Pleasure Island Hindi na siya nag-usisa pa pagkabalik ni Gigi. Sa isip ni Graciella, hindi na niya kailangan pang ungkatin kung anong namamagitan sa dalawa. Wala siyang makapang galit. It’s not his fault. Wala naman sigurong ideya si Patrick na may koneksyon sa kanya ang ex nito. Ngunit kahit anong pilit, hindi niya mapigilan ang magdamdam. Ang malas-malas naman talaga niya sa lalaki! Laging kadugo niya ang nagiging karibal niya. Kung hindi kapatid, pinsan naman. Yung totoo, isinumpa ba siya noong past life niya? May sumpa bang nakaatang sa kanya na tuwing makakahanap siya ng lalaking kaakit-akit, sa pamilya niya pa rin mapupunta? Napansin ni Gigi ang pananamihik niya habang nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak-hawak ang cellphone pero wala namang tinatapos na nababasa. “Gel, may proble

