Chapter Thirty-one - Transferee
Mabuti na lang bumuti-buti ang aking pakiramdam nung nagising ako kinabukasan. Siguro nga sa pagod ko lang din ito sa maraming ginagawa ko kahapon kaya nakaramdam ako ng pag-iinit ng katawan. Napatingin ako sa bintana kung saan tumatagos ang init ng araw papunta sa aking mga paa. Kailangan ko pang mag bakasakali sa sinasabing paaralan dito baka kasi sarado na ang enrollment. Wala akong magagawa baka titigil na siguro muna ako ng pag-aaral.
Napahikab ako habang nilalagyan ko ng toothpaste ang aking toothbrush. Inaantok pa ako. Ewan ko ba sa katawan ko pagod parin kahit na maaga naman akong natulog. Agad kong binilisan ang pagtotoothbrush upang makapagligo na ako. Kailangan ko ng malamig na tubig para buhayin ang aking natutulog pa na diwa.
Napatingin ako sa salamin kung saan tinitingnan ko ang damit na ibinigay sa akin ni Claire. Naisip ko siya kaagad kaya kinuha ko ang aking cellphone upang ipaalam dito na ngayong araw akong mag-eenroll. Alam kong magugulat iyon dahil matagal akong nakapag-enroll. Hindi din sigurado baka sarado na ang enrollment pero sana bukas pa ang enrollment sa kolehiyo dito.
Habang kumakain kami sa hapakg ay panay ang tanong ni papa tungkol sa magiging lakad ko papunta sa pag-eenrollan ko. Hindi ko naman mapigilang mahiya sapagkat nakikinig sina lola, tito, at tita na parating nakaismid tuwing sa akin na ang atensyon at usapan sa hapag. Mabuti nalang parati kaming katabi ni Calix kaya sumasabat ito para magtanong at napapagaan nito ang mabigat na atmospera.
"Ready ka na anak?" Ani ni papa habang kumakatok sa nakabukas na pintuan.
"Opo pa," sagot ko nito sabay tingin sa salamin. Inayos ko ang kumawalang buhok at nilagay ito sa likuran ng aking tainga. Kinuha ko ang backpack at sumunod kaagad sa aking ama.
"Pinahiram sa iyo ito ni lola pa?" Tanong ko nung nakababa na kami sa garahe. Umaandar pa ang sasakyan pero malalaman mong matanda narin ito kasi nagsimula na itong kalawangin. Pero overall okay pa naman makalumang sasakyan kung titingnan.
"Oo kasi hassle na kapag magcocommute pa ako mas matatagalan akong dumating sa trabaho baka malate ako."
Kaagad na pinatakbo ni papa ang sasakayan. "Dito po ba ang daan pa?" Tanong ko nung maoansin kong ibang daan ang timahak ni papa pagkalabas namin ng gate na may nakasukat na Casa Verde. Maraming mga puno ang tinatahak na daan namin. Dahil sa nakabukas ang bintana ay nadama ko ang laig ng hangin na nanggagaling sa mga puno. Napayakap ako sa aking sarili dahil sa lamig sapagkat maaga pa.
"Dito tayo dadaan kasi malapit lang dito makalabas papuntang highway kaysa doin sa kabilang daanan," sagot nito sabay paliko sa isang daan.
Biglang lumiwanag noong nakalabas na kami sa nga naglalakihang puno na pumapaligid sa daan. Napatingin ako sa paligid kung saan maraming plantasyon ng bulaklak ang makikita . Napanganga ako sapagkat may ganitong plantasyon sa syudad na makikita. Ngunit ang nakapalibot din dito ay mga halaman at puno. Wala kang makikita na bahay except doon sa bahay na aking nakikita sa may malayo.
"Pa kanino po itong plantasyon? Grabe naman ang laki ng kanilang taniman ng bulaklak," mangha kong sabi.
"Sa lola mo iyan," sabi nitong ikinagulat ko.
"Ho? Ang laki pala ng kalupaan ni lola. Hindi ko man lang ito napasyalan kahapon."
"Maraming pang nga araw nak na pwede kang mamasyal dito. Atsaka," sabi ni papa habang dahan-dahang pinalusot ang sasakyan sa masikip na tarangkahan. "At saka, dito rin nagsisimula ang lupain ng mga Pejannas," dagdag ni papa na ikinagulat ko.
Tulad din ng lupain ni lola punong-puno ng samot-saring tanim ang lupa. Ngunit, ang makikita sa kanilang lupain ay ang ibat-ibang uri ng mga gulay na kanilang tinatanim dito. Mas malaki ang lupain ni lola kaysa ikumpara dito kina, well, Patrick. Pero I think lupain ito ng kanilang lola.
"Sa lola po ba ito ni Patrick pa?" Tanong ko kasi madalang lang kami pupunta dito kay lola at saka malapit lang ang bahay nila Patrick sa bahay namin.
"Oo at saka sa tito niya rin," ani nito.
Narating namin ang sinasabi kong bahay kanina na aking nakikita pagkalabas namin sa b****a ng mga nagtatayugang puno na tumatakip sa daan. Kung lupain ito ng mga Pejannas malamang sa kanila din ang bahay na ito.
"Sa kanila din po ang bahay na ito?" Tanong ko ulit kay papa. "Mag-isa lang din ang bahay nila dito?"
"Oo kasi hindi masyadong sanay si Senyora Mila sa maiingay na lugar kaya pinili nilang bumili ng lupain na malayo ang mga kapit bahay katulad ng sa lola mo," ani nitong ikinatango ko.
May nakita akong lalaki na papasok sa sasakyan na nagpatigil sa akin. Nasa kalsada nakaparada ang sasakyan kaya nakita ko ang mukha nito. Bumaling ako ulit sa likuran para kumpirmahin ngunit hindi ko naabutan ang mukha nito. Nanghinayang man ngunit kinabahan ako sapagkat anong ginagawa ni Patrick dito. Nalaman kaya niya na dito na kami nanirahan sa lola ko?
Iwinaksi ko ang mga haka-hakang pumapasok sa aking isipan. Imposible namang dito si Patrick kung masaya na siya doon. May Penelope siyang iiwan kung baka sakali mang pumunta siya dito upang maghiganti. Ang babaw naman nun kung pupunta talaga ito dito para lang diyan. Pero sino ba iyon? Sigurado talaga akong siya iyon kasi magkamukha sila.
Nakalabas na kami sa highway at napakatraffic. Napatingin ako sa relo kung mag-aalas sais e midya na at mga ilang minuto narin kaming nag-aantah upang umusog ang sadakyan. Bumaling ako sa bintana at sinuyod ag mga sasakyan katabi ng aming sasakyan. Nagulat ako nung napadako ang aking nga mata sa sasakyang katabi namin. Napakurap ako sapagkat si Patrick ang nagmamaneho dito. Ibinaling ko kaagad ang aking mukha kay papa para iwasan si Patrick baka makita ako dito.
"Anong ginagawa niya dito?" Bulong ko sa aking sarili.
"Ha?" Nagtatakang tanong ni papa. Napatingin ako dito na nakakunot ang kanyang mga noo. "May sinasabi ka ba Phenice? Matutulog ka na muna?"
"O-Oo hehe," sabay tawa ko kay papa. Akala siguro ni papa na gusto kong matulog kasi isinandal ko ang aking ulo sa upoan.
Umusog ng kaunti ang sasakyan kaya dahan-dahan akong tumingin kung saan man naroon si Patrick. Tiningnan ko muna ang side mirror kung nakatingin ba ito sa akin ngunit wala. Kaya dahan-dahan akong tumingin dito.
Nagulat nalang ako dahil nakatitig na ito sa akin. Dahil sa aking pagkakagulat ay nanatili akong nakatingin dito na nanlaki ang mga mata. He smirked at natauhan akong bumalik sa pagkakaayos ang upo. Abot-abot ang tahip ng aking kaba sapagkat nakita niya akong nakatitig sa kanya. Damn Phenice! Baka ano pang sabihin ni Patrick na nakatitig ako dito atsaka, bigla kong natampal ang aking noo.
"Okay ka lang?" Tanong ni papa sa akin. Umaabante na ang sasakyan ng lumuwag na ang daloy ng daanan. Napabaling naman ako kay papa.
"Oo may lamok lang na kumagat sa aking noo," palusot ko dito. Tiningnan ko ulit ang katabing sasakyan ngunit wala na dito si Patrick. Napabuga ako ng hangin. Mabuti nalang at wala na si Patrick. At this time, alam na niya na nandito ako sa Barangay Basakan.
It took us thirty minutes bago ako iparada ni papa sa tabi ng paaralan na aking papasukan. "Mauuna na ako pa. Mag-ingat ka sa daan," paalala ko dito.
"Oo naman," sabay halik sa aking noo.
Ikinaway ko ang aking mga kamay habang paalis na ito. Bumaling ako sa eskwelahan na aking papasukan kung saan bubungad sayo ang pangalan ng paaralan na nakasulat sa ibabaw ng gate. Central State University ang pangalan ng paaralan na kulay puti at brown ang logo nito. Napatingin ako sa mga estudyanteng papasok dito na nakasuot ng puting uniporme at skirt na kulay brown na may pagkayellowish.
Agad akong ipinapasok ng guard nung binigyan ko ito ng aking ID. Itinuro niya din sa akin kung saan makikita ang registrar nito. Malaki ang campus katulad sa nakaraan kong eskwelahan. Bubungad sa iyo ang malaking school ground na may mga puno sa gilid at mga bench sa ilalim nito. Hinanap ko kaagad ang sinasabi ni manong guard at eksakto namang malapit lang kung saan ako nakatayo.
"Good morning po, ma'am." Bati ko sa babaeng nasa fourties na siguro tapos nakasalamin pa. Nakatikas ang isang kilay nitong nakatingin sa akin. "Pwede pa po bang mag-apply for transfer?"
"It's almost a month after the class started bakit ngayon kapa nagdecide na lumipat hija?" Sabay tingin nito na nakababa ang mga salamin.
"Kasi po kailangan naming lumipat para sa trabaho ni papa," maikli kong sabi dito. Kinakabahan kasi ako dahil sa mata nitong palipat-lipat ang tingin sa akin at sa kanyang mga isinusulat. Parang may nginunguya pa iting bubble gum kaya mukha siyang bored na kinakausap ako.
"Maswerte ka hija at tumatanggap pa kami. Akin na," sabay lahad ng kamay nito at ibinigay ko ang Certificate of Transfer sa kanya. "Ito fill-upon mo iyan," sabay bigay ng form sa akin.
Nakalimutan kong dalhin ang aking ballpen. "Pwede pong humiram ng ballpen maam?" Tanong ko dito. Hindi ito makapaniwalang tumingin sa akin.
"Ano?" Napalakas nitong sabi habang nakakunot ang noo. Napaatras din ako sa lakas ng boses nito at napatingin aa mga estudyanteng tinitingnan ako.
"Wala po ma'am," sabi ko dito at kaagad na binitbit ang form. Tumingin ako ulit sa clerk ngunit napabaling din kaagad dahil sa mga mata nitong nakatitig sa akin. Isinuyod ko ang aking mga mata para maghanap ng estudyanteng gumagamit ng ballpen. Kailangan ko ng kapalan ang aking mukha para mafill-upon ko na ito.
"Ito ballpen," bulong ng kung sino sa aking likuran kaya napabaling ako dito. Natigilan ako sa aking nakikita habang nakalahad ang mga kamay nitong may hawak na ballpen. Napatunganga ako kasi bakit nandito sa harapn si Patrick.
"Huwag na," bigla kong sabi dito. "Anong ginagawa mo dito Rick?" Tanong ko dito. "Sinabihan ka ba ni Claire?" Sunod-sunod kong tanong.
"Rick?" Natigilan ito. And he smirked again. "Calling me by my nickname kahit na hindi ako pinaalam kong bakit ka nagtransfer? What's the reason bakit ka lumipat na hindi mo man kang ako sinabihan?"
Kinabahan akog tumingin sa kanya kaya iniwas ko nalang ang aking mga mata sa kanya. Very pretentious. Ikaw pa nga itong niloloko ako tapos may mukha ka pang iharao sa akin kahit nabuking na kita. Ang lakas din ng loob dahil hindi mo alam na alam ko ang pakay mo.
"I just need to," sagot ko ng hindi tumitingin dito. "Anong ginagawa mo dito? Kasama mo si Penelope?" Kalmado kong tanong habang ibinalik ang mga mata dito.
"Nagtransfer din ako," sagot nito na mas ikinagulat ko. Hindi ako makapaniwalang totoo nga ang naiisip ko kanina. Parang biglang tumaas ang pressure ng aking dugo. Napabuntong ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang aking sarili.
"Is there a need to? I mean," sabay ikot ng aking nga mata. Stupid Nice! Assuming masyado. "Kayo ni Penelope ang lumipat dito? Nasaan siya?"
"Why not call me by my nickname again before I will answer your question?" Ani nito sabay hakbang malapit sa akin. Napaatras din ako dahil sa biglaan nitong paglapit sa akin.
"Rick?" Tigil ko dito habang hinahawakan ang kanyang nga braso. Napatingin siya sa aking mga kamay na nakahawak kaya kaagad ko itong kinuha. Tumikhim akong umiwas ng tingin sa kanya. "What are you doing?"
"Hindi ba magfifill-up ka ng form?" Sabay bigay ulit nito ng ballpen. Napatingin ako sa mga estudyanteng nagsimula ng tumingin sa amin. Nakikiusyoso. "Maybe bibili nalang ako sa canteen. Sige," ani ko sabay talikod ngunit hinawakan niya ang aking mga kamay.
"Where are you going? Pinapahiram ko na sa iyo ang ballpen ko. Maghahanap ka pa ng iba?" Tanong nito.
Dinig ko na ang mga bulong-bulongan. "Rick tama na. Huwag na tayo gumawa ng eskandalo dito. Enough na iyong nangyari noon baka mag-aaway naman kayo ni Penelope dahil sa selos."
"Selos really?" Hindi makapaniwalang sabi nito. Nakangiti ang kanyang mga labi ngunit may panunuya dito.
Napakunot ang aking noo sapagkat sa pagkakatanda ko hindi ko pa nakitang ganitonsi Patrick. Mala-anghel itong ngumiti ngunit ang nakikita ko ngayon his smiles were so sexy. My gosh! Anong iniisip ko? Tumingin ako dito gamit ang nanlalaban kong mga mata ngunit natigil ko nung napansin ko ang maliit na nunal malapit sa kilay nito. I can't remember Patrick having mole under his eyebrow.
Bigla akong napaatras. "Sino ka?" Tanong ko dito. Hindi ako nagpatinag at hindi nag-iba ang aking ekspresyon. Nanatili stoic ang ekspresyon ng aking mukha.
"Napansin mo na pala?" Sabi nito sabay natatawa na parang natatangahan sa akin. "Rick," sabi nito na ginagaya ang aking boses. "Pansin kong in love ang boses mong tinatawag ang pangalang iyan kahit may nagmamay-ari na."
"Anong in love ka diyan? At saka, sino ka ba? Bakit magkamukha kayo ni Patrick?" Sunod-sunod kong tanong. Umatras ako dito.
"I am Jan Patrick Pejannas," simple nitong sabi habang inilagay ang kamay sa mga bulsa nito.
"Are you kidding me? Excuse me. I have to go." Sabi ko sabay iwan sa kanya.
"Tapos ka na hija?" Tanong ng clerk kaya napatigil ako. Napatingin ako sa aking form na wala pang nakasulat kahit pangalan ko man lang.
"See? I told you. You need my pen," bulong nitong ikinasinghap ko. Kung hindi lang talaga ako nangangailangan ngayon. Kaagad kong kinuha ang ballpen na nakalagay sa harapan ng aking mukha. Iniwan ko ito at nagfill-up malapit sa counter ng clerk. Nakataas lamang ang kilay nitong tumingin sa akin. Mabilis ko itong finill-upan at naramdaman ko ang paglapit niya sa aking tabi.
"Wala ka bang klase?" Tanong ko dito habang tinatapos ang finifill-upan.
"Paano ako makakapasok kung gamit mo ang ballpen ko?" Natatawa nitong sabi. Napaikot ang aking mga mata at kaagad kong ibinugay sa kanya ang kanyang ballpen. Nagulat pa ito ngunit hindi ko na ito pinansin pa.
Ibinigay ko sa clerk ang form. "Ito po. Sorry po kung natagalan." Paghihingi ko bg pasensya dito.
"Umupo ka na muna doon hija. Tatawagin na lamang kita kapag natapos na itong application mo," sabi nito at inabala kaagad ang sarili sa harapan ng computer.
"Marami pong salamat," sagot ko nito ata kaagad na tumalikod. Naistress ako ulit nung nakita ko ulit ang mukha ni Patrick. Nagtungo ako sa upoang walang katao-tao at umupo doon na hindi siya pinapansin.
"Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa akin?" Tanong nito at tumabi sa akin.
Kaagad akong umusog ng upo malayo dito. Tumikhim ako. "Maraming salamat sa tulong. Isinauli ko na ang iyong ballpen kaya pwede ka ng pumasok," ani ko dito at plastic na ngumiti.
"Ahh," ani nito na walang interes sa aking sinasabi. "Wala nga pala akong klase. Ngayyon ko pa naalala," napabaling ako dito at plastic din itong ngumiti.
"Good. You can go wherever you want to go. Maraming salamat po."
"Bakit ka nagpo-po sa akin? Matanda na ba ako tingnan?"
Tanong nitong ikinagalit ng aking high blood pressure. "Ang kulit mo din ano?"
"Chill. Bakit ka ba galit? It mkes me think kung sino ba talaga ang nagkasala sa inyong dalawa at galit na galit ka?"
"Are you stating the obvious? Bakit ako magkakasala kung ako ang galit?"
"Let's be neutral. Be objective. Hindi ko alam ang puno't dulo kaya I can't tell who. At saka bakit sa akin ka galit, magkamukha lang naman kami ng Rick mo?"
"Could you stop please? I just can't stand seeing that face."
"Bakit ba? Kaya mo ako tinititigan kanina doon sa may highway? Ano ba talagang ginawa no Rick sa iyo? I'm curious."
"Huwag mo nang abalahin pa. At saka, you should not talk to strangers," sabi ko sabay snob dito.
"Talking to yourself," tumigil ito sa pagsasalita. "I am Jan Patrick Pejannas, cousin of Jan Patrick Pejannas. Wanna know the real story of our names? Shake my hands first," sabi nito sabay nguso sa kamay niyang nakalahad.
Napatingin naman ako sa kanyang mga kamay. "Seryoso ka?" Sabay tingin sa mga mata nito. Ngayon ko lang din napansin na magkaiba ang kanilang mga mata. Tinanggap ko ang kanyang malambot na kamay at kaagad na kinuha ito dahil sa nag-iinit kong mukha.