Music Club
Hindi ko parin lubos maisip ang mga nangyari kanina. Parang sumali ako sa isang karera. Hingal na hingal akong tumatakbo palayo sa lalaking pinagnanasaan ng lahat. Tamad kong tiningnan ang aking kaibigan. Bukambibig pa rin nito ang nangyari kanina.
"I am sorry! Hindi ko sinasadya. Akala ko kasi si Claire," napapikit ako. "I am sorry again. Bakit kasi hindi ka umangal noong kinaladkad kita."
"Okay lang. Wala akong magawa. Ang lakas mong kumaladkad baka ibato mo ako kapag mag-ingay pa ako," sabi nito at natawa.
"Hmm." Tumango-tango nalang ako dahil sa kahihiyan. Kung naging maingat lang ako hindi ito nangyayari.
"Jan Patrick Pejannas. You are?" at inabot nito ang kanyang kamay.
Bumuntong-hininga ako. "Phenice Earth Parnells." at nakipagkamay. Wala na akong magagawa. Bakit hindi ko pa tiningnan kung sino ang kinaladkad ko.
"I am sincerely sorry. Gotta go," pagpapaalam ko sa kanya.
Hindi ko na kaya ang intensidad ng mga matang nakatingin sa amin. Nakita ko si Claire na papalapit sa amin. Nilapitan ko ito at sinigurong siya ito bago kinaladkad.
"Tigilan mo na iyan Claire. Kalimutan nalang natin iyon," awat ko sa kanya. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng nadadaanan namin.
"Hindi Nice! May something kasi. The way he holds you para hindi ka mabasa sa ulan. Iyong mga titig niya sayo. Plus, narinig mo naman diba iyong sinabi ng mga kasama niya? Naku! Huwag ako Nic-"
"Claire you are overthinking!" Sigaw ko sa kanya. Napatingin lahat ng mga estudyante sa amin. Ang corridor na maingay kanina ay naging tahimik.
My God! Bakit ginawa ko pa iyon! Mas lumala pa ang sitwasyon. Malalim na hininga ang aking pinakawalan. Isang hakbang nalang papunta sa aming silid at dali-dali akong lumiko.
Mabuti nalang at hindi pa nagsisimula ang pagpupulong. Nasa harap silang lahat habang nag-aantay sa aming presidente. Umupo ako. Sa likuran nga lang.
"Nice? Hobby mo na ang mang-iwan?" Bulong sa akin ni Claire habang umupo sa katabing upoan.
Bumaling ako sa kanya. "Hindi naman Claire," bumuntong hininga ako ulit, "nakakahiya lang iyong ginawa ko kanina. Ikaw kasi kaya ayon." Bumaling ako sa harapan ng dumating na ang aming classroom president.
"Oo nga pala! Ngayon iyon!" Biglang sabi ni Claire sa gitna ng diskusyon.
Napatingin lahat sa aming banda. Natigil ang aming presidente habang nakakunot ang noo. Nagsimulang manginig ang aking kamay. Ang bundol sa aking dibdib ay palakas ng palakas.
"Yes miss Lizarria? May tanong ka ba?" sabi ng presidente.
Napatingin ako sa aking katabi. Tapos sa aking mga kaklase. Napawi lahat ng aking mga iniisip. Isinantabi ko nalang lahat ng aking iniisip at ngumiti.
"Ano kasi pres. Gusto kasing tumae ni Nice kaya nagpapasama akin."
Napatingin lahat sa akin. Tumingin din ako kay Claire. 'What a lame excuse! Ako pa talaga Claire?'
"Uy Nice! Narinig namin iyong chismis. Ano iyon? Ikaw huh!" usisa ng ang kaklase. Naghiyawan pa talaga sila. Wala na! Sinasabi ko nga ba. Naku! Pahamak talaga itong si Claire.
"Huh?" sabi ko at dahan-dahang tumayo. "Aksidente lang! Kayo naman. May girlfriend na iyon." patango-tango kong sabi. Sana makiayon sa akin ang panahon. Honestly, hindi ko talaga alam kong sino siya lalong-lalo na ang lovelife niya.
"Oo nga!" Nabigla ako sa pagsabat ni Claire. Pati mga kaklase namin ay napatingin sa kanya. "Kaya..." sabi nito habang hawak ang aking pulso. "Pres? Hindi na talaga kaya ni Nice. Excuse us?"
"Sige! Bilisan niyo na lang," ani ng presidente.
Mabuti nalang talaga at kay bilis ni Claire. Walang imik ang aking kaklase at nagpatuloy ang diskusyon. Mabilis ang lakad namin. Kahit sa mga estudyanteng nababangga namin hindi tumitigil si Claire. Ako nalang ang humihingi ng paumanhin.
Tumigil kami sa ika-apat na silid galing sa amin. Nasa tapat kami ng computer room. Nakapagtataka sapagkat wala naman sigurong aktibidad dito na kasali ng intramurals. Tatlong katok sa pinto ang ginawa ni Claire. Bumukas ang pinto. Sumungaw ang ulo ng lalaking nakasalamin. Kinausap ito ni Claire. Kay hina ng kanilang pag-uusap kaya hindi ko na ito marinig. Natapos na silang mag-usap kaya sumarado agad ang pintuan. Bumaling sa akin si Claire na nakangiti. Hindi ko alam kung ano ang kinakatuwa niya kaya nginitian ko na rin ito.
"Claire? Anong pinag-usapan ninyo?" Kuryoso kong tanong sa kanya.
"Malalaman mo rin mamaya. Masisiyahan talaga ako nito. Kaya wait ka nalang muna," masaya nitong sabi.
Tumango nalang ako. Anong magagawa ko kung ikasasaya pala ng kaibigan ko. I'll just support her kung ano ang makapagsasaya sa kanya.
"Pasok na kayo miss," sabi noong lalaki.
Binuksan nito ang pintuan. Maingay sa loob. May maliit na espasyo lamang na tinatakpan ng itim na kurtina. Doon muna kami pinag-antay ng lalaki.
"Ano ba talaga ang gagawin natin dito Claire? Baka anong kalokohan ito, malilintikan talaga kita," banta ko sa kanya.
"Chill Nice! Wait lang ang atat nito," sabi nito.
Sumilip ito sa kurtinang nakaharang. Wala akong nagawa kaya dahan-dahan akong lumapit kay Claire. Tumingkayad ako upang makita ang tinitingnan nito. Nakaharang ang kamay nito kaya tinabig ko ang kanyang kamay.
"Wait! Bawal sumilip mapapagalitan tayo Nice." Kumunot ang aking noo. Duda na talaga ako dito. Pinagningkitan ko ito ng mata. Dahan-dahan kong inabot ang kabilang kurtina.
"Miss Parnells," bigkas ng lalaki. Pareho kaming nabigla ng lumabas ito sa kurtinang bubuksan ko sana. Napaatras ako sapagkat kay lapit namin sa isat-isa.
"Bakit po?" tanong ko sa lalaki.
"Mauna ka na Nice! Susunod na ako." sabi nito habang tinutulak ako. Kumunot ang aking noo. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni Claire. Kaya nagpadala nalang ako. "Sige na! Bilis!" at itinulak ako ng malakas.
Bumungad sa akin ang mga opisyales ng music club. Nakaupo sila sa harap kasama ang kanilang club adviser. May iilan ding mga estudyante ang nakaupo sa likuran. Inilibot ko ang aking paningin. Hindi ko aakalaing nandito ang mga taga music club.
"Miss Parnells. May dala ka bang minus one," tanong sa akin noong lalaki na operator.
Tiningnan ko si Claire. Kumakaway pa ito habang tumatawa. Ito pala iyong sinasabi niya kanina. Inirapan ko nalang ito. Wala na akong magagawa kaya gagawin ko nalang ito.
"Wala po akong dala. Pwede pong mag quit?" sagot ko nito.
"A capella will do," sabi ng club adviser. Akala ko pa naman naku! Bumuntong-hininga ako.
"We don't have much time left hija. Kindly start ASAP!"
Tumango ako. Wala akong nagawa kaya sinimulan ko ng kumanta. Ipinikit ko ang aking nga mata. Dinaramdam ang kantang aawitin. Tumahimik ang kaninang maingay na silid. Hindi ko mawari kung nagugustuhan ba nila o hindi. Ngunit, ipinagpatuloy ko parin.
'We're going nowhere' ang titulo ng aking kinakanta. Isa ito sa mga kantang nagustohan ko sa aking idolong banda na Little Mix. Slow tempo, jazz vibe, and some RnB style too. Bawat titik naibigkas ko ng tama. Bawat salita ay malinaw. Bawat nota ay tinatamaan ko. Some belting here and there. Wala akong pinapalampas. Kailangan kong maihatid ang mensahe ng kanta.
Ang kanta ay patapos na kaya idinilat ko ang aking mga mata. Si Jan Patrick Pejannas ang aking unang nakita. Isinuyod ko kaagad ang aking nga mata sa iba. 'I shouldn't ruin this' my goodness! Ngiti ang aking iginawad pagkatapos ng kanta.
Walang imik galing sa mga manonood. Kahit palakpak man lang. Wala. Tumingin ako kay Claire. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla. Napapikit ako. Alam ko na ito pero bakit nagpatuloy parin ako. Kumakanta ako pero noon iyon. Lumipas na ang maraming taon. Walang bagay na mananatili. Dahan-dahan akong umatras. Napatigil ako sa paghakbang noong tumayo ang club adviser. Dahan-dahan itong pumalakpak. Lumandas ang mga luha sa aking pisngi. Sinundan ito ng mga opisyales ng organisasyon. Napuno ang silid ng palakpakan galing sa mga manonood. Hindi ako makapaniwala.
"That was amazing!" sabi ng club adviser.
Tumingin ako kay Claire na ngayon ay pumalakpak habang umiiyak. Wala akong masabi sa lahat ng aking natanggap. Walang mapaglalagyan ang aking tuwa.
"Congratulations hija! This coming friday I am expecting you, okay?"
Wala akong naiintindihan kaya tumango nalang ako. Sinalubong ako ni Claire ng yakap. Umiiyak ako habang masayang yumayakap sa kanya.
"Na surprisa ba kita?"
"Oo Claire! Pero thank you."
"Ang drama nito! Lumabas na nga tayo. Pantay na tayo Nice!" at malakas itong tumawa.
Palabas kami ng nakatagpo namin si Jan Patrick Pejannas. Kasama rin pala ang kanyang mga kaibigan. Pangiti-ngiti pa ang mga ito. Palipat-lipat ang mga mata nito sa aming dalawa. Napukaw ang aking ulirat ng binangga ako ni Claire. Nilampasan lamang niya ako. Lumabas na ito kaya tumungo nalang ako sa mga naroon bilang pagpapaalam.
"By the way, nice voice, Nice or Niece?" sabi ni mr. Pejannas na nagpatigil sa akin.
Ayaw ko maging bastos. Kaya, "it's niece but spelled nice," at ngumiti.
"I know." sabi nito. Kaya tinanguan ko nalang.
"Sige. Mauna na ako sa inyo." Tumungo ako ulit bilang pagpapaalam. Mabilis akong tumakbo papunta kay Claire. "Bakit mo ako iniwan doon?"
"Tulala ka Nice! Malamang," sabi nito at tumawa.
"Ay hindi! For sure, hindi tumulo laway ko."
"Tulala Nice! Hindi tumulo. Anong pinagkapareho noon? Amnesia lang girl?" at bumungisngis ng tawa.
"Hindi kasi. Iniwan kita kanina kasi tulala ka tapos tulo laway ka pa kung makatitig doon sa kabilang player. Hindi natin alam bumabawi ka lang sa akin!" sabi ko at nakitawa na rin.
"Hindi kaya! Slight lang," sabi nito.
Nagtawanan nalang kami. Papasok na kami ng aming classroom ng patapos na ang pagpupulong. Dahan-dahan kaming umupo sa likuran na hindi napapansin.
"Miss Lizarria?" tawag ng aming sekretarya.
"Narito po!"
"Naks! Nakaabot pa Clairee," sabi ng presidente. Natawa pa ito habang nagbubura ng mga sinusulat sa pisara.
"Ito talaga si president. Naku! Kung hindi lang talaga ito friendly. Iisipin ko talagang may gusto ito sa akin," bulong nito.
Napailing nalang ako sa mga sinasabi ni Claire. "Huwag assuming day! Masasaktan ka lang."
"May pinaghuhugutan te? Sige nga! Share naman diyan." sabi nito. Ngiting-ngiti pa ito habang taas-baba ang kilay. "Oo nga pala! Anong pinag-usapan niyo ni Patrick?"
"Wala lang! Sinabihan lang ako na 'nice voice', ganoon lang." Tumungo ako at niligpit ang mga gamit.
"Hmm," sabi nito. Makikita ang pagdududa sa mga mata nito. "Okay! Labas na tayo baka uulan na naman."
Tinanguan ko nalang ito bilang pagsang-ayon. Pero nagdududa parin ako sa ekspresiyon na pinapakita niya kanina. May iba! Sa mga bagay na ganito, palagi niya akong kinukulit. Hindi niya pinapalampas na asarin ako.
"Claire-" natigil ako sa pagtawag. Kasabay noon ay nagsilabasan ang mga estudyante. Naunang lumabas si mr. Pejannas galing sa kasunod na silid.
Dahil sa aking pagtawag ay nakuha ko ang atensyon nila. Sa kahihiyan, dali-dali akong tumalikod at pumasok ulit sa loob. Ang bilis ng pintig ng aking puso dahil sa kaba. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ito. Siguro dahil narin ito sa mga pangungulit ni Claire. Tapos, hindi parin mawala sa aking isipan ang mga nangyayari. 'Yeah! That must be'
Bumuntong-hininga nalang ako. Kinalma ko ang aking sarili. 'Bakit ba kasi parati nalang kami nagtatagpo ni Patrick? Kasunod na silid pa sila nagpupulong. So that means, taga ibang seksyon siya?'
"Huy Nice! Bakit ka bumalik dito? May naiwan ka? Hindi na kita nalingunan noong tinawag mo ako. Lumabas din kasi ang kabilang seksyon kaya," sabi nito at nagkibit ng balikat.
Tumango ako. "Okay lang. Papaantay lang naman ako kaya kita tinawag."
Wala ng mga estudyante sa labas. Panay talak parin si Claire tungkol sa sinalihan niyang pageant. Unang araw palang ng intramurals, pero nakakapagod na araw. Well, worth it naman ang lahat.
Joining music club was unexpected, but it turned out great. I wasn't expecting it but it made me happy. I know in my mind that, this will be a good memory that will always be buried in my mind and heart.