Nakaramdam siya ng matinding pagkapahiya. Para bang bigla siyang nilamon ng lupa, at sa sobrang hiya, gusto na lang niyang maglaho. She quickly shook her head, pilit na ini-ignore ang nararamdaman. Was that a rejection? Was that his subtle way of pushing her away? Whatever. Pinilit niyang ibulong sa isip iyon, kahit parang may humahapdi sa dibdib niya. She’s tired of being the good girl. Tired of always doing what’s expected of her. Kung iyon ang ibig sabihin ng pagtanggi nito, fine. She wasn’t taking it. Hindi na siya papayag na siya lang ang sumusunod sa rules. Sumunod siya kay Patrick, tahimik na nakatingin sa malalapad nitong balikat habang nauuna itong naglalakad sa mahaba at mamahaling pasilyo ng villa. Sa bawat hakbang nila, umaalingawngaw ang ingay ng mga yapak nila sa makinis na

