CHAPTER THREE

1560 Words
Childhood Friends "Para po," sabi ko. Ibinigay ko ang aking pamasahe sa traysikel drayber. Malayo ang aming bahay kaya kinakailangang sumakay. Hinagilap ko ang mga dala kong gamit at inayos ang sarili sa pagbaba. Sa pagtawid, madadatnan mo ang naglalakihang itim na tarangkahan na nakapalibot sa buong unibersidad. Naglalakihang gintong pangalan ng unibersidad ang nakadikit din dito. May mga landscapes, nagtatayugang puno, at monumento na nakalatag sa ibat-ibang bahagi ng eskwelahan. Nasa unang taon pa lang akong bilang estudyante ng kolehiyo. Hindi madali ang buhay sa kolehiyo kahit dalawang buwan na ang nakalipas. May mga bagay parin akong dapat i-adjust para mas ma adopt ko ang buhay na tulad nito. Ikalawang araw ng Intramurals week ngayon. Walang ipinagbago. Mag-aalas siyete palang kaya wala pang gaanong mga estudyante. Mag-isa kong binaybay ang daan papuntang activity center. Well, wala pa si Claire kasi matagal iyon pumupunta dito. "Nice!" tawag sa akin galing likuran. Kilala ko ang tinig na iyon. Nilingon ko siya. Dahan-dahang itong lumalakad patungo sa akin. 'Speaking of the angel' "Wow! Maaga tayo ngayon Claire? Himala!" sabi ko at tinawanan ito. "Ayaw kong makipagsikipan mamaya para sa attendance. Mabuti ng maaga," ani nito at itinali ang buhok. "Nice? May tanong ako." "Ano iyon?" nasa akin na ang atensyon nito. "Iyong si mr. Pejannas," huminto muna ako para makita ang reaksyon nito. "Magkakurso ba tayo sa kanila?" "Huh?" gulong-gulo itong tumingin sa akin. "Nasaan ka ba Nice? Alam kong hindi ka masyadong nakihalubilo sa ating mga kaklase. Pero hindi mo kilala si Patrick na taga kabilang block?" Kinunotan ko nalang ito ng noo. Hindi ko talaga alam. "Hindi nga ako nakihalubilo sa atin. Sa ibang seksyon pa." "Oo, kakurso natin siya. He is from section C-" tumigil ito sa pagsasalita." Wait Nice!" pinagningkitan ako ng mata nito. "Bakit mo natanong Nice? Interesado?" "Nuh! Nakalimutan ko lang itanong kahapon. Random ideas." "Hmm! Really," at tumango-tango ito. "Silly girl," bulong nito. Ipinagkibit balikat ko nalang ito. Wala naman talaga. It's not too much to ask diba? I'm not interested at all. Just plain curiosity. "Office Administration 1-A." Ibinigay ko ang ID sa opisyales ng SSG. Madali lang magpaattendance kasi computerized na ito. Hindi na kailangang magdala ng ballpen para magsulat ng pangalan at pumirma. Ngunit iyon nga, kung mamaya pa hahaba na ang pila. "Ang gwapo niya talaga," dinig ko sa katabing linya at nagmura pa ito. Iginiya ko ang aking mga mata kung saan ito nakatingin. Itinigil ko na. Naku! Ang aga ng mga tao ngayon. Napadami ata. "Nice! Tara na," tawag sa akin ni Claire. Tinanguan ko lang ito. Pero huli na ang lahat ng naalala ko na kung saan ito dadaan. May plano na akong dadaanan, sumunod pa ako kay Claire. "Uy! Patrick!" tawag ng aking kaibigan. "Claire! Morning," bati nito. Magkakilala pala sila? Parang kailangan ko na talagang makihalubilo. "Nice! 'Good morning' daw?" Tinanguan ko nalang ito bilang pagtugon. Hindi naman ito big deal diba? Hindi naman siguro kailangang bumati pabalik? Kung makatingin naman ang mga taong ito. Ughh! Like, Fine! "Morning," at nginitian ko nalang ito. "Sorry! Mahiyain kasi itong kaibigan ko kaya," sabi ni Claire. "Claire? Mauna na ako. May gagawin pa." Hindi ko na narinig ang sinabi nito. Mabilis kong tinahak ang daan papuntang powder room. Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko kung bakit ako naaapektuhan sa lahat ng mga ito. Ibinaon ko na ang mga nangyari kahapon. But, it is still hunting me. I was just admired by his presence yesterday. But today? Nuh! I have to admit that I was struck on his charm. And that was all. Pero kailangan kong pigilan kung ano man itong namumuong bagyo sa aking katawan. Breath Nice! The problem is in you. Don't overthink. Your just curious because he's new to you. Gwapo lang siya. At may girlfriend na iyong tao. My goodness! Mag hunos-dili ka Nice. Lumabas na ako at napagdesisyunang pumunta sa school canteen. Food gives me comfort every time I am stress. Nah! nakakabaliw ang ganitong stress kaya ikain ko nalang ito. "Nice?" napalingon ako sa tumawag. And I didn't expect na magkikita kami dito. "Hmm! Yes?" anong kailangan niya sa akin? "Gusto ko lang makausap ka." Hmm. Usap lang, "okay," sabi ko at nginitian ito. "Anong gusto mong pagkain? Libre ko," sabi nito. "Sabi mo." At kumuha ako ng ube roll at bottled water. Ganoon din ang kanyang kinuha. Inantay ko muna siyang magbayad sa mga kinuhang pagkain. Tapos, nauna na akong naglakad sa gusto kong pwesto. "Gusto mo din pala dito?" tanong niya. "Oo, tanaw kasi dito iyong mga sasakyan na dumadaan. Tapos, may mga puno pa," sagot ko nito. Tumango ito sa akin. Kinain ko ang ube roll at tumingin sa mga sasakyan sa ibaba. Walang ni-isa sa amin ang nangahas na magsalita. Panay naman ang tingin niya sa akin kapag tumitingin ako sa kanya. Malapit ko ng maubos ang pagkain at tubig ko pero hindi parin nagsasalita siya. "So?" hindi ko na napigilang magsalita. "Ahh! Hinihintay lang kitang matapos kumain." "Huh? Okay lang. We can talk while eating," kaya pala hindi siya nagsasalita. Tsk! Tumango ito. "Naaalala mo pa ba ako?" Huh? Tumango ako. "Oo. Jan Patrick Pejannas ang pangalan mo. Iyan naman ang sinabi mo kahapon," sagot ko. "Hindi! I mean, titigan mo ang mukha ko. Hindi mo ba ako naaalala? Walang kahawig?" ani nito. Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. Tinitigan ko siya tulad ng kanyang sinasabi. Wala akong makitang kahawig nito. Umatras ako nang mas inilapit nito ang kanyang mukha. "Wala talaga. Magkakilala tayo noon?" nakakacurious na. "Oo. Kilalang-kilala. Sabihin nating. Childhood friends. Does that ring a bell?" Hmm? Childhood friends. Puro naman babae kasama ko sa bahay. Tapos iyong kapitbahay namin matatanda na ang mga lalaki. "Wawang, Naynay, En-en, Shua, Kiray, at Rick. Umalis ka ngang walang paalam," ani nito. Napasinghap ako. Now I remember. Iyong mga kababata ko noong hindi pa kami lumipat ng tirahan. It was almost twelve years the last time na nagkita kami. "Yeah! Wait!" napasigaw ako dahil sa excitement. "Ikaw si? Huwag mo munang sabihin. Let me guess," it's difficult to remember because his feature is different from the childhood friends I remembered. Natawa ito dahil sa aking reaksyon. Natawa nadin ako sapagkat I can't stop myself. I'm acting like a child or acting hysterically. "Dahil pinsan ko naman si En-en, Shua, at Kiray. So, wawang, Naynay, at si Rick nalang. Uhh," napaisip ako tuloy kung sino siya. "Patpatin niyo kasi noon," dagdag kong sabi. "Nagsalita ang hindi? Haha! Hindi naman siguro ako mataba ngayon ano?" sabi nito at natawa. "So? Sino nga Nice?" "Wawang? Not sure!" sabi ko. Natawa ito at napalingo-lingo. "Am I chinito to you Nice? Ang daya nito. Naalala kita pero ikaw, hindi mo ko makaalala," sabi nito at pabirong nagtampo. "Nako! Ewan ko sa iyo! Ang hirap kasi. As far as I remember, chinito si wawang tapos malaman iyong katawan. Si Naynay naman iyong patpatin na matangkad tapos nakasalamin. At lastly, Rick? Uhh!" nakalimutan ko na ata." Ahh! Iyong cute na si Rick!" "So cute ako noon Nice? Ngayon ano na?" sabi nito at nagawa pang magbiro. "So you are, Rick?" naguguluhan kong sabi. "Ahh! Rick, Patrick. Kaya pala," sabi ko at natawa. "Bakit hindi ko iyon napansin? Sabi mo kasing sa mukha ako tumingin. Kaya wala akong makitang hint." "Hindi Nice! Si wawang talaga favorite mo noon. I remember may crush ka pa sa kanya noon. May sinasabi ka pang malaman siya," natatawa nitong sabi at napalingo-lingo. "Sus! Malaman means chubby. Chubby ka din naman pero cute nga," ani kong natatawa. "Ngayon nga Nice. Cute ako?" "Ewan ko! Haha!" natatawa kong sabi. I can't imagine na darating ang araw na magkikita kami ulit. Tawang-tawa parin ako dahil sa kanyang kakulitan. Just like the Rick that I used to know. I hope I can turn back time again and play with them. "Siya nga pala Nice? Bakit nga pala kayo lumipat ng bahay?" "Sa pagkakaalam ko lumipat kami ng bahay dahil alam mo namang dumadami na ang kapitbahay natin. So, naisipan ng ina ko na bumalik sa lugar kung saan siya lumaki at nanirahan doon ng payapa. That's why." "Bakit hindi ka nagpaalam sa amin Nice?" malungkot nitong tanong. "Mga bata pa tayo noon Rick. Wala akong kamalay-malay na iyong araw na iyon kami aalis kaya hindi na ako nakapag-alam." "Pumunta kaya kami pero nakasakay ka na ng sasakyan. Tapos hindi kapa lumingon kaya hindi mo kami nakita." "Umiyak ka nun?" biro kong sabi sa kanya. "Huh?" ani nito at pinagmulahan ng mukha. "Haha! You're embarrassed kasi umiyak ka?" natatawa kong sabi sa kanya. "Ang sama nito," ani nito. Now everything is clear Nice. He was your childhood friend. Kaya pala unang kita ko sa kanya magaan ang aking loob, pero dahil sa mga tukso, nababahiran ng masamang elemento ang aking naramdaman. The feeling that I was suppressing was not because I like him romantically. But I like him because he was part of my past. Napalingo-lingo nalang ako habang nagkwento pa ito noong nakaraan namin. Iyong panahon na maglalaro kami sa kanila ng tagutaguan. Tapos, marami silang dahon ng mahogany leaves na pinagsamasama kaya doon kami tumatago. As a result, dapat kaming maligo dahil nagkarashes kami. "Ready ka na para sa kompetisyon?" tanong niya na ikinabigla ko. "Huh? Anong kompetisyon?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Anong kompetisyon? Wala naman akong sinalihan kahit isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD