Chapter Five - Part-time Job
"Magkwento ka nga sa akin kung papaano mo siya naging 'childhood friend' kuno. May quotation pa iyan," ani ni Claire sabay aksyon ng kanyang dalawang kamay.
Naupo kami sa bench kung saan makikita ang parke ng paaralan. Walang tao nung puntahan namin ito kaya napagdesisyunan naming dito nalang. Maaga pa naman kaya hindi pa gaanong mainit dahil natatakpan ang lugar ng mga pine trees.
"Hindi ko siya nakwento sa iyo. Actually, matagal narin kasi iyon kaya nakalimutan ko na din. Alam mo namang lumipat kami noong bata pa ako kaya hindi ko na masyadong iniisip iyon. Kaya, ayon nagpakilala siya sa akin kanina."
"Paano nga? Isalaysay mong mabuti gurl! Huwag ako. Naku! Kung alam ko lang na nilapitan ka niya malamang nakinig na ako. Wait! Nilapitan ka ba talaga o ikaw ang lumapit sa kanya? Kung ikaw, naku girl! Ikaw na!"
Natawa nalang ako dahil sa sinabi ni Claire. "Ang ingay mo talaga kahit saan ka ilagay Claire ano?"
"Just answer me, Nice. I don't want to hear any violent reactions from you about me being nosy," ani nito at nakakwadradong upo.
"Bakit ako ang lalapit sa kanya?" Malakas na loob kung sabi.
"Wow!" Bigla nitong tayo. "Ganda mo din girl! Ang ganda mo?" At pumalakpak pa ito sa aking harapan.
Napahilot nalang ako sa aking sintido. "Hindi ko naman sinasabing maganda ako, Claire. Ang sinabi ko, siya ang lumapit at nagpakilala sa kanyang sarili. Nagulat nga rin ako noong tinawag ako."
"Well, hindi naman talaga maipagkakait na nagmana ka sa akin. Kaya, paniniwalaan nalang kita. Tapos? Ano ang kasunod? Dumating ang bruha?"
"Bakit mo ba siya tinatawag na bruha? Sige ka baka may makarinig sa iyo," banta ko sa kanya.
"Alam mo, Nice. Sa mga nababasa kong love story bruha ang tawag sa mga kontrabida."
"Paano siya naging bruha kung siya iyong prinsesa ng prince charming?"
"So? Ikaw ang bruha?" Sabi niya at malakas na humalakhak.
"Ikaw na ang maganda." Buga ko ng hangin at inikotan ng mata.
"Thank you but no thanks! Ikaw ang nagsabi na prinsesa siya. Hindi naman pwedeng dalawa kayong prinsesa niya."
"Hindi ko inaagaw sa kanya si Patrick. Okay na ako sa bruha, Claire."
"Huwag kang magsalita ng hindi tapos, Nice. Hindi natin alam ang magigung takbo ng panahon, kung saan ka dadalhin ng tadhana, at kung sino ang lalaking makakasama mo hanggang sa pagtanda."
"Ang lalim, Claire. Sana kasing lalim din ng sinasabi mo ang maturity mo."
"Naku! Huwag ako Nice. Matagal na akong mature," ani nito at umayos ng upo. "Basta, pinagsabihan na kita. Hindi ko talaga feel ang magandang awra sa ating atmospera kapag lalapit si Patrick sa iyo palagi."
"Huwag na nga nating pag-usapan iyan. Mabuti pa ay tulungan mo nalang ako maghanap ng kanta."
"Hindi mo pa nga nakekwento sa akin ang tungkol sa nakaraan ninyo ni Patrick," paalala nito.
"Ang kulit mo talaga, Claire." Protesta ko.
Isinalaysay ko ng pagkahaba-haba ang mga naalala ko noong mga kabataan namin. Wala kaming ginawang ibang bagay maliban ang magtawanan hanggang sa mananghalian na. Kung hindi lang namin siguro narinig ang mga taong napapadaan para kumain ng tanghalian ay hindi kami titigil.
"Pero, totoo talaga? Namumulot kayo ng basura sa bakuran kasama sina Patrick at ang mga pinsan niya?"
"Oo nga pero hindi naman gaanong madumi dahil ang mga tinatapon lang nila doon ay ang mga sirang laruan at mga lumang bagay. Walang mga plastic o ano pang mga pagkain na left over."
"Gwapo din ba ang mga pinsan ni Patrick?"
"E-Ewan ko," nautal kong sabui at napaiwas ng tingin. "Mga bata pa kami noon, Claire. Wala pa sa isipan ko para tingnan ang pisikal na anyo ng isang tao." Sabay baling ko ulit dito. "Mabuti pa ay kumain nalang tayo ng pananghalian, gutom ka na panigurado."
Pinagningkitan niya ako ng mga mata. "Ano na kaya ang mga itsura nila ngayon? Katulad din kaya sila ni Patrick? I mean, take Patrick as an example, tingnan mo siya. Matangkad siya, ang body built pang basketbolista talaga, gwapo pa, matangos ang ilong, maninipis ang mga labi, mukhang anghel, at naku! Gusto ko iyong sakto lang ang abs, hindi iyong sobra ang cut ng tiyan. Iyong sakto lang. Yummy kung tingnan kumbaga."
Muntikan na akong mabilaukan sa sarili kong laway. Habang sinasabi iyon ni Claire ay naiimagine ko si Patrick. Agad akong napasinghap at iwinaksi ang mga namumuong imahe sa aking isipan. Tiningnan ko ulit siya ngunit nakangisi na ang labi nito.
"Iniimagine mo ano?" Tukso nito.
"H-Hindi kaya," nauutal kong sagot sa kanya kaya iniwas ko nalang ang aking paningin.
"Bakit namumula ang mukha mo?"
Agad na nanlaki ang aking mata at napahawak sa mga pisngi. Dama ko sa aking mga palad ang mainit kong pisngi. Agad ko itong kinuha at tumikhim. Dali-dali akong tumayo upang hindi niya ako tuksuhin pa.
"Gutom na ako, Claire. Tara?" Anyaya ko sa kanya.
"Palusot pa? Pabebe mo talaga gurl! Tara na nga baka maunahan pa tayo sa pinagtatrabahoan mo."
"Doon tayo kakain?" Gulat kong sabi sa kanya. Hindi ko pa kasi natry kumain sa aking tinatrabahoan ng hindi gabi.
"Don't you worry! I got you girl, nagpaalam na ako kay President kaya chill lang okay."
"Sinong magbabayad?" Napakurap-kurap kong tanong dito. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at nagbabakasakaling mali ang aking maririnig.
"Kaltas sa sweldo mo." Simple niyang sabi.
"Haha!" Napilitan kong tumawa. "Oo nga pala, tara?"
Natawa narin siya dahil sa naging reaksyon ko. Hindi ko din kasi matanggihan ito kasi minsan nililibre din naman niya ako. What friends are for kung hindi namin pagbibigyan ang isat-isa. Kami-kami lang din naman ang magtutulungan kapag nahihirapan ang bawat isa.
Agad naming nilisan ang parke at lumabas na ng campus. Hindi narin kami nakapaglog-out this morning dahil nakapagpaalam narin daw siya kay President. Napabaling ako sa katabi kong kaibigan. Wala namang bago ngunit, iba ang mga ngiti niya ngayon.
"Dito na tayo!"
Masayang sabi ni Claire kaya napatingin ako sa aming harapan. Malapit lang din naman kasi ang pinagtatrabahoan ko at ang paaralan kaya hindi ko na kailangan ng pamasahe papunta dito. Agad kong inilibot ang aking paningin sa mga taong kumakain sa loob nitong food park.
Kaunti lang ang kumakain sapagkat maaga pa. Nakabukas na lahat ng tindahan na nakapalibot sa mga lamesa at upoan sa gitna. Agad kaming nagtungo sa paborito naming tindahan. Mura lang din naman kasi dito. For only ninety-nine pesos, unlimited rice and chicken.
"Ang aga ng bokalista natin ngayon ah?"
"Kakain lang naman po, mang Kanor." Nagmano ako dito at sa asawa nito. "Aling Nena, dalawang ninety-nine po pala. Ikakaltas nalang sa sweldo ko."
"Sige hija! Naku! Nagpapalibre na naman iyang si Claire sa iyo?"
"Ma naman! Mabuti na nga iyon kaysa kumuha ako sa paninda natin?"
"Anong mabuti ka diyan. Nagpapakahirap iyan dito si Phenice na mag-gig para magkapera. Tapos, ikaw pa ang uubos?"
"Hindi ko naman uubosin ma. Ngayon lang ito," sabi nito ng nakangiti sa ina.
"Ngayon ka lang diyan? Iba naman mamaya?" Bara ng kanyang ina.
"Okay lang po, aling Nena. Nililibre din niyo po kaya ako minsan kaya, give and take lang po ganoon."
"O siya! Ililibre ko nalang muna kayo ng pananghalian dahil panigurado hihingi na naman sa iyo iyan mamaya."
"Naku! Maraming salamat po."
"Ang bait mo kay Phenice nay!"
"Kung tinutulungan mo sana ako dito, malamang libre ka palagi sa akin."
"Tumutulong naman ako kapag gabi nay ah? Hindi naman pwedeng ngayon dahil may klase."
"Palusot ka pa? Iyong kapatid mo nga lang ang natitira tuwing gabi dahil gumagala ka."
"Hindi iyan totoo! Humanda sa akin ang totoy na iyan. Pipiktusan ko talaga siya."
"Iyang bibig mo, Claire. Pagpasensyahan mo na talaga itong anak ko hija."
"Okay lang po. Sanay naman din ako dahil sanay na ako diyan."
"Ayan! Naku Claire," sabay baling sa anak. "Kailan ka pa ba magtitinong bata ka? Tingnan mo itong si Phenice," sabay turo sa akin. "Maganda, neat pa! Maayos ang buhok, ikaw?" Tingin ulit sa anak. "Dalaga kung tingnan. Maiksi lamang abg mga galaw. Kung magsasalita, pili lamang?"
"Naku nay! Mabuti pa ay magpalit nalang kami ni Phenice ano?" Biro naman nito na ikinatawa ng kanyang ina.
"Hindi naman anak. Ang sinasabi ko lang naman, hindi ka na bata anak. You are already teen, tapos na ang iyong childhood years. Hindi ko sinasabing pak!" Sabay aksyon nito. "Dalaga ka na. Embrace changes anak! Little by little, we need to grow as a mature person dahil we need to make decisions on our own. In order to do that, you need to think and act maturely para magawa mo ng tama ang mga desisyon mo sa buhay."
"Naku nay! Opo! Nasaulo ko na," walamg interes na sabi nito.
"Pabayaan mo na muna ang mga bata, Nena. Tatanda din ang mga iyan. Maaga pa naman at marami pa silang pagdadaanan sa buhay na tiyak, ikakatanda nila." Ani nito sabay lapag ng mga pagkain.
"Salamat po tay!" Maligayang sabi ni Claire.
"Hay naku! Palagi mo nalang pinagbibigyan ang dilag natin. O siya! Magpakabusog kayo Phenice at anak," ani nito habang ginugulo ang buhok ni Claire.
"Nay naman! Paano ako magmumukhang mature kung tinuturing niyo parin akong baby niyo?"
"Exemption anak," sabay halakhak nito. "Sige na, papasok na muna kami."
"Maraming salamat po aling Nena at mang Kanor."
"Walang ano man hija," sabay sabi ng magulang ni Claire.
Napangiti ako sapagkat napakaswerte ni Claire sa mga magulang niya. I wished I had one. Napabaling ako kay Claire na kanina pa palang nakatingin sa akin.
"Bakit?" Tanong ko dito.
"Wala pa bang balita sa mama mo?" Tanong nito na ikinailing ko. "Ilang taon narin ba noong lumabas siya ng bansa para magtrabaho?"
"Pagkalipat namin ng bahay," hindi ko maiwasang magtunog malungkot.
"Oo nga pala, matagal narin iyong mga bata pa tayo kaya hindi ko na naalala," natatawa niyang sabi upang pagaanin ang aking loob. "Kain na tayo, Nice. Gutom na oka!"
Natawa ako bigla dahil nagbebeki language na naman siya. Mabuti nalang talaga at nandito si Claire palagi upang samahan ako sa hirap at ginhawa ng aking buhay. I am truly grateful na mayroon akong kaibigan at matuturing na totoong pamilya.
"Huy! Bakit ka nakatulala sa akin? Natotomby ka na ba sa akin?" Biro nito.
"Hindi nuh! May muta ka kasi," biro ko sa kanya at agad naman niyang pinahiran ito kaya ako napahalakhak.
"Saan? Pahiram ng salamin." Sabi nito kaya natawa ako ulit.
"Biro lang naman."
"Hindi mo ako mabiro-biro Nice! Sige na, pahiram."
Mapilit ito kaya kinuha ko nalang ang salamin. Napailing na lamang ako sapagkat mali atang binibiro si Claire dahil mapapasuno ka talaga at hindi ka tatantanan kapag hindi nito makuha ang gusto.
"Wala naman ah?" Sabi nito sabay bigay sa akin ng salamin. "Ikaw kaya ang mga muta," sabi nito pero hindi ako naniniwala.
Ilalagay ko na sana ang aking salamin pero tumawa siya ng mahina. "Nagbibiro ka lang diba?" Tanong ko dito. Hindi ko rin natingnan ang mukha ko kanina. Ako pa talaga itong nang-asar tapos may ano pala sa mata ko.
"Seryoso kaba Claire? Bakit natatawa ka?"
"Wala! Haha!" Pigil nitong tawa. "Ibalik mo nalang ang salamin sa bag mo," sabi nito ngunit na curious ako kaya tiningnan ko ang sarili sa salamin.
Malakas itong natawa at napabaling pa sa amin ang ibang kumakain. Pati narin si aling Nena at mang Kanor ay napatingin sa amin. Pinagningkitan ko ito ng mata dahil ginogoodtime niya ako.
"Sabi ko naman sa iyo diba? Wala nga! Bakit mo pa tiningan?"
"Ewan ko sa iyo, Claire." Nagtatampo kong sabi.
Nilantakan ko nalang ang pagkain sa aming harapan habang patuloy na tinatawanan ako ni Claire. Binalewala ko nalang ito sapagkat nagutom narin naman ako. Dumating ang ibang kakilala namin kaya mas naging maingay ang mesa.
Hindi ko napansin na gumagabi na pala at wala akong nagawa upang maghanap ng kakantahin ko para ngayong biyernes. Napatingin ako sa aking relo at ilang oras nalang ay magsisimula na ang gig. Sakto naman ng pag-angat ko ay nagsidatingan ang mga tutugtog mamaya. Napakamot nalang ako sa ulo dahil wala talaga akong nagagawa kapag ginaganahan na akong makipag-usap.
"Hoo! Go Nice!" Sigaw ni Claire.
"Huy! Ano ka ba, Claire. Mamaya pa ako kakanta. Nakakahiya ka," pigil ko nito dahil napatingin ang mga tao sa amin.
Marami-rami narin ang mga taong pumapasok at kumakain sa loob. Unti-unti naring sinisindihan ang mga ilaw sa loob habang papalubog ang araw. Umilaw narin ang signage sa labas ng food park na may nakasulat na 'Hideout'.
"Nice!" Tawag sa akin ng gitarista sabay kaway.
Kumaway ako dito. "Punta muna ako doon guys," paalam ko sa kanila. "Claire?"
"Sige! Dito lang kami Nice."
Tinanguan ko ito at agad nagtungo sa kakilala komg gitarista. Matagal na akong nag-gigig sa kanila ngunit siya lang ang nakakausap ko. Nahihiya kasi ako sa ibang kasamahan niya sa banda kanya minabuti ko nalang na siya lang ang kausapin.
"Nasaan ang ibang bokalista, Phil?" Tanong ko dito.
"Paparating pa daw. Kanina ka pa dito?" Tanong nito habang inaayos ang kanyang gitara.
"Oo, dito kami nananghalian kanina."
"Hindi na kayo pumasok?"
"Hindi na, nakapagpaalam na kasi si Claire kay President at okay lang din naman."
Tumango ito. Katulad ko, estudyante din si Phil o Phillip. Iisang paaralan lamang ang aming pinapasukan kaya ito din ang dahilan kung bakit kampante akong kinakausap siya.
"Practice muna tayo?" Tanong nito sa akin.
"Hindi ba natin aantayin ang ibang bokalista?"
"Sa parts mo muna tayo tutugtog."
Sabi nito kaya agad akong umupo sa harapan. Wala pang ilaw kaya hindi masyadong kita kami ng mga tao. Nasa harapan na ako ng mikropono at kahit na madalas na akong kumakanta ay kinakabahan parin ako.
Napabaling ako sa aking likuran kung saan nag-uusap-usap sila kung saang parts lang ang kanilang tutugtugin. Sinimulan ito ni Philip sa isang pluck kung saan naghaharmonize siya. Agad akong bumaling sa mikropono noong nagsimula ng tumugtog ang buong banda.
Muntikan na akong matigil sa pagkanta noong nakita ko sa aking harapan si Patrick. Nakaupo ito habang may mga kasamahang lalaki. Nakatingin ang mga mata niya sa akin kaya napaiwas ako dito. Humugot ako ng hininga nung nagkaroon ako ng pagkakataon. Bumaling ako ulit at mabuti nalang ay hindi na siya nakatingin sa aking banda.