Chapter Thirty-seven - Again
"Hello Claire?" Nauna kong sabi ko sa kaibigang ilang segundong antay ko bago niya sinagot ang tawag ko.
"Buti at napatawag ka naman Nice. I miss you," sagot nito sa kabilang linya.
"I miss you too," malungkot kong sabi.
"Sige na anong chika? Bakit malungkot ka diyan pinagmalupitan ka na naman?"
"Hindi naman Claire. Mabuti naman sila sa akin."
"Bakit malungkot ang boses mo?" Nagtataka nitong sabi.
"May family dinner kanina tapos ininvite kami ng lola ni Patrick." Itinigil ko muna ang pasasalita at inantay ang magiging reaksyon niya.
"So nagkita kayo diyan?"
"Oo tapos nagkausap kami," pabulong kong sabi habang nahiga sa aking kama.
"Ano namang sabi niya?"
"Hinanap ako," kagat-labing sagot ko sa kanya.
"Bakit daw?" Napaikot ang aking mga mata.
"Malamang alam mo na. Hinanap ako kasi wala na ang kanyang lokohin." I sighed in disbelief.
"Nagkasagutan kayo?" Tanong nito na ikinatingin ko sa aking braso.
"Hindi masyado?" Napangiwi ako sa aking anging sagot nung hinipo ko ang sugat sa pagkakabaon ng kuku nung lalaking iyon kanina.
"Okay ka lang?" Biglang sabi nito na ikinatango ko kahit na nasa kabilang linya ito.
"Okay lang ako. Ikaw? Kumusta ka naman diyan?" Tanong ko sa kanya ngunit hindi ito kaaagd sumagot. "Claire? Andyan ka ba?"
"Sorry Nice," sabi nitong ikinataka ko.
"Bakit naman Claire? Anong problema?" Nag-aalala kong sabi sa kanya. Bihira lang kasi itong magseryoso at ngayon pa na nag-uusap kami sa telepono.
"Sinabihan ko siya kung bakit ka umalis. Hindi niya kasi ako tinatantanan at araw-araw pabalik-balik sa bahay niyo. Ginagabi nga ng uwi galing sa eskwela para lang pumunta sa inyo."
Bigla akong nakonsensya sa mga sinasabi ni Claire. "Nasabi nga niya kanina pero hindi ko alam na alam naman niya pala. Nagtanong pa siya."
"Nice? Paano kung it turned out na he's not uo for revenge anymore?"
"Impossible," agaran kong sagot sa kanya. "Sa kanyang ipinakita sa akin kanina? I doubt Claire."
"May sinabi ba siya sa iyo kanina bukod sa hinanap ka niya?"
"Nah! Just fishing reasons," walang gana kong sagot sa kanya.
"That's why kasi nga nag-aalala siya sayo."
"Let's not assume Claire ininsulto nga ako noon eh," sabi ko sabay ikot sa aking mga mata. "Huwag na nga lang natin pag-usapan siya kasi iba ang kga sinasabi mo Claire," sabi ko sabay halakhak.
"What if nga Nice magkahulugan kayo sa isa't-isa?"
"Na naman Nice? Ano na namang storya ang nabasa mo? Hays! Kumusta ang araw mo kanina?" Trying to avoid the topic.
"Walang ipinagbago. Ang presensya mo lang ang namiss ko," malambing nitong sabi.
"Naku! Miss na din kita Claire. Punta kaya ako diyan minsan?"
"Bet ko! Miss na miss na kita Nice! Ako nalang kaya para naman makapunta ako diyan?"
"Sige sige," walang pag-aalinlangan kong sahot dito.