CHAPTER 30

2548 Words
Chapter Thirty - House Help "Hija, pakilagay naman ito doon please?" Utos ng aking lola pagkalabas ng aking ama ng bahay para pumunta na ng trabaho. Nagulat pa ako nung bigla itong ngumiti nung natapos kaming kumain, iyon pala uutusan niya ako. Napakalma ko ang aking sarili sapagkat inaasahan kong magiging matindi pa ang turing nito sa akin pero laki ako sa hirap. I raised myself on my own and I worked a lot in my life with different chores just to survive. "Opo la," sagot ko nito sabay bitbit sa tinuturo nitong plato. "Please don't help," aniya noong may lumapit sa akin na isang katulong. "Okay lang po," sabi ko nito. "Lola? Why are you ordering a lot of things to ate? We have yayas," ani ni Calixto Jr o Calix. "Apo," sabay lapit sa bata. "I am just teaching ate some household chores so that when she will be of age, she knows all the household chores." "But I think it's too much na pinapagawa mo lang lahat to ate," sabat ng bata. Napatingin si lola sa akin kaya tumalikod na ako upang simulan na ang paghuhugas. Napatingin ako sa kaliwang dulo ng lababo patungo sa kanang lababo na punong-puno ng mga dapat hugasan. Plato, platito, baso, kutsara't tinidor, sandok, at mga pinaglutoang kaldero ang makikitang nakalatag sa ibabaw ng lababo. Napahugot ako ng malalim na hininga at sinimulan na ang paghuhugas. "Sabihan mo lang ako hija kapag tapos ka na diyan. Let's go," dinig kong tawag niya sa mga katulong kaya wala ng natira. "Opo lola," sagot ko nito habang nakita ko siyang umalis. "Okay ka lang po ba ate?" Tanong naman ni Calix na ikinangiti ko. "Oo naman. Bakit naman hindi magiging okay si ate? Sanay na ako sa mga gawaing bahay kaya yakang-yaka na ni ate ito. Ikaw? Wala ka bang gagawin?" Tanong ko dito habang sinisimulan na ang pagbanlaw ng mga plato para palambutin at malinisan ang dumikit na mga butil ng bigas, sebo, mantika, mga sauce, at pagkain. "Wala po ate kaya dito na lang ako sasamahan kita," sabi nito sa akin habanh cute na nakangiti kaya napangiti lang din ako dito. "Calix?" Biglang sulpot ng isang kasambahay. "Tinatawag ka ng lola mo," ani nito. "Dito lang po ako kay ate," sagot nito habang nakakunot ang noo, nakaikis ang mga kilay, at nakanguso ang mga labi. "Sabihin mo kay lola ayaw kong iwan si ate dito." "Bibigyan ka daw ng tsokolate ng lola mo," masayang sambit nito kaya lumiwanag ang mulha ni Calix. "Totoo po?" Masaya namang sambit ng bata at kaagad umalis sa pagkakaupo. "Ate? Pupunta muna ako kay lola," paalam nito sa akin. "Sige Calix. Don't eat too much it might hurt your teeth," ani ko dito. "Yes po ate," at kaagad na tumakbo papunta sa katulong. Napailing na lamang ako dahil sa kakulitan ni Calix. Lola must've hated me so much kasi pati apo niya ayaw na niyang palapitin sa akin. Apo niya naman din ako pero ewan baka nagbago na ang family tree ng bahay. Mabuti nalang din na umalis muna si Calix para makapagcontentrate ako sa paghuhugas dito. I bet there are a lot of more chores that I need to look forward. "Tapos ka na po ba diyan? Oh my!" Gulat na sabi ng katulong. Kanina pa ako natapos sa paghuhugas kaya minabuti ko nalang din na linisan ang buong kusina. Wala naman din akong gagawin at bored narin kaya why not. "Oo tapos na po," ani ko dito. Agad itong umalis sa kusina. Napatingin ako sa bintana kung saan kita ko ang mga taong nagtatrabaho. Naalala ko na dapat nasa eskwelahan pala ako ngayon ngunit hindi ko pa nagawang mag-enroll sa isang kolehiyo dito. Maybe I should talk to dad mamayang gabi. Hindi naman sa nagrereklamo pero part-time will do para naman huwag na magreklamo si lola baka sabihin pa nitong umiiwas ako sa mga gawaing bahay. "Imposible iyang sinasabi mo, Mareng," dinig ko ang sinasabi ng aking lola habang papasok ito ng kusina. Dinig ko ang mga yabag nitong napatigil sa paglalakad. Hindi ko nalang ito nilingon at pinagpatuloy nalang ang paglilinis. Baka iisipin na naman nitong tinulungan ako ng mga kasamabahay. "Maybe, someones helping her," aniya sa kasambahay. I know right! "Ako lang po ang naglinis nito la. Nagagawa ko pong trabahuin lahat ng gawaing pambahay. Hindi ako umasa kay papa. Pinasukan ko ang ibat-ibang trabaho na pwedeng pagkakakitaan upang manuhay lamang kami. Iniwan kami ni mama, parating lasing si papa, kaya sino po ba ang aasahan ko?" Litanya ko dito. "Enough of your whining," maiksi nitong sabi habang snob sa naging sinabi ko. "Ewan mo na ang trabahong iyan sa iba pang kasambahay. Follow me may ipapagawa ako sa iyo." Ani nito sa akin. Binigyan niya pa ako ng sandamakmak na trabaho ngunit hindi ako sumusuko. Tinatanggap ko bawat hamon niya and I can see disappointment on her face that I can easily finish everything. Even though its tiring, I keep smiling coz I get to know her. Hindi naman siya ganoon kasama. I mean, I think gusto niya lang akong makita na nahihirapan sa bawat trabaho na kanyang tinatapon at maybe sa hatred narin niya sa aking mama. Natigil ang mga pinapagawa niya noong sumapit na ang pananghalian. Pumunta muna ako sa aking kwarto upang magbihis. Napatingin ako sa aking binti at tiyan kung saan may mga tatsa ng dumi kaya pinagpag ko ito ngunit hindi matanggal. Hinayaan ko nalang ito at isinuot na ang damit. Agad akong bumaba baka mahuhuli naman ako sa hapag tapos ano pang panunumbat ang aking matatanggap. Naging magaan lamang ang aming pananghalian. Kami lamang tatlo ni lola at Calix ang natira sa hapag. Napatingin ako kay lola na alagang-alaga si Calix. I smiled as I realized how long must have been lola stucked here para alagaan si Calix when his parents are at work. Then how much more when Calix was not still yet around, she must be really lonely even if the maids are around. Walang sinabi si lola noong umalis siya sa hapag pagkatapos niyang kumain. Hindi narin ako pinatulong ng mga kasambahay kaya nagsama na kami ni Calix paalis ng kusina. Habang papunta kami ng sala ay bigla akong nakadama ng pagkahilo. Mabuti nalang ay napahawak ako sa isang dingding. Nagtaka naman si Calix ngunit hindi ko na siya inabalang sabihin ang aking naramdaman. Pagod lang siguro ako dahil sa mga trabahong pinagawa ni lola kaya ako nagkakaganito. "Calix? Maiiwan muna kita dito ha? Matutulog muna si ate kasi napagod dahil sa nga ginawa kanina," ani ko dito. "Sige ate. I will wake you when you sleep too long," biro nito. "Ikaw talaga," ani ko at ginulo ang kanyang buhok. Kaagad akong nagtungo sa aking kwarto. Napainat ako sa aking katawan bago humiga sa kama. My body felt relaxed and I can feel the beat in every nerves. I breath deeply as I fell into sleep. Nagising ako dahil sa ingay ng sasakyan ni papa. Napatingin ako sa bintana kung saan papalubog na ang araw. Umupo ako sa kama ngunit napadaing ako nung sinubukan kong iunat ang aking mga kamay. Kinapa ko ang aking leeg at noo . Napabuntong nalang ako ng hininga sapagkat ilang taon narin ang nagdaan noong huli akong nilagnat. Biglang umihip ang malamig na hangin at nagsityuan lahat ng aking mga balahibo. Napayakap ako sa king sarili habang tinitingnan ang sumasakit kong braso. Kanina ko pa napapansin ang mga pasa na nakita ko sa aking mga paa baka rereglahin ako bukas ngunit hindi naman bukas ang kabuwanan ko. Kinuha ko nalang ang jacket at isinuot itong nagtungo sa kusina upang maghanap ng gamot sa lagnat. Sa ilang taon kong pananarbaho, nakalimutan ko na ang pakiramdam ng may sakit. Simula kasi noong kumakanta nalang ako, malakilaki rin ang kitaan kaya tumigil na ako sa iba pang sideline. Kaya ngayon parang nakakapanibago ang makaroon ng sakit. Walang katao-tao sa kusina noong nagtungo ako. Kaagad kong hinanap ang gamot sa lagnat baka maabutan pa ako ng mga kasambahay at magsumbong oa kay lola. Ayaw ko ng maging pabigat pa kung baka sakaling dalhin ako ng hospital. Pero malabo din na dalhin ako ng hospital kasi hindi naman ata ako mahalaga. Binuksan ko ang aparador kung saan may nakatatak na 'first aid kit'. Mabuti nalang at hindi sila nagkulang sa mga gamot dito. Kinuha ko ito at kaagad na nagsalin ng tubig para inumin ang gamot. Kinapa ko ang aking noo upang tingnan ang aking temperatura. Grabe namang pag-iinarte ng katawang ito kasi nag-iinit na kahit na parang hindi nasanay. "Okay ka lang anak?" Gulat ako noong nadinig ko ang tanong ni papa. Hindi ko napansin ang presensya nitong tumabi ito sa akin. Nagsalin din ito ng tubig at saka uminom dito. "Kanina ka pa pala Pa," sabi ko sabay angat ng kamay ko para magmano. "Anak," lola interrupted. Mabuti nalang at dumating si lola baka tuluyan akong nagmano kay papa. Baka malaman pa nitong hindi maganda ang aking pakiramdam. Ibinaba ko ang aking kamay at nilagay ito sa aking likuran. Tiningnan ko si papa na niyakap ng mahigpit ni lola. "Kamusta ka anak?" Tanong nito sabay akbay sa likuran ni papa. Iginiya ni lola si papa palabas ng kusina. Naan akong mag-isa kaya kaagad kong iniligpit ang dumi ko at sak hinugasan ang mga baso. Dinig ko ang tawanan nila dahil sa/ pangungumusta ni lola at parang tinuring nitong bata si papa. "Kumusta dito ang anak ko ma? Hindi b sabi ko sa iyong mabait iyan anak ko?" sabi nito noong lumabas ako ng kusina. Tumigil naman ako ilang metro ang layo sa kanila. Napatingin na lamang ako kay lola habang inaantay ang kanyang magiging sagot. "Oo naman mabait naman siya. Nauutosan naman," nahihirapang sabi pa nito. Nakita ko ang pag-ikot ng mga mata ni lola habang tummitingin si papa sa akin. "Sabi ko naman sa inyo." "Siya nga pala hijo. Nagpahanda ako ng hapunan para sa unang araw mo sa trabaho kaya magbihis ka na muna habang hinahanda ang mesa," sabi nito habang hinahagod ang likuran nito. Mabilis na umakyat ng hagdanan si papa. Ngumiti lamang ito sa akin nung dumaan ito sa akin. Napatingin naman si lola sa akin. "May kailangan ka?" Tanong nito na aking ikinailing. "Wala po, La. Tutulong nalang po ako sa kusina," ani ko dito ngunit bigla niya akong inayawan. "Huwag na hija. Tapos na ang palabas natin kanina. Nandito na ang papa mo," malumanay nitong sabi. "Baka sabihin pa niyang nahihirapan ka dito dahil pinag-uutosan ka kahit hindi naman masyado," ani nito at saka ngumiti ng plastik sa akin. "Huwag po kayong mag-aalala ako po ang magsasabi kay papa," ani ko dito ngunit sumabat ito kaagad. "Huwag na hija. I insist. Mas mabuti pa ay pumasok ka nalang ng silid mo ag mag-ayos ka narin," sabay tingin nito sa akin. Hinagod niya ng tingin ang aking ulo patungo sa aking mga papa at saka tumingin sa kin ulit. "You must be exhausted sa ginawa natin kanina. At saka iyan didn ang suot mong damit baka pinawisan ka kanina? Magpalit ka na muna, okay?" Kaagad itong tumalikod at nagpunta ng dining hall. I just stared at her back hanggang sa hindi ko na ito makita. Napatalikod na lamang ako at sinunod ang payo nito. I closed the door and sat slowly on my bed. I feel unwanted. I feel empty like I am not wothless. It made me feel lonely in this big house. Maraming tao ngunit dama ko ay nag-iisa lamang ako. I dragged the cabinet out at saka pumili ng damit upang magpalit. Hinipo ko ang aking leeg upang tingnan ang aking nararamdaman. Medyo kumalma narin ang aking pakiramdam kaya isinuot ko na ang aking damit. Nadinigh ko ang pagsara ng pintuan ni papa kaya lumabas narin ako. Kita ko ang ngiti ni papa habang bumababa ito ng hagdan. Ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti si papa ng ganyan. It toook a lot of years para makita ko ulit iyian. Kung ito lang ang magpapasaya kay papa I will not demand anything from him. He is now happy that he is back with his family. Tumabi ako ng upo kay papa habang masaya nilang pinag-usapan ang unang araw nito sa trabaho. Ang mga asawa ng aking tito at tita ay hindi pa dumadating kaya tumitingin lamang ako sa kanila habang nakikinig. I am out of place kapag sila ang mga nakakasama ko at sinusuukan kong waksiin ang ganitong pag-iisip upang pakitungohan ng maayos ang mga tao dito. "Hindi na kita nagising ate coz' I slept too. I even dreamt of you ate," sabi ni Calix kaya nnapatingin ako dito. Mabuti nalang at nandito ang cute na batang ito para damayan ako. Tinulungan ko itong makaupo sa upoan nung gusto itong umupo sa tabi ko. "Okay lang Calix. Wala naman tayong gagawin. Napagod din kasi si ate," sabi ko dito sabay kurot sa pisngi nito. "Oh! They are here! Hali na kayo," sabi n lola nung dumating ang ibang tito at tita ko. Hinalikan nila ang pisngi ni lola. Tita Merriam then walked towards his son and kiissed his cheeks. Umupo narin ito sa tabi ng anak kaya binati ko na din ito. "Today is Florence's first day of work. Let us toast first our wine as we wish him that this will be a best start for him. And I hope this will be a prosperous year for him and his work. Cheers!" ani ni lola at saka tumunog ang mga baso. "And also I want to add," sabi ni papa sabay baling sa akin. "That this will be a fresh start for us, to my daughter. Cheers!" Sigaw nito ulit. Lumapit ito sa akin. "Wala pa palang surpresa anak kasi wala pang pera si papa," bulong nito sa akin sabay halik sa pisngi. "Okay lang po Pa. Huwag na po kayong mag-abala," ngiti ko ding sabi sa kanya. Tumikhim si lola kaya napatingin kami dito. Ngumiti ito kay papa, "let's eat," ani nito at saka niillahad ang kamay. Nagsimula na kaming kumain. Ang palagi kong kinakausap ay si Calix sapagkat hindi ako makakasabay sa kanilang pinag-uusapan tungkol sa trabaho. Natatawa ako sa mga banat niya kaya naaaliw narin ako. "Siya nga pala anak," tigil sa akin ni papa sa paghakbang ko ng hagdan pagkatapos naminng kumain. "Hindi ka ba mag-aaral?" Tanong nito na ikinabigla ko. "Wala pa akong nakitang trabaho pa para makapag-aral ako. Ayaw ko namang umasa lamang sa inyo pa," sabi ko dito ng nakangiti. Umiling lamang itio sa akin sabay lapit at kinuha ang aking mga kamay. "Anak, it is time na ako naman ang tutustos ng pag-aaral mo. Huwag ka ng magtrabaho kaya magpaenroll ka na bukas. Ihahatid kita." Nanlaki ang aking mga mata. "Talaga po pa?" Tanong ko dito sapagkat hindi ako makapaniwala sa sinabi dito. "Oo anak," natatawa nitong sabi. "Para ka namang nanalo ng swertres ana kung makangiti?" "Masaya lang po ako pa kasi hindi na ako maghahanap ng pera para makapag-aral. Nakakapagod din ngunit masaya din pong rumaket." "Kaya hindi mo na kailangang pumunta sa mga raket na iyan para makaag-aral ka kasi si Papa na ang bahala sa pag-aaral mo, okay ba?" Tumango at saka yumakap ng mahigpit kay Papa. "Maraming salamat Pa," sabi ko sabay inilagay ang ulo sa dibdib nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD