CHAPTER 6

2371 Words
Chapter Six - Hindi namamansin Huling nota ng kanta ang aking tinamaan ay natapos ang practice namin. Nagsidatingan narin ang ibang vocalist kaya bumaba na ako sa aking kinauupoan. Hindi pa naman oras para magperform kaya sila na muna siguro ang mag-eensayo. "Balik lang muna ako kay Claire, Phil." Paalam ko dito habang abala ito sa pagpapatono sa susunod na kanyang tutugtugin. "Sige, balik ka dito maya mga," sabay tingin neto sa relo. "Thirty minutes para makapagprepare pa tayo kung may mga changes." "Sige. Mauna na ako," paalam ko at agad tinalikuran si Phil. Dahan-dahan akong bumaba sa maliit na stage sapagkat kaharap nito ay ang lamesa kung saan naroon sina Patrick at ang kanyang kasamahan. Inangat ko ang aking tingin sa paligid at nakita kung punoan na ang mga lamesa. Tumingin ako sa banda kung saan nakaupo sila ngunit, tumingin sila sa akin lahat maliban lamang kay Patrick. Natigilan man ay ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad. Dahil sa hiya, dumaan ako sa gilid kung saan ang panghuling lamesa. "Ginalingan ata kasi may gwapo sa harap," hirit ni Claire pagkadating sa mesa namin. "Nasaan sila?" Hanap ko sa mga kasamahan kanina. "Ayon! Bumalik na sa tindahan nila. Maupo ka nga dito, Nice." Ani nito sabay padarag na hinatak ang upoan palapit sa kanya. "Bakit?" Tanong ko nito kahit alam ko na kung anong sasabihin nito. "Sino ba iyong mga kasama ni Patrick? Ang gagwapo," nagawa pa nitong tumayo at tingnan ang malayong lamesa nila Patrick. "Huwag mo ngang tingnan baka ano pang sabihin nila," puna ko sa kanya. "Hindi ko alam kung sino ang mga kasama niya." "Pero, in fairness ha! Pagkababa mo talaga, Pak! Tiningnan ka nila na parang dyosang bumaba galing sa kalangitan. Iyon nga lang, except kay Patrick. Busy ata sa telepono." At ininom nito ang isang baso ng tequila. "Malay ko ba. Tas, bakit mo palaging pinaglalandakan si Patrick sa aking harapan? Wala akong gusto sa kanya. May girlfriend siya-" " Ikaw? Wala!" Bara nito sa akin. Natigilan ako kaya sinamaan ko ito ng mata. "Ano ngayon kung wala?" "Ay bes! Malamang mafafall ka kay Patrick. Huwag ako! Kakabasa ko sa dreame, alam ko na ang pattern, day. Kung palaging lumalapit sa iyo si Patrick, dadating ang araw na hahanap-hanapin mo siya kapag mamimiss mo ang presensya niya." "Kakabasa mo sa dreame naging malawak na ang imahinasyon mo, Claire. Totoo ako. Iba ang mga nababasa mo sa mundong ginagalawan natin. Kaya, huwag mo akong itulad sa mga nababasa mo." "Sus! Magpustahan pa tayo, Nice! Ahy!" Natigil ito sa pagsasalita habang nakatingin sa aking likuran kaya napabaling ako kung sino ang kanyang tinitingan. "Hi Patrick! Ikaw lang mag-isa?" Pabebeng sabi nito na muntik ko ng ikinahalakhak. Nginitian ko nalang ito kaysa naman bumaling ako ulit kay Claire. Kinabahan ako baka narinig nito ang pinag-usapan namain kanina. Madaldal pa naman itong si Claire tapos ngayon lang niya napansin ang presensya nito sa malapitan. Nakangisi lamang ako kahit hindi ako binabalingan ni Patrick. "Hindi. May mga kasamahan ako," sabay baling sa kanyang kinaroroonan." "I see," sabay ngiti naman ni Claire. "Mamaya ulit. May oorderin lang," sabi nito at umalis na. Napakurap-kurap ako sapagkat umalis man lang siya na hindi ako pinapansin. Napatingin ako sa likuran niyang papalayo. Nakapagtataka dahil kakakilala lang namin kanina. 'May short-term memory ba siya kaya hindi niya ako napansin?' Napabaling ako ulit kay Claire na ngayon ay nakataas ang isang kilay. "O ano ngayon? Hinahanap-hanap mo?" "Anong hinahanap-hanap ka diyan? Hindi kaya," tanggi ko dito. "Anyare kay Patrick bakit parang hindi ka kilala?" "Baka hindi niya ako matandaan kasi kakilala lang namin kanina?" Hindi ako sigurado sa aking tanong. "Imposible! Ikaw? Si Phenice Earth Parnells ang kanyang childhood friend, hindi niya kilala?" "Baka makakalimutin lang din si Patrick?" "Hindi. Parang alam ko na kung bakit hindi ka niya pinansin kanina," sabi nito habang nakatuko ang kamay sa baba na parang nag-iisip. "Ano?" Tanong ko sa kanya at umaasa sa kanyang hinihinala. "Sa tingin ko narinig ka niya kanina," sabi niya habang tumatango-tango sa aking harapan. "Ikaw kasi," turo niya pa sa akin. "Hindi ka kasi nag-iingat sa mga sinasabi mo. Hindi ka naging maingat sa pagpili ng mga salita upang wala kang masaktan." "Wala naman akong sinabing masama, Claire. Ang akin lang, nagsasabi ako ng totoo. Kung ano talaga ang nasa isipan ko, iyon ang sasabihin ko. Tapos, ano namang masama doon sa sinabi ko kung hindi ko siya type? Kailangan ba talagang type ko din siya dahil siya ang MVP ng paaralan? Ang pagkakaibigan hindi kailangan ng pabor. Kinakaibigan mo lang ba ang isang tao dahil sa kung anong meron siya? Kaibigan mo ang isang tao kapag tanggap mo kung ano at ang magiging siya," mahabang litanya ko habang si Claire ay nakatungaga lamang sa akin. Ikinaway ko ang aking kamay sa kanyang mukha para magising ito. Nakatulala parin ito habang nauutal sa gustong sabihin nito. "Claire?" Tawag ko nito. "A-Ano kasi," nauutala niyang sabi. Napakunot ang aking noo dahil wala akong naintindihan. Ngumuso ang kanyang bibig sa kanyang likuran. Nagtataka man ay binalingan ko ang kanyang tinuturo at muntikan na akong mabuwal sa aking kinauuupoan. Nakatayo sa aking likuran ay si Patrick na nakangiti lamang habang nakaekis ang mga kamay sa harapan nito. Hindi ako magkaundagaga sa paglunok sa sarili kong laway dahil sa aking kaba. "Nice!" Tawag sa akin ni Phillip kaya napabaling ako dito. Lumapit ito sa akin sabay bigay ng dalawang bondpaper kung saan nakasulat ang kanta. Napatingin ako sa mga nakasukat dito habang kinakabahan parin sapagkat nakikita sa gilid ng aking mga mata na nakatingin ito sa akin. Maraming sinasabi si Phillip ngunit tango lamang ang aking naging tugon dito. "Nakuha mo iyon, Nice?" Tanong nito na ikinatango ko na naman. Natawa ito, "huy! Nice? Okay ka lang? Bakit hindi ka maka-imik diyan?" Napabaling siya kay Patrick na nakatayo sa aming harapan. "Uy! Ikaw pala iyan Patrick? Ikaw lang mag-isa?" Tanong ni Phillip dito kaya nagkaroon ako ng pagkakataon upang ito ay tingnan. Kahit na hindi gaanong mailaw ay makikita mo parin ang mukha nito. Kay bilis ng kidlat kung ako ay makaiwas kapag titingin ang kanyang mga mata sa aking banda. Nag-uusap parin sila habang todo naman ang kurot ni Claire sa aking tagiliran. "Lagot ka! Rinig ka na naman ni Patrick," bulong nito sa aking likuran. "Kasal-anan mo kasi ito," bato ko din na bulong sa kanya. Napangiti ako noong bumaling sa akin si Phil. Hindi ko naman magawang tingnan si Patrick sapagkat nagiguilty ako. Dama ko kasing nakakahiya kapag nakarinig ang taong pinag-uusapan. Hinawakan ni Phil abg aking balikat sabay tingin kay Patrick. "Kukunin ko muna si Phenice. Kailangan na naming magprepare," paalam nito kay Patrick ngunit si Claire ang sumagot. "Sure, Phil! Galingan mo, Nice. Hindi ka pa nakapagpraktis para sa kanta mo sa darating na biyernes," sabi pa nito na ikinahiya ko. Para kasing pinaparinggan nito si Patrick kaya nahihiya ako baka seryosohin niya ito. Sinamaan ko ng tingin si Claire ngunit nakangisi lamang ito. Hinatak na ako ni Phillip kaya hindi ko nagawang tingnan ang naging reaksyon ni Patrick. Pagkarating ko sa stage ay napatingin ako sa banda kung saan nakaupo si Claire. Siya namang pag-alis ni Patrick doon habang kumakaway pa si Claire dito. Binalingan ko kaagad ang ibang vocalist at ang banda na nag-uusap tungkol sa mga ginawang pagbabago. Habang nakatalikod ako ay hindi ko maiwasang kabahan dahil naririnig ko ang usapan ng mga kalalakihan sa baba. Naririnig ko din ang boses ni Patrick at bawat salita na sinasabi nito ay aking pinapakinggan. Natatakot ako baka mapag-usapan nila ang sinabi ko kanina. "Okay let's start," ani ng manager namin kaya napatango kami. Naupo kami kung saan ang aming pwesto. Tatlo kaming vocalist na nakaupo sa harap habang nasa likuran naman namin ang banda. Hindi pa umiilaw kaya tanaw ko na umayos ng upo ang mga kalalakihan sa harapan namin. Tumingin sa aming banda si Patrick ngunit hindi niya ulit ako tiningnan. Napaiwas nalang ako ng tingin baka mababagabag pa nito ang aking isipan kapag kakanta na ako. Nagkaroon ng ilaw ang maliit na stage at siya namang pagsigaw ng emcee hudyat na magsisimula na ang live session. Nag-ingay naman ang mga banda kaya mas naging alive na ang mga audience. Marami pang sinabi ang emcee hanggang sa pinakilala kami isa-isa, simula sa akin. "Ako po si Phenice Earth Parnells," pagpapakilala ko. Hindi mapigilan ng aking mga mata na tumingin sa harap kung saan nakaupo si Patrick at ang mga kasamahan nito. Nginitian ko bawat isa sa kanila noong nakita kong tumingin sila sa akin. Tumingin naman si Patrick ngunit hindi man lang ito ngumiti. Inilibot ko kaagad ang aking mata noong nagsimula ng magpakilala ang ibang bokalista. "Ang kanta na ito ay para sa mga taong malakas ang puso na nagparaya sa kanilang mga mahal para sa kanilang kalayaan at kaligayahan. Hindi madaling magparaya sa isang bagay na alam mong nagpapasaya sa iyo ng matagal na panahon. Ngunit, kailangan nating gawin ito dahil mahal natin sila at ayaw nating dumating sa punto na tuluyan na itong mawawala sa buhay natin." Sabi ng aking kasamahan at nagsimulang tumugtug ang gitara ni Phillip. All the memories of our past, Like daggers on my mind, All the memories that bleeds, The words that I could never find, But, I always say to you I can't. Ako ang naunang kumanta habang napapikit ang mga mata sa konsentrasyon. Nadama ko bawat lyrics ng kanta kaya hindi ko maiwasang tingnan ang aking kaibigan. Isang ngiti ang nakapaskil sa kanyang nga labi. Ilang taon narin ang nakalipas noong iniwan ako ng aking ina para maghanap-buhay sa labas ng bansa. Wala kaming natanggap ng aking ama kahit niisang tawag man lang. Labis ang pag-aalala ng aking ama hanggang sa sumapit ang isang taon, naging lasinggero ang aking ama. Nawalan siya ng gana upang ipagpatuloy niya ang kanyang buhay kaya hindi niya nagampanan ng mabuti ang kanyang responsibilidad bilang ama. Napangiti nalang ako habang inaalala ang mga panahong masaya pa kami bilang isang pamilya. Nakakalungkot lang sapagkat hindi na namin nagagawa ulit ang mga masasayang ala-ala. It turned out that the unexpected events that happened manifested in a destructive way to our family. All the memories that's hurting, Long before when you left, Oh! They were all still burning, Fingerprints you left, Oh! But, I always say to you I can't. Ang kasamahan ko na naman ngayon ang kumakanta. Nakikita ko ang sabay na pagkaway ng mga tao sa kanilang mga kamay sa tugtug ng banda. Parang alon na sumasabay sa bawat hampas ng buhay. You bring a thousand crack every time I want you back, And I'll accept them like a fool, Ooh! What do we have to lose, what's your excuse, Coz' I'm already losing you. It's so hard that I can't feel you anymore, I can't face that I can't see you anymore, Walk away until you leave that door, Turn your face and walk away But, turn your face and stay, Turn your face. Natapos ang kanta na nakatanggap kami ng maraming palakpakan. Napangiti ako sa aking mga kasamahan na maayos naming naikanta ito. Agad akong nagpaalam sa kanila at bumaba na sa pwesto habang sinisimulan nila ang kasunod na kanta. Isang kanta lamang ang aking kakantahin ngayong gabi sapagkat nakiusap ako sa manager na magpapraktis pa ako sa contest sa school kaya pinayagan naman ako. Bumaba ako sa entablado na hindi man lang tumitingin sa mga tao. Nahihiya parin akong makisalamuha kahit na ilang buwan narin akong kumakanta dito. Hindi din naman ako pansin habang dumadaan sa pagitan ng bawat tao dahil madilim kaya dire-diretso lang ang lakad ko. "Congratulations Nice! Ang galing!" Bati naman ni Claire sa akin sabay lapag ng isang baso ng tequila. Agad kong nilunok ito at nadama ko ang init na dumadaloy sa aking lalamunan. "Maraming salamat, Claire." "Damang-dama ang kanta ah? Para ba iyon kay?" Sabay nguso sa harapan. Hindi ko na tinitingnan pa ang kanyang nginunguso. Agad ko siyang inikutan ng mata at binalewala ang kanyang tanong. "Alam mo kung sino ang namimiss ko, Claire." "Chill! Nagbibiro lang naman, Nice." Sabay halakhak niya. "Siya nga pala, may sinabi pala sa akin si Patrick kanina. Hindi na niya nasabi sa iyo dahil kinaladkad ka ni Phil," ani nito. Napabaling naman ako kaagad at natuon ang aking atensyon sa kanyang sinasabi. "Ano?" "Hindi ka naman excited, ano?" Nabiglang sabi ni Claire dahil sa paglapit ko rito. "Curious lang nuh," sabay iwas ko at balik sa aking pwesto. "Iyon na nga," at tumigil ito sa kanyang sasabihin. "Ano?" Nabibitin ako sa kanyang sinasabi. Sabay nguso ng kanyang bibig sa aking likuran kaya napabaling ako dito. Si Patrick ang aking nakikita na parating kaya napabaling ulit ako sa kanya. "Ano nga?" "Babalik ako mamaya," sabi nito at umalis sa kanyang kinauupoan. Hindi na ako nakapagprotesta noong umupo si Patrick sa aking harapan. Nginitian ko lamang ito habang napapatingin naman ako sa palayong si Claire. "Bakit rick? May gusto kang sabihin?" Basag ko sa nakakabinging katahimikan. "Nasabi na sa akin ni Claire," sabi nito na ikinakunot ng aking noo. "Na ano?" Sabay titig sa mga mata nito. Dahil sa madilim na paligid ay gumagawa ng silhouette ang bawat ilaw na tumatama sa kanyang mukha. It defined every features of his face and it made him look way cooler. Up from his head down to his Adam's apple. "Kung bakit hindi ka nakapunta sa game ko kanina." "Ahh ano kasi." "Okay na," seryosong sabi nito. "Nagtatampo ka ba?" Nahihiya kong tanong dito. "Naiintindihan naman kita." "Pasensya na talaga kung hindi ako nakapunta kanina sa game mo. Kaya siguro hindi mo ako pinapansin kanina," biro ko dito. "Okay na! Dama ko naman ang kanta mo," natatawa nitong sabi. "Ayan! Bully mo." "Hindi kita binubully, Phenice Earth Parnells. Totoo talaga. Magaling." "Huwag mo akong binobola, Rick. Wala akong barya dito." "Hindi nga kita binobola-" natigil siya sa pagsasalita noong may kumalabit sa kanyang balikat. Napataingin ako dito at ito ang mga lalaking kasama niya kanina. "Pakilala mo naman ako sa kababata natin, Rick." Sabi nito na ikinakunot ng aking noo. Napatingin ako sa mga mukha nito. Kahit na madilim ang paligid ay nagawa kong mukhaan ang mga ito. Nanlaki ang aking mata habang isa-isa kong tiningnan sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD