Chapter Four - Girlfriend
"Wala naman akong sinalihan kahit ni isa?" Naguguluhang sabi ko dito.
Nakakunot ang kanyang noong tumingin sa akin. "You passed the audition, Nice." Natatawa niyang sabi sa akin.
Napakunot naman ang aking noo dahil wala akong maalala na sinabihan akong pasok ako para sa audition. Ang naalala ko lang na sinabi nung club adviser ay sinabihan akong, "Congratulations hija! This coming friday I am expecting you, okay?"
"Now I remember!" Tangang sabi ko. Napahawak ako sa aking ulo at sinuyod ang buhok na tumakip sa aking ulo. Napabuga ako ng hangin sapagkat kailangan ko na palang maghanap ng kanta.
"I am free."
Agad niyang sabi kaya binalingan ko siya. "Uhh bakit?"
"Alam mo na, I can help you." Ngiti pa siya habang sinusuggest iyon.
Agad ko naman siyang inalmahan. "No! Okay lang ako Rick. I can manage."
"Sus! Nahiya ka pa? Sige na," pagpupumilit nito.
"U-Uhh," hindi ako agad nakasagot dahil maabala ko lamang siya. "Ikaw?"
"Parang hindi ito kaibigan!"
Agad niyang sabi at inakap ako na parang tropa. Hindi ako kaagad nakagalaw dahil nakabaon ang aking mukha sa kanyang dibdib. Mabango ang kanyang damit at kay init ng dibdib nito na parang gugustuhin mo na lang na mamalagi dito.
"Okay ka lang?"
Napabalik ako sa aking ulirat. "Uhh! Haha!" Natatawa kong tugon. "Oo naman!" Kakahiya ka Nice.
"Tara na? Para maaga tayong matapos?"
Napatingin ako sa kanyang mukha habang nakalahad ang kamay sa harapan. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa aking isipan. Ngunit, nung tingnan ko siya ay biglang tumigil ang paligid sa paggalaw. Ang nakangiti nitong mukha habang pinapalibutan ito ng puting ilaw na parang anghel. Ewan ko! Para siyang naging superhero sa mga oras na iyon.
"Nice! Tulala ka na naman," basag niya.
Biglang nawala ang illusyon na aking nakita kanina. "A-Ano kasi baka nakaabala lang ako sa iyo. Baka marami ka pang ginagawa?"
"Libre ako ngayon, Nice. Tas, namiss kaya kita. Ikaw? Hindi mo ba ako namiss?"
"Huh? Uhh," hindi ko na talaga alam kung paano siya sasagutin. Pwede ko namang sabihin na namiss ko din siya dahil matagal naman din iyon. Pero, "hindi." Tanging sagot ko na kanyang ikinahalakhak.
"Ikaw talaga! Hindi ka parin nagbabago. Kahit noong mga bata pa tayo, you are so stubborn."
"Paano mo naman nasabi? Naalala mo pa iyon?" Sabi ko dito. Matagal narin naman kasi iyon kata hindi ko na din masayadong naalala. Hindi ko na din maalala amg nangyari noon kung hindi pa siya nagkwento.
"Iyong nakipag-agawan ka sa akin ng lollipop dahil mas gusto mo ang kulay blue kaysa sa pink. Alala mo iyon? Umiyak ka pa nga," natatawa nitong sabi.
Natawa narin ako at napailing na lang. As I turned my gaze back, kahit na nakatingala na ako sa kanya, I can still see how his eyes wrinkles when he smiles. I find it cute. Hindi naman siya matanda tingnan dahil doon. I know, weird na itong sinasabi ko. But, I don't know why I started to notice the little things about him. Baka nga sa tagal ng panahon na hindi kami nagkita ay namiss ko siya.
"Tara na nga! Ikaw ang nagdabi na libre ka," paniniguro ko.
"Oo nga! Hindi ito naniniwala."
"Naninigurado lang kasi baka mamaya busy ka pala."
"Hindi pa naman kasi magsisimula. Alam mo namang mamaya pang ten ang laro ko. Gusto mong manood?"
"Ako?" Turo ko sa aking sarili. "Uhh titingnan ko."
"Sige na! Sige ka magtatampo ako sa'yo."
"Uhh," hindi agad ako sumagot. "Sige na nga. Mapilit ito," sabi ko na kanyang ikinatawa.
"Hindi mo panonoorin ang iyong childhood friend, Nice? Nakakatampo naman."
"Oo na. Manonood ako, Rick." Napailing nalang ako.
"Sabi mo hah! Aantayin kita," sabi niya na aking ikinatango.
"Saang lugar naman tayo pupwesto?"
"May alam ako. Akin nalang iyang bag mo baka mapagod ka."
"Okay lang talaga. Hindi naman masyadong mabigat. Sanay na din naman ako."
"Sige na, Nice." Pigpupumilit niya sa akin.
"Pagtatalunan din ba natin ito?" Natatawa na lang talaga ako.
"Kaya nga," sabi nito kaya wala akong nagawa. Ibinigay ko sa kanya ang dala kong bag ngunit, ako na ang nagdala sa iba pang gamit.
"Let's go," ani niya at inakbayan ako habang nagsisimula na kaming maglakad.
Hindi ko masyadong matingnan ang aming nilalakaran sapagkat pinagtitinginan na kami. Kung makasama mo ba ang sikat na estudyante sa paaralan niyo, malamang nakakahiyang sumama dahil laman ka lang naman ng tsismisan. Gusto ko mang makipag-usap sa kanya ngunit, nahihiya talaga ako dahil sa mga taong tumitingin.
"Patrick!" Sigaw ng babae sa likuran namin kaya kami napabaling.
"Penelope," sabi ni Patrick at bigla niya akong iniwan.
Agad niyang niyakap ang babae sa aking harapan kaya napaiwas ako sa aking nakikita. Nakita ko naman ang mga estudyanteng nakatingin sa banda namin. Sa tingin ko ay ito ang kanyang girlfriend. Hindi naman siguro yayakap ng ganoon si Rick kung hindi niya kasintahan ito. Agad akong napahakbang sa aking likuran upang umalis na doon. Ano pa ang gagawin ko? Pero ang bag ko. Kaya napatigil ako sa paghakbang.
"By the way," sabi ni Patrick pagkatapos nilang magyakapan. Bumaling ako sa kanila at binalingan din ako ni Patrick. Napatingin sa akin ang babae at ito ay ngumiti.
"This is Penelope, my girlfriend. At this is, magugulat ka babe." Sabay tingin niya sa kasintahan. "My long lost childhood friend, Nice." Sabi niya.
"Iyong nakwento niyo sa akin the last time na nagpunta ako sa bahay niyo? Great!" Nakangiti niyang sabi. "Nice meeting you," sabi nito habang nakalahad ang kamay sa aking harapan.
Sinuklian ko din ito ng ngiti. "Nice meeting you too."
"By the way, may lakad kayo? Nakita ko kasi kayo kanina nakaakbay?" Nakangisi itong tumingin kay Patrick ngunit natutunugan ko ang selos dito.
Napaiwas nalang ako sapagkat hindi ko gusto kung saan man ito tutungo. Nagkakakilala lang kami ngayon at hindi ko intensyong agawin sa kanya si Patrick. I felt a little bit too tensed but I a holding myself from shaking.
"Oo sana, babe. Sasali kasi siya ng singing contest tapos hindi pa siya nakahanap ng kakantahin niya kaya I offered a help."
"Ahh," hiyang itong tumingin sa akin noong tiningnan ko ito. "Ano kasi. Magpapasama sana ako sa iyo sa labas. Importante kasi kailangan ngayon ng organization dahil gagamitin para sa mga laro mamaya."
Hindi agad nakasagot si Patrick. Naguguluhan itong tumingin sa aming dalawa kung sino ang kanyang uunahin.
"Okay lang ako, Rick! This friday pa naman kaya marami pa namang panahon para makapagpraktis ako," diretsahan kong sabi.
"You sure?" Nag-aalinlangang sabi nito.
"Oo," sabay tango ko. "Sige na. Ang bag ko pala?" Sabay lahad ng aking kamay para kunin ito.
Nakikita ng aking mga mata kung paano tumingin ang babae sa aking bag na nakasukbit sa balikat ng kanyang kasintahan. Agad ko itong kinuha at nagpasalamat kay Patrick. Binalingan ko ito at nginitian narin para magpaalam.
"Sorry talaga, Nice."
"No! It's okay Patrick. No need to worry. Sige na. Gotta go."
Nginitian ko ulit sila bago tinalikuran. I felt hollowed while walking down the pathway. Siguro, nag-expect ako na makakasama ko si Patrick para sa magugung practice. But, it turned out na mas kailangan siya ng kanyang girlfriend. Ayaw ko namang ipagsiksikan ang aking sarili dahil kaibigan kami.
"Kita ko iyon, Nice."
Tumigil ako sa paglalakad nung narinig ko ang boses ni Claire. Napatingin naman ako kung saan ko narinig ang boses ngunit hindi ko siya mahanap. Out of nowhere, napatingin ako sa aking kaliwa nung sinundot niya aking braso.
"Claire! Sorry hindi kita naantay kanina," agad kong sabi dahil naalala kong iniwan ko ito kanina.
"Kaya nga! Hinanap kita and there! I found you naglalakad kasama si Patrick habang inaakbayan and turned out nagselos pa ata ang girlfriend niya."
"Hindi ko intensyon iyon, Claire. Alam mo iyon."
"Oo alam ko. Pero alam mo naman ang tao Claire. Naku! Iyan talagang si Patrick sa tingin ko magdadala ng malas sa iyo. At ito namang si Penelope? Naku! Ang bruha napakaplastik! Nginingitian ka pa kahit alam ko namang todo ang selos nun."
"Huwag nalang natin pag-usapan iyan Claire baka sino pa ang makarinig," sabi ko at nagsimula ng maglakad.
"Ano ba kasi ang pinag-usapan niyo ni mr. MVP na kay aga may balitang may pakpak ang lumilipad sa ere."
"Nagpakilala lang siya. Turned out my childhood friend," ipinagkibit ko ito ng balikat. Hindia ko nagugustuhan itong nga isyu na kay aga pa lang. Napailing nalang ako at napabuga ng hininga.
"Oops! Hot issue," bulong nito na ikinatingin ko naman.
"Anong hot issue ka diyan?"
"Kaya pala todo ang angat nung kilay ng bruha kanina kasi pinakilala kayo sa isa't-isa? Threat siguro sa iyo, day! Childhood friend ka, siya naman girlfriend."
"Ano naman ngayon?"
"Naku Nice! Iyang mga ganyan? Nabasa ko na iyan sa dreame. Malaki kaya ang insecure ng mga girlfriend kapag babae ang childhood friend o best friend ng kanilang boyfriend. Naku! Mag-ingat ka talaga."
"Ayan! Pinagbabasehan mo na naman sa mga nababasa mong nobela. Ewan ko nalang sa iyo, Claire. Mabuti pa ay tulungan mo nalang akong maghanap ng kakantahin ko this Friday."
"Oo nga pala! Haha! Congratulations Nice!"
"Dahil sa iyo, mapapagod na naman ako nito."
"Parang hindi naman ito sanay."
"Alam mo namang may part-time job pa ako sa gabi."
"Kumakanta ka din naman doon, Nice. Kaya parang practice mo nalang din iyon."
"Ang ikinabahala ko kapag gabi ang kompetisyon. Alam mo namang gabi ang shift ko."
"Ako na ang bahala."
"Ikaw kakausap kay pres?"
"Oo na!"
"Naks! Maraming salamat. Pero teka? Naguguluhan ako. Paanong napapaoo mo si pres everytime na may hinihingi kang pabor sa kanya?"
"Tara na?" At nauna itong nagalakad.
Natawa nalang ako dahil alam kong may sekreto itong tinatago sa akin. "Huy! Claire antay!" Habol ko sa papalayong kaibigan.