Chapter Thirty-two - History
"Ito na hija," tawag sa akin ng Clerk kaya kaagad ko itong pinuntahan. "Ito ang magiging schedule mo simula bukas."
"Marami pong salamat," sabi ko dito at kagad isinarado ang maliit ng bintana.
"Patingin nga," sabi kaagad nitong kamukha ni Patrick at inagaw sa akin ang aking schedule. Gusto kong sumigaw dahil sa inis kong baka mapunit ito ngunit hindi ko nalang ginawa. Kanina pa din kasi kami pinagtitinginan. Naku! Huwag nilang sabihin na sikat din ito dito?
"Happy?"
Ngiting plastik ko dito nung ibinalik niya sa akin ang aking schedule. Inilagay ko kaagad ito sa aking dalang bag. Inilibot ang buong paningin at iniwan siya ng hindi ako nagpapaalam.
"Uy! Wait. Iiwan mo na lang ba kaagad ako?" Tanong niya habang hinahabol ang aking paglalakad. Naabutan niya ako. Malakas ang hawak niya sa aking braso kaya napadaing akong humarap sa kanya.
"Ano pa bang kailangan mo? Ang sakit," reklamo ko habang hinahawakan ang braso kung saan niya ito malakas na hinawakan.
"Pasensya niya," ani nito.
Napatingala naman ako sa kanya dahil sa narinig kong boses nito. Hindi siya makatingin sa akin. Feeling guilty. Inikutan ko ito ng mata.
"Ano na namang drama iyan? Okay na ako," bumuntong-hininga ako. "Sige, ano bang kailangan mo at hinabol mo pa ako."
"Eat lunch with me," sabi nito. Para itong nabuhayan ng loob at nakangisi na sa akin.
While I am staring at his handsome face, I felt sincere in his smile. It's different from his cousin. He doesn't care if he looked like idiot because of the way his smile but still his handsome. Come on Nice! Itinagilid ko ang aking ulo.
"Matagal pa ang lunch baka gusto mong maghanap nalang ng ibang makakasama. At saka, bakit ako? Kakilala lang natin."
"You agreed a while ago. Nakipagshake-hands ka pa nga sa akin tapos ngayon hindi ka makikipaglunch sa akin? I thought you are curious with our names?"
"I am curious," ngiti ko dito. Pero binawi ko kaagad. "But, I am not interested."
"You're unfair," malungkot nitong sabi.
"Anong unfair doon? Bakit mo ba pinagpipilitan ang sarili mo? Hindi naman ako kawalan kaya please don't exhaust yourself."
"I want you to know our names. To clean my name. So please, eat lunch with me," pagmamakaawa nito unit.
Napahilot nalang ako sa aking sintido. "Why do you need to clean your name?" Titig ko sa mga mata niya.
"I want us to be friends," pinantayan niya ang titig ko.
Hindi ko nakayanan ang intensidad ng kanyang mga mata kaya ako na ang naunang umiwas. "I don't want to get involved. We have a bigger problem that's why may problema kami ng cousin mo. At saka magkikita naman siguro tayo dito sa campus kaya it's not a problem."
"Labas na siya dito. Bakit niya pakikialaman ang mga magiging kaibigan ko? Wala kang kasal-anan."
'You slipped there. Alam mo naman pala kaya bakit pinagpipilitan mo ang sarili mo baka aagawin ko ang papa mo?" Biro ko dito.
"Ano?" Kita ko ang galit na dumaan sa mukha nito ngunit itinawa lamang niya ito.
"I was just joking," bawi ko. I laughed awkwardly because of the joke I was spouting. "Sorry, didn't meant that." Naguilty na ako dahil hindi na niya magawang ngumiti pa.
Nabigla ako nung bigla siyang lumapit sa akin. Napaatras ako sa gulat habang napakurap-kurap ang mga mata kong tumitingin sa kanya. Agad kong itinaas ang aking mga kamay upang pigilan siya sa paglapit. Napatingin ako sa paligid at mabuti nalang malayo kami sa mga tao at nandito kami sa maraming puno.
"Anong ginagawa mo?" Tigil ko sa kanya sapagkat patuloy itong lumapit.
"What did you say?" Seryoso nitong sabi.
"Nagbibiro lang ako okay?" Kinakabahan na ako. Napatingin ako sa mga paa namin dahil sa aking kahihiyan. Bago palang ako dito ngunit hindi na mabuti ang pakikitungo ko sa mga tao dito.
"Bakit ang papa ko? Pwede namang ako," bulong niya sa akin.
"I was just joking okay?" Hindi na sana ako nagbibiro ng ganoon. I am just trying to get rid of him pero ngayon ano na ang nagyari sa akin. "Okay! Sasama na ako sa iyong maglalunch."
Bigla itong humalakhak. Mabuti nalang hindi na ito lumapit sa akin. Napahugot ako ng malalim na hininga habang ibinaba ang aking mga kamay. Hindi ko matingnan ulit siya ng matagal.
"Natakot ka siguro nuh? Haha!" Malakas itong humalakhak.
"Ano? Walang'ya ka!" Ani ko dito sabay hampas sa kanya ngunit nasalo niya ito. Hinawakan niya ang nakamao kong kamay habang pinipigilan ito. Biglang nagseryoso ulit ang kanyang mukha.
"Hindi ako nagbibiro," bulong nito habang malapit ang aming mukha.
"T-Tigilan mo na nga ito. Hindi ba gusto mong maglunch? Tara," anyaya ko sa kanya sabay kuha sa aking mga kamay. Mabuti nakang at pinakawalan niya ako. Kay lapit ng mukha niya kanina kaya kaagad akong tumalikod baka mapansin niya ang namumula kong mukha. "Para narin sa pagtulong mo sa akin mamaya."
"Tara," anito at nauna ng naglakad.
Kanina pa kami naglalakad sa buong campus. Pinagtitinginan na nga kami ng mga estudyante dito. Ang iba naman ay binabati siyang president kaya napagtanto kong presidente siya dito. Ngunit, tango lamang ang sagot niya dito. Snob nga minsan.
"Kanina pa tayo dito. Wala pa ba tayo sa canteen? Mag-aalas-onse na," protesta ko.
"Pinasyal muna kita bago tayo pumunta ng canteen. Mabobored lang naman tayo doon kakaantay."
Naitampal ko ang aking noo. "Wala ka bang klase?" Kuyoso kong tanong. "Baka lumiban ka ng klase dahil sa pagsama sa akin. No need naman," sabi ko dito.
"Hindi ba sabi ko sa iyo kanina na wala akong klase?"
Napabuntong nalang ako ng hininga. "Punta na tayo ng canteen kasi kailangan ko pang ipakita kay lola itong schedule ko."
"Doon ka nakatira?" Tanong nito.
Stupid of me at hindi nag-ingat sa mga sasabihin ko. Paano kung sasabihin niya sa kanyang pinsan.
"No worries hindi ko sasabihin."
Tinanguan ko ito. "Oo doon na kami nakatira ni papa."
"That's good! Ihahatid na kita kasi may kukunin din ako sa bahay."
"Huwag na. Malayo ang bahay namin."
"Hindi naman kalayuan ang bahay natin kaya okay lang. Doon ka pa sa commute na mapapagasta ka. At saka first time mo magcocommute dito, hindi ba? Kasi you were six or five at that time noong lumipat kayo?"
"How did you know?" Gulat kong tugon dito.
"Tara punta na tayo sa canteen. Doon na ako magkekwento habang kumakain tayo." Sabi niya sabay pindot ng elevator.
Kaunti lamang ang nasa loob ng elevator kaya kaagad kaming nakapasok. Pinindut niya ang fifteenth floor kung saan kami papunta. That floor must be the place where the canteen is located. Ilang segundo lamang ay narating na namin ang eksaktong palapag. I was right. Ito nga ang canteen area. Saan pa nga ba kami pupunta bukod sa canteen? Napailing nalang ako sa aking sarili.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya sa akin para mapatingin ako sa dashboard na nakalagay sa ibabaw. Napatingin ako sa dala kong pitaka kung kakasya pa ba ang pera ko. "My treat."
'No, okay lang. Marami ka ng naitulong sa akin," tanggi ko sa kanya.
"Ako na. Huwag ka ng mahiya. I insist. Sige na ano ang gusto mong pagkain?"
Para naman kung sino ako para humindi ako. Pinagtitinginan nadin kami ng mga katabi namin kaya napilitan akong tumango.
"C1 nalang iyong akin," sabi ko dito. Pinili ko nalang ang mas murang pagkain. Ayaw ko namang lubus-lubusin dahil sa nilibre niya ako. Okay naman ito dahil may chicken, rice, at drinks narin.
"Are you sure? Baka gusto mo pa ng iba?" Tanong nito sa akin na kaagad kong ikinailing.
"Okay na iyan," sagot ko dito.
"Sige ihanap mo nalang tayo ng mauupoan. Ako na ang bahala dito."
Tumango nalang ako at kaagad na naghanap ng lamesa. Napatingin ako sa lamesang malapit sa mga bintana at maswerteng mayroong bakante. Agad akong nagtungo dito. Tiningnan ko ang paligid kung saan tanaw sa uupoan namin ang buong campus. Napakahangin dito kaya masarap kumain dahil hindi mainit.
Napabaling ako noong dumating na ang binili namin. Nagulat ako nung madaming pagkain ang inilapag niya sa lamesa.
"Teka, kukunin ko muna ang naiwan pang pagkain."
"Meron pa?" Gulat kong tugon sa kanya na kanyang ikinatango. Mabilis niya akong tinalikuran. Nakakahiya naman. Inayos ko na lamang ang mga pagkain sa lamesa. "Nakakahiya naman," sabi ko nung dumating siya.
"Huwag ka ng mahiya. Mahaba-habang usapan din ito dahil marami tayong pag-uusapan."
Tumango nalang din ako ulit at hindi na nagprotesta pa. Agad naming sinimulan ang mga pagkain at tahimik na ninanamnam ang pagkain. Dahil narin siguro sa gutom kaya hindi kami nakakapag-usap.
"Alam mo bang ako ang tinatawag mong Rick noon at hindi ang pinsan ko?" Simula nito na ikinagulat ko.
"Ano? Paano? Kasama naming kalaro si Naynay na kapatid niya at si Wawang na pinsan niya. Never din nilang nabanggit na may kamukha si Patrick onang tungkol sa iyo."
"Kami talaga ang kalaro mo noon. Mga bata pa tayo noon kaya hindi na natin masyadong iniisip na kilalanin ang isat-isa basta masaya lang tayong naglalaro. Hindi makapaglaro that time si Jan kasi masakitin siyang bata," rebelasyon nito na hindi ko mapaniwalaan.
"Pero nagkita na kami noon? Paano?" Naguguluhan kong tanong dito.
"Yeah once lang ata? Kasi konting likot lang niya nagkakasakit na siya. Pero, nung umalis kayo para lumipat siya iyong kumakaway sa iyo noon."
"Bakit ba kasi magkapareho kayo ng mukha. Nalilito na tuloy ako," biro ko dito.
"Kambal kasi sina papa at si tito. Nagkataon pa na nagmana ang aming mga mukha sa mga ama namin nung mga bata pa kami. Kaya nagdesisyon sila na ipareho na din ang aming mga pangalan. Nagkataon pa na ilang segundo lang ang agwatnaming dalawa bago ako lumabas sa sinapupunan ng king ina. Hindi ko nga alam kung bakit dumating pa sa punto ng kannilang pag-iisip iyon," kibit balikat nitong sabi sa panghuling salita.
Hindi ako nakaimik kaagad dahil sa aking nalalaman. Hindi ko nga alam kung maniniwala pa ako pero pruweba na itong lalaki na nasa aking harapan. Magkamukhang-magkamukha talaga silang dalawa.
"Hey!" Pukaw niya sa aking pagkakatulala habang iwinawagayway nito sa aking harapan ang kanyang kamay.
Nabalik naman ako sa aking ulirat at humingi narin ng patawad. "Hindi lang talaga ako makapaniwala," sabi ko sabay iling.
"Crush mo ba ang pinsan ko?" Tanong nitong nagpapanganga sa akin.
"Sorry?" Sabi ko upang klarohin ang kanyang sinasabi. "I do not have any feelings for your cousin. Crush pa kaya?" At inikot ko ang aking mga mata. "Teka nga! Bakit mo nalaman kanina na magtatransfer pa lamang ako dito?"
"Kasi bago ang mukha mo dito?" sabi nito na parang natatangahan sa akin.
"I know." I retorted. "Ang ibig kong sabihin," paused and faked a laughed. "Baka nagkausap kayo ng pinsan mo?"
Naningkit ang kanyang kanyang mga mata dahil sa aking mga mata. "It makes me think kung ano nga ba talaga kayo ng pinsan ko."
"Wala!" Kaagad kong sabat. "Napatanong lang kasi baka nagkausap kayong dalawa? Basta! Huwag mo ng isipin pa baka mas lalo ka lang maguluhan."
"Did my cousin cheated? At ikaw ang third party nila?"
Natawa ako ng malakas. "Saan mo naman nakuha iyan? Anyways, noong mga bata pa tayo, ikaw talaga ang kalaro ko at hindi ang pinsan mo?" TAnong kong ikinatango niya.
"Oo ako nga iyon. Bakit hindi ka naniniwala sa akin?"
"Kaya pala," sabi ko dito. Kaya pala noong nagkakilala kami ng pinsan niya ang I tried to recall someone from my past hindi ko kaagad nakilala kasi hindi pala siya iyon ngunit magkapareho naman sila ng mukha. Ewan ko at saka ako umiling.
"Are you trying to avoid the topic Nice?" Tanong nito sa akin.
"No," I answered back. "Mabuti ay tapusin na natin ang pananghalian natin baka mahuli ka pa sa klase kung ihahatid mo pa ako. O ako nalang kaya ang magcocomute. Okay lang naman siguro?"
"Nah! Baka saan ka pa mapunta at maligaw ka pa. Mag-aala-una pa naman ng hapon kaya huwag kang mag-aalala. Para namang hindi mo ako namiss? Ay! Hindi mo nan pala ako namiss kasi may Rick ka ng nakilala," sabi nito sabay halakhak.
"Ano-ano ang sinasabi mo. Hindi parin kasi ako makapaniwala. I will try to absurb everything saka na kita mamiss," biro ko dito.
"Huwag na Nice," pagmmamaktol nito.
Natawa nalang ako habang ipinagpatuloy namin ang aming pananghalian. DAhil sa palagi ko siyang binabara kaya mas napapadali ang punta nnamin sa kanyang sasakyan. Humarurot ang kanyang sasayan paalis ng campus.