CHAPTER 7

2793 Words
Chapter Seven - Ang magpinsan "Teka," tigil ko sa dalawang lalaki na namumukhaan ko. "Ikaw si Naynay at si Wawang, diba?" "Bakit kilala mo kaagad sila Nice? Tapos, ako hindi mo man lang mamukhaan?" Ani ni Patrick. "Nagbago kasi anyo mo pre," tugon naman ni Wawang na ikinatawa ng kalalakihan. Natawa narin ako. Nakipagkamayan ako sa kanila. "It's been a long time since lumipat kami." "Oo nga. Siya nga pala, sina Brandon and Callie," pagpapakilala ni Naynay sa iba pang kilala nila kaya nakipagkamayan narin ako. "Hi sa inyo," bati ko sa kanilang kasamahan. "Grabe kayo ang tatangkad niyo na! You changed boys." Masayang sabi ko sa kanila. "Ikaw din Phenice ang taas parin ng energy mo," bara sa akin ni Naynay. Nagtatawanan ang mga lalakihan habang nakaupo na sila sa bawat upoan nila. Ako lamang ang nag-iisang babae dito kaya nahihiya akong tingnan ang paligid. "Bakit ang tahimik mo Wang? Mas madaldal ka pa sa akin noon," puna ko kay Wawang na tahimik sa aking tabi. He changed. Galing sa matabang bata noon ay naging isang binata na ngayon. Kitang-kita sa katawan nito na batak ito sa gym. Walang taba akong nakikita sa kanyang katawan kung hindi ang mga nagtitigasan lamang na mga muscle niya. Nagmukhang mature na nga rin ang mukha nito na papasa bilang isang modelo. "Sino ba ang hindi matatahimik kung katabi pala niya ay may crush sa kanya noon?" Nagulat ako sa sinabi ni Naynay sapagkat ako lamang ang babaeng katabi niya at si Patrick na ang nakaupo sa kabila. "Ano? Saan mo nakuha iyan?" Nagulantang ako sa sinabi ni Naynay. "Kay Patrick," si Wawang na ngayon ang nagsalita. "Hindi ko sinabing crush ko si Wawang," sabay tingin ko dito. "I mean, bakit iba ang mga sinasabi mo Patrick?" Sabay baling ko sa natatawang Patrick. "So? Hindi iyon totoo?" Nagulantang ako sa biglaang sabi ni Wawang. "Bakit gulat ka?" "Sinong hindi magugulat kung ang tahimik mo lang kanina? Tapos, ngayon ang taas ng energy ng daldal mo." "Sinurpresa lang kita. Nasurpresa ka ba?" Parang bata nitong sabi. "Hindi Wang. Pero, chinito ka parin," puri ko sa maganda nitong mata. "Crush nga ako neto," proud nitong sabi na ikinahalakhak ko naman. "Sinabihan lang ng chinito, gusto agad? Huwag assuming Wang," ani ko dito na ikinahiyaw ng mga kalalakihan. "Kaya ka palaging nasasaktan dahil assuming ka masyado," hirit naman nung Callie ang pangalan na nagpahiyaw ulit ng kalalakihan. Nahihiya kong tintingnan ang mga tao sa paligid dahil napapatingin na sila sa aming banda. Ang iingay kasi nila kaya hindi na naririnig ng iba ang tumutugtug. Agad kong inawat ang mga ito para hinaan ang mga boses. "Itong si Patrick talaga ang assuming," bawi naman ni Wawang. "Siya ang nagsabi sa akin kaya nag-assume naman ako. Siya nga pala, mabuti nalang at nagkita kayo ni Patrick?" "Ah Oo! Actually, we've met the other day lang nung nagsimula na ang intramurals week. Bumili kami ng makakain ng kaibigan kong babae sa canteen. And accidentally, we bumped into each other. Pero that time, hindi pa siya nagpakilala sa akin na siya pala si Rick." "Sabi ni Rick na starstruck ka daw sa kanya?" Sabi ni Naynay na hindi ko naman kaagad nasagot. Dinaan ko nalang ito sa tawa upang takpan ang mukha kong nahihiya. Sa tingin ko nga, pinamulahan na ako sapagkat dama ko ang init na nanggagaling sa aking mga pisngi. "Hindi naman," depensa ko. "Ganito kasi iyon, nag-usap kami ni Claire about something at iyon na nga, accidentally, nabangga ko si Patrick. Tapos, bumuhos pa ang ulan noon kaya nagulat talaga ako noong hinawakan niya ako para panatilihin." "Umuulan kasi noon," sabi naman ni Patrick na ikinatango ko. "That was how we first met. Hindi ko din alam kung kilala mo na ba ako noon o hindi pa?" Tanong ko sabay baling kay Patrick. "Hindi pa kita kilala at that time pero noong marinig ko ang pangalan mo may naalala ako. And to my surprise, ikaw nga ang kababata namin noon. Kung hindi siguro tayo nagkatagpo sa canteen, malamang matatapos ang school year na hindi natin kilala ang isat-isa." "Wow! What a reunion, nakakiyak." Biro ni Wawang habang pumapalakpak pa. Natawa naman sila. "Tigilan mo nga iyan, Wang. Nakakahiya ka," saway ko dito habang nagtitinginan ang mga tao sa banda namin ulit. "Cheers!" Biglang dating ni Claire habang bitbit ang mga bote ng alak. "May pasok pa tayo bukas, Claire. Lagot ka talaga sa nanay at tatay mo." "Anong lagot ka diyan? Pati ikaw iinum, Nice. Walang kj dito." "Hindi pwede Claire alam mo naman diba?" "Ngayon lang naman, Nice," ani ni Patrick. Naghiyawan ang mga kalalakihan upang mapa-oo ako. Wala akong ginawa kaya tinanguan ang mga ito upang magsitigil na sa kakaingay. Napatingin ako sa maliit na stage kung saan tumutugtug pa ang aking mga kasamahan. Nakokonsensya ako sapagkat nagpaalam pa ako na hindi magtatagal dahil kailangan ko pa maghanap ng kakantahin para sa gaganaping contest. Napabuga nalang ako ng hangin sabay balong ulit sa lamesa kung saan nilagyan isa-isa ni Claire ang bawat isa ng bote. "Loosen up a little bit, Nice. Ngayon nga lang tayo nagkakitakita tapos hindi ka oa makipagsabayan?" "Oo na Wang! Ito na nga diba," sabay ikot ko sa aking mga mata. "Siya nga pala, ano palang mga pangalan niyo? Magpinsan kayong lahat?" Tanong ni Claire na ikinatango nila. Napailing nalang ako. "Siya nga pala, this is Claire. Ang kaibigan kong maituturing ko ng bestfriend at kapatid. Siya ang naging una kong kaibigan noong lumipat kami ng bahay," pakilala ko sa kanya sa mga kalalakihan. "I am Naynay," sabay lahad at nakipagkamayan naman dito si Claire. "Nice meeting you, Naynay!" "I am Joshua. Wawang for short," ani nito sabay singkit ng mga mata. "Ang gwapo mo," hindi napigilang sabi ni Claire kaya naghiyawan ang mga kalalakihan. "Ang landi nito," puna ko dito. "Inggit ka lang. Haha! Ikaw?" Sabay turo sa kasunod ni Patrick. "I am Brandon," sabay nakipagkamayan. "At ako naman si Callie." "Nice meeting you guys! By the way, ngayon ko lang kayo nakita dito. Bakit pala kayo napunta dito Patrick?" Tanong nito sabay naupo katabi sa akin na pinagitnaan namin ni Wawang. Napangisi nalang ako dahil sa mga moves ni Claire na sobrang halata. Kung hindi ko lang siguro ito kilala baka nai-judge ko na ito ng wala sa oras. "Nagpunta kami dito dahil kay Phenice," panimula ni Naynay. "Hindi siya kasi nakapunta sa game ni Patrick kanina kaya nag-alala siya ng kaunti baka daw galit si Phenice sa kanya." "Bakit naman?" Ala-tsismosang mode ni Claire. "Kasi nga hindi niya ito nasamahan sa pagpili ng kanta. Sinabihan niyang sasamhan pero hindi niya nagawa." "Okay lang-" "Oo nga! Actually, Phenice was a little bit upset." "Saan mo na naman napulot iyan, Claire?" Tinaasan ko ito ng kilay. "Okay lang talaga. Nag-abala pa talaga kayong magpunta dito para pag-usapan lang ito." "Hindi. Chill lang din minsan kaya kami nandito," sabi ni Naynay tapos tumingin kay Patrick na walang imik. "Saan ba kayo nag-aaral?" Tanong ni Claire sabay lagok ng inumin. "Sa LPCC," sagot naman ni Wawang. "Kaya pala hindi ko kayo namumukhaan. Akala ko nag-aaral din kayo dito. By the way, tapos na ang introduction. Laro muna tayo para naman may kaunting gimik habang inuubos natin ang beer." Mukhang natatamaan na nga itong si Claire kasi kanina pa ito umiinom ng tequila. Napatingin ako sa stage kung saan natapos narin ang pagtugtug ng mga kanta. Nagsialisan ang ibang mga tao sapagkat tapos ng kumain at wala ng live band. "Puntahan ko muna sila," paalam ko sa kanila. "Walang tatakas, Nice." Paalala sa akin ni Claire kaya tinaguan ko na lang. "Samahan na lang kita Nice," ani ni Patrick sabay tayo. "Okay lang. Sandali lang naman ako. Sasamahan ko lang ang kabanda palabas." "Sige na, tara." At nauna na itong naglakad. Napatingin ako sa mga naiwan sa lamesa. "Sorry guys. Mabilis lang ito. Babalik ako kaagad," paalam ko sa kanila. Tumango naman si Naynay at ang dalawang lalaki habang nag-uusap si Claire at Wawang. Tumakbo ako kaagad papunta sa stage kung saan nagliligpit na sila. Agad kong tinulungan silang magligpit. Napatingin ako sa paligid kung nasaan na si Patrick. At nagulat nalang ako noong nakita ko itong tinutulungan ang ibang tumutugtug habang nag-uusap. "Magkakilala pala kayo ni Patrick?" Tanong sa akin ni Phillip na aking ikinatango. "Kakilala lang din namin kanina." At nilagay ko ang mga niligoit na gamit sa bag ni Phil. "Thanks Nice. Nag-abala ka pa talagang tulungan ako." "No problem, Phil. Nakakakonsensya talaga dahil nagpaalam pa ako na mauuna sa inyo tapos nagyaya pa si Claire. Gusto mong sumali?" Sabay turo ko sa lamesa kung saan nakaupo si Claire. "Okay lang Nice. Pass muna ako," ani nito sanay halakhak. "Sure ka?" At tumango naman ito. "Nasaan pala si manager?" Hanap ko dito. "Nasa sasakyan na siguro?" "Tara?" Tawag ng isang bokalista. "Maraming salamat talaga, Nice. Mauuna na ako sa iyo." "Ihahatid ko nalang kayo sa labas para makapagpaalam na rin kay Manager." "Sige tara." At nakisabay na lumakad sa mga kasamahan. Napatingin ako kay Patrick na kinakausap parin ang mga ito. Naunang pumasok ang mga bokalista at sumunod naman si Phil. Nagpaalam na ako dito pati narin ang manager. "Ingat po kayo," paalam ko dito. "Sige ingat pare," dinig kong sabi ni Patrick kaya tumabi na ako para makasakay narin ang mga ito. Kinawayan namin ang papalayong sasakyan. Kami nalamg dalawa ang naiwan dito sa labas kaya binalingan ko ito. Nakatingin parin ito sa papalayong sasayan pagkatapos ay bumaling agad sa akin. "Tara?" Anyaya ko sa kanya. "Dito na muna tayo. Hayaan na muna natin sila?" "Baka malasing na si Claire kakaantay sa atin?" "Hindi iyon malalasing kasama nun si Wawang." "Ano namang gagawin natin dito?" "Mag-uusap lang" ani niya sabay tumingala sa kalangitan. Napatingala ako sa kanyang mukha at napatingin ako sa kanyang Adam's apple na gumagalaw habang nilulunok ang sariling laway. It's so sexy the way it moves. Napaiwas nalang ako at tumingin nalang sa kalsada. "Okay lang talaga, Rick. Hindi ako galit o ano man," basag ko sa katahimikan. "Sure ka? Akala ko kasi nagtampo ka kaya hindi ka nanood sa game kanina." "Pasensya na talaga. Nagyaya kasi itong si Claire na kumain tapos dumating pa ang mga kakilala naming nagtitinda dito at nagkatuwaan kaya ayon naabutan kami ng gabi dito." "Iyon nga ang sabi ni Claire," tipid nitong sagot. "Huwag ka ng mag-alala. Okay lang talaga ako." Tumango ito. "Siya nga pala, maybe I can invite you for a family dinner? After siguro nitong intrams. Masusurprisa talaga si mama." "Huh? Naku! Huwag na Rick. Nakakahiya. Baka nga hindi na ako natatandaan ng mama mo." "Pinag-usapan nga namin kayo noong nakaraang araw. Bigla niya kasi kayong naalala. Kumusta na pala ang mama mo?" "Uhh a-ano. Nagtrabaho sa ibang bansa," ngiti ko dito. "Papa mo? Pasensya na talaga kasi wala kaming balita sa inyonafter niyong lumipat." "Okay lang. Nasa bahay si papa inaasikaso ako," ani ko sabay kagat sa pang-ibabang labi. "Kayo? Kumusta naman mga magulang mo?" "Okay naman sila, as usual. Ano? Game ka ba? Para I can fix our dinner." "Uhh magpapaalam mo na ako kay papa baka kasi busy siya." "Ako ang kakausap sa kanya." Biglang nanlaki ang aking nga matang bumaling sa kanya. "Okay lang Rick. Ako nalang. Sige! Game next week." Wala na akong nagawa. " Tara sa loob? Gumiginaw na kasi." Sabay hagod sa aking mga braso. "Tara? Baka sipunon ka pa," at nilagay ang kamay sa kaing ulo. Mga ngiti na labi ang nakapaskil sa aming mga mukha bago pumasok. Inakbayan niya ako at nadama ko ang init ng kanyang katawan na iniibsan ang lamig ng hangin. Pagkapasok namin sa loob ay ang malakas na tawa ni Claire ang bumungad sa amin. Isa-isa naring nagligpit ang mga nakapalibot na tindahan sapagkat kaunti narin ang mga tao. "Sabi mo hindi iyan malalasing?" Sabay tingin ko kay Patrick. Kinuha niya ang kanyang kamay at nagkibit ng balikat. Nauna itong naglakad kaya sumunod na ako dito. Si Claire lang ang lasing habang ang tatlong lalaki ay pinamulahan lang ng mukha. "Claire," tawag ko dito. "Iyan na nga ang sinasabi ko." "Ang tagal mo kasi. Sabi ko maglalaro tayo tapos umalis pa kayo ni Patrick," sagot nito habang nakasubsub ang ulo. "Ay ewan ko sa iyo, Claire." Dahil kasama narin naman nito sina Patrick kaya iniwan ko ito ng walang sabi-sabi. Agad kong pinuntahan si totoy na mag-isang nagliligpit sa kanilang tindahan. "Sorry toy lasing ang ate mo," bungad ko dito noong nakalapit na ako. "Okay lang po ate nasanay na ako. Ako nakang po ate," tigil niya sa akin noong sinimulan kong ligoitin ang mga kalat sa lamesa. "Okay lang talaga toy." "Ito? Saan ba ilalagay?" Napabaling ako kay Patrick habang bitbit nito ang isang signboard. Hindi ko napansin na nakasunod pala ito sa akin. Bumaling nalang ako ulit sa aking ginagawa at nagpatuloy. "Diyan lang po kuya," sagot ni totoy sabay turo malapit sa akin. Tumango ito at lumapit sa akin. "Bakit mo ako iniwan doon Nice?" "Pasensya na. Kailangan ko kasing tulungan muna si totoy. Alam mo namang lasing na ang ate niya." "Sinong maghahatid sa kanila pauwi? O magsasama kayo pauwi?" "Oo, magtatricycle nalang siguro kami." "Mayroon pa ba sa ganitong oras?" "Oo meron pa naman," at agad kong nilagay sa basurahan ang mga nalikom na basura. "Pwede naming ihatid kayo pauwi." Natigil ako sa gulat. Baka nandiyan si papa tapos lasing na naman. "Okay lang talaga Rick kaya na namin. At saka, baka gabihin pa kayo sa daan." Sabay baling ko dito. "Okay lang talaga, Nice." "Lasing ang mga kasama mo, Rick baka mapaano pa kayo kapag matatagalan pa kayo dito." "Ikaw ang bahala," tunog tampo pa ito. "Oo okay lang talaga. Baka sa susunod nalang," pampalubag-loob ko dito. Nagbuhat narin ito ng mga lamesa at upoan habang hindi ako pinapansin. Nakokonsensya ako dahil sa pagtanggi sa kanyang inoofer. Pero, nakakahiya kasi baka makita niya si papa na lasing sa bahay. Napabuga nalang ako ng hangin. Agad naming natapos ang pagliligpit kaya isinarado na ni totoy ang kanilang tindahan. Iilan nalang ang nakabukas na tindaan habang ang iba ay pauwi narin. Pinuntahan namin kaagad si Claire para makauwi na. "Ate uwi na tayo," sabi ni totoy habang sinusundot ang braso ng kapatid. "Asan si Phenice?" Tanong nito habang nakasubsub parin ang mukha. "Hali ka na, Claire. Kayo?" Sabay tingin kay Patrick. "Mauuna narin siguro," seryoso niotng sagot kaya tumango nalang ako. Agad tinawag ni Patrick ang mga kasamahan at tumayo naman ang mga ito oara umalis. Nagpaalam narin ang mga ito bago sumunod kay Patrick na nauna na. Nakakakonsensya dahil hindi man lang siya nagpaalam. Baka nga nagtampo ito. "Hali ka na Claire," ani ko habang inaalalayan ang kanyang braso. "Buhatin mo ako, Nice." "Hindi ko kaya Claire tumayo ka nalang." Tumayo naman ito at kaagad na umakbay sa mga balikat namin ni totoy. Hindi naman gaanong mabigat si Claire dahil payat ito at malaki narin si totoy kaya napupunta mostly sa kanya ang bigat ni Claire. Lumabas kami ng foodpark na paekis-ekis ang paglalakad dahil sa malikot si Claire. Tumigil muna kami uoang mag-antay ng tricycle. Inilibot ko ang aking paningin at hindi ko na nakita sila Patrick. Baka nga nakauwi na ang mga iyon. Ilang minuto ang lumipas ay walang tricycle na dumaan. Nakaalis nakang ang iba dahil may mga motor ang mga ito. Ang signage nalang ang nakailaw sa labas ng foodpark. "Toy? Maglalakad nalang tayo kaysa abotan tayo ng bukang-liwayway dito." "Kaya mo pa ba ate? O ako nalang?" "Kaya ko pa naman toy. Huwag kang mag-aalala." "Bakit kayo tumigil?" Bulong ni Claire. "Ito na nga maglalakad lang tayo." "Wala bang tricycle?" "Walang dumaan," ani ko habang nagsisimulang maglakad. "Nakakangawit Nice," sabi naman nito habang nakatungo lamang ang ulo. "Mas nakakangawit sa kapatid mo, Claire." "Magtatricycle tayo," ulit nito. Biglang may pumarada sa aming gilid kaya napatingin kami dito. Bumukas ang bintana ng sasakyan at nakita namin si Patrick. Bumaba ito sa sasakyan at lumapit sa akin. "Sumakay na kasi kayo Nice. Wala na kayong masasakyan," bahid sa boses nito ang irita. "Sige na, Nice! Ikaw pala ang may pakana kung bakit wala tayong masasakyan," bulong naman ni Claire. Napatingin ako kay totoy na nahihirapan narin. Siguro naman tulog na si papa ngayon, sana nga. Bumaling ako ulit kay Patrick na nag-aantay. Wala akong nagawa kaya tumango ako. Agad na inalalayan ni Patrick si totoy at ipinasok sa likuran ng sasakyan nito kasabay si totoy. "Hali ka na," tawag sa akin ni Patrick. Tumango ako at lumapit sa backseat para buksan ito. Agad na hinarang ni Patrick ang kanyang kamay sa may pintuan nito. Napatingin naman ako dito habang nakakunot ang mga noo. "Sa front seat ka uupo, Nice. Walang ng esapsyo diyan." Ani nito na ikinatango ko kalaunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD