“B-BITAWAN mo na ako.” “Hindi kita mapagkakatiwalaan na hindi tumakbo palayo sa akin.” Sinamaan niya ng tingin si Patrick, pilit na ipinapakita ang tapang kahit nanginginig pa ang loob niya. “Sa tingin mo pagkatapos ng nangyari, makakatakbo ako?” matalim niyang tanong, halos maubusan ng lakas ang tinig niya. “That’s not what I meant,” mahina pero madiin ang sagot ng binata. Hinaplos nito ang buhok niya, marahan, parang isang bagay na ayaw nitong mabitawan. At sa kabila ng protesta ng isip niya, kusang bumigay ang katawan. Nakaunan siya ngayon sa matinong dibdib ni Patrick at nakadantay ang palad niya sa matigas na kalamnan nito. Ramdam niya ang bawat pagtaas-baba ng dibdib ng binata, bawat t***k ng puso nito na tila ba nakikisabay sa kaniya. Tanging manipis na tela lamang ang tumatak

