Chapter 58

1779 Words

HINDI pumayag si Patrick na hindi siya ihatid sa cabin niya. Nagpumilit ito, gaya ng nakasanayan na niyang ugali ng lalaki—matigas ang ulo, laging ipinipilit ang gusto. At gaya rin ng nakasanayan, wala siyang nagawa para pigilan ito. May bahagi sa kanya na nagsasabing dapat niya itong itaboy, pero may mas malaking bahagi ang ayaw ding makipagtalo. Wala pa rin si Graciella sa cabin nila pagkadating niya roon. Tahimik ang paligid, ang hangin ay dahan-dahang sumisipol sa mga dahon ng mga puno sa paligid ng resort. Ang pintuan ay nakabukas nang bahagya, at ramdam niya ang malamig na simoy ng hangin na pumapasok mula sa bintana. “See. Wala pa ang pinsan mo. Maaga pa…” may halong panunuksong sabi ni Patrick, parang batang nakahanap ng dahilan para manatili. “Maaga pa naman talaga. Tirik na ti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD