CHAPTER 29

2058 Words
Chapter Twenty-nine - Trying to Please Them "Pinapaakyat ka po ng lola niyo," bulong ng kasambahay na kasama ko. Napatingala ako sa itaas kung saan nag-aantay ang aking lola. Tinanguan ko ito at nagsimula ng humakbang sa mahaba nitong hagdanan. Bawat baitang ng hagdan na aking hinahakbang ay ang kabang nagwawala sa loob ng aking dibdib. Dama ko ang panginginig ng aking mga tuhod ngunit takot akong mapagalitan ng aking lola kaya ipinilit kong ihakbang ang aking mga paa. Hindi ko naman ito matingnan baka sa aking takot ay madisgrasya pa ako sa pag-apak. "Anong ginagawa mo doon?" Bungad niyang tanong sa akin. Nakatikas ang mga kilay nito na pawa'y mapanuri sa bawat galaw na aking gagawin. Nakaayos na ang buhok, mukha at iba narin ang damit na suot nito kaya tingin koy kanina pa ito gising at kanina pa ako nito tinitingnan. "Tumutulong lang po sa mga gawaing bahay la," malumanay kong sagot nito. Ipinaglapat ko ang ang mga kamay sa aking likuran at malakas na piniga ang bawat kamay upang ibsan ang kaba na nararamdaman. Itinatago ang kaba at takot na aking nararamdaman baka mas ikakagalit niya ito. "Pinapahiya mo ba kami hija?" Tanong nitong ikinagulat ko. Hindi ako kaagad nakaimik dahil narin sa bumaling ito sa kasambahay at may ibinulong. "May mga kasambahay naman tayo. You really want to shine at everything. Am I right, hija?" Mas lalo akong kinabahan dahil sa kanyang sinabi. "H-Ho?" Nauutal kong tanong. "H-Hindi po." Nanikip ang aking dibdib dahil hindi ko man lang mailaban ang aking sarili. Hindi ko man lang magawang suwayin ito upang sahihin sa kanya na gusto ko lang tumulong ngunit nauunahan ako ng takot at kaba. Napakagat-labi ako habang pinipigilan ang pamamasa ng gilid ng aking mga mata. "Hindi pala. You should have stayed in your room hija. Hindi ko gustong makita kang nahihirapan na tumutulong sa mga gawain dito," sabi nito sabay ikot ng mga mata. "You are just like your mother, very pretentious. For what? Para mang-ahas ng lalaki? Kung gusto mo pala, you can stay outside we have our hardineros there." Hindi napigilan ng aking mga mata na mamuo ang mga luha dito. I tried to calm down but the tears keeps pooling out of my eyes. I wiped it as soon as I see her disgusted eyes. "Oh my God! I didn't do anything," sabi nito while clamoring. Bigla itong umalis sa aking harapan, ganoon din ang ginawa ng mga kasamabahay, iniwan akong luhaan. I tried to bite my lips but I think I over did it dahil nalasap ko ang lasa ng dugo. I stood straight, lifted my head, and wiped my teary eyes as I went back in my room. "What have you done ma?" Bulong ko sa hangin habang nakatuko ang mga kamay sa bintana. My tears started to pool out from my eyes. Napabuntong na lamang ako ng malalim na hininga habang ngumingiti. "Do I have to endure this ma para may lugar ako sa bahay na ito. Pero, simula't sapol ma wala na akong lugar dito. Ayaw ko namang ipahiya si papa kung sasagot naman ako kay lola. Bakit pa ba ako maninibago ma kung noong iniwan mo nga kami noon palagi akong nakakatanggap ng mga masasakit na salita galing kay papa. Pagbubuhatan ng kamay at ipapahiya sa maraming tao. Anong bago hindi ba? Bakit hindi pa ako nasanay kung ang ginagawa lamang ni lola ay ang tingnan ako gamit ang mapanghusga niyang mga mata at ang mga salita nitong parang punyal na isinaksak sa dibdib. Pero ma, I am happy naman na bumalik na sa dati si papa. Masaya akong makita siyang masaya na nakikitungo sa mga kapatid at kay lola," malungkot na sabi ko. "Anak?" Biglang tawag sa akin ni papa sa pintuan sabay katok dito. Kaagad kong pinunasan ang mga pisngi at mata kong basa. Tiningnan ang sarili sa salamin bago nagpunta sa pintuan sabay bukas dito. "Yes pa?" Tanong ko na nakangiti dito. Wagas akong ngumingiti upang takpan ang mga bakas ng aking pag-iyak. Mukha namang epektibo dahil nakita ko rin na ngumingiti si papa. "Nakapaghanda ka na ba kasi kakain na tayo ng agahan," sagot nito sabay tingin sa kanyang relo. "Oo tapos na ako pa," maagap kong sagot dito. Ayaw ko ng magpahuli baka sabihin pa ni lola na kulang talaga ako sa atensyon. Kaagad akong sumunod sa aking ama na nakatago sa kanyang likuran. Wala pa si lola ng dumating kami sa hapag, may iilang mukha akong nakikita na hindi ko nakita kahapon noong kumain kami ng hapunan. Tumabi akong umupo sa aking ama at sinisiguro kong malayo ako kay lola. "Siya nga pala anak, hindi mo pa pala nakilala ang mga bagong tito at tita, na naging asawa ng mga kapatid ko. Ito pala ang Tito Juanito niyo na asawa ni Tita Elizabeth mo. At ito naman si Tita Merriam mo na asawa ni Tito Calixto mo, at mayroon silang isang anak na anim na taong gulang palang na si Calixto Jr." Mahabang litanya ni papa at napatingin ako dito sabay bati sa kanila. "Magandang umaga po ate," ani sa akin ng bata. Nginitian ko ito. "Magandang umaga rin," bati ko din dito. Napakacute tignan ng bata dahil sa mataba nitong mga pisngi ngunit pogi din ito, hindi lang basta cute. Dumating na si lola kaya nagsimula na kaming kumain. Masaya silang nag-uusap at tagapakinig lamang ako. Dahan-dahan lamang ang aking mga galaw sapagkat ayaw kong umagaw ng atensyon, lalong-lalo na lola kong parang lawin kung makatingin. I felt out of space but I have to get along well with them para walang magiging problema. "Ate? You want some hotdogs coz' wala ng natira in your plate," sabi naman ni Calixto Jr. Tiningnan ko ang plato ko at wala na nga ring hotdog dito. Napatingin ako sa mga nasa hapag kasi bigla silang napatahimik. Isinuyod ko ang mga mata ko sa tito at tita pati na si lola na seryosong nakaringin dito. Hindi ko magawang sagutin kaagad ang bata dahil sa takot ng aking magiging sagot. "Okay lang iyan anak. Take it," sabi ni papa. Kaya dahan-dahan akong bumaling sa bata at tinanguan ito. Nilagyan niya ang aking plato at nagpasalamat narin dito. Bigla siyang pinalakpakan ng mga nakilala kong mga bagong tito at tita ko kanina dahil sa ginawa nito. Napabaling din ako sa mga tito at tita ko ngunit makaismid lamang sila sa akin. Lumipat ang mga mata ko kay lola at ganoon lang din ang kanyang ginawa at parang walang pake na ipinagpatuloy ang kanyang kinakain. "Kumusta ang tulog mo kagabi hijo? Sana naman mabuti na kasi hindi na kahoy ang higaan mo," ani nito na parang nandidiri. "Maayos naman po ang tulog ko, ma. Naninibago lang siguro kasi matagal akong nakatulog kagabi. Pero okay naman kasi mahimbing ang tulog ko hanggang paggising." "Mabuti naman kung ganoon hijo. You must have been through a lot sleeping in that wooden bed of yours in your apartment? Was that an apartment? Parang bedspacer." "Apartment po ma. Okay lang naman ma kasi sanay na din naman ako kaya walang nagiging problema." "Kung naging matino ka sana at hindi nagpabihag sa pag-ibig na iyan sana maayos ang buhay mo ngayon. May sarili ka ng kompanyang pinapatakbo ngayon. Pero dahil sa iniwan ka lang? Naging tanga ka sa bawat desisyon sa iyong buhay. Nawalan ka na ng interes para iahon man lang ang iyong buhay. You lost yourself anak. Mabuti nalang nagising ka na ngayon at tinanggap mo na ang aking iminumungkahing trabaho." "Kaya nga ma para kay Phenice. Siya nga pala anak, magpakabait ka dito. May trabaho na ako and I won't be around." Sabi nito sabay baling sa akin. "Ho?" Gulat kong tanong. Napatingin ako kay lola na nakangisi ang labi. Napatango na lamang ako kay papa kahit na gusto ko munang umalma dito. Iiwan niya kaagad ako dito kahit na wala pa akong napagkasunduan ng loob kahit mga katulong man lang kasi kontrolado lahat ni lola. Wala naman akong problema kung may trabaho si papa, ang sa akin lang ay natatakot pa ako kay lola. It was like when I am in my toddler years at school na iiyak nung iwan ni mama sa loob ng classroom kasi magsisimula na ang klase. Tapos, the teacher is holding a meter stick na anytime i-sasampal sa harapan ng pisara upang patahimikin ang mga maiingay. And that teacher is like lola kahit na hindi ko pa siya lubusang kilala ay dama ko ang pagiging strict niya. "Mag-iingat ka pa," iyon lamang ang aking nasabi at nagpatuloy ako sa aking kinakain. Malapit ng matapos si papa sa kanyang kinakain kaya binilisan ko na din kaininn nang pagkain sa aking harapan. Abala ang lahat sa pag-uusap tungkol sa unang araw ni papa kaya nauna na akong natapos kay papa. Nagpupunas na ako ngayon ng bibig nung biglang tumayo si papa. Ganoon din ang ginawa ng aking mga tito at tita. At dahil plano kong magpaalam sa aking ama ay tumayo din ako. Napatingin si papa sa akin. "Saan ka pupunta anak? Tulungan mo sila dito. Huwag kang pasaway sa lola mo." Natigil ako sa paghakbang dahil sa sinabi ni papa. Why does it hurt na pagsabihan niya ako ng ganyan. I am not a child anymore. Hindi niya ba naalala na nagtrabaho ako noon para kami mabuhay. Matagal ko ng naimukat ang aking isipan sa kung gaano kahirap ang mundo kapag hindi nagsisikap para makakain araw-araw. "Opo pa tutulong ako sa kanila. Ihahatid lang po kita sa labas," sabi ko ng nakangiti sa kanya. Nagawa ko paring panatilihin ang aking boses kahit na nangingginig na ang aking mga kamay. Kaagad itong nagtungo kay lola at humalik sa pingi nito. Ganoon di ang ginawa ng aking mga tito at tita. Sumunod ako kay papa nung umalis na ito sa hapag sabay kuha ng kanyang mga gamit. "Ako na po dito pa," presenta ko kay papa at bumaling ito sa akin. "Ang bait naman ng anak ko," sabi nito sabay bigay ng kanyang bag na dala. Kinuha ko ito habang hinihipo niya ang kanyang kamay sa buhok ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa dumating sa harapan ng sasakyan ng aking tito. Naunang pumasok ang aking tito. Kakapasok lang din ng aking tita sa loob ng kanyang sasakyan. "Maraming salamat talaga anak. Magiging maswerte ang unang araw ko ngayon dahil sa iyo," nakangiti nitong sabi sa akin. Napangiti ako dahil sa kanyang sinabi kaya agad ko itong niyakap ng mahigpit. Hinagkan niya ang aking noo., "I will miss you pa," sabi ko dito sabay halik din sa pisngi nito. "Parang hindi ka naman nasanay. Huwag kang mag-aalala may surpresa ako mamaya kaya huwag ka ng malungkot ha?" Pampalubag-loob nitong sabi kaya tumango na din ako. "I love you anak," sabi nito. Hindi ako sanay na marinig sa kanyang bibig ang mga salitang matagal ng namumugad sa labi nito kaya hindi ako kaagad nakasagot. "I-I love you din pa," nauutal ko pang sagot sa kanya. Natawa lamang ito at saka niyakap ako ulit. Kumalas ito kaagad sa yakapan naming dalawa. "Sige na anak baka mahuli pa kami." Tumango lamang ako at ikinaway ang aking kamay noong umalis na ang kanyang sinasakayan. Napabaling ako sa bahay ni lola kung saan nakatayo ito sa labas ng pintuan. Matamis itong ngumiti sa akin at tiinawag nito ang isang katulong. May ibinulong siya dito at saka pumasok kaagad pagkatapos ng kanyang sinabi. Lumapit sa akin ang isang katulong na ikinataas ng aking mga kilay para antayin ang sasabihin nito. "Pinapatawag ka po ng lola niyo," sabi nito sabay yuko. "Maraming salamat," ngiti kong sabi dito. Agad akong nagtungo kung nasaan si lola. Nakangiti ito sa harapan ng hapag kung saan madaming plato, baso, kutsara, at tinidor ang naroon. Nakalahad ang kamay nito sabay turo sa mga walang lamang mga gamit. "Hindi ba gusto mong tumulong hija? I think it is now your time para tumulong," plastik na itong ngumiti sa akin sabay tikas ng kanyang mga kilay. Napatango na lamang ako sa aking lola at lumapit sa hapag. Dahan-dahan kong inayos ang mga plato, iniba ang kutsara tinidor, at ang mga baso ay inayos ko narin. I just have to do this at matatapos rin lahat ng mga ito. Huminga ako ng malalim at saka nagtungo ng kusina upang bitbitin ang mga pinggan, kutsaraot tinidor, at ang mga baso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD