Chapter Thirty-six - Tears
Nakatutok lamang ang kanyang mga matang nakatitig sa akin na para bang sinasaulo bawat detalye ng aking mukha. He is not smirking. Nakatikom ang kanyang bibig at seryoso akong tinitingnan.
Iniwas ko ang tingin sa kanya. Nakakaintimidate siya. Knowing that his personality changed from someone I knew before.
"Are you really sick? O baka naman," hini niya tinuloy ang kanyang sinasabi. Now, he is smirking.
"Baka naman ano?" Hamon ko sa kanya. "I think," huminahon ako. Ayaw kong pangunahan ito ng aking galit. "Wala naman siguro tayong problema nung umalis ako. Kaya, let's just forget the past. I am sorry kung napagkamalan kita na si Rick."
Napahawak ako sa dulo ng aking damit. Trying to hide that I didn't know his plans before. Mahina itong napahalakhak kaya napatingala ako dito.
"Really? I am not a fool, Nice!" Bulong nito ngunit may bigat ang pagkakabigkas nito. "Then, tell me the reason why you left."
Hamon niya sa akin. His eyes were intense. Galit na galit ang ekspresyon nito at para akong napapasong tumitingin dito ng matagal. Nahihirapan akong lumunok ng sariling laway na para bang may nakabara sa aking lalamunan.
"W-We had to leave kasi kailangan ng trabaho ni papa," nautal ko pang sagot. "Hindi na rin ako nakapagpaalam kasi nagmamadali ako that time."
Nakakunot lamang ang kanyang noo na para bang hindi naniwala sa mga sinasabi ko. "That time na ibinigay mo sa akin ang damit ko?"
Hindi ko malusutan ang kanyang tanong. Kahit mangapa ako ng ibang rason, I left that day at hindi na bumalik pa.
"Kasi wala ka na kinabukasan. Hinanap kita pero hindi kita nakita. Nagtanong ako ngunit wala man lang akong nakuhang matinong sagot. What's the problem Nice? May trabaho ba talaga," lumapit ito sa aking tainga na ikinagitla ko. "O dahil ako ang rason kung bakit umalis ka?"
"A-Anong sinasabi mo? Of course, dahil nga may trabaho si papa." I had to move my face an inch away from him. I can feel his breath caressing my neck.
"Liar!" Hinawakan niya ang aking balikat at idiniin sa inuupoan ko.
"Aray!" Daing ko. "Bitawan mo nga ako." Nagpupumiglas ako ngunit malakas niya akong hinahawakan kaya baliwala ang pagtutulak ko dito. Tinulak ko ang kanyang dibdib ngunit hindi ko man lang magawang igalaw ito sa kanyang kinatatayuan.
Ngumisi ulit siya. "Enjoying my chest?" Tanong nito kaya kinuha ko kaagad ang aking kamay doon. Iniwas ko ang aking mukha kasi nag-iinit ito at baka makita itong pinamulahan ako.
"Please, leave me. Let's just forget each other para wala ng maging problema," suhestiyon ko sa kanya.
"Ganoon na lang? Balewala lang ba sa iyo ang pagkakaibigan natin dahil nakilala mo na ang totoo 'Rick' mo?" Bulong ulit nito sa aking tainga.
"Hindi ba ayaw mong mapagkamalan kita kaya sinusunod ko lang ang gusto mo. Kaya pasensya na," ulit ko.
"Liar," sabi nito ngunit parang biglang kumulo ang aking dugo sa natanggap na sagot galing sa kanya.
"Ano?" Galit kong sabi dito. Malakas kong naitulak ang kanyang dibdib kaya siya napaalis sa pagkakahawak sa akin. Tumayo ako. "Liar? Ako pa ang sinasabihan mong sinungaling? Might check yourself in the mirror?"
Taas-baba ang aking dibdib. Hinihingal ako sa sinabi ko kahit hindi naman ako tumatakbo. Mabilis na pumipintig ang aking puso dahil sa galit.
"Paano mo naman nasabing nagsisinungaling ako? You're the one lying here," pinantayan niya ang aking mga titig.
Napasinghap ako at iniwas ang mukha. Huh. Fishing for information. Kuha ko na ang ginagawa niya and I won't let him be satisfied.
"Sorry to disappoint you but I am telling the truth."
"Narinig mo ba kami?" Tanong nito.
Natuon ang aking atensyon sa kanya. "What do you mean? Let's just stop this. Wala din namang patutunguhan ito."
"Why are you avoiding? You're lying!" Hinawakan niya ulit ang aking braso. A small tear escaped from my eye. Napatingin ako sa kuku niyang napadiin sa aking braso.
"I'm sorry I didn't mean to." Kaagad niyang binawi ang kanyang kamay nung nakita niyang napaluha ako.
I smirk nung nakita kong may dumaang guilty sa mga mata nito. Fake. Kaya napailing ako. "Is this your way to fish the reason? Nanakit ka ng tao upang makuha lamang ang gusto mo? Well, I am not giving you a damn!" Sigaw ko sa kanya.
Nagtitimpi siyang huminga ng malalim. Napapikit ang mga mata habang ang mga kamao nito ay napakumo. He stared straight at me as soon as he opened his eyes. "I am sorry. I just want the reason why you left without a word. Hindi ko alam pero nabaliw ako kakahanap sa iyo. Palagi akong pumupunta sa inyo to check on you pero bigo ako. If only I had known na huling kita na natin nung araw na iyon edi sana." Pinigilan nito ang kanyang sarili.
I was too stunned by his confession. I didn't get to grasp a response because I was moved. That he was just making up things but it felt real.
"I already told you, Jan. Kailangan naming umalis ni papa."
"Hindi ako naniniwala," sabi nito habang umiiling.
"Na ano? That you are using me para makapaghiganti ka?" Sabi ko.
Kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata dahil sa aking sinasabi. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Mas matatagalan lamang kami dito kong mas itatago ko sa kanya ang katotohanan.
"See!"
Biglang nagbago ang kanyang ekspresyon na ikinagalit ko. Napapikit ako. I was fooled again.
"Anong nangyayari dito?" Napatingin kami kay Rick na kakadating lang.
"I am not done," bulong nito at kaagad na umalis.
"Anong sinabi niya Nice? Sinaktan ka ba niya?" Bigla itong lumapit habang dala nito ang pagkain.
"Wala. Just asking the reason why I left."
Napatango lamang siya. "Ito pagkain. Sorry natagalan ako," sagot nito. Ngunit kita ko sa mga mata nito ang pag-aalala.
"No need to worry for me Rick. Okay lang talaga ako," pangungumbisni ko sa kanya.
"I will talk to him," sabi nito na ikinaalma ko kaagad.
"Huwag na Rick. Hindi na kailangan baka lalo pang gugulo," ani ko sabay tingin sa palayong pinsan niya. Tumingin ito sa akin bago isinarafo ang pintuan.