PARANG nawala ang epekto ng alak sa katawan ni Graciella. Hindi na niya nagawang magsaya pa pagkatapos ng engkwentro nila ni Patrick. Ang hula niya, nagkaroon ng pag-uusap sa pagitan ng lalaki at ni Gigi. Matagal na nawala ang dalawa at nang bumalik, napansin niya ang pagbabago ng timpla ng pinsan. Namumula ang mga mata nito at halatang pilit na lang ang pagpapanggap na masaya. Sunod-sunod rin ang naging pagtungga nito ng alak, para bang gusto nitong takpan ng kalasingan ang bigat na nasa dibdib. "Gi, that's enough. Umuwi na tayo." Nilapitan niya ito, pilit inaagaw ang hawak nitong baso. "Hindi! Walang makakapigil sa akin!" Halakhak ang isinagot ng pinsan niya, at bago pa siya makasabat ay inagaw nito ang baso ni Finn. "Inom pa tayo!" Napangiwi si Graciella habang pinapanood ang paglal

