Chapter Thirty-four - Clinic
"Paalam pa." Paalam ko kay papa nung bumaba ako ng sasakyan. Hinagkan ko ito sa kanyang pisngi at saka nagpaalam ito sa akin.
This will be my first day of school sa eskwelahan na ito. I hope that everything goes well at walang magiging problema. Agad kong pinakita sa security guard ang aking COR o Certificate Of Registration dahil wala pa akong ID.
"Salamat po," ani ko pagkatapos niyang tingnan ang aking COR at uniporme.
Binaybay ko ang daan patungo sa aking unang silid nung biglang umambon. Agad akong nagtungo sa mga pathway na may mga takip. Mabuti nalang at inilibot ako ni, Rick, dito kahapon kung hindi baka matatagalan talaga ako kakahanap sa aking first period.
Malayo-layo pa ang aking departamento. Sukat ko ay nasa dalawang daang metro pa ang layo nito kapag dadaan pa sa mga pathway. Napatingala ako sa kalangitang natigil ang pag-ambon. Lumabas ako upang mas mabilis ang aking pagtungo sa aking silid.
Habang napatingin ako sa mga building dito sa loob upang maging kabisado ako sa mga pasikot-sikot dito ay napansin kong may sumusunod sa akin ngunit minabuti kong huwag nalang itong pansinin. Napapatigil naman ang mga estudyante na nakasalubong ko at tumatabi sa daan. Dahil narin sa aking kuryosidad ay napatingin ako sa aking likuran.
Napaikot na lamang ako sa aking mga mata kung sino ang aking nakita. Kumakaway ito sa aking ngunit nginitian ko lang ito at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Minabuti ko na rin na upang makadaan siya kahit na malaki naman ang daan.tumabi
"Good Morning! Hindi ka ba sasakay?"
Tanong ni Patrick noong pumantay ito sa aking paglalakad. Nakangiti ito sa aking habang nagmamaneho. Inilingan ko na lamang ito sapagkat malapit narin naman ako.
Pinaharurot niya ang kanyang sasakyan ilang metro lang din ang layo at kanya itong itinabi. Agad itong lumabas sa kanyang sasakyan at ikinailing ko ng inantay ako nito.
"Bakit ka pa bumaba? Okay lang talaga ako," paliwanag ko dito.
"Gusto ko lang din maglakad," tanong nito habang may nakalahad na sandwich sa aking harapan.
"Okay lang, salamat. Busog pa naman kasi ako." Napatingin ako sa mga estudyanteng tumitingin sa aming dalawa kaya lumayo ako ng kaunti.
"Are you fine? Ang tamlay mo ngayon?" Napatingin ako sa kanya sabay kagat sa aking labi.
"Okay lang. Just nervous dahil first day ko dito. Ikaw? Saang room ka papunta?" Tanong ko sa kanya sabay pasok sa aming departamento.
"Mabuti nalang at pareho tayo ng sched kaya huwag kang kabahan. I'm here," masaya nitong sabi.
"Is that for real?" I can't believe it. Akala ko pa naman i can avoid him pero it looks like fate played well on us. Lahat pa naman ng sched. Hayst! Lumipat nga ako para kalimutan ang mga masasamang nangyari sa aking previous school pero nandito naman ang pinsan ng aking iniiwasan.
"Are you disappointed?" Natatawa nitong tanong sa akin.
I nod. There's nothing wrong naman kung aamin ako bahala na kung masaktan man siya.
"Ouch!" Ani nito sabay hawak sa kanyang dibdib na aking ikinatawa.
Sa aking paghakbang, biglang nanghina ang aking tuhod kaya malapit akong matumba. Mabuti nalang at mabilis akong napakapit sa may handrail. Dinaluhan naman ako kaagad mi Patrick na kaagad kong ikinataas ng aking mga kamay.
"I am okay," ani ko sabay pikit kasi bigla rin akong nahilo. Akala ko pa naman mabuti na ang aking lagay dahil maaga akong nagpahinga kagabi.
"Are you okay? Parang mainit-init ang katawan mo," sabi nitong ikinagulat ko.
Agad akong napaayos ng tayo noong natanto kong kanina pa pala hawak nito ang aking leeg. His face was so near that I could even notice his spotless smooth face. He was so serious while checking on me. And I saw how his ear turned red that contradicts his white skin.
"Okay lang ako. Baka napagod lang siguro," ani kong hindi siya matingnan ng mabuti.
Come on Nice! Ano na namang paandar ito. That's what I am saying. It is dangerous kung palagi akong didikit sa kanya dahil magkamukha sila ng kanyang pinsan. Well I have to admit nagkacrush kaya ako nun kaya damn heart beats fast whenever seeing that face again.
Nauna akong naglakad sa kanya habang bitbit niya ang iba kong gamit. Pagkadating ko sa silid na aming papasukan ay naalala kong computer laboratory para ito kaya malamig ang aming silid na papasukan. Napasinghap ako nung buksan ang pintuan. Tiningnan ko si Patrick na nahuli kaya nauna na akong pumasok.
Napatingin ang iilan sa akin at ang iba naman ay napatuloy lamang sa kanilang chikahan. Mabuti nalang at may mga upuan pang reserba sa likuran kaya nagtungo ako dito. Iyon na nga lang, malapit sa aircon kaya napakapit ako sa aking sarili. I have no choice kasi wala ng upuan sa harap nung tingnan ko ito.
"Are you okay here? You can exchange seats baka hindi kaya ng katawan mo," ani ni Patrick habang ibinigay sa akin ang iba kong gamit.
"Thank you. Okay lang ako dito. Mang-aabala pa tayo, alam mo namang bago lang ako dito. Mawawala din ito mamaya. Malayo-layo rin ang nilakad ko kanina kaya mainit ang katawan ko. So no need to worry," pampalubag-loob kong sabi sa kanya.
Hindi siya sumagot ngunit bakas ang pag-aalala nito sa kanyang mukha. Napatingin nalang ako sa harapan kung saan ay pumasok na ang instructor.
"I think we have a new student here," ani nito sabay suyod ng kanyang mata. "Please introduce yourself miss," ani nito habang nabitin ang huling salitang binigkas sapagkat hinanap niya ang aking pangalan sa kanyang listahan. "Parnells? Miss Parnells," ulit nito. "I hope i read it right."
Tumayo naman ako habang kagat ang aking labi. Kailangan kong tanggalin ang aking kamay sa pagkakayakap kaya nadama ko ulit ang malamig na hamgin na nanggagaling sa aircon.
"Good morning everyone. I am Phenice Earth Parnells, a transferee from Tagbilaran Community College. Nice meeting all of you," maikli kong pakilala sabay upo. Niyakap ko ulit ang aking sarili.
Nagsimula kaagad ang klase pagkatapos kong magpakilala. Napatingin ako sa aircon kung saan lumalamig ang hangin kahit na nasa 20°C lamang ito. Wala akong magagawa, kailangan kung tiisin muna ito.
"You're cold," sabay hawak ni Patrick sa aking braso. Nagsilabasan na ang iba at iilan nakang kaming natira. Kaagad niyang inilapat ang kamay sa aking noo. "Ang init mo na para kang lalagnatin."
"Okay lang ako, no worries. Naka-aircon ba ang susunod na papasukan nating silid?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi naman pero malaki ang mga bintana kaya paniguradong malamig kapag papasok ang hagin."
Tama nga ang kanyang sinasabi pagkarating namin. Ang natitira nalang na upoan ay sa may likuran at malapit pa sa bintana. Wala akong choice kaya doon nalang din umupo. Umupo sa harapang upoan si Patrick.
"Dito ka na muna," ani nito na ikinakunot ng aking noo.
Hindi nalang ako nag-abalang magtanong sapagkat kay bigat ng aking mga talukap. Nadama ko narin ang nag-aapoy kong lagnat at ang malamig na hangin dumadampi na siyang nagpapaginaw sa akin. Napatingin ako kay Patrick na may dalang jacket, pagkain, at tubig.
"Isuot mo muna ito," ani nito kaya kaagadko itong tinanggap. "Inaantok ka," titug nito sa aking mga mata.
Marahan ko siyang tinanguan habang isinusuot ang jacket na kanyang ibinigay. "Salamat," ani ko. Naalala ko din na pinahiram ako ng kanyang pinsan noong minsang nasukahan ang aking damit ni Claire. Napapikit nalang ako habang winawaksi sa isipan ang mga ala-alang pilit na bumabalik sa aking isipan.
"Kainin mo muna itong biscuits. Mabuti pa ay pumunta na tayo sa clinic," suhesiyon nito. Hinawakan niya ulit ang aking noo ngunit kaagad ko itong tinabig sapagkat pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante.
"Okay lang talaga ako. Lagnat lang talaga ito huwag ka ng mag-alala," sabi ko ngunit ikinasimangot niya ito. Napailing nalang ako habang napangisi sapagkat iba siya kaysa sa kanyang pinsan.
Biglang dumating ang instructor kaya tumahimik ang maingay na silid. Mabuti nalang at hindi na ako ipinakilala pa kasi hindi na maganda ang lagay ko. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakadanas ng lagnat na mahinang-mahina ang katawan. Noon kasi makakaya ko pang magtrabaho at mag-aral kahit nilalagnat ako.
Hindi ko alam na nakatulog pala ako sa kalagitnaan ng diskusyon. Mabuti nalang at nasa huli ako kaya hindi kita ng instructor na natutulog ako. Ginising ako ni Patrick dahil tapos na ang klase namin.
"Hali ka na. Dadalhin na kita sa klinik para magpahinga ka doon. Huwag ka ng magmatigas Nice. At saka, wala na tayong pasok. May dalawang oras ka para makapagpahinga before our class starts at one," ani nito habang iniisa-isang isinukbit ang dadalhin.
Hindi narin ako nakatanggi sapagkat dama ko rin ang nanghihina kong katawan. Habang palabas kami ng room ay alalay niya ako. Kahit na nilalagnat ako ay naamoy ko ang mabango niyang perfume, nadama ko ang katawan niyang tumatama sa aking likuran, at ang nga kama nitong parang nakayakap na inalalayan ako. Parang nawala ang lagnat ko at napalitan ito ng init sa aking mukha. Napangisi na lamang ako dahil nahihibang na ata ako dahil sa lagnat.
"Kaya mo pa ba?" Tanong nito sa akin ilang metro nalang ang layo ng klinik.
Mabuti nakang at naitanong niya sapagkat kanina ko pa gustong huminto. "Upo na muna tayo," turo ko sa isang bench malapit sa amin. Kaagad naman niya akong dinala at naupo doon. "Pasensya ka na kung naabala kita. Kaya ko naman talaga ang sarili ko, huwag kang mag-aalala. Pwede muna akong iwan dito ako nalang ang pupunta sa klinik. At saka, hindi ka pa kumakain ng pananghalian. Sige na, kaya ko na," nakangiti kong sabi sa kanya.
Umiling siya habang nakatitig sa akin. "Ako lang ba dito ang hindi pa kumakain?" Tanong nito sa akin kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.
"Kakainin ko lang itong bigay mo na biscuits at tubig. Wala din naman akong gana para kumain ng kanin at ulam. Kaya sige na ako na ang bahala sa sarili ko."
Hindi siya umimik at umiwas nalang ng tingin. So stubborn Patrick. I can't remember him being like this when we were young.
"Anong ningingiti-ngiti mo diyan?" Tanong niya.
Napabaling ako dahil napansin niya pala akong napangisi kanina. "I didn't think that you're capable of doing this. Not seen you like this when we were young."
"Hindi mo lang pansin," sabi nito. Napansin kong pinamulahan ang kanyang tainga na ikinataka ko.
"Bakit namumula iyang tainga mo?" Tanong ko sa kanya sabay iniwas sa akin ang kanyang tainga. Bigla itong tumayo.
"Tara na para makapagpahinga ka na," ani nito sabay naglahad na kanyang kamay na akin namang tinanggap.
"Good morning doc," bati ni Patrick sa doktor.
"Good morning din sa inyo. Anong sadya niyo dito?" Tayo niya sabay ayos ng kanyang stethoscope.
"Nilalagnat po kasi itong kasama ko. Kailangan ding magpahinga."
Kaagad na umalalay ang doctor sa akin at pinahiga ako sa isang higaang natatakpan ng kurtina. Naibsan ang bigat na aking nararamdaman dahil kay lambot ng higaan. Inexamine niya ako habang nagsusulat sa dalang papel. May follow-uo questions din siya na minsan ay si Patrick na ang sumasagot.
"Magpahinga ka na muna dito hija habang bibigyan ko ng gamot ang kasamahan mo," ani nito at naunang lumabas.
"Magpahinga ka na muna dito Nice. I'll be back," malambing nitong sabi habang hinahawakan ang aking noo. Tumango ako na kanya namang ikinangiti. Ipinikit ko nalang ang aking nga mata noong umalis na si Patrick para makausap ang doctor. Naririnig ko silang nag-uusap ngunit hindi ko masyadong marinig ang kanilamg sinasabi.
Bumalik si Patrick na may bitbit na gamot. Kaagad niyang binuksan ang dalang tubig at ang gamot. Pinaupo niya muna ako para painumin nito.
"Dito ka nalang muna kasi may pupuntahan ako," paalam niya sa akin.
Gulat man ngunit tumango nalang ako. Tinaboy ko na siya kanina ngunit bakit ako pa itong walang kagustuhang umalis siya. Ilang segundo ay narinig kong nagpapaalam na si Patrick sa doctor.
Mag-isa na ako dito sa loob ng silid kaya minabuti ko nalang na ipikit ang aking mga mata para makatulog na. Babalik naman siguro si Patrick mamaya kaya siguro pagkagising ko nandiyan na siya.
Ilang minuto na ang lumipas ngunit nakabukas parin ang aking mga mata. Hindi ako makatulog kasi masama ang aking katawan at saka pilit na pumapasok si Patrick sa aking isipan na palagi kong winawaksi kasi gusto ko ng matulog pero nagagambala ako. Narinig kong bumukas ang pintuan kaya napatingin ako sa aking paanan kung saan makikita ang papasok sa loob ng klinik.
"Hindi ka natulog?" Tanong nito habang may bitbit na ibat-ibang prutas. Inilapag niya ito sa katabi kong maliit na lamesa. Inilapat niya ang kamay sa aking noo. "Hindi ka na masyadong mainit. Kumain ka na muna nitong dala ko."
Kaya ba siya lumabas kanina para bumili nitong pagkain. Nahiya naman ako kaya hindi na ako nag-inarte pa. Kaagad kong umupo at inabot ang nga prutas na fala niya.
"Upo ka nalang diyan ako na ang bahala nito," sabi nito sabay kuha ng isang prutas.
He peeled off the skin of an orange and fed me. Sinabihan kong ako na ngunit hindi niya ibinigay sa akin ang pagkain kaya nagpapasubo nalang ako. Everytime I feel his hands touched my mouth, para akong nakukuryente. It's too soft at mabango pa kaya parang kinikilig na tinatanggap ito ng aking bibig.
"Maraming salamat ulit. Dami ko ng atraso sa iyo," ani ko pagkatapos kong kumain. Hindi ko matagalan ang titig nitong kanina pang nakatingin sa akin. Hindi ito sumagot kaya napatingin ako dito. "Hoy!" Pukaw ko sa kanya sabay kaway sa harap nito. "Nakatulala ka diyan?"
"Your eyes are beautiful," diretso nitong sabi na ikinaismid ko.
"A-Anong sinasabi mo?" Nauutal kong tanong.
"May lahi ka ba?" I was stunned by his questions. I wasn't able to fireback because it made me flatter.
"Oo meron," tapat ko sa kanya.
"That's why the color of your eye is golden brown," namamangha nitong sabi.
"Lahing unggoy," ani ko dito na ikinasimangot niya. Napabuhakhak naman ako ng tawa kasi seryoso ito. "Aray, aray. Haha," pigil ko sa aking tawa dahil sumasakit ang aking tiyan.
"Seryoso ako Nice," nagtatampo nitong sabi.
Napailing nalang ako habang tinitingnan ang reaksyon nito. Katulad na katulad siya sa kilala kong Rick noong mga bata pa kami. "Tara na nga baka malate pa tayo sa klase natin.
Agad kaming nagpaalam sa doctor para pumasok na ng klase. Mabuti-buti na naman ang lagay ko kaya pinayagan ako nitong pumasok. Isang oras na klase lang din naman kaya kaagad rin natapos ito.
"Ihahatid na kita Nice," ani ni Patrick.
Nandito na naman tayo. Isang oras lang naman para kunin ako ni papa ngunit nangungulit siyang ihatid ko. Ayaw ko namang ipaalam kay papa kung sino ang humahatid sa akin baka saan pa tutungo ang usapan namin.
"Alam mo naman diba Rick kung ano ang magiging reaksyon ni papa. Sige na mauna ka na. Ako nalang ang mag-aantay sa papa ko," sabi ko sabay upo sa may bench malapit sa parking lot.
"What if matagalan ang papa mo? Tatagal ka din dito? Alam mo namang hindi mabuti ang lagay mo. Malamig pa naman ang hangin," sabi nito habang isinandal ang siko nito sa haligi habang nakatungong nakatingin sa akin.
"Suot ko naman ang jacket mo diba kaya hindi ako lalamigin dito. At saka, dadating narin siguro si papa maya't-maya." Tumingin-tingin ako sa parking lot nagbakasakaling nandiyan na si papa. "Sige na Rick. Umuwi ka na, alam kong napagod ka kakaalalay sa akin. Kaya ko na ang sarili ko dito," nakangiti kong sabi.
"Ang tigas talaga ng ulo mo," bulong niya sa kanyang sarili.
"Phenice, anak?"
Nagulat kami noong narinig namin ang boses ni papa. Kaagad akong napabaling sa likuran kung saan nakapamulsang tinitingnan ni papa ang lalaking katabi ko. Napakurap ako sapagkat hindi ko naisip na mas maaga itong pupunta.
"P-Pa?" Nauutal kong sabi sabay lipat ng tingin kay Patrick.
"Magandang hapon po tito," ani nito sabay yuko.
"Anong ginagawa niyo dito?" Ani nito sabay tingin sa akin at lipat kay Patrick. Napakagat ako ng labi dahil sa kaba.