Chapter 4

2909 Words
Chapter 4                Curious   Kaye shot me a malicious look while hopping on the boat. Hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar niya gamit ang mga mata. Hindi pa doon kay Kaye natapos ang mapang-asar na mga titig dahil nang sumunod si Matt ay mas lalo pa itong lumala. May kasama pang ngisi ang sakanya pero laking pasalamat ko na lang dahil hindi na nagsalita pa ang dalawa.   Next stop namin ay sa magic island para lang mag cliff diving.   “Tara na, Trix!” Excited na pag-aya saakin ni Kaye. Pareho na silang nakaready ngayon ni Matt. Si Yael naman ay hindi pa rin umaalis sa tabi ko. I slightly smiled at Kaye and shook my head.   “Hala… Bakit?” Nagtataka niyang tanong. I haven’t mentioned to her na kahit ilang beses na akong nagpunta dito sa Boracay ay ni minsan ay hindi ko naisipang mag cliff diving. Ayoko talaga.   “Hintayin kita dito.” Sabi ko na lang sakanya habang nakangiti.   Umiling siya. “Hindi na rin ako. Dito na lang ako.” Mabilis niyang sagot.   “Sus! I knew you’ll chicken out,” komento ni Matt. Mabilis siyang pinukulan ng masamang titig ni Kaye.   “Ayaw mo no’n Matthias? Hindi ko masasaksihan ang pagatras mo mamaya kapag ikaw na ang tatalon…” Ganti ni Kaye.     “Who says that I’ll back out, woman?”   “Umalis na nga kayo rito. Ako na ang bahala kay Beatrix, Kaye. Doon na lang kayo mag-away ni Matt.”   Nagulat ako sa biglang pasabad ni Yael at ganoon din si Matt.     “Ano, naduwag ka na rin?” Matt fired at Yael. Hindi niya yata nagustuhan ang anunsiyo ni Yael na hindi siya sasama.   “Umalis ka na lang, gago. Ang dami mo pang sinasabi.”   “Oo nga, umalis ka na lang! Maiiwan rin ako dito.” Sagot ni Kaye.   Matt squint his eyes at Kaye. “Hahayaan mo akong mag-isa doon? Baka ma-rape ako doon. Ikaw rin.” Pangongonsensya niya pa kay Kaye at bahagya akong natawa doon.   “Ang kapal nito!”   “Kaye, sige na. Ayos lang ako dito.” I cut their argument off saka ko binalingan ng tingin si Yael. “Ikaw rin, sumama ka na.” sabi ko sakanya.   Saglit niya akong tinignan bago umiling.Bago pa ako makasagot ay tinawag nanaman siya noong si Kristina na kasalukuyang kasama ang squad niya habang papalapit dito sa kinaroroonan namin. Pinababa na sina Kaye at Matt dahil masyado na kaming dumadami dito sa bandang likod.     “Are you going, Yael?” Kristina asked and flashed her sweetest smile.   “Sorry, no…” Yael replied apologetically.   Tumango-tango ito at saglit akong binalingan ng tingin bago ibinalik ang tingin kay Yael.   “Babysitting, I see…” Aniya at ngumisi. Naningkit ang mga mata ko at umigting ang aking bagang. What the f**k did this russian fish just said?   “Uhm, no, no…” sagot ni Yael at saglit akong tinignan.   Nagkibit balikat si Kristina. “See you later, lapochka…” Kinindatan niya pa si Yael bago siya tuluyang bumaba ng bangka. They were escorted by the two men. May sinabi iyong kasama ni Kristina sakanya gamit ang salita nila pagkatapos ay humagikgik silang lahat. Yung iba ay saglit pa akong sinulyapan.     “What’s with your b***h?” Naiinis kong tanong kay Yael.   Namilog ang mga mata niya pero kalaunan ay kumunot ang kanyang noo kasabay ng pag-igting ng kanyang bagang.   “She’s not my b***h,” mariin niyang sabi saakin.   Tumawa ako ng pagak. “Okay, let me rephrase it… What’s with your girl?” Sarkastiko kong sabi. Ayaw niya yata na tinatawag na ‘b***h’ ang Kristina niya e.     “Mas lalong hindi ko siya babae, Beatrix!”   “Talaga? May nalalaman pa kayong endearment! Ano raw? Lapochka!? Pwe!” I ranted at umusog palayo sakanya. Alam kong tinitignan nanaman kami noong dalawang lalaki kanina. Napansin ko pang nagtinginan ang dalawa at bahagyang natawa. Punyetang lapochka na ‘yan!     Imbes na mapikon siya ay bigla lang siyang napangiti. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko at sinamaan ko siya ng tingin.   “O bakit nadamay pa ako? Narinig mo bang ginamitan ko siya ng endearment?” Nginisian niya ako at umusog palapit saakin. Cool na cool niyang idinantay ang braso niya sa steel bar na sinasandalan ko.   “Isa lang naman ang ginagamitan ko no’n…” aniya habang nakatingin sa mga mata ko saka niya biglang inilapit ang bibig niya sa tenga ko.   “Baby…” He huskily whispered in my ear. Namilog ang mga mata ko at nag-init ang mga pisngi ko kasabay ng pagbilis ng pintig ng puso ko. Pati balahibo ko sa batok ay nagsitayuan na rin! Para akong napaso nang maramdaman ko ang paghinga niya sa tenga ko kaya bigla ko siyang itinulak. Tinawanan lang naman niya ako kaya mas lalo akong napasimangot. Hindi ko alam pero pagago ng pagago ang lalaking ‘to!   I glared at him. Tinaasan niya lang ako ng kilay.   “Pikon…” Paratang niya saakin. Hindi ko na lang pinansin at tumingin na lang sa paligid. Nakita ko iyong cliff kung saan tatalon sina Kaye. Napasinghap ako nang may nakita akong tumalon. God! Where did they get the courage to do that?   Next stop namin ay sa Crystal Cove. Habang umaandar ang bangka papunta doon ay panay ang kwentuhan nila Yael at Matt. Kung minsan naman ay si Kaye rin ay kinakausap ako. Pero kami ni Yael ay hindi na nag-usap kahit na magkatabi pa rin kami. Nang makarating na kami sa Crystal Cove ay kasama pa rin namin yung dalawa. Pero kung tutuusin ay ang nasa plano ay kami lang dalawa ni Kaye ang magkasamang mag i-island hopping ngayon at alam ko na ang nasa plano nila ay sila lang ding dalawa.   Nagpicture kaagad kaming dalawa ni Kaye kung saan merong magagandang view. Kung minsan ay sumusulpot na lang sina Yael at Matt sa likod namin kapag nagse-selfie kami ni Kaye at nakikisama rin sila sa picture. Itong mga to, ang tatanda na marunong pang maki groupie. Yung isang cave lang ang pinuntahan naming apat, yung dalawa ay gusto pang pumunta sa pangalawang cave pero ako ay pasuko na dahil sa sobrang tirik ng araw. Kaya sa bandang huli ay kami nanaman ni Yael ang naiwan at ang dalawa ay sumugod pa rin.   “Ba’t di mo sinasamahan si Matt? Ikaw ang kasama niyang nagpunta dito tapos iniiwan mo siya.” Sabi ko kay Yael habang papunta kami doon sa may bangin na mayroon namang harang. Aaminin ko, medyo nabawasan ang inis ko sakanya ngayon kumpara kanina. Pareho kaming nakatingin sa dagat at sa paghampas ng mga alon sa mga mababang bato. It looks amazing and breathtaking.   “Kaysa naman ikaw ang iwanan ko.” He shrugged. And my stomach did that thing again. Diyos ko naman! Lahat na lang ba ng sasabihin niya ay nagre-react ng abnormal ang katawan ko?     “Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pa akong samahan. Kaya ko ang sarili ko…” Kaswal kong sagot para pagtakpan ang pagwawala ng mga paru-paro sa tiyan ko. Ipinatong niya ang magkabila niyang braso sa may harang at tinignan niya ako kaya napatingin rin ako sakanya.     “I don’t leave easily… Talagang hindi mo ako maiintindihan dahil para sa’yo ay napakadaling bumitaw.” his voice is low but his words are screaming. Para akong nasampal ng paulit-ulit.   Ibinalik ko ang tingin ko sa dagat at bumuntong hininga. “Are we still talking about you being Matt’s companion here? Kasi kung hindi, tapos na ang usapan natin.” I fired at him. I didn’t know where did I got the audacity to fire back at him.     “Why don’t you want to talk about it?” Tila ba naiinis niyang tanong. Mabilis ko siyang binalingan ng tingin.   “Why do you want to talk about it?!” I replied in gritted teeth. Ano pa ba ang dapat naming pag-usapan? Kung gaano nila ako pinagmukhang tanga? Siya mismo ay nakita niya kung gaano ako halos mabaliw dahil sa kakahanap kay Jess!   Ang thankful ko naman dahil nandiyan siya para i-comfort ako. Little did I know that I was being comforted by a lie!   “Kasi nanghihinayang ako… nanghihinayang ako saatin, Beatrix. We could have been happy— hell! Baka nga kasal na tayo ngayon!” Frustration is visible in his voice and I was caught off guard by his words. Damn! I badly want to finish this conversation. He’s just about to start with his confrontation yet I can’t take it no more. It’s too much. It’s terrifying me.   Napaawang ang bibig ko habang nakatingin ako sa mga kamay kong mahigpit na nakahawak sa may harang. Walang lumabas na salita mula saakin kaya muli kong itinikom ang bibig ko at mariing kinagat ang pang-ibaba kong labi.   “Yael!” sabay kaming napalingon doon sa tumawag sa pangalan niya. We saw Kristina waving at him ten feet away from us. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa bigla-bigla niyang pagpasok sa eksena o maiinis na lang dahil sadyang naiinis ako sakanya.     Pareho kaming hindi umimik at inantay ang papalapit na si Kristina. She’s alone and I roamed my eyes around the place to see some of her friends taking selfies.   “The day after tomorrow is our flight back to Russia. My friends said that I should invite you and Matt to a bar hopping tomorrow.” She smiled sweetly to Yael, completely ignoring me. Saglit kong tinignan si Yael na kasalukuyan ring nakangiti kay Kristina. Bumuntong hininga na lamang ako at umalis para bigyan sila ng privacy.   Umupo ako doon sa may silong at ipinatong ang siko ko sa batong mesa na nasa harapan ko. Sa katabi kong mesa ay mga koreano at sa kabila naman ay kapwa ko mga pilipino. Yung iba ay nakatingin saakin dahil mag-isa ako pero kaagad din naman silang nag-iiwas sa tuwing mahuhuli ko sila. Naiinip ako at medyo naiilang lalo na’t wala akong hawak na cellphone dahil na kay Yael ang mga gamit ko. Sinulyapan ko sila ni Kristina sa may hindi kalayuan.   They’re still talking and smiling at each other from ear to ear. He didn’t even noticed that I left! Well, iyon ang akala ko dahil maya-maya ay dumako ang tingin ni Yael saakin at muling ibinalik ang tingin kay Kristina. Mayroon siyang sinabi at hindi nagtagal ay mukhang nagpaalam na si Yael at iniwan na doon si Kristina.   Habang naglalakad papalapit saakin si Yael ay hindi ko magawang mag-iwas ng tingin. His top skin is exposed. Ang ganda ng repleksyon ng sinag ng tirik na tirik na araw sakanyang maskuladong katawan. This captain is a full course meal. No doubt that Kristina is always tagging along at him like she’s starving.     Nakatingin lang siya saakin at wala akong mabasang ekspresyon sakanyang mukha. Nang ilang hakbang na lang ang distansya namin sa isa’t-isa ay nag-iwas na ako ng tingin at umayos ng upo. Pigil hininga ako nang maramdaman ko ang presensya niya sa likod ko at lalo na noong tuluyan na siyang naupo sa tabi ko. It feels like my heart is about to jump out of my chest. Tangina! Bakit ba ganito? Hindi ko ginustong maramdaman ang mga ganitong bagay sa simpleng pag-upo niya lang sa tabi ko! f**k hormones!     Naramdaman ko ang matiim niyang pagtitig saakin mula dito sa tabi ko. I braced myself and jerked my head to face him. Basa ko sakanyang mukha na may gusto siyang sabihin, mukhang gusto niyang ituloy yung usapan namin kanina.   “Yung… yung bag ko?” Sabi ko na lamang bago pa siya makapagsalita. Bumuntong hininga siya at ipinatong ang backpack niyang itim sa batong mesa na nasa harapan namin. Binuksan niya iyon at kinuha ang maliit kong bag sa loob saka iyon iniabot saakin.   Pansin kong mayroon na siyang sunburn sakanyang shoulder blades at sakanyang dibdib. It’s sunburn and I know it’s painful. Napatingin ako sa mukha niya at nakatingin na siya kaagad saakin. Napansin ko kaagad ang namumula niyang mga pisngi na mukhang na sunburn rin. Damn! Even pain looks good on him. Alam kong nahuli niya na akong nakatingin pero laking pasalamat ko na lang dahil hindi na siya nagsalita pa. Ibinalik ko ang tingin ko sa bag ko at kinuha ang ointment para sa sunburn. Mabuti na lang at naidala ko iyon.   Iniabot ko iyon sakanya pero tinignan niya lang at tinaasan ako ng dalawang kilay.   I rolled my eyes. “Apply mo sa sunburn mo…”   Umiling siya. “Hindi na kailangan. Mawawala rin naman ‘tong mga ‘to.”   “I know but still you have to apply this. That’ll sting…”   Nagkibit balikat siya at hindi na nakipagtalo pa. Tinanggap na niya iyong ointment at binuksan iyon. Pinanood ko siya habang pinapahid niya sa sarili niya yung oinment. Napairap na lamang ako nang mapansin kong hindi naman niya natatamaan yung mga parteng namumula sa katawan niya.   “Ayusin mo naman… Sayang lang ‘yong ointment, hindi mo naman maayos na nalalagyan yung may sunburn.” sita ko sakanya.     He clicked his tongue. “E hindi naman ako naggaganito. Saan pa ba merong namumula?” He asked me with furrowed eyebrows and tilted his head showing me his neck and his adam’s apple. Saglit akong napatingin doon at napalunok.   “Akin na nga!” sabi ko para maialis ang atensyon ko sa leeg niya. Inagaw ko sakanya yung ointment at pumisil ako sa fingertip ko.   “Umusog ka dito…” Utos ko sakanya. Kaagad naman siyang sumunod saakin. I pushed the side of his head not so that I can see his burns clearly, but because I don’t want to meet his gaze while I’m applying the ointment. I felt him stiffened when my fingertip touched his skin. Binilisan ko na ang paglalagay sakanyang shoulder blades, tahimik lamang siya at hindi na nag protesta.     I squeezed another pea size of ointment on my fingertip and I was about to apply it on his chest but he immediately grabbed my wrist to stop my tip from landing to his skin.   “S-sandali lang…” nag-angat ako ng tingin sakanya at mas lalo pang naging doble ang pamumula ng mga pisngi niya. Halatang-halata ang pagkailang sa mukha niya kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na pagtawanan siya.   “Pa virgin ‘to…” Natatawa kong bulong.   “What?” kinunotan niya ako ng noo.   Umiling ako. “Wala, ang sabi ko naiilang ka pa… H’wag kang mag-alala, yung mga iba kong pasyenteng lalaki ay binibihisan ko pa.” natatawa ko pa ring sabi sakanya.     Natigilan ako sa pagtawa nang biglang dumilim ang kanyang mukha at napakasama ng titig na ipinukol niya saakin.   “Come on, let me…” pang-iiba ko na lang at hindi pinansin ang masama niyang mga titig. Nakita kong nagbaba ang dibdib niya nang maglabas siya ng isang buntong hininga. Hinayaan niya na akong lagyan ang itaas na parte ng kanyang dibdib. Mas binilisan ko ang pag ap-apply sa doon kaysa sa shoulder blades niya kanina. Saka lang ako nakahinga ng normal nang natapos ko na.     “Mag suot ka na ng t-shirt, ha?” kaswal kong bilin sakanya.   Hindi niya ako pinansin. “Was that legal?” kunot noo niyang sabi.   “Ang alin?” Tinaasan ko siya ng kilay.   “Yung binibihisan mo yung mga pasyente mong lalaki.” I saw his jaw clenched.   “Syempre naman… Nurse ako, Yael. Walang malisya iyon saamin.” I replied with a snort. Pumalatak naman siya at hindi na sumagot pa.   “E kayo? Pwede ba sainyo yung…” I paused.   He raised his brows at me, urging me to finish my sentence.   “f*****g your flight attendants. Was that legal for you as a pilot?” I bluntly said. Napansin ko lang si Matthias. Sa hitsura niya ay mukhang lahat ng flight attendants na babae ay natikman na niya. Biglang nanlawak ang mga mata niya at bahagya siyang namula. He’s such a blusher. Hindi siya nakasagot at pinaglapat niya ang kanyang mga labi.   Ako naman ngayon ang nagtaas ng dalawang kilay sakanya para hintayin ang sagot niya. Pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Bakit ba nagagalit siya? Did he already f****d a flight attendant? My chest clenched at the thought.   “Bakit ayaw mong sumagot? Tinatanong ko lang naman kung pwede, hindi ko naman tinatanong kung nagawa mo na.” Hinaluan ko iyon ng tonong pang-aasar pero taliwas iyon sa pagsikip ng dibdib ko.     He clicked his tongue. “Pwede. A pilot can f**k with his flight attendants. Happy?”   Sandali akong nanahimik at tinignan siya sa mukha.   “Have you tried to?” Sa wakas ay naitanong ko matapos ng sandaling pananahimik.     Mahina siyang napamura. “Stop it.” Mariin niyang suway saakin. Lalo akong nilukob ng kuryosidad. Kung kailan ako binabawalan ay doon ako mas lalong nagpupumilit.   “Bakit ayaw mong sagutin? Come on, napaka kill joy mo naman!” I let out a fake laugh. I felt a lump on my throat.     “Tsk! Tumigil ka nga, Beatrix!”   “Edi ginawa mo na nga…” Pagkokompirma ko kahit na hindi pa siya umaamin talaga. Halata naman kasi iyon sa bawat pagtanggi niya. At bakit niya ba itinatanggi? Ano naman ngayon saakin diba? It’s his life. We were already done. He can do what he pleases at wala na ako doon.     “Damn! I said stop it! That was before I met you!”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD