Chapter Eight - Mapang-abusong Ama
"Paliko sa daang iyan Rick," sabi ko habang tinuturo ang daan patungo sa bahay namin. "Maraming salamat talaga at hinatid mo pa kami."
"Walang problema, Nice. Palagi bang ganitong oras kayo umuuwi?"
"Oo palagi. Ngayon nga lang na walang dumaang tricycle. Mabuti nalang at nandito pa pala kayo.."
"Naduduwal ako Nice," ani ni Claire sa likuran.
Napatingin ako sa likuran kung saan hawak-hawak ito ng kanyang kapatid. Kasama niyang natutulog ang iba pang lasing kasama na si Wawang at Naynay. "Itigil mo muna Rick baka magsuka pa dito sa loob," ani ko at itinabi niya ang sasakyan.
Agad akong bumaba at nagtungo sa likuran. Pagkabukas ko ng pintuan ay siyang pagduwal ni Claire sa akin. Napuno ang suot ko na damit at tumalsik ang suka nito sa ibat-ibang parte ng aking katawan. Gusto kong masuka sapagkat kay baho nito. Amoy asim ito na nanunuot talaga sa aking ilong patungo sa kalamnan kaya nakakasuka.
"Claire," ani ko habang nagpipigil na sumigaw. Tumatawa lamang siya habang pinupunasan ang labing may tira pang laway.
"Pasensya na ate," panghihingi naman ni Totoy.
Narinig ko ang pagsirado ng pintuan ni Patrick kaya napatingin ako dito. "Anong nangyari dito?" Tanong nito at tumingin sa damit ko.
Agad na hinubad ni Patrick ang kanyang damit at agad kong iniwas ang aking paningin. Inabala ko nalang ang aking sarili sa pagpahid sa mga sukang dumidikit sa aking balat gamit ang kaliwang kamay ko. Hindi ko magawang tumingin sa kanya ulit baka nakahubad ito.
"Suotin mo muna ang damit ko Nice," ani nito habang nakikita kong inaabot niya ito da aking harapan.
Hindi ko naman siya magawang tingnan. "Baka wala ka ng susuoting damit Rick malamig pa naman."
Narinig ko ang kanyang pangtawa ng mahina. "Hindi ako nakahubad, Nice. May sando pa akong suot."
Napatingin na ako sa kanya at tama nga siya may suot siyang itim na sando. Ngunit, hindi ko mawari kung bakit nabighani ako sa soot niyang sando kahit ordinaryong sando lamang ang kanyang soot. Bukod sa hinuhulma nito ang kanyang katawan ay makikita ang braso nito, ang balikat at dibdib na sumisilip, at ang nakabakat nitong dibdib.
Iniwas ko ang aking mata at inabot ang kanyang damit. May inabot naman siyang panyo kaya ginamit ko narin itong pangpunas sa aking katawan. Para akong robot kung makagalaw. Hindi ko magawang magsalit man lang upang magpasalamat o makipag-usap dito. Kahit na malamig ang paligid ay nag-iinit ang aking katawan na siyang nagpapakaba sa akin.
"Okay na iyan, Nice. Maghubad ka na."
Napabaling ako kaagad sa kanya habang napakurap-kurap ang mga mata. Gulat sa kanyang sinabi dahil nakakahiya kapag sa harap niya ako maghuhubad. Wala na akong ibang suot na damit-panloob bukod sa aking bra.
"Okay ka lang?" Agad na sabi ni Patrick at hinawakan ang aking braso. "Ang init mo, Nice."
Agad kong umiwas. "Hindi uhh nilalamig lang siguro ako Rick. A-Ano kasi wala akong ibang damit kaya," napatingin ako sa paligid. Madilim naman ang likuran ng sasakyan noong tingnan ko at wala namang ibang ilaw sa malapit bukod sa ilaw ng sasakyan. "Magpapalit muna ako sa likuran ng sasakyan."
"Ahh!" Napatango siya habang nakangisi. "Akala ko naman kung ano ng nangyari sa iyo. Sige," sabay turo sa loob. "Sa loob na ako mag-aantay." Tanong niya sa akin habang tinitingnan ako sa mata.
"Sige," sagot ko sabay iwas at tingin sa kanyang damit.
Pagkaalis niya ay nagpasya akong pumunta narin sa likuran ng sasakyan. Dahan-dahan kong hinubad ang aking damit habang patuloy na tumutulo ang suka galing dito. Napakaasim talaga ng baho noon kaya napangiwi ang aking mukha. May nakita akong punong kahoy na malapit kaya dito ko na muna nilagay baka kung sa sasakyan pa mapunta ang suka ni Claire dito.
Agad kong isinuot ang damit ni Patrick dahil nanlalamig na ang aking katawan. Maluwag ito ng suotin ko kaya napayakap ako sa aking katawan dahil pumapasok parin ang hangin sa aking dibdib. Maluwag din ang laylayan nito kaya kailangan kong maging maingat baka makita pa ang aking dibdib.
"Rick? May cellophane ka ba diyan para lagyan nitong damit ko?" Sigaw ko sa nakabukas niyang bintana.
"Wait!" Sigaw nito pabalik.
Kinuha ko ang damit at maayos na itinupi upang hindi matapon ang mga suka sa damit baka mapunta pa sa loob ng sasakyan. Dumating si Patrick na may dalang cellphone at kaagad naman niyang ibinigay sa akin ito. Agad kong ipinasok ang mabaho kong damit at pati narin si Patrick ay hindi mapigilang mapailag dahil sa asim ng amoy.
"Dito nalang mo muna ilagay iyan sa likuran ng sasakyan," sabi nito sabay bukas ng likuran.
Itinabi niya muna ang mga gamit na nakakalat sa likuran ng sasakyan at nilagay sa isang lalagyan. Nilagay ko naman kaagad ang cellophane na bitbit ko noong tapos na si Patrick. Isinarado na niya ito pagkatapos naming maayos itong ilagay.
"Parang maluwag ang damit ko sa iyo, Nice."
Agad ko namang tinupi ang kanyang damit sa bandang dibdib ko. Nakalimutan kong takpan ito habang nilagay ko ang cellophane kanina. Baka nakita niya ito, nakakahiya naman. Kaya, napangisi na lamang ako.
"Maluwag nga pero okay na ito. Maraming salamat Rick."
Napangisi ito habang tumatango, "tara?" Anyaya nito at anuna ng naglakad.
"Bakit pangiti-ngiti ka pa Rick?" Tanong ko sa kanya habang sa kabila dumaan.
"Wala," nakangising sagot nito nung buksan ko ang pintuan.
"Wala ka diyan! Baka iniisip mong para akong hanger dahil sa damit mo?"
Mas natawa na siya at hindi na mapigil ang pagpipigil sa kanyang tawa. Napaungol maman ang mga lasing sa likuran dahil sa ingay ni Patrick. Agad ko namang sinapak ang braso nito dahil sa inis.
"Tumigil ka na nga diyan Rick!' sabay ikot ng aking mga mata.
"Pasensya na talaga ate," dinig kong sabi kay totoy kaya napatingin ako dito.
"Okay lang talaga toy. Hindi naman ito ang unang beses na sinukahan ako ng ate mo. Baka nasukahan ka ng ate mo?"
"Hindi naman po," nakangising sagot nito.
Tinanguan ko ito at bumaling ulit sa nakangising Patrick. "Anong ningiti-ngiti mo diyan? Nakakainis ka Rick!" At tumingin na ako sa harapan.
"Ang sarap mong asarin, Nice." Tugon naman nito kaya sinapak ko ulit.
"Ewan ko nalang sa iyo!"
"Ano ba kasing tumatakbo sa isip mo at naasat ka masyado? Wala naman akong sinabi na mukha kang hanger. Iba ang nasa isip ko, Nice."
"A-Ano?" Nauutal kong tanong.
"Ang maliit na boobs mo Nice," sagot ni Claire habang ginagaya ang boses ni Patrick.
Bumahakhak ng tawa si Patrick dahil sa sinabi ni Claire. Agad naman akong napabaling sa bintanang malapit sa akin habang nagpipigil ng inis. Natatawa narin ako habang napakagat sa aking labi.
"Wala akong sinasabi Nice," hirit pa ni Patrick.
Mas lalo tuloy akong hindi mapatingin dito. Napansin ko lang na medyo uminit ang aking pisngi kaya minabuti ko nalang na sa bintana nalang ako tumingin. Napailing ako at binalewala ang mga tawa sa loob habang pinapaandar na niya ang kanyang sadakyan.
Agad na tumakbo ang sasakyan ni Patrick habang may naririnig pa akong mumunting tawa. Napatingin nalang ako sa daan sapagkat malapit na pala kami sa bahay namin. Agad kong tinuro ang bahay ni Claire kung saan ay katabi ang amin. Mabuti nalang at hindi nakatambay si papa sa labas ng bahay kaya napanatag ang aking loob. Itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng kanto kaya mas kampante akong lalabas na hindi napapansin ng aking ama.
"Nandito na ba tayo?" Biglang sabi ni Claire noong mapansin ang pagtigil ng sasakyan.
"Nandito na tayo ate," sagot naman ng kanyang kapatid.
Agad itong bumaba ng sasakyan kaya nataranta akong lumabas. Agad ko itong inalalayan sa paglabas baka mapaano pa. Mabuti nalang at nandito si Totoy para umalalay baka ano pa ang nangyari sa akin kapag kami lang dalawa. Napailing nalang ako dahil sa kalasingan ni Claire na hindi ko mapipigilan.
Nakita ko namang bumaba si Patrick ng sasakyan. "Kami nalang dito Nice," ani niya at agad akong pinalitan.
Wala na akong nagawa kaya hinayaan ko nalang siya. Tumawid na sila sa daan papuntang bahay ni Claire kaya napasunod nalang ako sa kanila. Bumungad naman sa pintuan si aleng Nena na nag-aalala habang dali-dali namang umalalay si mang Kaloy.
"Pasensya na talaga kayo at napurhisyo kayo ng anak ko."
"Okay lang po aleng Nena," sagot ko naman dito.
"Tumuloy na muna kayo sa loob, Claire." Anyaya naman nito na agad kong tinanggihan.
"Huwag nalang po aleng Nena. Pauwi narin kasi ako. Nandiyan ba si tatay?" Bulong ko dito.
"Oo," at agad ngumisi kay Patrick. "Ngayon lang kita nakita hijo?" Sabay tingin sa akin.
"Schoolmate po namin ni Claire. Mabuti nalang at nandiyan pa sila kaya naihatid kami dito."
"Maraming salamat pala sa iyo hijo, kung hindi nako! Kanina pa ako nag-aalala sa kanila. Ito talagang si Claire ang hilig ng uminom pasensya na talaga."
"Okay lang po. Baka mauuna na po ako kasi gumagabi na," paalam naman nito.
"Sige hijo! Punta ka ulit sa foodpark para mailibre kita."
"Okay lang po nakakahiya naman," sabay tingin sa akin.
Napangisi naman ako. "Huwag ka ng mahiya Rick."
"Oo nga! Huwag ka ng mahiya hijo. Mahilig ka ba sa mga pagkain sa foodpark?"
"Oo po. Palagi po kami sa foodpark pero ngayon lang kami napunta sa Hideout."
"Ganoon ba? Naku! Sisiguraduhin kong sasarapan ko talaga." Ani naman ni aleng Nina.
Natatawa nalang ako habang napatango nalang si Patrick. Napipilitan nga itong tumatango sa nanay ni Claire.
"Magpapasama nalang po ako kay Claire," sabi naman niya na ikinatango ko.
"O sige! Aasahan kita ha?" Panigurado ni aleng Nena.
"Opo," agarang sagot nito.
"Phenice! Bakit ang tagal mo?"
Nagulantang kami dahil sa pagsigaw ng aking ama. Lumabas ito ng gate habang paekis-ekis ang lakad. Lasing na naman ito kaya napabuntong na naman ako ng hininga. Nandito pa si Patrick, nakakahiya naman.
"Tay? Mano po," sabi ko ngunit sapak sa noo ang aking natanggap.
"Bakit ginagabi ka palagi? Tumulad ka na ba sa ina mong iniwan tayo? Hah!"
"Tay, gabi na po. Pasok na po tayo sa loob," mahinahon kong sabi.
"Sagutin mo ako kung bakit ka ginagabi," sigaw nito ulit. "Dinig ko kumakanta ka na raw sa mga bar?"
"Tay? Pasok na po tayo. Nagigising na oo ang mga kaput-bahay natin."
"Nahihiya ka pa? Samantalang, hindi ka nahihiya sa pinanggagawa mo?"
Hindi na ako nakapagtimpi. "Ginagawa ko po ito para sa atin-"
Agad akong nakatanggap ng sampal galing sa aking ama. "Manunumbat ka pa? Ang galing mo ng manumbat sa akin simula noong nagkaroon ka ng trabaho. Ama mo parin ako."
Pinagbuhatan ulit ako nito ng kamay ngunit hindi sa akin dumapo ang kamay nito. Napatingin ako sa kamay na nakasangga para hindi ako matamaan. Bumaling ako sa aking likuran at nakita kong si Patrick ito.
"Sino ka naman? Ikaw ba ang naghatid sa pokpok kong anak?"
Isang salita lamang ito ngunit parang paulit-ulit nitong tinutusok ang aking puso. Lumandas ang mga luha sa aking pisngi na ngayon ko lang nailabas. Matagak na akong nagtitimpi ngunit bakit ngayon ko pa nagawang umiyak at sa harapan pa ni Patrick.
"Kaklase po ako ni, Phenice. Hinatid ko po sila dito galing sa trabaho nila."
"Aba'y nanghihimasok ka pa-"
"Rick?" Pigil ko sa aking ama sabay baling kay Patrick. "Maraming salamat. Umuwi ka na muna. Pasensya ka na hindi na muna kita maaasikaso ngayon," pakiusap ko sa kanya haang nagpipigil ng hikbi.
Makikita sa mga mata niya na ayaw niya munang hayaan ako. Ngunit, inilingan niya ako. Gulat ang kanyang mga mata habang pinapakawalan ang kamay ng aking ama.
"Parang magnobyo at nobya kayo ah?"
"Sige na Rick. Maraming salamat."
"Pumasok ka na Phenice," ani nito at agad ko itong sinunod.
Hindi ko na binalingan si Patrick kung umalis na ba ito o hindi basta ay sumama ang aking ama papasok panatag na ako. Dinig ko ang pagsara ng sasakyan ni Patrick kaya napabaling ako dito.
"Isarado mo na ang pintuan," sabi nito.
Dahan-dahan kong isinarado ang pintuan at nakita kong agad na umalis ang sasakyan ni Patrick.