TODO ang pag-iwas ni Graciella na makasalubong ng tingin si Patrick. Ngunit hindi niya iyon ipinapahalata sa lalaki. Pati na kay Jaycee. Ayaw niyang magtaka ito. She could act normal. Kaswal na conversation lang habang nasa isang open bar sila sa isla. Hindi nga tinawag ang islang ’yon na Pleasure Island sa wala lang. Lahat nang makita niya sa lugar na ’yon ay nagsusumigaw ng panunukso—mula sa malalambot na ilaw na kumikislap sa paligid ng bar, sa mga babaeng nakasuot ng makukulay na bikini na sumasayaw sa tabi ng DJ booth, hanggang sa malakas na tugtog ng musika na parang pilit hinahatak ang lahat na magpakasaya at magpakalasing. Kahit ang mismong open bar na kinauupuan nila ay parang nang-aagaw ng atensyon. Walang sulok na hindi visually stimulating. Nakaupo siya sa tabi ni Jaycee, at

