CHAPTER 35

2694 Words
Chapter Thirty-five - Family Dinner "Sinamahan ko lang po siya tito. Hindi kasi maganda ang-" natigil ito sa pagsasalita dahil siniko ko ito. Kinunotan ko ito ng noo. Napakunot din ang kanyang noo at nung ilipat ang tingin kay papa ay nagbago ito. Bumaling ako kay papa na naningkit ang mga matang tumingin sa akin. "Hindi kasi maganda ang panahon," dagdag nito sabay tingin sa kalangitan. Tinanguan lang ito ni papa. "Kumusta na ang papa mo?" Tanong nito kay Patrick. "Okay lang naman po. Minsan lang umuuwi sa bahay kasi busy sa trabaho," malungkot niyang sabi ngunit kanya itong binawi at ngumiti. Biglang tumunog ang kanyang cellphone at kanya itong tiningnan. Nag-aalinlangan itong tumingin sa amin. "Mauuna na ako sa inyo tito kasi hinahanap na ako ni lola," paalam nito sabay tingin sa akin. Tinanguan ko lang ito. "Sige hijo, mag-iingat ka." Agad itong nagtungo sa kanyang sasakyan at pinaharurot palabas ng eskwelahan. Walang nangahas na umimik sa aming dalawa ni papa habang tinatanaw ang palayong sasakyan ni Patrick. Tiningnan ko ito sa gilid ng aking mga mata nung gumalaw ito at kinuha sa bulsa ang tumutunog na cellphone. "Hello ma?" Sagot nito kaya napabaling ako dito. "Sige sige. Opo, malapit lang naman. Sige pupunta kami diyan ma," ani ni papa at kaagad ibinaba ang tawag. "Si lola po iyon pa? Anong sabi niya?" Kuryoso kong tanong sa kanya. "May family dinner mamayang," napatingin ito sa kanyang relo. "may thirty minutes pa tayo. Tara baka mahuli pa tayo," ani nito at kaagad naglakad patungo sa kanyang sasakyan. Kaagad akong sumunod kay papa. Nakapagtataka sapagkat hindi man lang siya nagalit noong nakita kami kanina ni Patrick na kamukha mg kanyang pinsan. Kilala na siguro si papa dito kasi nagtanong pa ito tungkol sa kanyang ama. "Malalim ang iniisip mo," pahayag nito habang nagmamaneho. May nakikita akong estudyanteng papasok pa lamang, baka may klase pa sila mamaya. Ang iba naman ay paalis na para umuwi na rin. "Akala ko po kasi magagalit ka kanina?" Hindi ako sigurado kong tamang tanong ba ito baka ikakagalit niya ito kaya napatikom nalang ako ng bibig kaagad. "Kilala ko ang anak ni Benedict. Ganyan na ba ang tingin mo sa akin anak?" Masuyong tanong ni papa sa akin. Hindi ko nagawang sagutin ito sapagkat nakaranas ako ng pagmamalupit galing sa kanya noon. "Baka lang po kasi magpinsan po sila. Ngayon ko lang din po nalaman na magkapatid po pala ang papa nilang dalawa." "Kambal iyang papa nilang dalawa kaya pareho silang magkamukha niyang si Patrick at ang pinsan nito. Hindi ko nga din alam kung bakit pati pangalan napagkasunduan nilang itulad, nalilito ang mga tao," ani ni papa sabay iling. Kaya pala magkamukha silang dalawa kasi kambal pala ang ama nila. Hindi ko kasi nakita na may kambal pala ang papa ni Patrick. Siguro nakita ko noon pero hindi ko mapansin kasi magkamukha sila. Pati narin ang mga anak nito na magkamukha din. "Naiisip mo siguro ngayon kung gaano ako kasama anak," pahayag nitong ikinatigil ko. "Hindi po pa," agaran kong sagot nito sabay tingin na umiiling. "Naiintindihan naman po kita pa kung bakit mo nagawa iyon noon," sabi ko sabay iwas ng tingin. "Sana mapatawad mo ako anak. Hindi ko lang talaga matanggap ang mga nangyari kaya nagkaganoon ako. Ewan pero baka galit lang ako sa aking sarili kaya hindi na kita naisip noon at hinayaan kitang itaguyod tayong dalawa. Pero pangako anak, babawi si papa." "Okay lang pa," trying to avoid the topic. "May mga kasama ba tayo mamaya pa kaya hindi sa bahay kakain?" Nakita ko ang pagkatigil ni papa sa aking tanong. Hindi niya siguro inaasahan na kaagad kong palitan ang pinag-uusapan namin. Ayaw ko ng sariwain pa ang mga nangyari noon kaya mas mabuti pang iwasan ito. "Ang pamilya Pejannas. Inimbitahan kasi ng lola nito ang lola mo. Alam mo namang matalik silang kaibigan kaya inaunlakan ni lola. Naimbitahan din tayo kaya kailangan nating pumunta." "Pupunta po tayo pa?" Gulat kong sabi. Paano nalang kung nandoon sila Tita Ettice. Baka ano pa ang mangyari. "Sigurado ka po?" "Huwag kang mag-aalala anak. Magkaibigan parin naman ang pamilya natin despite of what happened. Kung ano man ang nangyari noon kalimutan na natin iyon. Kahit na magkita kayo ni Patrick doon, iwan mo muna ang galit mo sa kanya. Pupunta tayo para sa mapayapang hapunan anak." Tinanguan ko na lamang ito kahit na kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Agad naming narating ang lugar na sinasabi ni papa kanina pa. Ang engrande ng lugar at maraming mga guest ang pumapasok dito. Kaagad kaming pumasok kung saan kaagad din kaming dinaluhan ng staff papunta sa silid na sinasabi ni papa. Habang naglalakad kami dito ay hindi ko magawang kumalma sapagkat iniisip ko sina Tita Ettice. Maybe dad find this okay pero sa akin hindi, they will see the face of my father. Magkamukha kami ni mama kaya hindi ko alam kung ano ang mga masasakit na salita ang aking marinig sa hapag. Bumukas ang pintuan at bumungad sa amin ang nakatinging mukha ni lola at ng aking tito at tita. Sa kabilang banda naman ay ang isang matandang babae na matamis na nakangiti at si Patrick nanakasuot pa din ng uniporme. "Am I late?" Napatingin ako sa aking likuran at natigilan kung sino ang dumating. "Pare," sabay yakap ni papa dito. "Kakadating lang din namin dito." Magkamukha nga ang papa nila. Ngumiti ako dito kaya napilitan akong ngumiti din dito at tumungo. Iniiwasan kong titigan nito ang mukha ko kasi maalala lang nito si mama. "Ito na ba ang anak mo? Ang laki mo na hija," sabi nito na tinanguan ko lang. "Hali na kayo dito," tawag ni lola sa amin kaya kaagad na nagtungo sila papa dito. Napatingin naman sa akin si Patrick ngunit hindi ko magawang ngitian ito. Nagtabi ng opo si papa at ang ama ni Patrick kaya hinila ko nalang ang upoang katabi ng tito kong nagbago ang mukha nung tumingin sa akin. "Pasensya na kung matatagalan pa. Kailangan pa nating intayin si Ettice," ani ng lola ni Patrick na ikinatango naman nila. "Okay lang naman. Maraming salamat Paulina at naimbitahan kami sa pagsasalo niyo," pahayag ni lola. "Marami ding salamat at pinaunlakan niyo ang aking imbitasyon. Matagal narin noong huli tayong nagsalo-salo ng tayo-tayo lamang. Kumusta na ba ang mga negosyo mo Ricarda?" Nagsisimula na silang mag-usap ng kung ano-ano kaya hindi ko na masyadong pinansin ito. Napatingin ako sa aking harap kung saan nakaupo si Patrick. Nakatingin lamang ito sa akin na may pag-aalala sa mga mata. Iniwas ko nalang ang tingin dito baka ako pa ang magiging dahilan kapag naging hindi maganda ang hapunan kung kakausapin ko ito. Biglang gumalaw ang katabi kong bakante na upoan. Si Calix pala ito at gustong umupo kaya inalalayan ko ito. "I'll just sit beside ate," ani nito sa kanyang mama kaya napatingin sila sa aking banda. Naagaw lahat ng atensyon noong binanggit ako. "Hindi ka ba niinitan ate?" Tanong nito sabay turo sa suot kong jacket. Ngayon ko lang din naalala na nakasuot ako nito kaya kaagad ko itong tinanggal. Lilingunin ko na sana si Patrick para ibigay ito ngunit pinigilan ko muna ang sarili ko. "Galing ka ba ng paaralan hija?" Taong ng lola ni Patrick kaya napabaling ako dito. "Opo madam," sagot ko nito. Napangiwi pa ito dahil pormal ko itong tinawag. "Naku! Huwag mo na ako tawaging madam, lola na lang. Napansin ko kasing magkapareho kayo ng soot nitong apo ko. Magkapareho ba kayo ng paaralan?" "Opo," sagot ni papa. Mabuti nalang at sinagot ito ni papa. "I believe na magkaibigan na sila kasi kanina nung kunin ko na itong anak ko, nakita ko si Patrick na sinamahan ang aking anak. Hindi kasi maganda ang panahon at amg-isa lang din kaya maraming salamat hijo," sabi ni papa sabay baling kay Patrick. Hindi ko magawang lumunok man lang ng laway. Napatingin ako sa akng tita at tito na nakatingin lang. Wala ding reaksyon na naggaling sa kay lola. Nakakakaba kasi alam kong baka mamaya pag-uwi, lalabas ang mga salitang pinipigilan nila ngayon. "That's good. Kasi itong si Patrick, para ding ama niya. Napakaseryoso sa pag-aaral kaya ang kaibigan nalang niyan ay ang mga libro. Mabuti naman at nagkakilala kayo hijo para may maging kaibigan ka na. Ano ba ang kursong kinuha mo hija?" "Office Administration po," sagot ko dito. "Iyan din ang kursong kinuha ng aking apo. Kaya pala kaagad kayong nagkakakilala nitong apo ko?" Tinanguan ko lang ito sabay ngiti. Napabaling ako kay Patrick na hindi man lang umiimik. "Magandang hapon ma," ngayon ko lang napansin na nakapasok na pala si Tita Ettice. Humalik ito sa pisngi ng kanyang manugang. Kasama niya si Naynay, Basty, at si Patrick na matalim ang tingin sa akin. Napaiwas ako ng tingin dito. Ang ganda parin ni Tita Ettice kahit ilang birthday na ang nagdaan. May iilang wrinkles narin sa mukha nito pero mukhang bata parin itong tingnan dahil sa palangiting labi nito. "Magandang hapon din. Happy birthday anak," bati nito na ikinatingin ko. Binati din siya ng lahat maliban sa akin. Kaagad akong tumungo upang hindi niya makita ang aking mukha. "Maraming salamat sa inyong lahat. Pasensya na kung natagalan ako. Problem with Patrick hindi daw sasama. Mabuti nalang at napilit ko. Birthday ko pa naman," sabay ngiti nito. Napatingin ito kay papa na katabi lamang ng papa ni Patrick. Agad na iniwas nito ang mukha.Bumaling ito sa likuran at itinaas ang kamay. Agad na dumating ang mga pagkain. Naupo si Tita Ettice katabi ng manugang. Mabuti nalang at malayo ito sa akin. Pero hindi ako nakawala ng umupo ito katabi ni Patrick na kaharap ko. Tumabi din si Naynay at Basty dito. Nginitian ako ni Naynay kaya tinanguan ko lang ito. Katulad noong nakita ko si Basty sa convenience store, wala man lang itong reaksyon. Inilipat ko ang tingin kay Patrick na kaagad kong iniwas dahil sa matalim nitong mga mata. "Calix, hali ka na dito," tawag ng papa nito ngunit umiling lamang ito. Dahil dito ay napatingin si Tita Ettice sa akin. Hindi niya siguro napansin na nandito ako kaya dumaan ang gulat sa mga mata nito na kaagad namang niyang binawi. Napatungo ako kaagad upang iwasang makita nito ang aking mukha. Kaagad sumabay si lola kaya wala na sa amin ang atensyon ng lahat. "Ate I want some," turo nito sa pagkain. Napilitan akong kumuha ng pagkain para kay Calix. Dagdag pa na nasa harapan sina Patrick kaya napepressure ako. "Salamat ate," ani nito na ikinatango ko. "Are you on a diet ate?" "Uhh hindi naman. Kukuha nalang ako mamaya," sagot ko nito. Please Calix huwag ka ng magtanong pa. Kinakabahan na nga ako dito. Napatingin ako sa paa kong nakalagay anh jacket ni Patrick na gumagalaw dahil sa aking panginginig. Pasimple kung isinuyod ang aking mga mata kung saan busy silang nag-uusap. Napalipat ang aking tingin kay Patrick na nakataas ang isang gilid ng labi nito habang hinihiwa nito ang karne. "Kilala niyo na pala ang isat-isa?" Tanong ni Patrick sabay tingin sa kanyang pinsan. "Paano ba iyan baka malito si Phenice kung sino si sino?" Natatawa nitong sabi. "Jan," tawag ni Naynay dito. "Pagpasensyahan mo na itong-" "Come on wala naman akong ginagawa ya," mataray nitong sabi. Hindi ito napansin ng mga matatanda. "Ipakilala mo naman ako Rick. Napagkamalan kasi ako noon na ikaw," tingin nito kay Patrick. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang tunay na kulay nito. Ibang-iba siya sa paaralan, palagi itong nakangiti at mabait na nakikitungo sa mga tao. "I am Jan Patrick Pejannas," extending his hands. "Kilala na natin ang isat-isa pero klaruhin ko lang, just call me Jan. Baka kasi malito ka sa aing dalawa ni Rick," nakamgisi niyang sabi. " Ayaw ko pa namang mapagkamalan." Malakas akong napakapit sa aking kutsara at tinidor habang pinipigilan ang sariling magalit dito. Tinanguan ko na lamang ito at nagoatuloy sa pagkain na hindi pinapansin ang nakalahad na kamay. Napahalakhak itong kinuha ang kamay na nabitin sa ere kakaantay. "Jan, tigilan mo na iyan," untag ni Patrick dito. "Sorry couz. Gusto ko lang magpakilala kay Phenice baka nagulat kasi na magkamukha tayong dalawa but it seems that she already knew?" Sabi nito sabay tingin sa akin. "Excuse me." Kaagad akong tumayo at humakbang para umalis. "Saan ka pupunta hija?" Natigil ako ng magtanong si lola. Binalingan ko ito ng nakangiti. "Pupunta lang po ako ng powder room. Excuse me po." Tinanguan ko sila at kaagad na umalis sa aking kinauupoan. Napabuga ako ng hangin nung naisarado ko ang pintuan. Kaagad namang may lumapit na staff sa akin kaya pinakalma ko ang aking sarili. "You need something ma'am?" Nakangiting tanong nito. Hindi ko alam pero naiinis akong tingnan ang nakangiti nitong labi sapagkat naalala ko ang ngiti ng Jan Patrick na iyon. Nakakainis. "Comfort lang. Saan ba dito?" Hindi ko talaga sinuklian ang ngiti nito nung sinagot ko ito. "That way ma'am then turn left. May signage naman po," sagot nito. "Maraming salamat." Kaagad kong isinarado ang pintuan at naghilamos. As I stared at my reflection, nakikita ko ang mukha ni Patrick na nakangising inaasar ako. Kaagad akong napahilamos ng mukha upang burahin ang mukha nitong nakadikit sa akin. "Nakakainis ka. Wala naman akong ginawa sa iyo. Pinamukha mo pa talagang habol na habol kita? Crush lang kita noon pero hindi die hard fan mo." Inikutan ko ng mata ang aking sarili sa salamin. Nakadama ako ng tawag ng kalikasan kaya pumasok ako sa cubicle. Ilang minuto rin ng aking pag-ihi at pag-aayos bago binuksan ang pintuan kung saan bumungad sa akin si Patrick na nag-aalala ang mukha. "Pagpasensyahan mo na," ani nito habang nakasandal ang katawan sa may dingding na aking ikinatango. "Okay ka na? Wala ka ng lagnat?" Tanong nito sabay hipo sa aking noo at leeg. Hindi naman ako kaagad nakaatras kasi nagulat ako sa biglaan nitong ginawa. "Bumuti-buti na naman ang pakiramdam ko. Marami palang salamat at saka, ito pala." Isinauli ko sa kanya ang bitbit ko na jacket niya. "Maraming salamat dito. Okay lang ba na hindi ko na labhan? Hindi naman mabaho," naiilang kong sabi. "Okay lang. Huwag ka ng mag-abala pa," sagot nito sabay umayos ng tayo habang nakatungong nakatingin sa akin na nakangiti. Ilang segundong katahimikan bago ako nagsalita. "Huwag kang mag-aalala. Wala sa akin iyong mga sinasabi ng pinsan mo." Tumango lamang ito na parang hindi naniniwala. "Promise. Totoo talaga. Hindi ako nagbibiro," seryoso kong tugon sa kanya. "Naniwala naman ako. Sinabi ko bang hindi?" Bumaling ito sa daang pabalik sa reception area. "Para kasing hindi ka naniniwala?" Titig ko sa kanyang mga mata nung tumingin ito sa akin. "Sino ba ang maniniwala kung hindi mo naubos ang kinain mo kanina at nagwalk-out ka kaagad? Mukha ka ngang naiinis sa kanya," Parang galit ang tono nito. "Bakit ka nagagalit?" Nakangisi kong sabi. "Hindi naman. Concern lang ako kasi hindi mo naubos ang kinain mo kanina." Sagot nitong ikinakunot ng aking noo. "Anong konek doon?" Natatawa kong sagot sa kanya. Naglakad na kami pabalik nung may upoan kaya naupo siya dito. Dahil ayaw ko rin na bumalik kaagad ay naupo ako dito. Bumuntong hininga ito at napailing. "Alam mo namang may sakit ka. Dahil sa inis mo sa kanya, hindi mo tinapos ang kinain mo. Mabuti pa ay bumili nalang tayo para makakain ka ng maayos." Akala ko pa naman. Haha! Assuming mo self ano? Napangisi ako. "Huwag na! Hindi naman ako masyadong gutom at saka pinakain mo narin ako kanina sa klinik kaya hindi pa ako gutom." "Ang tigas talaga ng ulo mo. Dito ka lang," sabi nito at kaagad akong iniwan. "Rick? Saan ka pupunta?" Sigaw ko ngunit hindi niya man lang ako sinagot at lumabas na. Napahugot ako ng malalim na hininga at hinayaan nalang ang sarili na sundin muna ito. "Sweet naman," bulong sa aking likuran kaya napatayo ako sa aking pagkakaupo. "Anong ginagawa mo dito?" Galit kong sabi dito. Nandiyan na naman ang nakangisi niyang labi na parang inaasar ako. Kaagad nitong nilandas ang mga daliri sa buhok nito. Inikutan ko ito ng mata para makita nito ang pagkadisgusto ko sa kanya. "What are you doing here, Jan?" Ulit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD