Chapter 3

2821 Words
Chapter 3 Patay   The moment my body hit the water a nostalgic feeling swept through me. Noong unang beses kong sumulong sa ganito kalalim na tubig ay kay Colton kaagad ako kakapit dahil sa takot na baka tanurin ako ng alon palayo.   “Tara, Trix mas marami yata doon.” Ani Kaye at lumangoy palayo. Hindi naman ako kaagad na nakasunod dahil sa lalim ng iniisip ko.   “Lumayo ka diyan, baka mauntog yung ulo mo sa makina…” Nabitawan ko yung tinapay na hawak-hawak ko dahil sa bigla-biglang pagsulpot ni Yael. Sandali kong pinanood yung mga maliliit na isda na nagsilapit lahat doon at pinagsaluhan yung tinapay na unti-unting lumulubog pailalim pero sigurado ako na bago pa no’n marating ang dulo ay ubos na ito.   Muli kong binalingan ng tingin si Yael na hindi na wala ng suot ng goggles. Inalis ko rin yung saakin para mataasan ko siya ng kilay. Nanghihinayang talaga ako doon sa tinapay! Hindi ko man lang na enjoy ipakain sa mga isda.   “Kaya ko ang sarili ko.” Tipid akong ngumiti para itago ang iritasyon na nararamdaman ko sakanya. His jaw tighten.   “Alam ko, pinapaalalahan lang kita…” Bago pa man ako makasagot sakanya ay narinig tinawag na siya nung russian na kausap niya kanina.   “Yael! There are alot of fishes here!” sigaw niya at itinuro pa ang parte ng tubig kung saan siya naroroon. She’s just wearing a goggles, hindi siya naka life vest.   “Yeah, just a minute!” Sigaw pabalik ni Yael sakanya at muli akong hinarap. Hindi ko mapigilang mapairap sa kawalan. May naganap na palang introduce yourself portion sa mga ito pero bakit nandito pa rin siya? Nanahimik ako rito.   “Si Kristina iyon….” pakilala ni Yael saakin at binasa ang kanyang ibabang labi. He feels uneasy while looking at me. Na para bang may ginawa siyang kasalanan kahit wala naman.   “Tinatanong ko?” sarcastic kong sabi sakanya.   Lumawak ang mga mata niya at sandaling namula ang buong mukha niya pero sa bandang huli ay bumuntong hininga siya.   “Sinasabi ko lang…” paliwanag niya. Pinagmasdan ko siya ng ilang saglit. He’s still on his white shirt pero bakat na bakat naman ang balat niya at muscles niya dahil basa na ito. May suot siyang life vest kaya hindi gaanong kita ang balat niya na sumisilip sakanyang t-shirt. Basa rin ang kanyang buhok pati ang kanyang mukha.   “Sa’yo na ‘to…” bigla niyang sabi at iniabot saakin yung tinapay na hawak niya. May mga konting kagat na iyon ng mga isda. Hindi ko iyon kinuha kaagad, tinignan ko lang na may pagkamangha sa mukha ko. Para akong nakuryente nang kunin niya ang isa kong kamay at inilagay sa palad ko iyong tinapay. I looked at his face with narrowed eyes and he just grinned at me while still holding my wrist.   I don’t understand him. Parang noong isang gabi lang ay napakabastos niya pero ngayon ay nagiging gentleman nanaman siya. Nang maibalik ako sa huwisyo ay kaagad kong binawi ang kamay ko sakanya at mahigpit na hinawakan yung tinapay na bigay niya.   “Thanks!” Iyon na lang ang sinabi ko at lumangoy na ako palayo sakanya. My heart is about to jump off of my chest while swimming towards Kaye. Hingal na hingal ako nang makarating ako sa kinaroronan ni Kaye. Mag-isa lang siya doon pero mukhang masaya pa rin siyang nagpapakain ng mga isda. My left fist is still hard as rock and inside it is the piece of bread that Yael handed me.   “Cute! Tignan mo oh!” She said while teasing the fishes with a piece of bread that she’s holding. Ngumiti na lang ako at pinanood yung mga isda. Kapag itinataas ni Kaye yung tinapay ay lalayo nanaman ang mga isda pero kapag ibinababa niya ulit ito sa tubig ay unahan sila sa paglapit.   “These starving users!” Tumatawang sabi ni Kaye. Natawa rin ako at nag-enjoy sa panonood sa kalokohan niya.   “Feeling ko mas maraming isda doon… Ayaw mo?”   “Hindi ko na kaya doon, Kaye. Kinakabahan ako, baka matangay ako.” I said, honestly. Hindi ko talaga gusto iyong mga sobrang lalim na parte ng dagat. Pakiramdam ko ay may hihila na lang pababa saakin o di kaya’y tatangayin ako palayo. Iniisip ko pa lang iyon ay parang nilulunod na ako. At Isa pa masyado ng malayo sa bangka ang gustong puntahan ni Kaye.   “Okay, ako na lang. Saglit lang ako.”   “Kaya mo ba? Baka mamaya mapano ka…” Hindi ko maitago ang pag-aalala sa boses ko. Hindi ko alam kung nerbiyosa lang ba talaga ako o talagang delikado doon.   “Keri lang! Pangarap ko kayang maging sirena noong bata ako!” Aniya. Natawa ako ng bahagya doon. Seryoso siya doon, nabanggit niya saakin iyon noon.   “Baliw! Sige na, dalian mo ha? Hintayin kita dito.” sabi ko sakanya. Tumango naman siya at muling isinuot ang goggles niya at nagsimula ng lumangoy palayo. Napatingin ako sa gawi noong ‘Kristina’ daw at napansin kong hindi niya kasama si Yael. My eyes searched for him and when I looked at the boat, I saw him there. Mag-isa lang siya doon at tinatanggal ang life vest niya. Magulo pa ang buhok niya at tikom ang kanyang bibig. Buti ay hindi siya nagpunta doon sa Kristina niya? Kanina pa siya tinatawag nito.   “Kayeleen!” Dinig kong biglang sigaw ni Matt. Kaya napatingin ako sa gawi niya at nawala ang atensyon ko kay Yael. May sinabi siya sa mga babaeng nakalapigid sakanya bago siya lumangoy palayo sa mga russian fishes niya. Nang madaanan niya ako ay tumigil siya sa paglangoy at nagtatanong akong tinignan.   “Loka-loka talaga ‘yang kaibigan mo, ano?” Iling-iling niyang sabi.   I twitched my nose. “Gusto niya lang makakita ng marami pang isda.” Pagtatanggol ko.   Sumeryoso ang mukha niya. “Mamaya malunod pa siya sa ginagawa niya e.” anas niya at saka mabalis na lumangoy papunta kay Kaye. Mabuti na lang hindi pa masyadong nakakalayo si Kaye kaya nahabol siya kaagad ni Matt. They stayed right there, mukha ngang nagtatalo pa ang dalawa dahil ayaw magpaawat ni Kaye. I already expected that. May pagkaka pareho silang dalawa kaya talagang mag ka-clash lang sila.   May naramdaman akong papalapit saakin kaya napalingon ako doon at napansin ko kaagad si Yael na lumalangoy papunta sa kinaroroonan ko. No goggles, no life vest.   My heart was thumping again and my breathing became heavy. Tila ba nakalimutan ko ng huminga nang tumigil siya sa harapan ko. His eyes found mine and I stiffened. I inhaled briefly to wake my senses.   “Bakit hindi ka naka life vest? Feeling niyo cool kayo niyan?” puna ko na lang para kahit papaano ay matanggal ang pagiging abnormal ng reaction ng katawan ko sa tuwing malapit siya. At isa pa, nag-aalala rin naman ako dahil baka kung mapano rin siya. O baka dahil nerbiyosa lang talaga ako pag nasa gitna ako ng dagat  at pakiramdam ko ay palaging may mangyayaring hindi maganda.   “Beatrix, I’m a pilot. We’re well trained incase of emergencies.” his brows furrowed at me. Hindi na ako sumagot, napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. Nagbaba naman siya ng tingin sa kamao ko, kung saan naroon pa rin yung bigay niya.   “Ano ‘yan?” Kumunot ang noo niya. Wala sa sarili kong ibinuka ang kamay ko at ipinakita ang palad ko sakanya. Mula sa salubong niyang kilay at kunot niyang noo ay natawa siya ng bahagya. Damn! I really hate his laugh at this moment… Because I loved it way back then. Ganoon naman talaga siguro? At first, you love it but in the end, you’ll hate it. You’ll hate it because it ruined you.   That laugh of his ruined me…  and now it’s about to crash me. I’m just doing everything in my power to be still.   “Go feed the fishes… Tapos bumalik na tayo sa bangka.” Aniya. Tumango na lamang ako at inilublob yung tinapay sa tubig at nag-unahan iyong mga isda sa pagkain no’n. Gusto ko pa sana silang paglaruan pero parang mas gu-gustuhin ko pang bumalik na lang sa bangka kaysa sa ganito kalapit si Yael saakin. At least doon ay may espasyo pa rin kami kahit papaano. Nang maubos na nila iyong tinapay ay sinulyapan ko sina Matt. Nakasuporta siya sa likuran ni Kaye habang ginagawa ng kaibigan ko kung ano ang gusto niya.   “Tara na?” Pagkuha ni Yael sa atensyon ko. Saglit ko siyang tinignan at tipid na tinanguan. Pinauna niya ako sa paglangoy tapos ay sumunod siya saakin, maging sa pagsakay ng bangka ay ako pa rin ang pinauna niya. Gusto kong mag protesta noong una dahil naiilang ako. He might check my ass out pero syempre, ayoko ng humaba pa ang usapan kaya nauna na ako. Napasinghap pa ako nang hindi niya sinasadyang mapahawak sa bewang ko para alalayan ako paakyat.   Kami pa lamang na dalawa dito sa bangka (bukod doon sa dalawa) at para h’wag akong magkaroon ng dahilan para matignan o kausapin siya ay tinanggal ko na lang ang life vest ko kaya naman tuluyan ng na expose ang bikini top ko. Hinanap ko yung cover up blouse ko sa inuupuan ko at hindi ko pa man nakukumpirma sa sarili kong realisasyon na siguro’y nagkapalit kami ng upuan ay may kamay na kaagad na nag-abot saakin noong cover up blouse ko.   “Oh heto,” aniya habang iniaabot saakin iyon. Kaagad ko namang tinanggap iyon at isinuot. Pagkatapos kong masuot iyon ay siya naman itong naghubad ng suot niyang basang puting t-shirt. Parang mas lalo pa yatang gumanda ang katawan niya ngayon. Akala ko noon ay iyon na ang pinakamaganda pero may igaganda pa pala. This should be prohibited! It is unfair! Bakit ba may mga taong beyond perfect pa? That is so impossible and so unrealistic.   Kaya nga nakakapgtaka kung totoo pa ba ang lalaking nasa harapan ko ngayon o isa lamang siyang imahinasyon na nabuo saaking isipan. Pati pagpilipit niya sakanyang damit ay parang napaka perpektong panuorin. Tangina! Pumasok na siguro sa utak ko yung tubig dagat kaya puro alat na ang laman nito.   “Nababasa na ‘tong bag mo,” aniya at inginuso yung maliit kong bag na nasa tabi niya. Kaagad kong tinignan iyon at tama nga siya, kaunti na lang ay pati sa loob ay mababasa na! Hindi pa naman ito waterproof.   “s**t!” I cursed. Nandoon pa naman iyong digi-cam, phone, pocket wifi at wallet ko! Pati yung sunblock at lipbalm ko ay nandoon rin.   “Sigurado, pagdating natin sa kabilang isla ay pati gamit mo sa loob ay basa na.” Aniya. I bit my lower lip hard. Tama siya. Lalo na’t medyo kaskasero pa naman ang nag da-drive ng bangka namin. Kulang na lang ay titilapon na kami e.   Tinignan ko siya. “Paki-abot, please.” I genuinely said. Gusto ko lang i-check yung mga gamit ko sa loob.   “Iyang bag ko na lang ang iabot mo saakin. Ilalagay ko na lang muna ‘tong bag mo sa bag ko. Kasya naman ito dahil maliit lang.”   I looked at him. “A-ayos lang ba?” I bit my tongue after saying that.   Ngumiti siya. “Of course, Beatrix… Basta ikaw.” Sagot niya. Sandaling lumawak ang mga mata ko at namula ang mga pisngi, pati insekto ko sa tiyan ay nagwala na pero nag-iwas na lang ako ng tingin sakanya at luminga-linga sa side ko.   “Alin dito ang bag mo?” I asked, trying to keep my cool.   “Sa may kanan mo.” sagot niya. Kaagad ko namang kinuha iyong itim na bag niya sa may kanan ko at iniabot iyon sakanya. Tinanggap niya iyon at siya na mismo ang naglagay ng bag ko sa loob ng bag niya.   “S-salamat…” Sabi ko na lang. Nag-angat siya ng tingin saakin at nginitian ako. I cleared my throat and bit the inside of my cheek.   “Mabuti at nandito ka pa? Akala ko ba ay bi-biyahe ka na papuntang Caticlan kagabi?” I asked casually.   Nagkibit balikat siya at ngumisi. “Akala ko rin e…” Sagot niya. Napairap naman ako. Ano ba namang klaseng sagot iyon? Dapat talaga hindi na ako nagtanong e.   “Pero mamaya na talaga ang alis ko,” pahabol pa niya nang mawalan na ako ng interes na makipag-usap. Napa “ahh” na lang ako at tumango. Mukhang magsasalita pa sana siya pero tinawag nanaman siya noong Kristina na paakyat ng bangka.   “Yael…” Her russian accent is hard while pronouncing Yael’s name. Napatingin siya sa kinaroroonan ni Kristina.   “Kristina…” He said with a slight smile. I grit my teeth.   “I was waiting for you there.” medyo nagtatampo pa nitong sabi habang paakyat na. Nang tuluyan na siyang makaakyat sa bangka ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan ang katawan at mukha niya dahil nasa pagitan namin siya ni Yael. She’s skinny at malalim ang mga pisngi nito pero napakaganda pa rin niyang tignan. She’s really tall and long legged. Pang Next Top Model ang kanyang datingan, pero hindi siya gaanong pinagpala sa hinaharap.   “Izvinite, Kristina…” sagot ni Yael na ikinakunot ng aking noo.   Kristina laughed. “Oh, it’s fine, lapochka…” Kumindat pa ito bago muling bumalik doon sa pwesto nila sa may harapan. Lalong nagsalubong ang kilay ko… dahil sa liwanag ng tirik na tirik na araw.   “Palit na nga tayo, ang init-init dito!”   “Mas mainit dito, Beatrix… Hindi ka nga naarawan diyan.” Sabi nito at isinuot ang sunnies niya. I pressed my lips together and as I feel my cheeks burn because he’s right. Sakanya nakatutok ang sinag ng araw.   “Iyon naman pala e! Bakit hindi ka pa makipag palit?” sumbat ko sakanya.   “Kaysa naman ikaw ang maarawan, ano?” Hamon niya saakin. Mas lalo akong napikon.   “Ano naman ngayon sa’yo kung maarawan ako?” Ganti ko sakanya.   “Edi ikaw ang lumipat dito. Tumabi ka sakin, tutal ay gustong-gusto mo naman yatang naiinitan.” He fired back. Umusog pa talaga siya para bigyan ako ang space sa tabi niya. I just glared at him tapos ay nag-iwas na lang ako ng tingin sakanya at hindi na lang umimik.   “LQ yata, ser?” Dinig kong sabi nung guide. Saglit akong napatingin sakanila at bahagyang namula.   “Kasi naman ser, h’wag na kayong kakausap pa ng iba para hindi nagkakaron ng hindi pagkaka-unawaan…” Dagdag pa noong nagmamaneho. Alam ko naman na nagbibiro ang dalawa kaya hindi ko na lang pinansin at humalukipkip na lamang dito.   “Ayaw naman akong kausapin… Tapos naiinis kapag may kausap akong iba.” This time my eyes narrowed and my jaw drop as I draw my gaze at him.   “Ang kapal!” pinaningkitan ko ng mga mata ang nakangising si Yael. Masyado siyang sigurado sa sarili niya!   “Go talk to all the russian fishes out there for all I care!” I hissed at him. Silang tatlo ay sabay-sabay na napatingin doon sa kinaroroonan ng mga russians. Tatlo sa grupo nila ay nandoon na at mukhang narinig nila ang sinabi ko kaya maging sila ay nakatingin na rin saakin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtaas ng kilay ni Kristina.   “Patay,” dinig kong sabi noong isa.   Para akong binuhusan ng tubig na may halong kahihiyan. f**k! Hindi ko alam kung tatalon ba ulit ako sa dagat o ano. Lalo na noong pati yung mga kasama ni Kristina ay sumama na rin ang tingin saakin. Tangina! Mapapa-away pa yata ako!   Hindi ko alam kung paano ako mag-iiwas ng tingin sakanilang tatlo hanggang sa isang maskuladong katawan ang humarang at pumutol sa titigan naming apat. His broad chest and shoulders blocked all the glares that I’m receiving from the three russians. Nag-angat ako ng tingin para kumpirmahin na si Yael nga iyon. He stretched his arm on the steel bar that I’m leaning on my back.   “H’wag mo ng tingnan…” aniya at hinawakan ang baba ko at marahang isinalungat ang tingin ko. He let me face the sea instead. I don’t know why but I felt protected and secured having him near me… O baka dahil naipit lang ako sa sitwasyon kaya ganito ang pakiramdam ko ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD