Pleasure Island “Alam din ba ni Tita Maribeth ang nangyari kay Tito?” untag ni Gigi kay Graciella. Katatapos lang ng yoga session nila at inaya siya nitong mag-kape sa isang café na malapit lang sa studio. Dalawang linggo na ang nakalipas buhat nang isugod sa ospital ang kanyang ama. At ngayon, nasa bahay pa rin ito, nagpapahinga kasama ang asawa nito. Pero hindi naman niya araw-araw nakikita ang mga ito dahil nakabukod siya. Since she was eighteen, she’s been living on her own—isang desisyong ginawa niya noon para matutunan kung paano tumayo sa sarili niyang mga paa. “Sigurado ako, nakarating na sa kanya ’yon,” maikling tugon ni Graciella habang maingat na iniikot ang straw sa malamig na iced latte sa harap niya. Pero kahit sabihin niyang nakarating na, wala siyang balak umasa ng kahit

