa kamay kong may buto. Natakam ako nung naamoy ko ang asim ng mangga."Mahilig ka din sa mangga ano?" "Hindi naman. Nagkataon lang nung nakita ko ito kaya nagtungo dito," sabi ko ng nakangiti sa kanya. "Maraming salamat," ani ko na parang batang binugyan ng kendi. "Naalala ko pa nga noon sa bahay ng pinsan kong si Patrick sa may bakuran nila? Parati kitang nakikita doon kasama ang mga pinsan mo, maagang naglalaro sa manggahan at saka namimitas pa," subaybay nito na aking ikinagulat. "Naalala mo pa?" Nahiya ako sa mga ginawa ko noon but it seems I haven't changed a bit. "Sino bang hindi kung palaging busangot ang mukha nung pinsan ko kasi parati kayong maaga tapos namimitas pa. Nagigising siya sa ingay mo kasi ikaw lang ang nag-iisang babae. Ang nipis daw ng boses pero anlakas naman," tukso nito sa akin. "Sorry naman. Pero totoo? Iyon ang sabi ni Jan?" Kuryoso kong tanong sa kanya. "Oo! Tapos alam mo namang tapat lang ajg manggahan nila sa bintana niya, nakapalda ka pa kaya nakikita niya ang panty mo," sabi nito sabay bumuhakhak ng tawa. Agad akong pinamulahan ng mukha dahil sa aking narinig. Seryoso? Napapikit ako sa hiya. Parang gusto kong magpalamon ng lupa dahil sa aking mga nalaman. "Huwag ka ng magsalita Rick nakakahiya na." "Nahiya ka pa! Noon naman iyon iba ka na ngayon," pampalubag-loob nito. "Hesus! Hindi mo ako madadaan diyan sa pambobola mo Rick." "Bola ka diyan? Tanungin mo kaya ang isa diyan kung wala bang ipinagbago," sabi nito sabay turo sa itaas. Napatingin naman ako at nakita ang pinsan nitong nakataas na naman ang sulok ng labi nito. Smirking like insulting me. Napasinghap ako sapagkat nakakahiya kung nakita niya ako kanina. At saka ang pinagsasabi ni Patrick, sana ay lamunin nalang talaga ako ng lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD