"SO, you're gonna crush them now?" Bumaling si Finn sa kanya, amused ang ngiting nakaguhit sa labi. "That's right. Matagal mo nang dapat ginawa 'yan. Ano pa ang hinihintay mo ngayon?" Patrick took a long, deep breath. Nakatitig siya sa asul na dagat habang nakaupo sa dalampasigan. Tatlong araw na mula nang bumalik siya sa Pleasure Island. Ang islang iyon ang pangalawa sa paborito niyang puntahan tuwing nangangailangan ng pahinga ang isip niya. Una siyempre, ang villa niya sa Batangas. Doon siya madalas magpahinga kapag gusto niya ng katahimikan. But whenever he wanted to play, to let loose, or simply to indulge in pleasures he could not afford outside, ang isla na pagmamay-ari ng mga Monasterio ang pinupuntahan niya. Ilang taon na rin siyang miyembro doon. At sa tuwina, hindi pa rin niya

