Chapter Thirty-three - Neighbors
"Maraming salamat talaga Rick?"
I akwardly said his name. For someone's nickname whom I thought was my friend but tried to use me for vengeance. Binalingan niya ako ng natatawa at balik ulit sa manobela. Napansin niya siguro na naiilang parin akong tawagin siya sa alyas na iyon.
"Just call your dad na nakauwi ka na para hindi siya mag-aantay mamaya sa eskwelahan," ani niya habang binabaybay namin ang daan pauwi.
Nalilito parin ako sa mga daang kailangang daanan dahil sa mga matatayog na gusaling nakapalibot sa mga kalsada. Sa pagkaalala ko noon, pumapasyal kami minsan dito ni mama at papa ngunit hindi naman ito ganito katayog noon. Maybe, I was too young then para manotice ang mga building na ito.
"Oo sasabihan ko, thanks." Ani ko habang nagtitipa ng mensahe.
I don't have a choice but to accept his offer. Kaysa naman magcommute ako pauwi, baka maligaw pa ako. Sabi naman ni papa na kukunin niya ako ngunit mag-aantay pa ako hanggang mamayang hapon para makauwi. Nakakabored din kayang mag-isa sa isang lugar na wala kang kasama.
"Are you sure na wala ka talagang klase? Baka naabala kita?" Tanong ko dito sabay baling.
"Nah! Mamaya pang three ang klase namin," sabi nito at bumaling sa akin ng saglit.
His way more serious, I think? Kaysa sa pinsan niya. The Patrick I've known was always smiling pero siya madalang lang siyang nakangiti. Parang seryoso sa mga bagay-bagay. Napabaling ako sa bintanang katabi ko. Nandito na naman ako deceived by the looks. Minabuti ko nalang na tumahimik kaysa abalahin pa ito. It's too early to trust someone but here I am nakisakay at nakisabay sa kanya.
"Iyan ang bahay namin," turo niya sa bahay ng lola niya.
"Diyan kayo nakatira sa lola niyo?"
Gulat kong sabi sa kanya. Hindi ko inaakalang magkapitbahay pala kami kahit ilang metro ang layo. Sila lang din naman ang malapit-lapit na bahay sa amin.
"Paano mo nalamang bahay ng lola namin iyan?" Dumahan-dahan ang takbo ng kanyang sasakyang nung lumampas kami sa bahay nila. Maingat niyang binaybay ang sasakyan sa mga nagtatayugang puno na tumatakip sa kalsadang papunta sa Casa Verde ni lola.
"Nasabi lang naman ni papa kanina. Akala ko nga lola mo lang diyan ang nakatira. It turned out na diyan ka din pala nakatira," sabi ko habang kagat ang aking mga labi.
"Bakit? Are you disappointed na malamang magkapitbahay tayong dalawa?"
Nagulat ako sa kanyang sinabi kaya mariin ko itong inilingan.
"Hindi," tanggi ko ulit sa kanya.
"Pero parang iba naman ang sinasabi mo sa nakikita kong reaksyon sa nukha mo?"
"Hindi talaga," kinagat ko ulit ang aking labi.
"Don't you worry, malamang iniisip mo ang aking pinsan. Labas ako diyan. I am not an accomplice," sabi nito habang nakataas ang mga kamay habang nagmamaneho.
Biglang lumiko ang sasakyan kaya kaagad niyang naibalik ang kamyang mga kamay. Dahil sa gulat ay napatili ak ng malakas na kanyang ikinatawa. Kaagad siyang nakatikim sa akin ng isang hampas na kanya namang ikinadaing.
"Maaga pa para mawala ako sa mundo," ani ko sa kanya. "Huwag mo akong idamay kong gusto mong mauna Rick."
"Pasensya na I am just trying to prove that I am innocent na hindi ako accomplice ng pinsan ko."
"But you don't need to get your hands off the wheels para ipakita mo sa akin na seryoso ka. You almost gave me a heart attack."
"Oa naman hindi naman natuloy," biro niya sa akin.
"So ano? Gusto mo talagang ibunggo ang sasakyan mo sa puno para matuloyan tayo?"
"It didn't nga diba? Hindi iyan mangyayari," pagpapanatag niya sa akin. Itinabi niya ang sasakyan sa tapat ng gate namin.
"Maraming salamat ulit dahil sa paghatid," ani ko sabay kalas ng seatbelt.
"Sure! But it doesn't mean that this is all for free," ani nito.
Napabaling ako sa kanya na gulat ang mga mata. "Anong ibig mong sabihin?"
"Just making sure na hindi mo ako iiwasan sa eskwelahan," sabi niya at nagkibit ng balikat.
"Kaya pala ang bait mo sa akin. Is this what you are trying to say na inosente ka?" Sabi ko sa kanya na nakataas ang isang kilay.
"No! I mean, at least I am making sure na maging kaibigan parin tayo after nito despite sa mga nalaman mo tungkol sa aking pinsan. Magkaiba kami Phenice," seryoso nitong sabi.
"We can still be friends. No worries. Hindi ko ipagkakait ang pagiging kaibigan lamang," seryoso ko ding sabi sa kanya. "Gotta go?" Sabi ko noong wala along natanggap na sagot galing sa kanya. Kagat lang din niya ang kanyang labi na hindi naniniwala sa aking sinasabi.
"Sige, salamat." Tungo kong sabi habang kumakaway sa labas ng bintana. Tumalikod ako at kaagad na pumasok sa gate binuksan ng security guard. Narinig ko ang pag-alis niya kaya napatingin ako dito.
"Sino iyon hija?" Napabaling ako noong narinig ko ang boses ni lola. Napakurap pa ako sapagkat hindi ko inaasahang pupunta ito dito.
"La? Nandito pala kayo," kaagad akong lumapit dito at nagmano. Nakataas lamang ang kilay nito habang naghihintay sa aking magiging sagot. "Kakilala ko lang po. Hinatid ako dito."
"Baka may boyfriend ka na ng hindi namin nalalaman hija?" Nakangisi nitong sambit.
"Wala po la," tanggi ko sa kanya. Hindi ko siya matingnan sa mata sapagkat nanghuhusga ang kanyang mga mata at alam ko kung ano ang iniisip nito.
"It's inevitable diba hija? I remembered your mom," natatawa ulit nitong sabi. "Mauuna na ako sa iyo hija kasi kailangan pang magpahinga," paalam nito sabay sakay sa maliit na sasakyan.
Tinanguan ko na lamang ito habang naiwan ako dito sa gate. Napabuntong ako ng hininga noong nagsimula akong maglakad. Malayo-layo din ang bahay ni lola at lalakarin ko lamang ito habang tutok ang araw. Napatingin ako sa palayong sasakyan at hindi man lang ako inabalang papasukin ni lola.
Hingal akong dumating sa bahay ni lola. Agad akong tumungo sa aking kwarto para magpalit ng damit. Bigla akong nakadama ng uhaw kaya kaagad akong nagtungo sa kusina. Habang umiinom ako ay nadama ko ang init sa akin katawan. Napahawak ako sa aking ulo na mainit. Kinapa ko din ang aking leeg na mainit din. Siguro dahil sa init sa labas kaya mainit ang katawan ko. O di kaya bumalik ang sinat ko.